You are on page 1of 49

------------------------------

TITLE: Jack & Jill , A Love Story © JF ™ [Fin]


LENGTH: 1767
DATE: Jun 01, 2014
VOTE COUNT: 264
READ COUNT: 35351
COMMENT COUNT: 5
LANGUAGE: Filipino
AUTHOR: JamilleFumah
COMPLETED: 1
RATING: 3
MODIFY DATE: 2014-08-25 20:19:01

------------------------------

####################################
THE PROLOGUE
####################################

Original Work of JamilleFumah. All Rights Reserved 2013.

Two years ago when he left me... Masakit sa tunay na kahulugan ng salitang iyon.
Hindi ko alam kung paano ko nakaya na wala siya o wala man lang ako balita tungkol
sa kaniya. Pero dahil mahal ko siya, mahal na mahal ko siya ay naghintay ako...

Oo naghintay ako...

Naghintay ako na babalik siya... na sana okay lang siya kung saan man siya
naroroon.

Pero sa huli, sinampal na lang ako ng katotohanan na naghihintay na lang pala ako
sa wala.

Galit ako, galit ako sa kaniya. Galit ako dahil hindi niya ako binigyan ng
pagkakataong manatili sa tabi niya. Galit ako dahil nag-aalala ako sa kalagayan
niya.

Galit ako dahil namimiss ko siya...

Galit na galit ako dahil ipinagkatiwala niya na pala ako sa iba!

Nagagalit ako sa kaniya dahil pinamimigay niya na pala ako!

Pero mas galit ako sa kadahilanang sa kabila ng lahat ng sakit na dinulot niya sa
buhay ko ay hanggang ngayon... mahal ko pa din pala siya.

MAHAL NA MAHAL KO PA DIN SIYA!

Mahal ko pa din si Jack Walter. Ang lalaking nagpa-ibig sa akin sa unang pagkikita
pa lamang namin.
"I don't know why they call it heartbreak because I feel like every part of my body
is broken too." ~Jill.

A Love Story That will make you cry and ...FALL IN LOVE.

WARNING: This book contains bed scenes. Readers discretion is adviced.

No part of this book may be reproduced in any form or by any means without the
author's consent. Please obtain permission.

BOOK: Names, characters, places and incidents are products of the author's
imagination or are used fictitiously. Any resemblance to actual events or locales
or persons, living or dead, is entirely coincidental.

FB Page: JamilleFumah

FB Group: JFamily Wattpad

Twitter: @jfstories
####################################
Jack & Jill , A Love Story
####################################


If tomorrow never comes... ♫ ♫
Will she know how much I loved her ...
Did I try in every way to show her every day ..
That she's my only one ...
And if my time on earth were through
And she must face this world without me
Is the love I gave her in the past Gonna be enough to last If tomorrow never
comes.. ♫

---------------

"MAY bagong pasyente?" Jill asked.

"Yes Jill. And take note... He's so handsome! Parang half american ata, kasi medyo
blue ang eyes. Pero black ang hair at di masyadong mestizo." sagot ni Lai. Kapwa
nurse sa private hospital na yun.

"And what's the name hmm?" natatawang tanong nya.


Yun lang ang kaligayahan nila sa hospital na yun, ang mga gwapong pasyente. Pero
sya naman eh sumasakay lang sa biruan ng mga kapwa nurse nya.

"Jack ang name nya!" sabad ng bagong dating na lalaki.

Si Doctor Lucky!

Napahiya si Jill at Lai, dahil nadinig ng binatang Doktor ang tsismisan nila.

"Jack ang pangalan nya Jill, at ikaw ang nakatoka na magbantay sa kanya." muli'y
wika ng gwapo ding Doktor. Nakangiti ito kay Jill.

"A o-opo Doc. I'll take care of him." kanda utal sya sa pagsagot, pano ay titig na
titig sa kanya ang binatang gwapong doktor na si Dr. Lucky Moralez. Palihim na
siniko sya sa tagiliran ng katabing co-nurse na si Lai.

Nang makaalis si Dr. Lucky ay nakahinga na sila ng maluwag, at nagkatawanan.

"Jill, mukha talagang may crush sayo si Doc. Lucky a! Uy... Ang lagkit nya
makatingin sayo!" kantyaw ni Lai.

"Hoy hindi ah. Mabait lang talaga yun. Wag ka nga madaldal dyan baka marinig ka ng
ibang nurse at baka mabuhay na naman ang tsismis tungkol samin ni Doc." inis na
saway nya.

"Ok. Pero Jill, maiba tayo ha. Mukhang bagay kayo ng bagong pasyente a? Kasi sya
pala ay si Jack..at ikaw naman si Jill. 'JACK AND JILL' haha ang cute!" tatawa
tawang wika ni Lai.

Napangiti din naman si Jill. Oo nga nakakatuwa ang pangalan nila.

AT nakilala nya na nga ang cancer patient na si Jack Walter. Half american nga ito
pero pinoy ang appeal. Guwapo at matangkad ang lalaki. Pansin nya'y may kasungitan
si Jack. Pero tingin naman ni Jill ay kaya nyang pakisamahan ang Cancer patient na
ito. Mapagpasensya naman sya at sanay na sa dami ng mga moody na pasyenteng
inalagaan nya.

Pero tila kakaiba si Jack.

Tuwing binubulyawan sya nito o pinapalayas ay napapa atras talaga sya.


Napaka powerful ng boses nito.

Kakaiba talaga ang dating nito. Parang Diyos mag utos. At parang hindi sya babae
kung pagalitan sya nito.

"Hoy Nurse! Tanga ka ba nakikita mo ng hindi ako makatayo, wala ka bang balak
tulungan ako huh?" napakislot sya sa gulat dahil sa sigaw nito.
"Ah... Sorry sir.." dali dali nyang inalalayan ito.

"Napakawala mong silbing Nurse napaka inutil mo." muli'y wika ni Jack.

Hurt na hurt sya sa mga pananalita ng pasyente nya. Inis na inis sya. Gusto nyang
itulak ito sa asar.

Ungentleman talaga. Inalalayan nya ito hanggang sa pinto ng CR.

"Oh? Wag mong sabihing hanggang sa loob ay sasamahan mo ako?" nakakalokong


tiningnan pa sya nito at tinabig ang kamay nyang naka alalay rito.

Tila napahiyang napatungo si Jill. Pakiramdam nya'y nag init ang magkabila nyang
pisngi.

Humagalpak ng tawa si Jack ng makitang namula ang mukha nya sa pagkapahiya. "My
stupid, idiot and clumsy nurse is blushing huh.?!" sarkastikong wika nito tska
pumasok sa loob ng banyo.

Inis na inis si Jill sa sarili. "Anu ba Jill... bakit ka nag blush!" inis na bulong
nya sa sarili.

"Tsk tsk... At baliw ka pa pala. Kinakausap mo ang sarili mo." napalingon si Jill
sa nagsalita.

Si Jack! Bukas pala ang pinto ng banyo dahil hindi nito isinara.. naulinigan sya
nito.

Muntik na syang mapahiyaw ng makita nyang nakahubo ang pajama nito hanggang hita
dahil nga sa umiihi ito. Agad na tumalikod sya. Pulang-pula ang kanyang mukha.
Lalong lumakas ang paghalakhak ng lalaki sa loob ng banyo. Papalapit na ito sa
kanya ngayon.

Samantala naninigas ang buong katawan ng dalaga sa pagkapahiya sa nakita.


"S-sorry si..sir." nakatalikod na aniya. Barumbado talaga ang Jack na to!

"it's okay... sanay na ko sa mga ganyang style. I had a lot of girlfriends and
flings before ako magkasakit. Kabisado ko na ang mga babae. You're lucky dahil
nakita mo yun." pilyong asar nito sa kanya.

Nagpantig ang tainga nya sa narinig. Gusto nyang sampalin ang walang modong
lalaking ito. Gusto nyang ipaintindi dito na isa syang Nurse sa Ospital na yun at
hindi katulong o alipin nito na pwedeng hiyain o manduhan.

"Bastos.." isip nya.

Gusto ng sumuko ni Jill. Si Jack na ata ang pinaka malalang pasyente na inalagaan
nya.

Bastos, walang modo, ungentleman, laging nakasigaw at pala utos! Pero gwapo. Kaya
lalo syang naiirita.

DUMAAN ang mga araw sobrang nahirapan si Jill kay Jack.

Naging lalong masungit ang lalaki sa kanya. Andun ang ipagbabato sa kanya ang mga
gamot na pinaiinom nya dito. O kaya'y batuhin sya ng unan or ng mga prutas na dapat
kainin nito.

Minsan pa'y dinalaw ito ng mga kamag anak nito pero pinagtabuyan din ang mga ito ng
binata.
Nagwala ito at nadamay sya sa init ng ulo.

Inawat nya ito pero hinawakan nito ang pwet nya at talaga namang nagulat sya sa
ginawa nito. Napatingin sya sa mukha ni Jack.

Nakangisi ito sa kanya.

"Anu ba!" bigla nya itong itinulak.

Nakalimutan nyang mahina na ang mga tuhod nito. Napangudngod ito sa sahig ng
hospital room. Nagulat sya sa nagawa at agad na dinaluhan ito at inalalayang
tumayo.

"Sorry sir Jack." wika nya at akmang aalalay pero tinabig nito ang kamay nya.

"Don't!" awat nito.

Sanhi para mawalan din ng balanse si Jill at napadagan sya sa nakatihayang binata.
Parehas silang nasa sahig. Napatitig sya sa mukha ng nakahigang si Jack. Naka smile
ang loko!

Naramdaman nya ang mga kamay nito sa likod nya, yakap yakap na sya nito!
"Ang ganda mo pala nurse" nakangiting puri nito sa kanya.

Magkalapit na magkalapit ang kanilang mga mukha.Amoy nya ang mabangong hininga ng
lalake. Pinamulahan sya ng pisngi."You're more beautiful when you're blushing.."
bulong ng lalake sa gawing punong tainga nya.

Ang bilis ng tibok ng puso ni Jill.


Parang matutunaw sya sa mga titig ni Jack.

Napakatangos ng ilong ng lalaki... at ang mga mata nito ay may pagka bughaw,
malantik ang pilik-mata..
At manipis ang mamula mula nitong labi. Gwapo talaga ang suplado pero pilyo nyang
pasyente.
"Enjoyed the view?" pukaw nito sa kanya. Nakangiti ito sa kanya.

Pahiyang pahiya talaga sya.

Tsaka nya naalala ang kanilang posisyon.


Nakapatong sya sa binata! At ang kamay nito nasa bandang puwetan nya na!

Gulat na nasampal nya ang mukha ng lalaki. "Manyak ka bastos!" at agad syang tumayo
at tumakbo palabas ng kwarto.

Iniwan nyang mag isa ang nakahiga pang lalake sa sahig. Inis at pahiya ang kanyang
nadarama.Wala na syang pakialam kung pano tatayo mag isa ang lalake mula sa sahig.

Malayo na sya'y dinig nya pa din ang nakakalokong tawa ni Jack.


Nakipagpalit na sya kay Lai ng pasyente.

Tutal ay crush na crush ng kapwa nurse na si Lai ang kanyang pasyente ay di sya
nahirapang papayagin itong makipagpalit.
Nakapagtatakang hindi man lang nagrereklamo si Lai.

Mukhang lagi itong ganado at masaya sa pasyente nito.

"ikaw Jill, sinisiraan mo lang ata si Jack eh! Ang bait bait nya kaya at ang sweet
pa! Makwento, palabiro at masaya kasama! Crush ko talaga sya!" tila nangangarap
nang papikit-pikit pa si Lai.

Takang taka naman si Jill. Kaya isang araw minatyagan nya ang dalawa.
Madalas dalhin ni Lai ang pasyente sa hardin ng hospital.

Nagtatawanan pa ang dalawa!

At kapansin-pansin na napakabait at mahinahon makipag usap si Jack kay Lai. Labis


nyang pinagtataka yun.

Naiinggit din sya kay Lai. Sana ganun din ang trato nito sa kanya..sana naging
magkasundo din sila. Masaya siguro kung ganoon.

Nagtataka din sya sa sarili... Naiinggit lang ba sya o nagseselos na?Naipilig nya
ang ulo.Ayaw nya ang isiping yun. Bakit naman nya mamimiss yung walang hiyang
lalaking yun. Kastigo nya sa sarili.

PERO ISANG ARAW, biglang nag leave sa work si Lai. Nagka family problem ito. Dahil
wala na syang inaalagaan ay bumalik ang toka ni Jill sa dating pasyenteng si Jack
Walter.

Hindi nya alam kung dapat ma-excite o mainis o kabahan sya dahil aalagaan na muli
nya ang lalake.

"Hi Sir... I'll be your nurse again, naka leave po kasi si Nurse Laila." bungad nya
dito.
Tila kakagising lang ni Jack. Hindi sya nito pinansin o tiningnan man lang. Hindi
na lang nya pinansin ang mood ng pasyente. Sanay naman na syang deadmahin nito.

Lumipas ang mga araw ay di talaga sya pinapansin ni Jack. Kahit pagalitan o utusan
ay di man lang nito ginagawa.

Mas gusto nya pa na binubulyawan sya nito. Hindi sya sanay na wala man lang usap na
namamagitan sa kanila kahit ni 'ha' o 'ho' wala..

Isang gabi..Inaayos nya ang pagkakakumot ng lalake..maaga itong natulog dahil


napagod sa theraphy..Malaya nyang napagmamasdan ang mukha nito..

Bakas ang hirap at pagod... gawa ng karamdaman nito. Hinaplos ng awa ang kanyang
puso...

Syam na buwan na lang ang taning ng buhay nito. Lumalala na ang stomach cancer
nito. Wala sa loob na hinaplos nya ang pisngi nito.

"Ahh!! Uggh..! Ah.."

Napatakbo papalapit kay Jack si Jill. Nagsusuka ang lalake. Namimilipit sa sakit ng
tyan.
"Sir Jack ito gamot!" agad na pinainom nya ng gamot ang lalake.

Ng kumalma na ay inalalayan nya ito maupo.

"Thank you..." mahinang anas ng binata. Nakapikit ito.

Para namang nakarinig ng magandang musika si Jill. Ito ang 'first time' na
nagpasalamat si Jack sa kanya. Nakadama ng tuwa ang puso nya.Tiningnan nya ang
nakapikit na binata.Parang gusto nyang maiyak... Ang O.A ng pakiramdam pero naiiyak
sya.

Bigla itong dumilat.


"Bakit?" takang tanong nito.

"Ah w-wala po! Ngayon ka lang kasi nagpasalamat sa akin..." mahinang sagot nya.

Ngumiti si Jack at pinisil ang baba nya."Ang cute mo talaga.."

Muli'y namula ang pisngi nya.bigla syang na concious at nag iwas ng tingin. Para
syang napapaso.

Tumawa ng mahina si Jack. "Lagi kang nagba-blush... Ang ganda mo talaga. Jill
right?"

"Yes... Jill... I'm Jillianne Tacos."


"Jillianne... Nice name. But 'Jill' is much better... I'm Jack and your Jill. 'Jack
and Jill' " nakangiting wika nito.

Napangiti din sya."Oo nga eh. Pero para tayong aso't pusa... kaya dapat 'Tom and
Jerry' "

"I'm sorry about everything Jill. Napakasama ko sayo noon... Sorry. Napaka moody
ko." seryosong wika nito.

"Ok lang yun Sir Jack... Dapat maintindihan ko ang lahat dahil pasyente kita at
Nurse mo ako."

Naging masaya ang pag uusap nila. Parang hindi sila nag aaway dati.
Biruan..tawanan.. Kwentuhan..

Mabait pala talaga ang tunay na Jack.Sana ay noon nya pa ito nakilala ng ganun.
"I'm sorry Jill sa mga nagawa ko."

####################################
PART 1
####################################

NAGING mas close sila sa pagdaan ng mga araw.


Tinutukso na nga sya ng mga co-nurses nya...

"Super sweet nyo na ata ng gwapo mong pasyente!" tukso ni Erin, co-nurse nya

"Oo nga Jill,sikat na ang love team nyo ah! Haha. Jill baka nakakalimutan mo may
taning na yang Prince Charming mo!" sabad ng isa pang nurse.

Parang gusto nyang malungkot sa isiping yun na malapit na din mawala si Jack.

Parang ang sakit isipin. Parang hindi nya kaya... Lalo pa ngayon malapit na malapit
na ang loob nila sa isat-isa.

"Eh ang tanong anu na ba talaga ang score nyo?!" tatawa tawang tanong ng nurse na
katabi nya.

Ngiti na lang ang isinagot nya sa mga panunukso ng mga ito. Anu na nga talaga ang
score nila ni Jack?

Super close sila..daig pa ang mag jowa, ginawa na nilang park ang hospital. Para
silang love birds na nagdi date lang buong araw..
Minsan di nya napapansin na magka holding hands na pala sila... o di kaya naman
sobrang magkadikit na ang kanilang mga katawan.

Lagi silang magkasama at masayang magkausap palage..

Parang walang sakit na cancer si Jack.

Masigla ito at palabiro.Unti-unti ay tinatanggap na nila ang isat-isa.

"NOON akala ko masungit ka talaga.." nakangiting wika nya.

Tiningnan sya ng seryoso ng lalaki."I'm sorry Jill. Sobrang naging bugnutin ako...
Pakiramdam ko sira na ang buhay ko at ayoko ng gumaling..pati ikaw nadamay sa mga
kagaguhan ko." paliwanag ng binata.

Naiintindihan nya yun... batid nya ang pinagdadaanan ng mga cancer patient.

Gusto nyang tulungang gumaling ang lalaki... Gusto nyang tulungang makalimot at
maging masaya si Jack.

MAHAL NYA NA ITO !


'Sometimes late at night ...I lie awake and watch her sleeping ...
She's lost in peaceful dreams ...
So I turn out the lights and lay there in the dark ...
And the thought crosses my mind...
If I never wake up in the morning ...
Would she ever doubt the way I feel About her in my heart' ♫♫

"Ang ganda pala ng boses mo..." puri nya.

Ibinaba ni Jack ang gitara at hinarap sya. "Mas maganda ka..."

Para namang kiniliti ang puso niya dahil sa sinabi nito. Oo maraming nagsasabing
maganda siya... Pero iba talaga ang dating kapag si Jack ang nagsasabi eh.

"Maganda ka Jill.. Maganda din ang kalooban mo. Pinipigil ko ang paghanga sa puso
ko... Iniwasan kita... Inaway... Ginalit... Ayoko mapalapit sa'yo... Ayoko magkaron
ng kaugnayan sayo... Dahil ayoko malungkot ka pag nawala na ko... I'm sorry..."
malungkot na hinaplos nito ang pisngi nya.

Hindi nya alam ang sasabihin dito.


"Malalampasan mo ito" wika na lamang nya. Pinisil niya ang balikat nito. Ayaw
niyang makitang may lungkot sa mga mata ng kaniyang pasyente...
Dahil aminin niya man at sa hindi ay hindi na lang pasyente ang turing niya dito.

Itinuloy lang ng lalaki ang pagkanta...


'Cause I've lost loved ones in my life Who never knew how much I loved them.
Now I live with the regret That my true feelings for them never were revealed.

So I made a promise to myself To say each day how much she means to me And avoid
that circumstance

Where there's no second chance to tell her how I feel


If tomorrow never comes' ♫

PARANG dinudurog ang puso nya tuwing sumasailalim sa chemo therapy si Jack.

Kitang-kita nya ang paghihirap nito... Damang-dama nya ang sakit sa mga mata nito.

Pinanghihinaan na sya ng loob... Pero ayaw nya ipakita yun sa binata..


Namamayat na ang binata... Pero hindi nya pinakikita ang pagka awa nya.

Normal pa din ang pinapakita nyang trato dito.

May mga ilang bagay siyang nalaman. Si Jack ay independent. Independent ito at
isang successful businessman ng dapuan ito ng sakit na cancer. Dahilan para iwan
ito ng Long time american girlfriend at fiancee nito.

Naging masakit ang mga nangyari sa kanya mula ng magkasakit ito, kaya pala naging
sobrang moody nito.

Laki ito sa yumaong lola at malayo ang loob sa mga magulang.


Nalaman nya na divorced na ang parents nito at may kanya-kanya ng pamilya sa ibang
bansa kaya madalang ng makadalaw at isa pa pinagtatabuyan din ito ng binata pag
dumadating . Gusto ni Jack na sa Pilipinas magpagamot.

Ayaw nito ng kinakaawaan.

"Ano ba Jack! Bakit ba iniiwasan mo ako?!" habol nya sa binata.

Ilang araw na syang iniiwasan ni Jack. Napuna din nyang pati sa kanya mainit na din
ang ulo nito.

"Pwede ba?! Para kang aso na buntot ng buntot! Ayoko ng maging nurse ka!
Pinapalitan na kita ah?! Bakit nandito ka pa din?!" Bulyaw ng binata sa kanya.

"Jack anu bang problema? Ok naman tayo diba? Bakit ganyan ka na naman.." naiiyak na
hinawakan nya sa braso ang binata.
Pero itinulak sya ni Jack palayo. Gumewang ang pagkakatayo ng binata.

Akmang tutulungan nya ito pero tiningnan sya nito ng masama


"Get out! Hindi kita kailangan! I said get out! Stupid !" muli'y sigaw nito.

"Jack naman... Akala ko ok na tayo... Please... What's the problem? May nagawa ba
ako? Ok na tayo diba?--"

Pinutol nito ang iba pa nya'ng sasabihin. "Tumigil ka na Jill! Hindi tayo Ok!
Katulad ka din ng ibang babaeng madaling pasakayin huh! " At tumawa pa ito. "Nurse
Jill... Nakakatuwa ka din ano? Pakitaan ka lang ng kabaitan napakadali mo ng
bumigay... Nakakaawa ka. Partida ng may sakit ako huh. Pero nahumaling ka pa din sa
akin. Siguro maraming beses ka ng naloko ng mga lalake ano?" sarkastikong pang
aasar nito sa kanya.

"Ayan ba talaga ang tingin mo sa akin?" naiiyak na tanong ni Jill. Para syang
pinapatay ng mga salitang nagmumula kay Jack. "Siguro nga madali akong lokohin at
utuin... Stupid ako... Idiot... Lahat tatanggapin ko Jack! Pero hindi ako manhid...
Alam ko pinagtatabuyan mo ako dahil natatakot kang aminin sa sarili mo ang totoo!
Iba ako sa kanila Jack! Hindi ako aalis dito! Hindi kita iiwan ng basta na lang!"
umiiyak na sigaw nya.

Hindi sya aalis. Hindi nya iiwan si Jack.

"Shut up bitch !" ganting sigaw ni Jack. Binato sya nito ng unan at tinalikuran
sya. Humarap ito sa bintana.

Pero batid nyang itinatago lang nito ang tunay na nadarama...

Alam niya... Ramdam niya... Pareho sila ng nararamdaman para sa isa't-isa. Minsan
lang niya maramdaman ang ganitong damdamin, kasehodang bawal!

Mahal niya si Jack!

Mahal na mahal niya ang lalaking ito!

"Sige... Tawagin mo akong bitch! Kahit anu pa yan! Pero Jack... Hindi lang ako
naaawa sayo! Hindi lang dahil nurse ako at pasyente kita...Kasi MAHAL KITA... Mahal
na mahal na kita !!!" halos garalgal na ang boses nya.

Dahan-dahang nilingon sya ng binata. Pero iba ng repleksyon sa mukha nito.


Nakabanta ang mga luha na kahit anong oras ay babagsak. Pero seryoso pa din ang
tingin nito.

"Wag mo ng dagdagan ang hirap na nararamdaman ko Jill. Isang pagkakamaling inilapit


ko ang loob ko sa'yo... alam mo naman siguro ang sitwasyon ko." seryosong wika
nito.
Nilapitan nya ang lalaki. Hinawakan nya ang mga kamay nito.Gusto nyang ipadama na
tapat sya sa mga sinabi nya.
"Jack... Hindi ka pa mawawala. Tutulungan kita... Wag ka mawalan ng pag asa Jack.
Buhay ka pa... at magkasama tayong tatanda... kasi mahal mo din ako diba?"
lumuluhang wika nya, kinabig nya ito papalapit.

JACK

Malambot na mga labi ng nurse ang dumampi sa kanyang tuyo ng labi.

Alam nya sa sarili na itinataboy nya si Jill dahil natatakot syang mawala ito sa
kanya... kung kailan kailangan nya ito.

Pilit nilang nilabanan ang sakit ni Jack,


Magkahawak kamay nilang sinalubong ang unos ng sakit nya.

Nakakatuwang isipin na sa maiksing panahon ng asaran at pikunan ay magugustuhan


nila ang isat-isa..

Alam nya hawak kamay nilang haharapin ang bukas...

Kung may bukas pa nga ba para sa kanilang dalawa...


Pero wala silang pagsisisihan...

####################################
PART 2
####################################

"Kamusta ka na?"

Napalingon si Jilliane sa pinanggalingan ng baritonong boses.

Nasa hardin sya ng Hospital nakaupo at kasalukuyang nagpapahangin.

"O-Ok lang..." sagot nya kay Dr. Lucky.

Nakangiti ang Doktor na tumabi sa kanya.


"Alam mo bang bawal yon?" Wika nito.

Napatungo ang dalaga.


Alam nya ang pinupunto ng binatang gwapong Doktor.

"Hindi kita hinuhusgahan Jill..." Malamlam ang mga matang nakatingin sa kanya.
"Doc..." Wala syang maapuhap sabihin.

Nurse sya at paseyente si Jack....

imoral ba yun? dahil may relasyon sila ng kanyang pasyente?


Hindi naman nila sinasadyang ma-inlove sa isat-isa eh...

"Jill... ikaw lamang ang inaalala ko... Masasaktan ka lang..."

Gumuhit ang hapdi sa mukha nya sa narinig na sinabi ng Doktor.


"Bakit dahil may cancer sya??? Iniisip mo ba na hindi na sya gagaling pa huh??!"
Bumugso ang galit sa kanyang dibdib.

Malungkot syang tiningnan ng Doktor.

"Jill... Alam mo ang kakahinatnan nito. Nagiging totoo lamang ako. Papabayaan kita.
Pero pag wala na sya, tandaan mo naririto ako. Naghihintay... Hihintayin kita
Jill..." Yun lang at tumayo na ang binata.

Naiwang natitigilan si Jilliane.


Anong ibig sabihin ni Dr. Lucky na hihintayin sya?

Para na din nitong sinabing naghihitay itong matigok si Jack!


Biglang naalala nya si Jack.

Baka gising na ito, oras na din ng pag-inom nito ng gamot.


Agad syang tumayo at inayos ang sarili.

Si Jack naman, nagtataka sya't kanina pa nya hindi nakikita si Jill.

Tumayo sya at lumabas ng kwarto, hahanapin nya ang kanyang pasaway na nurse.
Ilang oras lamang nya itong hindi makita ay nami-miss nya na ito agad.

"Hi Jack!" Bati ng nurse na nakasalubong nya.

May ilan ding nurse at ilang mga kababaihan na nililingon ang naglalakad na
pasyente.

"Para syang walang sakit noh? Ang pogi pa din eh!" Kinikilig na bulungan ng mga
ito.

Magigiliw ang mga nurses sa Hospital na yun.


Pero syempre si Jill ang paborito nyang nurse!
Namataan nya sa labas ng glass window ang hinahanap.

Akmang lalapitan nya na ang dalaga pero nakita nyang lumapit ang isang lalakeng
naka-uniform ng kulay puti.

Kilala nya ito...si Dr. Lucky!

May pinag-uusapan ang dalawa.

Lumapit pa sya ng kaunti, hindi sinasadyang narinig nya ang pinag-uusapan ng


dalawa.
Parang dinurog ang puso nya sa mga naririnig.

"Jill... Alam mo ang kakahinatnan nito. Nagiging totoo lamang ako. Papabayaan kita.
Pero pag wala na sya, tandaan mo naririto ako. Naghihintay... Hihintayin kita
Jill..." Narinig nyang wika ng Doktor bago ito umalis.

Nakita nyang patayo na ang dalaga kaya't nagmamadaling umalis si Jack.


Bumalik sya sa kanyang kwarto.

"HI...!" Nakangiting pumasok ang dalaga sa loob ng kwarto.

Umarte naman si Jack na kunwari ay kakagising nya lang.


Umungol pa sya na tila tinatamad bumangon.

Lumapit ang dalaga. Kinuhanan sya ng BP at pagkatapos ay kinuha ang kanyang mga
gamot para ipa-inom sa kanya.

Para naman syang mabait na batang sunod-sunuran sa kanyang Favorite nurse.


"Ang ganda mo naman Nurse.." Bulong nya.

Nag blush ang dalaga, inirapan nya ang kanyang makulit na pasyente.
"Tse!" Sagot nya dito.

Tumawa si Jack.

"Siguro ang daming nagkaka-crush sayo ang ganda mo kais eh..." Muli'y wika ng
binata.

Napasimangot si Jill.
"Oh... Bakit nakasimangot ka?? Ang pangit mo kaya pag nakasimangot? Mukha kang
witch..." Biro na binatang pasyente.

"OK lang para wala ng magka-Crush sa akin.." Sagot ng dalaga.

"Witch ka nga... Ginayuma mo kasi ako.." Muling pangungulit nya sa kanyang Nurse.

Umingos ang nguso ni Jill.

Lalo syang na-kyutan sa dalaga. Nanggigigil sya at parang gusto nya itong halikan
sa mapupula nitong labi.

"Ikaw huh!" Namumulang wika ni Jill.

"Jill..." Maya-maya ay seryosong untag ng binata.

"Oh?" binabalatan nito ang mansanas para ipakain sa kanya.

"May gusto sayo yung poging doktor noh?" Tanong nya habang minamasdan ang kamay ng
dalaga.

Ang puti kasi ni Jill eh, kitang-kita ang kaputian nito kasi red na red yung apple
na binabalatan nya. Mas natatakam pa sya sa daliri ng dalaga kesa sa mansanas.

Nakita nyang lalong napasimangot ang maganda nitong mukha.

"Ikaw ha? san mo naman nasagap yang tsimis na yan." Inis nyang tanong sa binata.

"Oy, guilty..." Pang-aasar nya.

"Hindi noh! Bakit nagsi-selos ka?" Nakataas ang kilay na tanong ng dalaga.
'Sabihin mo lang na 'OO nagseselos ka't hinding hindi ko na kakausapin pa sya!'
piping wika ng utak ng dalaga.

Pero hindi iyon ang isinagot nito.

"Hindi noh...bakit ako magsi-selos eh mas gwapo ako dun... partida pa na may sakit
ako. Cancer pa ha!" Nakangising sagot ng binata.
Nainis naman si Jill sa sagot nito.
"Ewan ko sayo...!" at pabalya nyang iniabot dito ang binalatang mansanas.

Lihim namang nalungkot si Jack.

Alam nya na tama ang sinabi ng Doktor kanina...

Hindi magiging masaya si Jill sa kanya... paano pa pag wala na sya? paano na ang
dalaga?

Tuwing naiisip nya ang araw na kailangan nya ng magpaalam sa mundo at kay Jill,
parang hinihiwa sa ilang piraso ang puso nya.

Masasaktan nya ito...

Sobrang masasaktan nya ito.


"I love you..." Wala sa loob na nabigkas nya.

Mahinang-mahina... pero umabot sa panrinig ng dalaga.

Napatingin sya kay Jack.


Ngumiti ito.

"I love you most..." Sagot ng dalaga.

Kahit batid ng dalaga ang karamdaman ni Jack, hindi pa din sya nawawalan ng pag-
asa. Mahal na mahal nya ito, ayaw nyang magsisi sa huli.

Sya lang ang pinanghahawakang lakas ng binata.


Hindi nya ito bibiguin.

Natatawa sya pag naalala nya..

Noon para silang aso't-pusa..

Pero napaamo nya ang bugnuting pasyente nya...

At hindi lamang yun, ngayon ay nilalabanan na ni Jack ang kanyang sakit !

Tinitigan nya ang bughaw na mata ng lalake.

Kinikilig sya pag naiisip na 'if ever' ay blue eyes ang magiging babies nila in the
future dahil half american si Jack.
####################################
PART 3
####################################

INAAYOS nya na ang higaan ni Jack, inalalayan nya ang binata na makahiga.

"Jack yung parents mo? ayaw mo ba silang papuntahin dito?" Bigla nyang natanong.

Natigilan si Jack at maya-maya'y nagsalita. "Nasa Amerika diba? Busy sila. Ayoko
silang istorbohin." Walang ganang sagot ng binata.

Lumapit sya sa binata at pinisil ang ilong nito. "Hoy pumunta sila dito dati, pero
pinagtabuyan mo sila!" Nakangusong saad nya.

Napasimangot naman ang guwapong mukha nitong may pagka-meztisuhin. Hinila nito ang
kamay nya palapit.

Dahil nabigla ay na-out of balance si Jill.

"Ay! Ano ba!" Napadagan sya sa binata na bahagya pang ikinauga ng hospital bed na
kinahihigaan nito. "Baka may makakita sa atin!" Nag-aalalang nagpipilit makatayo si
Jill.

"Eh ano? maganda nga eh... Para masisante ka na. Tapos magiging full time
girlfriend na kita." Nakangising inamoy-amoy pa ng binata ang kanyang buhok na
bahagyang nagulo sa pag kaka-pony tail.

Asar na itinulak nya ito. "Hoy kailangan ko ng trabaho noh!"

"Dodoblihin ko ang sweldo mo, with benefits pa!" Nakangising wika nito.

Natatawang tumayo muli si Jill. Inayos nyang medyo nagusot na nurse uniform at ang
kanyang buhok. "Luko-luko ka talaga ano?" Pero deep inside here eh kinikilig sya.

"Pst..." Papansin ng binata.

Hindi nya ito pinansin.


"Ang suplada naman ng nurse ko oh... tsk tsk..."

Tatawa-tawang nilingon nya ang lalaki. "Problema mo?" Tinaasan nya ito ng kilay.

"Pa-kiss!" Ungot nito. Ngumuso pa.

"Hoy matulog ka na kaya!"

Ang bilis ng tibok ng puso nya ng dahil lang sa simpleng tingin ng binata, para
syang hini-hipnotismo.

"Kiss mo ko..." Parang batang lambing nito sa kaniya.

Niligpit nya ang mga gamot at tsaka nagpaalam na muna sa binata.


Hinalikan nya ito sa noo.

"Sleep na baby...pahinga ka muna."

"Bakit sa noo lang? Daya..." Nakasimangot na angal nito.

Nakangiti syang lumabas ng room ni Jack.

Magaan ang pakiramdam nya nitong mga nakaraang araw...


Hindi inatake si Jack ng kanyang sakit, nananalangin syang sana ay gumaling na ang
binata.

Kung merong bida syempre may mga kontrabida...

Kumbaga... boring pag puro saya, at kung puro kakampi ang nasa paligid.

Kagaya ngayon...

"Kay naku malandi pala..." Bulong ng isang nurse.


Dinig nya ang bulungan.

"Di pa nakontento sa panlalandi kay Dok, pati pasyente nya nilandi na din!" sagot
ng isa pa.

"Ay naku ginagawa na ata nilang motel itong Ospital, di na nahiya. Sabagay
Foreigner kasi yung pasyente nya kaya mahilig sa mga liberated na babae!!!
Nakakahiya..."

"Malay mo naman kung anong ginagawa nila sa private room nong pogi nyang pasyente
anoh! "

Tatango-tango ang mga ito.


Kibit-balikat na lang ang dalaga.

"Wag mo silang pansinin girl..." Si Lai, ang kanyang nurse bestfriend.

Ngumiti lang sya at sabay na nilang tinungo ang public ward.

"Sis... Kamusta si Papa Jack?" Nakangiting tanong ni Lai.

"Ok sya... Hindi sya sinusumpong ngayon. Maayos din ang trato nya sa akin... Masaya
ako dahil nakikita kong bumubuti na ang kalagayan nya."

Tatango-tango si Lai. "Sana kasi sa Amerika na sya magpagamot. Madami naman silang
pera bakit dito nya pa sa Pilipinas naisipan magpaconfine, eh naroroon naman na sya
noon."

"Tse! Eh kung doon sya nagpagamot eh di malamang di kami nagkita at nagkakilala..."

Hindi nya nagustuhan ang sinabi ng kaibigan.

Natawa naman si Lai. "Haha. Malamang eh si Doc Lucky ang ka-love team mo ngayon.
Wala sanang 'Jack & Jill' dapat sana 'Jill & Lucky! Ahay... pangit pakinggan."

Nagkatawanan silang dalawa. Luka-luka talaga ang kanyang bestfriend.

"Sabagay kung meant kaming magtagpo... magtatagpo at magtatagpo pa din ang landas
namin diba? Kahit saang bansa pa yun." Pa-hopeless romantic nyang banat.

"Pero sis, aminin mo... Kulang sa kaalaman at kagamitan ang Pinas kahit pa private
na Hospital pa ito. Iba pa din ang pag-gagamot sa States. Maraming chances na
gumaling si Papa Jack at isa pa 'traydor' ang Cancer..." Biglang seryoso si Lai.
Natahimik ang dalaga...
May punto ang kaibigan nya.

Bigla ang dagsa ng kung anong kaba sa kanyang dibdib.

"Si Jill???" Humahangos na dumating ang isa pang nurse.

"Oh bakit sis?" Tanong ni Lai.

Lumapit sila ni Jill.

Nakarinig sila ng emergency alarm.

"Room 405"

Narinig nya ang room number ni Jack.

"Nurse Jill yung pasyente mo!!!" Hingal na wika ng nurse.

Nabitawan ng dalaga ang mga gamot sa kanyang mga kamay, parang de-susi ang kanyang
mga paa na kusang tumakbo papalayo sa lugar na yon.

"Jill !!!" Habol ni Lai.

Si Jack... si Jack nasa panganib sya!!!!

Mangiyak-ngiyak si Jill ng makarting sa room ng binata.


Nakapalibot dito ang mga nurses.

nakita nya si Dr. Lucky na pinupulsuhan ang binata.

Kinabitan din ito ng mga aparato.

"Ahhhggg...!!!" Pumunit ang hiyaw ng binata sa buong paligid ng kwarto.

Nangi-ngilid ang luha sa mga mata ni Jack habang namimilipit ito sa sakit.
Pero triple ng sakit na yun ang nadarama ni Jill sa mga oras na iyon.

Parang pinipiga ang puso nya sa nakikitang paghihirap ni Jack, kung pwede lang sana
nyang hatian ang binata sa dinadanas nitong sakit ay ginawa na nya...

Matagal na proseso bago pa kumalma ang pasyente.


kumalat na daw ang sakit nito sa buong katawan.
Narinig nya na marami na namang therapy ang binata.

Pinanghinaan si Jill... Iisang therapy pa nga lang ay halos di na kayanin ng


katawan ng binata. What more pa kaya ngayon?

Naramdaman nya ang mahinang tapik sa kanyang balikat.

"Sige na lapitan mo na sya..." wika ni Dr. Lucky.

May luha ang kanyang mga mata na tumingin sa binatang Doktor.


Naramdaman nya ang marahang pagpahid nito sa kanyang pisngi.

"Wag ka ng umiyak...." Masuyong wika ng Doktor.

Tumango sya at nagpasalamat tsaka pumasok na sa loob.


Nakapikit na si Jack. Namumutla ang gwapong mukha ng binatang pasyente.

Hungkag ang puso nya, hinaplos nya ang mukha ni Jack, hindi pa sya nakontento at
inabot nya pa ito upang hagkan sa noo.

"I love you... Nandito lang ako." Mahinang anas nya. Ginagap nya ang kamay ng
binata, naramdaman nya ang pag-ganti ng pisil ni Jack sa kanyang palad.

Hindi nya na napigilan ang pagbagsak ng kanyang luha.

Niyakap nya ang nakapikit na binata.

SAMANTALANG SA PINTO naman ay hindi pa din pala umaalis si Dr. Lucky.

Malungkot nyang pinagmamasdan si Jill. Naaawa sya sa dalaga.

Sinisisi nya ang sarili... sana sya na ang minahal nito para hindi na ito mahirapan
pa ng ganito ngayon.

Sana hindi sya naduwag noon, sana napigilan nya ang ganitong pangyayari...
####################################
PART 4
####################################

"JACK..." Marahang tawag nya sa pangalan ng binata.

Kumilos si Jack. Kahit malakas ang aircon sa parteng yon ng private room ay pawisan
pa din ang noo at leeg ng binata .

"Mmmhn.." Umungol ito. Tila ba nakakaranas ng paghihirap.

"Sorry po wala ako kanina... Sorry wala ako sa tabi mo ng mga oras na kailangan mo
na ako..." anas nya sa punong tainga ni Jack. Batid nyang kahit nakapikit ito ay
naririnig pa din sya ng lalaki.

"Jill..." Hirap na tawag ng binata sa kanyang pangalan. Bahagya pa itong dumilat at


pumikit ding muli pagkatapos.

Parang binabarena ang puso ni Jill.

Ito ang pinaka kinatatakutan nyang tagpo. Makayanan man ni Jack ang paghihirap
dahil sa sakit nito, pero sya naman ang tila halos ikamatay nya na ang bawat eksena
ng paghihirap ng minamahal.

Hinaplos nya ang maputlang pisngi ng lalake. "Magpahinga ka na ha? Hindi ako
aalis... Dito lang ako, hindi kita iiwan..." Pangako nya.

Dahan-dahan nyang inayos ang nagusot na sapin ng hospital bed ni Jack. Hinalikan
nya sa pisngi ang binata bago sya umalis. Kukuha lang sana sya ng gamot at babalik
din agad. Pero natigilan sya ng makitang nakatayo pa din si Dr. Lucky sa pintuan ng
kwarto ni Jack.

"Dok..."

Ibig sabihin ay kanina pa sya nito pinagmamasdan. Bigla tuloy syang nailang.

"I'm sorry Jill..." malungkot ang tinig ng binatang doktor.

Para syang tanga. Bigla na lang ang pagtulo ng mga luha nya habang nakatingin sa
doktor.

Marahang lumapit sa kanya si Dr. Lucky, pakiramdam nya nakakita sya ng kakampi sa
katauhan ng lalaki kaya bigla syang yumakap dito.

Impit ang paghagulhol nya sa balikat nito. Ayaw nyang makalikha ng kahit na
katiting na ingay.
DR. LUCKY

Awang-awa naman si Dr. Lucky sa dalaga. Hinagod nya ang likod nito upang pumayapa
ang pakiramdam ni Jill.

"Ssh...Tahan na.." alo nya. Nasasaktan din sya dahil wala syang magawa para
pagaanin ang dinadala ng babae.

"Doc.. Pagalingin mo sya... Please..." Pagsusumamo ni Jill.

JILL

Mapait na ngumiti ang lalaki. Ikinulong nito sa dalawang palad ang kanyang mukha at
pinakatitigan sya sa kanyang mga mata.

"Jill hindi ko hawak ang buhay nya.." malungkot na pagtatapat ni Dr. Lucky.

Umiling-iling sya habang patuloy ang pag agos ng masaganang luha. Hindi nya
matatanggap ang sagot ng Doktor.

"Please pagalingin mo sya... Parang awa mo na pagalingin mo si Jack... Nagmamakaawa


ako... Pagalingin mo sya..." Paulit-ulit nya.

Nagtagis ang mga bagang ni Lucky. Niyakap nya ng mahigpit ang dalaga. Hindi nya
kayang makitang umiiyak si Jill. Saglit nyang tinapunan ng tingin ang pasyenteng si
Jack. Muli ay sinisi nya na naman ang kanyang sarili.
"Patawarin mo ako..." bulong nya.

Umangat ang mukha ng dalaga. Parang may kung anong pwersa ang nagtulak sa binatang
doktor para damhin ang mapupulang labi ng dalaga.

Saglit na natulala si Jill ng halikan sya ng lalaki. Magaan lamang ang halik na yun
pero pakiramdam nya ay tumagal na ito ng ilang oras.

Ng makabawi ay isang malakas na sampal ang pinakawalan nya para sa binatang doktor.

Tigagal naman ang doktor habang sapu-sapo ang nasaktang pisngi.

"I-I'm sorry Doc..." Nabigla din sya sa nagawa.

Ngumiti ng bahagya ang Doktor.

Nakatingin lamang ito sa kanya na tila hinahalukay ang kanyang buong pagkatao.

Namumula ang pisngi na nag iwas ng tingin ang dalaga. Hiyang-hiya sya. Naiiyak na
napatingin sya sa kinahihigaan ni Jack, tulog pa din itong nakaratay roon.

"Mahal kita Jill..." Narinig nyang wika ni Doktor Lucky.

Isang blangkong tingin lamang ang isinagot nya dito.

"Jill, patawarin mo ako at hinayaan ko pang mangyari lahat ng 'to... Kung alam ko
lang na magugustuhan mo sya... Noon pa sana ay nagtapat na ko sayo." patuloy ng
Doktor na ang tinutukoy ay si Jack.

Tahimik lamang na nakatungo ang dalaga.

"Naging mahina ako... Ngayon nagdurusa ka.. Dapat masaya ka sana sa piling ko at
hindi ka nahihirapan ng ganyan... Ako sana ang minamahal mo ngayon at hindi ang
taong malapit ka ng iwanan..."

Biglang napaangat ang mukha ng dalaga sa huling sinabi ng binata. Nanlisik ang mga
mata nya.

"Anong sinasabi mong iiwanan nya na ko huh?!" Nagpupuyos ang kanyang kalooban.

"Hindi ka Diyos para magsalita ng ganyan! Higit sa lahat ay isa kang doktor! Hindi
ka dapat magsasalita ng ganyan!" Nangingilid ang mga luhang wika nya.

Muli ay ngumiti ng mapait ang doktor. Namulsa ito at tumingin sa bintana.

"Sinasabi ko ito hindi bilang isang doktor... Kundi bilang isang tao na nagmamahal
at nagmamalasakit sayo Jill. Stage 4 na ang cancer ni Jack, kumalat na ang sakit sa
buo nyang sistema. Binibilang na lamang ang mga buwan nya sa mundong ito. Jill,
ayoko na masaktan ka... Yun ang katotohanan." malungkot ang tinig ng doktor,
tumalikod na ito at tahimik na nilisan ang lugar na iyon.

Para namang tinakasan ng lakas ang dalaga sa mga narinig.

Wala na syang mapigang luha sa kanyang mga mata. Pati puso nya ay wala na rin ata
idudugo pa...

Hinang-hina syang napasalampak sa sahig ng hospital room ni Jack.

Samantala si Jack naman ay may namumuong luha sa gilid ng kanyang mga mata. Pilit
nya yung pinipigil na huwag itong malalaglag. Ayaw nyang malaman ng dalaga na alam
nya ang lahat ng naganap kani-kanina lamang...

KINABUKASAN...

Naalimpungatan si Jill sa masuyong paghaplos sa kanyang buhok. Agad ang bangon ng


kanyang ulo. Nakatulog pala sya. Medyo nangalay ang kanyang likod dahil sa
magdamagang pagkakatalungko sa gilid ng hospital bed ni Jack.

"Good morning Ms. beautiful..." nakangiting mukha ni Jack ang una nyang nabungaran.

Napangiti din sya..


Hinaplos nya ang mukha ng binata, napakalambot ng pisngi nito.

Kung noon ay di mo mahahalatang may sakit ito ngayon naman ay mapupuna mo na agad
ang mga pagbabago. Hapis na ang gwapong mukha ng binata at medyo nanlalalim na ang
palibot ng mga mata nito. Bakas na din ang hirap na dinaranas...
Parang may kumurot sa kanyang puso.

"Gutom ka na ba mahal?" paglalambing nya.

Pilit na tumawa ang binata. "Opo..kaya lang iba ang gusto kong kainin eh..."
nakalabing sagot nito.

"Ano yun Jack?" tanong nya.

Lalong lumawak ang pagkakangiti ng binata. "Ikaw... I want to eat you! Rawr!" at
nilakihan pa nito ang buka ng bibig.

Natawa naman sya. "Napaka pilyo mo talaga!" Pabiro nyang kinurot ang tagiliran ng
binata.

Tumawa na din si Jack.

"Jill..." Maya-maya ay bigla ng sumeryoso ang binata.

"A-ano yun?" Kabadong tanong nya.

"Napapabayaan mo na ang sarili mo dahil sa akin. Pati trabaho mo ay napapabayaan mo


na din..." malungkot na sabi nito.

Pinilit nyang pasayahin ang boses. "Ano ka ba! Masaya naman ako eh, tsaka balak ko
na din talaga mag resign para maging full time Girlfriend at personal nurse mo na
ako!" Nakatawang sagot nya.

Nakita nya ang di matatawarang sakit sa mga mata ni Jack. Umiling ito at kinabig
sya papalapit. Magaan lamang ang pagkakayakap nito sa kanya.
"Wag mong isuko ang buhay mo dahil lamang sa akin Jill..." Bulong nito.

"Ayoko...." Di na napigilan ng dalaga ang paghikbi.


"Nabuhay ka noon na wala ako, hindi na rin naman iba kung mabubuhay kang wala na
ako hindi ba? Gusto ko magging masaya ka... tulad noon."

Galit na humiwalay sya sa pagkakayakap ng binata. " Wag mo na ulit sasabihin yan
Jack! Wag na wag na!!! Gagaling ka maniwala ka sa akin!" Tumutulo ang luhang halos
pasigaw nya ng pagkakasabi sa lalaki.

Tumakbo sya palabas ng kwarto na yun.

Ayaw nyang makita ni Jack ang paghihirap nya. Naiinis sya sa sarili dahil hindi nya
napigilang umiyak sa harapan nito, alam nyang dahil sa kanyang ipinakita ay lalong
mawawalan ng pag-asa ang binata.

Lumipas ang mga araw na tuloy-tuloy pa din ang paga-gamot kay Jack.

Hindi na mawari ni Jill kung paano pa yun nalalampasan ng binata, habang tumatagal
ay lalo itong nangangayayat at nanghihina. Hindi na din sila masyadong makapag usap
dahil palagi ng natutulog si Jack dahil sa pagod at sa mga gamot na iniinom nito.

Ang huli nyang balita ay tumawag ang mommy nito sa Amerika at kinakamusta ang anak.
Natuwa sya ng malamang kinausap na ito ng maayos ng lalake.

"Jill..." Pukaw sa kanya ng kaibigang nurse na si Lai.

Napaangat ang tingin nya sa babae. Kasalukuyan sya noong nagbibilang ng mga gamot
sa ward.

"Oh?" Tamad nyang sagot dito.

Agad na tumabi sa kanya si Lai.

"Girl... Si Jack.." bungad nito.

Natigilan sya ng marinig ang pangalan ng pasyente.

"B-bakit??.. Anong meron? May nangyari ba???" Kabadong tanong nya.

Ngumiti ng kimi si Lai. "Nandyan yung mommy nya..."

"T-talaga??? Nasaan sila?"

"Kanina pa kaya kita hinahanap... Huli ka na eh." Malungkot na sagot ng kaibigan.


Napakunot ang noo nya. "Ah umalis na ang mommy nya?"

"Oo Jill... Pero...pero...kasama si Jack.."

Halos malaglag ang panga nya sa pagkakanganga. "Ano??!!!"


Nagulantang sya. Hindi pwedeng umalis si Jack na hindi nagpapaalam sa kanya!!!

"P-puntahan ko sila...sa...airport..." Nanghihinang wika nya. Para syang tinakasan


ng lakas sa katawan.

Malungkot na niyakap sya ni Lai.

"Jill... Kanina pa sila umalis... Kanina pa yun... Wala ka na ding maabutan.


Sinadya ni Jack na wag ipaalam sayo eh... Nakiusap sya kay Dok na paalisin na sila.
Marahil ngayon ay nakalipad na ang eroplano... Jill, umasa na lang tayo na babalik
sya... na gagaling sya doon--" Hindi na natapos ni Lai ang sinasabi.

"H-hindi..." Tigmak ang luha nyang tinakbo ang silid ng lalake. Pero tama si Lai,
wala na nga si Jack doon. Wala na maski kahit anong bakas ng binata.

"Jack..." Hinang-hina na napasubsob sya sa dating kama ng binata.

Si Dr. Lucky naman ay nasa pinto lamang ng kwarto at tahimik na nakamasid sa


umiiyak na dalaga. Bigla ay tila gusto nyang pagsisihan ang kanyang naging
desisyon.

####################################
Part 5
####################################

Si Dr. Lucky naman ay nasa pinto lamang ng kwarto at tahimik na nakamasid sa


umiiyak na dalaga.

Bigla ay tila gusto niyang pagsisihan ang kaniyang naging desisyon. Okey na ang
ganoon, ayaw niya na din makita pang magkasama ang dalawa dahil batid niyang sa
huli ay maghihiwalay din naman ang mga ito. Maigi na ang mas maaga ay naputol na
pag-iibigan nila Jack at Jill.

HINDI NA DIN malaman ng dalaga kung paano pa niya nakayang mabuhay sa loob ng ilang
buwan mula ng umalis na si Jack sa Pilipinas.
Wala man lamang siya maski katiting na balita mula sa lalaki at batid naman niya na
kahit lumuhod pa siya sa harapan ni Dr. Lucky ay hindi din naman siya nito bibigyan
ng impormasyon tungkol kay Jack.

Naging masigasig naman ang binatang Doktor na ibalik ang dati niyang sigla bilang
isang nurse. Tinutulungan din siya ng kaibigang si Lai upang malimutan ang sakit
na kaniyang nadarama.

Paano nga ba niya makukuha ang maging masaya kung bawat oras ay napapa-isip siya
kung ano na nga ba ang kinahinatnan ni Jack sa Amerika?

"Sis..." pukaw ng kaniyang kaibgang nurse na si Lai. "Aba'y daig mo pa ang buhay na
patay ah? Hanggang ngayon ba naman ay ganiyan ka pa din? Baka mamalayan mo na lang
na sisante ka na.." Hindi naman sa galit na ang kaniyang kaibigan subalit totoo
naman ang sinasabi nito.

Pasok na lamang siya ng pasok pero sa totoo lang ay hindi na siya nagta-trabaho ng
maayos. Kung hindi lamang siguro dahil kay Dr. Lucky ay matagal na nga siyang
nasisante sa Hospital na iyon.

Hindi na din niya masisisi ang iba pang mga kapwa nurse niyang naiinis na sa
kaniya.
"Pasensiya ka na sa akin Lai..." Mahinang sagot niya dito. Umayos siya ng upo at
pinilit pasiglahin ang kaniyang mukha.

"Jilliane Tacos. Mabuhay ka na sanang muli... Hindi pa naman huli ang lahat eh.
Umasa na lamang tayo na ayos na si Jack sa Amerika. Iyong okey na siya dahil alam
naman nating magagaling ang mga doktor doon at isa pa mayaman ang kanilang pamilya
kaya't siguradong gagaling talaga siya doon." Pagpapalakas nito sa kaniyang loob.

"P-pero paano kung..."

"Hay! Ano ka ba! Malakas pa sa kalabaw 'yong boyfriend mong 'yon ano!" Agaw nito sa
mga sasabihin niya pa sana.

Natigilan naman siya sa sinabi nito.

'Boyfriend'?

Oo nga at hindi nama maitatagong may relasyon sila ng binata, ngunit bakit ganoon?
Gasino lamang naman na ipaalam nito sa kaniya kung ano na ang kalagayan nito ngayon
diba? Kung Girlfriend nga talaga siyang itinuturing ng lalaki.

"Sana nga ay okay siya. Malaman ko lang na okay siya ay ayos na rin naman ako.
Ayoko lang ng nag-iisip nang ganito dahil kahit paano ay may pinagsamahan naman
kaming dalawa." Mapait niyang turan.
Gusto niya ng ibaon sa limot si Jack dahil sa ilang buwang wala itong paramdam sa
kaniya ay unti-unti na din siyang pinanghihinaan ng loob.

Mahirap 'yong sitwasyon niya na iniwan sa ere at hindi alam kung sino at saan ang
dapat niyang lapitan dahil pakiramdam niya ay wala na talagang dahilan pa para
umasa siya sa lalaki.

Oo mahal niya si Jack at umaasa siyang pag galing nito ay babalikan siya ng binata
pero mahirap ng umasa sa wala.

LUMIPAS ang mga araw, at ang araw ay naging linggo at marami pang linggo na naging
buwan at naging taon...

TATLONG TAON at anim na buwan ang matuling lumipas.

Wala maski isang tawag o sulat mula sa iisang tao na hinihintay niyang magbabalik
sa kaniyang buhay.

Natuto na din siyang muling maging masigla at ipagpatuloy ang kaniyang buhay na
wala na ang binata.

Masaya na siyang muli sa kaniyang trabaho pero sa ngayon hindi maikakaila na iwas
na siyang makihalubilo o makipag close sa kaniyang mga bagong pasyente.

Sana ay noon niya pa ginawa, dahil kahit kailan naman ay hindi pwedeng magging
malapit ang isang tulad niyang nurse sa isang pasyente lalo pa't may malubha itong
karamdaman.

Mahirap magpaalam sa huli...

####################################
part 6
####################################

"GIRL!" malapad ang pagkakangiti ni Lai habang papalapit sa kaniya.

"Oh?" natatawa siya sa itsura ng kaniyang kaibigan paano'y tumaba na si Lai dahil
mula nang mag-asawa ito ay lumakas na itong kumain. Spoiled kasi sa napangasawa
kaya hayun at lahat ng naiibigan ay nakukuha nito.

"Congratulations!" Nakatawang yumakap pa ito sa kaniya na ipinagtaka naman niya.


"Bakit?" gumanti naman siya ng yakap sa kaniyang chubby na bestfriend.

"Ninang ka na!" Halos magtitili ang babae. Napakaaliwalas ng malaman nitong mukha
dagdag pa ang nagniningning nitong mga mata dahil sa labis na kaligayahan.

"Talaga?! Naku mare na pala kita, hindi ba dapat ay ako ang mag-congatulate sa'yo?"
Nakangiting niyakap niya muli ang kaibigan. Totoong masaya siya para dito dahil
nakamtan na nito ang masayang buhay sa piling ng asawa nito at ngayon ay magkaka-
anak na ang dalawa.

Hindi niya din naman maiwasang makadama ng inggit para dito, hindi ba't noon ay
nangangarap din siyang magkakapamilya sila ni Jack at magkakaroon ng mga cute at
malulusog na babies?

"Bakit parang di ka naman happy?" Tanong ng babae.

"Ha? Naku Lai pasensiya ka na kasi sumama 'yong pakiramdam ko bigla. Masaya ako
para sa'yo ano! Masaya akong maging ninang ni baby..." Pinilit niyang ngumiti sa
kaharap.

"Hay naku wag mo akong paglakuan Jilliane Tacos! Matagal na kitang kaibigan ano!
Alam ko kapag hindi ka totoong masaya!" Namewang pa ang babae. "Wag mo nang isipin
pa ang taong 'yun na wala namang ibang ibinigay sa'yo noon pa kung hindi sama ng
loob! Kung tunay na mahal ka niya gasino na lamang ang tawagan ka niya o sulatan
man lang! Magaling na nga siya hindi ba? Siguro naman sa yaman niyang 'yon ay hindi
naman kawalan kung iti-text ka niya kahit roaming diba tutal hindi ka naman nagbago
ng numero mula noon." Mahabang litanya nito.

Masakit pero tunay ang mga sinabi ni Lai. Nalaman niya mula sa hospital na magaling
na nga si Jack pero hindi na ata siya nito naaalala pa.

"Hindi siya kawalan! Jill may iba pang mas nararapat sayo at hindi ang lalaking
'yon! Sana nga ay hindi na lamang siya gumaling dahil napakasama ng ugali niya!
Paano niya naatim na mamuhay ng masaya sa ibang bansa gayong may isang tao siyang
iniwan dito sa pinas na nagdurusa at labis na nag-aalala para sa kaniya!" May galit
ang bawat katagang binibitawan ng babae.

Naging saksi niya kasi ito sa mga panahong naghihirap ang kaniyang kalooban sa pag-
iisip kay Jack. Nakita nito ang bawat luhang pumatak sa kaniyang mga mata sa tuwing
naaalala niya ang binata.

"Naku Lai tama na nga iyan! Hindi naman siya ang iniisip ko. Wag ka na magpa stress
dahil sa isang taong wala naman dito, isipin mo na nagdadalang-tao ka na at bawal
kang magalit. Sige ka baka anong maging itsura ng inaanak ko niyan!" Pagbibiro na
lamang niya.

Ngumiti na din si Lai dahil sa sinabi niya. "Ay oo nga! Ayoko ngang maging busangot
ang itsura ng baby ko ano!"
"Halika na nga at umuwi na tayo!" Tatawa-tawang inakbayan niya na ang kaibigan.

PALABAS na sila ng lobby ng hospital ng may isang pamilyar na tao silang


nakasalubong.

Isang may edad ng babae subalit mababanaag pa din ang taglay nitong ganda noong
kabataan pa nito. Nangingintab ang mga suot nitong alahas na nagpapakilala sa
estado nitong kinabibilangan.

"I'm looking for Dr. Lucky ,please?" lumapit ito sa front desk. Malamyos at may
pagka banyaga ang boses ng babae.

Hindi siya maaaring magkamali dahil tiyak niyang kilala niya ang babaeng iyon kahit
pa matagal na mula ng huli niya itong makita. Tila naramdaman naman nito ang
kanilang presensiya kaya't dahan-dahan itong tumingin sa gawi nila ni Lai.

"Mommy ni Jack 'yon diba Jill?" Mahinang bulong ng kaibigan.

Nakita nilang ngumiti ang may edad na babae. Bakit pakiramdam niya ay sa kaniya
lamang ito nakatingin. Pilit ang pagbabalik ngiti niya dito pagkatapos ay
nagmamadaling hinila niya na sa braso ang kaibigan.

"Tara na Lai!"

"Oy! Teka lang naman..." Kanda-habol naman ito sa mabilis niyang paghakbang palabas
ng hospital.

Nasa tapat na sila ng kalsada ng bitiwan niya ang kamay ni Lai. Humihingal silang
pareho sa ginawa nilang lakad-takbo na animo may tinatakasan. Halos lahat ng
makasalubong nila ay nabangga nila dahil sa pagmamadali ng dalaga na makaalis sa
hospital.

"Oh my God Jill mabuti na lamang at makapit itong baby ko!" tatawa-tawang hinihimas
pa nito ang impis pa namang tiyan.

"Sorry ha?" mabilis pa din ang kabog ng kaniyang dibdib. Hinagod niya ang likod ng
babae. "Okay ka lang ba Lai?"

Ngumiti naman ang babae. "Yes..." bagama't may hingal pa din sa boses nito.

"Bakit siya pumunta sa Hospital?" Wala sa sariling tanong niya.

Narinig niyang tumikhim ang kaibigan. "Iyong mommy ni Jack? Ewan ko Jill. Wag mo na
lamang isipin... Hanggat hindi si Jack mismo ang nakita mo ay wala ka pa ring dapat
na asahan."

"Hindi na ako umaasa pa." matigas na wika niya. "Ayoko lang na sa susunod ay siya
naman ang dumating... Bakit ba niya ako ginaganito?!" Inis na naihilamos niya ang
dalawang palad.

Kung noon ay nasasabik siyang bumalik si Jack, ngayon naman ay ayaw na ayaw niya na
itong bumalik pa. Natatakot siyang muling makaharap ang binata, natatakot siyang
malamang hanggang ngayon ay hindi niya pa din ito nakakalimutan.

Awang-awa naman si Lai sa kaniya. "Alam mo tama ka riyan... Kung nandito na ang
mommy niya malamang naririto na din siya o di kaya paparating na din siya."

Napailing na lang siya. "Lai naririto man siya o wala ay wala na akong pakialam pa!
Bahala siya sa buhay niya." Hindi maitatatwa ang pagka-bitter sa kaniyang
pananalita.

Nagkibit-balikat na lamang si Lai at sabay na silang pumara ng taxi para makauwi


na.

Batid ni Jill na kahit ano pang sabihin niya ay hindi pa din niya lubusang
nakakalimutan ang binata na dati niyang naging pasyente. Hanggang ngayon ay
nangungulila pa din siya kahit pa sa ngayon ay nangingibabaw ang galit at
pagtatampo sa puso niya.

Gusto niyang marinig ang paliwanag nito pero ayaw niya na itong makita pa.

####################################
part 7
####################################

HINDI nga siya nagkamali dahil kinabukasan ay si Jack na nga mismo ang nakita
niyang nagtatanong sa front desk ng hospital na kaniyang pinagta-trabahuan.

Hindi niya mawari kung nananaginip lamang ba siya o namamalik-mata sa kaniyang


nakikita. Nakatayo ang lalaking labis niyang pinangulilaan sa loob ng mahigit
kumulang na tatlong taon. Parang walang nangyari sa binata.

Napakakisig nito sa suot nitong stripe na polo shirt at asul na pantalong maong.

Tila ba napakalinis at napakabango nito sa ayos na 'yon. Wala na ang bakas ng


karamdaman nito sa halip ay larawan ng isang gwapo at matangkad na lalaki na
hahabulin at kababaliwan ng kahit sinong babae na lamang ang tangi mong makikita sa
kaanyuan nito.

Hindi niya malaman kung tatakbo ba siya papalapit dito at yayakap sa binata kagaya
ng inuutos ng kaniyang puso o tatalikod palayo tulad ng idinidikta ng kaniyang
isipan. Subalit nanaig ang mas nakatataas na parte ng kaniyang katawan...ang
kaniyang isip. Nagre-rebelde ang puso niya pero kinakain na siya ng kakaibang pait
na nadarama.

Bago pa man siya tumalikod ay napatingin na sa kaniya ang binata at sa di


inaasahang pagkakataon ay nagtama ang kanilang mga mata.

Pakiramdam ng dalaga ay nanigas ang kaniyang buong katawan dahil sa pagkakatitig ng


mabughaw na mga mata ni Jack.

Punong-puno ng pangungulila ang mga mata nito na ayaw niyang paniwalaan. Matagal na
naglapat ang kanilang mga mata hanggang siya na ang naunang mag-iwas ng tingin.

"Jill!"

Narinig niyang tawag ng binata subalit hindi na siya nag aksaya pa ng panahong
lungunin pa ito.

Nagmamadali ang kaniyang mga paa sa paghakbang papalayo sa lalaki. Hindi niya na
alam kung saang pasilyo na siya napadpad dahil sa pagmamadali hanggang sa mabunggo
siya sa isang matigas na bagay.

"Ah!" Napangiwi ang dalaga sa pagsalpok ng kaniyang ilong sa nabangga niya.

"Jill?" Tawag nito.

Marahan niyang iniangat ang kaniyang ulo habang sapo-sapo pa din ang nasaktan
niyang ilong. "D-Dok?" Hiyang-hiya siya ng malaman na si Dr. Lucky pala ang
kaniyang nakabanggan at doon siya mismo bumangga sa dibdib ng binatang doktor.

"Namumutla ka? May problema ba?" Masuyong tanong ng lalaki.

Hindi naman malaman ni Jill kung paano sasagot dito. Hindi na din siya kasi ganoon
kalapit sa doktor matapos ang mga nangyari, tila ba nagkaroon na ng malaking harang
na pader sa pagitan nilang dalawa.

Batid naman niyang siya mismo ang lumikha ng pader na iyon dahil ayaw niya ng
maging malapit pa kay Dr. Lucky at iginalang naman iyon ng lalaki.

"I'm sorry Doc..." Nakatungo niyang paumanhin. "Wala ho ito.."

"Jill..." Tila hindi ito naniniwala sa kaniyang sinabi.

Tinatagan niya ang ekspresyon ng kaniyang mukha at muling tumingala sa lalaki.


"Aalis na ho ako Doc." Magalang niyang paalam.
Magsisimula na siyang lumakad palayo subalit humarang ito sa kaniyang daraanan.
Nakataas ang kaniyang kilay na tumingin dito.

"Let's have a coffee muna." Ngumiti ang binatang doktor.

Hindi na nito hinintay pa ang pagsagot niya dahil hinawakan na agad siya nito sa
braso at iginaya palabas ng pasilyong iyon.

Para naman siyang batang sunod-sunuran na lamang, hindi niya alam kung bakit hindi
na siya tumutol pa tulad ng madalas niyang ginagawa dito. Muli ay nakasalubong niya
ang lalaking tinatakasan kanina lamang. Alam niyang nakita din iyon ni Dr. Lucky
subalit kataka-takang tuloy-tuloy lamang ang doktor sa paglalakad habang hawak-
hawak ang kaniyang kaliwang braso.

Hindi niya maipaliwanag ang lungkot na nakita niya sa mga mata ni Jack habang
pinagmamasdan silang papalabas ng lobby ng hospital.

MAGKAHARAP na sila sa lamesa ni Dr. Lucky ay wala pa din siyang imik. Hindi
mapuknit sa kaniyang isipan ang mukha ni Jack kanina.

"Jill..." Pukaw ng binata sa kaniya.

Kagya't na napatingin siya sa kaharap.

Nasa isang coffee house sila malapit sa hospital. Ito ang unang beses na sumama
siya sa doktor matapos ang ilang taon na hindi niya pagpansin dito.

"I'm sorry Doc. Nagkamali ako ng pagsama dito sayo..." Akmang tatayo na siya pero
muli siya nitong pinigilan sa braso.

"Please..." Maging ang mga mata nito ay nakikiusap sa kaniya.

Tahimik na muling naupo na lamang siya. Bilang na bilang ang kaniyang mga kilos.
Nakita niyang kumukuha na ng pera sa wallet si Dr. Lucky para sa kanilang inorder
kaya pinigilan niya ito.

"Ako na ho ang magbabayad sa kinain ko."

Bumadha ang sakit sa mukha nito. "Jill... galit ka pa din ba hanggang ngayon sa
akin?"

Umiling siya sa tanong ng doktor. "Hindi Doc. Hanggat maari tulad ng sinabi ko noon
ay ayoko na munang---"

Hindi niya naituloy ang sasabihin dahil sa iniharang ng lalaki ang hintutro sa
kaniyang mga labi. "Galit ka nga sa akin." Ngumiti ito ng mapait. "Oh, hindi mo
lamang talaga ako gusto. Jill nagpapasalamat ako dahil kahit na alam kong hindi ka
na komportableng makasama ako ay hindi ka pa din umalis sa Hospital..."

Napatungo siya.

Hindi niya kayang salubungin ang tingin ng Doktor. Naging mabuti pa din ito sa
kaniya sa kabila ng malamig na pakikitungo niya dito na hindi naman nito dapat
nararanasan dahil wala naman itong nagawang masama sa kaniya.

"Jill. Matagal na kitang gustong makausap... Pero pinipigilan ko ang sarili ko


dahil gusto ko na maging okay ka muna sa sarili mong pamamaraan. Ayokong salubungin
ang sakit na nadarama mo buhat ng mawala siya." Tukoy nito kay Jack. "Nahihirapan
ako na makita ka sa araw-araw na kinakaya ang buhay kahit pa alam ko na gusto mo ng
sumuko. Gusto ko na damayan ka pero alam ko na hindi mo ako papahintulutan. Si
Jack... alam ko ang lahat ng nangyayari sa kaniya."

Napaangat ang tingin niya sa lalaki. "Ano?"

Ngumiti ng mapait ang Doktor.

"Oo... alam ko lahat ng kaganapan sa kaniya buhat ng umalis siya sa hospital at


magtungo sa ibang bansa. Umalis siya dahil gusto niyang gumaling at ayaw ka na
niyang mahirapan pa. Sa pag alis niya ay kung saan-saan silang hospital pumunta,
kung kanii-kaninong dalubhasang doktor sila lumapit. Matagal na gamutan iyon pero
naging malakas siya, Jill. Nagtagumpay ang pag gagamot sa kaniya. Nagpapasalamat
siya sa atin dahil naging malaking parte ng buhay niya ang hospital magging ikaw na
din... Naririto ang parents niya upang tumulong sa hospital at sa mga pasyenteng
tulad niya na may cancer. Nag-donate sila ng malaking halaga at ngayon ay nagtatayo
ang kaniyang mommy at step dad ng isang foundation." Mahabang kwento nito.

"Ako... kahit kailan ba ay hindi niya ako hinanap o tinanong man lang? Wala ba
siyang naging mensahe sa akin?" Hindi niya napigil ang sarili na magtanong.

Ngumiti ng pilit ang lalaki. "Kinamusta ka niya..."

Gumuhit ang ngiti sa kaniyang mga labi. Oo sapat na 'yon para maibsan ng kaunti ang
kaniyang galit sa lalaki. "Bakit hindi mo sinabi sa akin?"

"I'm sorry pero siya na mismo ang hindi nagpasabi noon."

"Bakit daw?"

"Umaasa siya na sa pag alis niya ay..." Hindi nito nagawang matapos ang sasabihin
dahil sa nakikitang excitement sa kaniyang mukha.

"Doc???"
"Jill... Umaasa siya na... mababaling sa akin ang pagtingin mo. Umaasa siya na
tayong dalawa ang---" Bago pa man niya ituloy ang sasabihin ay nakatayo na ang
dalaga. "Jill!" Habol nito sa kaniya.

"I hate that jerk! How dare him para pangunahan ako sa dapat kong maramdaman!!!"
Nagtatakbo siya palabas ng cafeteria.

Masamang-masama ang kaniyang loob.

Ano bang akala ni Jack sa kaniya? Isang laruan? Isang manika na pwedeng ipamigay at
ipagkatiwala sa iba matapos nitong iwanan? Akala ba nito hindi niya kaya na
mabuhay mag-isa at magiging miserable siya na wala ito? Pero totoo naman...naging
miserable talaga siya dahil maling-mali na minahal niya ito.

"Jill!" tawag sa kaniya ng kaibigang si Lai pero hindi niya pinansin ang babae.

Tuloy-tuloy lamang siya sa paglalakad. Magging ang ibang co-nurses niya na bumati
sa kaniya ay hindi niya man lamang nginitian.

Pakiramdam niya ay nanlalaki ang kaniyang ulo at mabigat na mabigat ang kaniyang
pakiramdam.

####################################
part 8
####################################

PAGKAUWI niya sa kaniyang apartment ay nahiga na siya agad sa kaniyang kama.


Pakiramdam niya ay bumalik lahat ng sakit na kaniyang nadama noon.

Mariin niyang ipinikit ang kaniyang mga mata. Naistorbo ang kaniyang pag idlip ng
marinig ang pag ring ng kaniyang cellphone.

"Hello?" Tamad na tamad niyang sagot dito na hindi man lamang tinitingnan kung sino
ang kaniyang caller.

"Hello?" ulit niya subalit nanatiling tahimik ang kabilang linya. Napakunot ang
makinis na noo ng dalaga. Mabibigat pa din ang kaniyang mga mata na tila ayaw pang
dumilat.

"Hello sino ba ito?" Medyo inis na siya dahil mukhang walang balak magsalita ang
tumatawag sa kaniya. "Pag hindi ka nagsalita ay ibababa ko na ito... isa...
dalawa... tat---"

"Jill..." Sa wakas ay nagsalita na ang nasa kabilang linya.

Parang biglang nawala ang pamimigat ng kaniyang mga mata at pagkatamad ng kaniyang
katawan ng marinig ang pamilyar na boses na iyon.

Hindi siya pwedeng magkamali, kilalang-kilala niya ang boses na 'yon! Bigla ang
pagmulat ng kaniyang mga mata at pagbangon niya sa kama.

"Jill..." Mahina lamang ang boses pero pakiramdam niya ay nabibingi siya kaya't
inilayo niya iyon sa kaniyang tainga para lamang mapagmasdan ang nag-a-appear na
unknown number sa screen ng kaniyang cellphone.

"Jill I'm sorry..." dinig na dinig niya pa din ang boses nito.

Muli ay ang pagragasa ng isang pamilyar na damdamin at ang pagkirot ng isang bahagi
ng kaniyang puso. Hindi nga ba at miss na miss niya na ang boses na 'yon? Na sa
araw-araw ay iyon ang hinihintay niyang tatawag sa kaniya kung kaya't hindi siya
nagpapalit ng numero magpasa hanggang ngayon?

Isang malalim na paghinga muna ang kaniyang pinawalan bago muling ilapit sa
kaniyang tainga ang telepono.

"H-hello sino ba ito?" Nagkunwari siyang hindi niya pa kilala ang caller.

Kahit kilala niya na ang tumatawag ay parang ikinagulat niya pa din ang pagsagot
nito. Pakiramdam niya ay nilindol ang kaniyang buong mundo.

"Si Jack ito... Jill... I missed you..."

Hinamig niya ang sarili bago sumagot.


"Bakit ka napatawag?" pinilit niyang tigasan ang kaniyang boses.

"Jill pwede ba tayong mag-usap?" Pakiusap nito.

Gusto niyang sabihing 'OO' pero bakit tila may bumabara sa kaniyang lalamunan at
hindi makaalpas ang gusto niyang sabihin sa lalaki.

"Kahit saglit lang Jill." Muli ay ang nasa kabilang linya.

Hindi naman masama kung pagbibigyan niya ang lalaki. Tuluyan na nga siyang
ipinagkanulo ng pagka miss niya dito.

"Sige...saan?"

Hindi niya maipaliwanag ang nadarama.


Makikipagkita siya kay Jack at makakausap niya sa personal ang binata. Oo marami
siyang gustong malaman dito pero mas nananaig ang kaba sa kaniyang puso.

Kung dati-rati'y ang lagi niya lamang suot ay ang kaniyang uniporme bilang nurse ay
ngayon gusto niyang isuot ang pinaka magandang damit na meron siya sa kaniyang
cabinet.

Gusto niyang makita ni Jack na maganda siya at hindi siya naging miserable ng
iwanan siya nito. Nakangiting umikot pa siya sa salamin.

Totoo naman na maganda siya... hinayaan niyang nakalugay ang kaniyang mahabang
buhok, ibang-iba sa itsura niya palagi noon.

Nagpahid siya ng kaunting blush on sa kaniyang maputing pisngi gayon na din ang
lipstick sa kaniyang maninipis na labi.

HUMANDA na siyang makipagkita sa lalaking dahilan ng ilang taong pagdurusa niya.


Napapitlag siya ng marinig ang busina ng sasakyan sa harapan ng kaniyang apartment.
Dali-dali niyang kinuha ang kaniyang shoulder bag at pinasadahang muli ang sarili
sa salamin bago tuluyang lumabas ng bahay.

Nanginginig pa ang kaniyang mga tuhod ng makaharap ang binata. Pakiramdam niya ay
nawala na naman lahat ng lakas ng loob na inipon niya kani-kanina lamang.

"Hi." Nakangiting bati nito sa kaniya sabay abot ng isang pumpon ng kulay pulang
rosas.

"H-hello..." Sagot niya na hindi man lamang tinapunan ng pansin ang ibinibigay
nitong bulaklak. Ayaw niya ng umabot pa sa tagpong ipagbubukas pa siya nito ng
pinto kaya't inunahan niya na ang binata at agad na siyang sumakay sa passenger
seat ng kotseng dala nito

Wala ng nagawa pa si Jack. Kakamot-kamot ito ng ulo na sumakay na din sa loob ng


kotse. Inilapag na lamang nito ang bulaklak sa likod.

"Fasten your seatbelt honey..." Paalala nito.

Umingos naman ang kaniyang nguso dahil sa itinawag nito sa kaniya.


Siguro noong nasa amerika ito ay kaliwa't-kanan ang mga babae nito.

Sabagay dati pa naman ay matinik na sa mga babae si Jack, di nga ba't kaliwa't
kanan ang mga girlfriends nito na mga amerkana bago ito nagpa-confine sa Pilipinas.

####################################
part 9
####################################

SA ISANG mamahaling 5 star hotel and restaurant siya dinala ng binata.

Hindi niya na din napigilan ang unang pagbaba nito at pagbubukas nito sa kaniya ng
pintuan ng sasakyan. Inalalayan pa siya nitong makababa na animo siya ay isang
prinsesa.

Noon pinapangarap niya lamang na maka date ang binata at ngayon ay nagkatotoo na
nga. Para siyang nasa alapaap ng mga sandaling 'yon.

"Mr. Walter?" Sinalubong sila ng isang waiter sa lobby ng hotel.

Tumango si Jack sa waiter. Magiliw naman na iginaya sila nito papunta sa kanilang
mesa.

"This way sir, mam..."

Namangha si Jill.

Punong-puno ng roses ang kanilang table at may mga kandila pa. Iyon bang candle
lights dinner na sa telenovela niya lamang napapanood. Hindi nga siya nagkamali ng
iniisip dahil maya-maya lamang ay dumatinig na ang grupo ng mga nagba-violin.

Pumwesto ito sa gilid na table at nagsimula ng tumugtog.

"Bakit kailangang ganito pa?" Hinaluan niya ng pagka-irita ang kaniyang


pagtatanong.

Ngumiti ng matamis si Jack. "Kulang pa nga ito kung tutuusin..."

Umismid siya. "Ano bang pag-uusapan natin ha?"

"Relax... Order muna tayo." Sinenyasan nito ang waiter para sa menu. Bumulong ito
sa waiter. "Gusto mo bang sumayaw muna?" Baling nito sa kaniya.

Tumaas ang kilay niya. "Pwede ba?! Hindi ako pumunta rito para makipagsayaw sa'yo!"
Inis na sagot niya.

"Ito naman ang sungit... Tara na..." Pilit nito sa kaniya. Mukhang walang balak
mapahiya ang binata kaya't tumayo na ito at lumapit sa kaniya.

"Ayoko nga eh!" Pero wala na siyang nagawa kung hindi tumayo na rin dahil sa
pangungulit nito. Si Jack pa naman ang tipo na hindi titigil hanggat hindi nakukuha
ang gusto.

Namalayan na lamang niya na nasa gitna na sila ng bulwagan at kasama ng ibang


magkakaparehang nagsasayaw.

Iniharang niya ang kaniyang dalawang kamay sa dibdin ng binata. Makalapat pa rin
ang kanilang mga katawan kahit pa napapagitna ang kaniyang mga kamay, ayaw lamang
niyang maramdaman ng lalaki ang mabilis na pagtibok ng kaniyang puso.

"Jill..." Mahinang anas nito sa kaniyang punong tainga.

Sinalubong niya ang tingin nito.

Dati nagsasayaw sila sa ilalim ng liwanag ng buwan sa garden ng hospital kapag


gabi. Walang musika pero nagsasayaw silang magkayakap.

Namimiss niya ang mga sandaling iyon at hindi niya na kayang sikilin pa ang
damdamin.

"Sorry dahil hindi ako nagpaalam sa'yo..." Seryosong wika nito kasabay ng paghapit
nito sa kaniyang bewang.

Iniwas niya ang kaniyang tingin. "Pagod na ako... Maupo na tayo ulit." Marahan niya
itong itinulak.

Dumiretso na siya sa kanilang mesa at hindi niya na hinintay pang sumagot si Jack.

Halos maubos niya na ang laman ng kopitang may lamang champagne.

Kahit kailan ay hindi siya tumikim ng kahit na anong uri ng alak subalit ngayong
gabi ay tila uhaw na uhaw siya sa inuming iyon. Hindi pa siya nagkasya dahil
umorder pa siya ng wine sa waiter.

"Masarap ito ha? Pahingi pa nga ako!" Utos niya sa waiter na hindi malaman kung
susunod ba sa kaniya o hindi.

Alam nitong lasing na kasi siya, nagtataka man ay wala na itong nagawa kung hindi
sundin ang gusto niya.

"Stop it Jilliane! Hindi tayo pumunta dito para maglasing ka ng ganiyan!" Inis na
saway ni Jack sa kaniya.

Namumungay ang kaniyang mga mata na tumitig sa binata. "Teka? Bakit ba huh?! Nag-
aalala ka bang lumalaki na ang babayadan mo? Oh sige ako na ang magbabayad!" Tumawa
pa siya pagkasabi niyon.
Naiiling na lamang si Jack sa ikinikilos niya. "Tama na 'yan Jill." Inagaw na nito
ang bote na inaabot niya upang magsalin muli ng bagong iinumin.

"Hey ano ba! Kill joy ka naman eh! Epal ka? Alam mo 'yong epal?!" Humahagikhik na
tumayo pa siya at pasuray-suray na lumapit sa kinauupuan nito. "Ang epal mo?! Wag
mo akong pakialaman huh?! Wala kang pakialam sa akin kasi hindi naman tayo okay?!"

Nakaka-agaw na sila ng pansin sa ibang mga nagdi-date doon dahil sa ikinikilos


niya. Si Jack naman ay nakatiim-bagang na tumayo na rin.

"I'll take you home!" Matigas na wika nito sabay hila sa kaniya.

"Ayoko pa! Nag start pa nga lang ako magpa init eh! Ang sama talaga ng ugali mo!
Alam mo 'yon? Dadalhin-dalhin mo ako dito para lamang bitinin? Ganiyan ka naman eh!
Diyan ka magaling ang magpasabik ng tao tapos ay ganito! Kill joy ka!"
Pinaghahampas niya ito sa balikat ng yakapin siya nito sa bewang at saka hilahin
palabas ng Restaurant na iyon.

Well, ang date nila? Wala na... Ang romantic date.. She ruined it.

NAIILING na lamang si Jack sa inaasal ng dalaga.

Tinawag niya ang waiter at binayaran ang kanilang mga inorder pagkatapos ay binuhat
niya na si Jill na hindi na din nakapalag pa dahil sa lasing na nga talaga ang
babae.

"Ang sama sama mo... Masama ka... Wala kang kwenta! Pinapahirapan mo ako! "
Pabiling-biling ang ulo niya habang nakahiga sa back seat ng sasakyan.

Naiiling naman si Jack habang nagda-drive. Ibinalik niya ang tingin sa kalsada,
nakita niya sa side mirror na tuluyan ng nakatulog ang si Jill sa likod.

Ang lahat ng mga sinabi nito ay hindi niya ikakaila kahit kailan, totoo ang lahat
ng iyon dahil masama naman talaga siya. Sinaktan niya ang nag-iisang babaeng
minahal niya ng totoo sa buong buhay niya.

SI JILL

MALAMIG ang paligid ng magmulat siya ng kaniyang mga mata. Parang may mabigat at
mainit na bagay na nakadagan sa kaniyang balat...

Mainit din ang hanging tumatama sa kaniyang mukha. Hindi naman madilim ang paligid
subalit wala siyang maaninag sa unang pagmulat niya... marahil masakit ang kaniyang
ulo na tila ba binibiyak sa maraming piraso.

Takang iginala niya ang mga mata sa paligid ng medyo umayos na ang vision niya.
Napamulagat siya sa nakita.May malaking lampshade sa tabi niya at wala siyang
natatandaang may lamp shade siya sa kaniyang silid!

Hindi pamilyar ang silid na kaniyang kinaroroonan!

"Jill..." Isang baritonong boses na nagsalita sa kabilang gilid niya. Sobrang lapit
ng boses na iyon...

"Jack?" Nagulat pa siya dahil katabi niya ang binata.

Nakahiga sila sa malaki at malambot na kama sa silid na hindi pamilyar sa kaniya!


Ang lalong pinanlaki ng kaniyang mga mata ay kapwa na sila walang saplot sa ilalim
ng puting kumot.

Magsasalita pa sana siya subalit sinakop na ng binata ang kaniyang mga labi.

Kahit nanghihina ay nagpumilit siyang itulak ito palayo para lamang lalong humigpit
ang pagkakayapos nito sa kaniyang katawan.

NO!

Naghuhumiyaw ang utak niya subalit hindi na ito pinakinggan ng puso niyang sobrang
nangulila kay Jack. Mukhang hindi pa siya nilulubayan ng epekto ng nainom niya.

Oh how she missed this man!

Napapikit siya. She felt her throat go dry.

Nang lumaon ay natagpuan na lamang niya ang sarling ginaganti ang pag gagad ng
bibig ng binata sa kaniyang mga labi. Kusa na ding pumulupot ang mga braso niya sa
leeg nito. Mahal niya pa din ang binata, mahal na mahal niya pa din ito tulad ng
pagmamahal niya noon sa binata.

"Oh Jill..." anas nito ng saglit na magkahiwalay ang kanilang mga labi. Nang
umibabaw na ito sa kaniya ay mas hindi na siya nakapalag pa.

Para itong mauubusan sa bawat kilos nito. Ang bawat paghaplos nito at pagsamba sa
kaniyang katawan ay lalo pang nakakatulong upang tuluyan siyang mawala sa kaniyang
sarili.

"I've waited so long..." Anas ni Jack sa pagitan ng paghalik sa kaniyang leeg.


"I've waited to long for this..."
'And I waited so long for you...' Gusto niyang itugon dito pero hindi niya ginawa.

Parang panaginip na lamang na makasama niya muli ang binata. To feel Jack... To be
with him...

Tuluyan na nitong pinag-isa ang kanilang mga katawan ng maramdaman na handa na siya
sa pagsasanib na iyon. Nakapikit na tinanggap niya ito. Walang pag aalinlangan.

Sa umpisa lamang ang sakit... Pero ginawa ni Jack ang lahat upang hindi niya iyon
masyadong indahin... He was so gentle, loving and sweet... Hindi ito tumigil sa
paghalik sa kaniya na tila ba sa pamamagitan niyon ay maiibsan ang pakiramdam ng
'kaniyang unang beses' na pamamaalam sa kainosentehan.

Nang lumaon ay puro ungol na lamang ng pagibig ang lumalabas sa mga bibig nila. Oh
Jack! Gaga nga yata talaga siya... Pero bakit napakasarap magpaka-gaga para dito?

Sinugpo nila ang lamig ng silid na iyon... Kapwa humihingal na naghiwalay ang
kanilang mga katawan pagkatapos...

Tumagilid siya patalikod sa binata. Hindi niya kayang salubungin ang mga tingin ni
Jack.

Doon na bumalik ang hiya niya. Nakramdam na siya ng panliliit dahil sa mabilis
niyang pagbigay dito. Ano na lang ang iisipin ni Jack?

Mainit ang mga luhang bumagsak sa kaniyang mga mata pero marahas niyang pinunasan
iyon. Huli na para magsisi siya dahil ginusto niya din naman iyon. Hindi niya
pwedeng sabihin dito na 'rape' iyon dahil obviously gusto niya rin ang nangyari...
And surely she will treasure it form the bottom of her heart.

Marahan niyang hinila ang kumot at ipinantakip iyon sa kaniyang kahubaran. Kahit
masakit ay pinilit niyang painot-inot na maupo sa gilid ng kama.

"Jilliane..." Yumakap sa likuran niya ang binata.

Naramdaman niya ang mainit na mga labi nito sa kaniyang balikat. Inipon niya muna
ang lakas ng loob upang harapin ang lalaki.

"Uuwi na ako Jack." Pormal ang mukhang paalam niya rito ng lingunin niya ito.

"No!" Biglang sagot nito. Lalong humigpit ang yakap nito sa bewang niya.

"Bakit mo ako dinala dito?" Hindi niya napigilang lumuha muli.

Ayaw niya sanang makita iyon ng lalaki pero tuluyan ng bumagsak ang mga luha niya
sa kaniyang pisngi. Kahit lampshade lamang ang nagsisilbing liwanag nila ay alam
niyang nakita na iyon ni Jack.

"Jill... Mag usap tayo please!" Hinawakan nito ang mga kamay niya.

"Okay ka na nga..." Mapait ang ngiting minasdan niya ito. "Okay na diba? Nakuha mo
na..." Malungkot siyang sumulyap sa mantsa na naroroon sa sapin ng kama. "T-Tama na
ha..."

"Jill..." Muntik na siyang bumigay dahil sa nakikitang lungkot sa mga mata ni Jack.

Pero hindi. Tama na... Ang sakit kasing umasa... Para ano? Para masaktan lang ulit
siya. Mahirap ng madala...

"Jill... Mag-usap tayo... Ayusin natin ito. Please..."

"Jack tapos na ang lahat sa atin ng umalis ka ng bansa..." Pumiyok ang boses niya.
"Bakit mo ba ito ginagawa ha?! Ano bang akala mo sa akin? Laruan mo?! Aalis ka ng
walang paalam at walang paramdam sa loob ng ilang taon tapos babalik ka ng wala
ding pasabi? Guguluhin mo na naman ang mundo ko Jack!" Pinagbabayo niya ang dibdib
nito.

JACK

Tumayo siya at niyakap niya ang dalaga.

Patuloy pa din sa pag iyak si Jill pero hindi niya sinukuan ang pagpupumiglas nito.

"Jill I'm sorry! I'm really sorry..." hinalikan niya ang luhaang pisngi nito.

"Ayoko na Jack... Tama na... Sapat na ang ilang taong paghihintay ko sa wala.
Nagtiwala ako sa pagmamahal mo pero binigo mo ako! Sana naisip mo man lang na may
isang taong nagmamahal at nag-aalala sa'yo...sana kahit minsan naisip mo man lang
ako! Ayoko na Jack..."

"Lahat ng galit mo tatanggapin ko Jill... Lahat. Magalit ka sa akin dahil kasalanan


ko kung bakit nahirapan ka ng ganoon. Pero sana maniwala ka na sa loob ng mga taong
iyon ay hindi ka nawala sa isip ko... na hindi ka nawala sa puso ko." Iniharap niya
ang babae sa kaniya.

"Ganoon ba talaga ako kadaling bilugin Jack?" Naghihinanakit na tanong nito.


"Natatakot akong umasa ka Jill..." Saad niya. "Jill malala na ang sakit ko ng
umalis ako ng bansa. Ayoko na makitang nahihirapan ka dahil sa sitwasyon ko. Ayoko
na umasa ka sa wala. Natatakot kasi ako na hindi na ako gumaling sa sakit ko at
iwan kitang mag-isa..."

"Pero nagawa mo na! Iniwan mo na akong mag-isa! Mas masakit pa iyon sa inaakala mo
dahil knowing na buhay ka pa ay hinahayaan mo akong mag-isip ng kung ano-ano! Ni
wala man lang akong balita kung buhay ka pa ba o hindi na!"

Hindi na nagsalita si Jack.

Malungkot na pinagmasdan niya na lamang na pinupulot ni Jill ang mga damit nito sa
sahig.

Nang makapagbihis na ito ay walang abog na lumabas na ito sa silid.

Sa condominium unit niya dinala si Jill ng malasing ito. Hindi niya na napigil ang
sarili dahil sa sobrang pagka-miss niya dito. Nagsusuka ito dahil sa kalasingan
kaya hinubad niya ang suot nitong damit.

SAMANTALA...
Nagmamadali naman ang lakad ni Jill palabas ng building ng condo ni Jack.

Patuloy pa din sa pag agos ang luha sa kaniyang mga mata. Kahit anong pigil ay
hindi mapatid-patid ang kaniyang pag iyak.
Pinagtitinginan na din siya ng mga tao sa kalsada pero wala na siyang pakialam pa.

TBC

The next part will be the last chapter! Thanks for reading!!!

####################################
The Last Part ... Part 10
####################################

JACK & JILL


The Last Chapter

-o-o-o-

Patuloy pa din sa pag agos ang luha sa kaniyang mga mata. Kahit anong pigil ay
hindi mapatid-patid ang kaniyang pag iyak.

Pinagtitinginan na din siya ng mga tao sa kalsada pero wala na siyang pakialam pa.

"I hate you! I hate you!" Nanlalabo na ang tingin niya dahil sa luhang bumabalong
sa kaniyang mga mata.
Nang mag ring ang celfone niya ay basta na lamang niya itong sinagot na hindi
tinitingnan kung sino ang tumatawag.

"Hello Jill!" Matinis ang boses sa kabilang linya.

"L-Lai..." Napasigok pa siya ng makilala ang boses ng kaibigan.

"What's wrong Jilliane? Bigla ka na lamang di nagparamdam... I'm so worried about


you sis. Nagkita na pala kayo ni Jack!" Tuloy-tuloy na sabi nito.

"Lai..." Naiiyak na sagot niya. "Lai! I'm still inlove with him!" Nanginginig ang
boses niya. Ayaw niya ng magsinungaling sasarili.

Tanga na o martyr pero iyon ang tunay niyang nararamdaman ngayon. Mahal niya pa din
si Jack.

Nanghihinang napaupo siya sa nadaanan niyang waiting shed.

Hindi niya alam kung saan siya pupunta dahil naglulugaw pa din ang kaniyang isipan.

"Oh my!" Biglang wika ng kabilang linya. "My Goodness Jilliane Tacos! You still
love that jerk? Bakit nagpaliwanag na ba siya sayo? Anong sabi? Bakit daw siya
umalis ng walang paalam at walang paramdam? Bakit siya bumalik ngayon? Anong sabi
niya?! Eee...." Nagpa-panic na ding makarinig ng chismis ang kaniyang kaibigan.

"May nangyari samin Lai... Napaka tanga ko talaga!"Hindi niya napigilang magtapat
sa kausap.

Lalo namang nagtitili ang kaniyang kaibigan.

"Pinilit ka ba niya kaya ka umiiyak? Naku! Jill magkwento ka wag kang pabitin diyan
madadagukan na kita! Mapapa-anak ako nito ng wala sa oras eh."

"Lai... hindi ko alam. Sabi niya para sa akin ang ginawa niyang paglayo... Lai
mahal ko pa pala siya. Natabunan lamang ng galit ang puso ko pero ang totoo siya pa
din ang laman nito. Mahal na mahal ko pa din siya..."

"Totoo ba ang narinig ko Jill?" Isang boses na nagmula sa kaniyang likuran.

Napalingon siya sa pinagmulan ng tinig.

Hindi si Lai iyon dahil iba ang boses na mula sa kaniyang celfone.
Kahit madilim sa kinauupuan niya ay nasinig niya ang malaking bulto ng lalaki na
nakatayo sa dulo ng waiting shed.

"J-Jack?..." Parang muntik pang maumid ang kaniyang dila ng makilala ang binata.
Papalapit na ito sa kaniya pero parang itinulos naman siya sa kaniyang kinauupuan.
Nakalimutan niya na ang kausap sa kaniyang celfone.

"You said you still love me Jill. Hindi ka huminto sa pagmamahal sa akin..."
Malungkot ang mga mata nito. "I'm so sorry Jill. I just want the best for you...
I'm sorry for hurting your feelings. But believe me Jill, kahit kailan hindi ako
humintong magmahal sayo. Kahit kailan ikaw lang ang babaeng laman ng puso ko at
hindi ka napalitan." Umupo ito sa tabi niya.

"Pero iniwan mo ako..." Naluluhang sabi niya.

Hinaplos nito ang kaniyang mukha. Ngayon ay kaharap niya na ang lalaki habang ito'y
nakaluhod sa kaniyang harapan.

"Shh... Stop crying honey. Ngayong magaling na ako at sigurado na akong hindi na
kita iiwan kahita kailan, nangangako ako na mananatili na sa tabi mo. Bumalik ako
para sayo Jill. Matagal kong hinintay na gumaling ako. Hindi ako tumigil sa
pagdarasal at pagsisikap na gumaling. Ikaw ang nagbigay ng pag-asa sa akin mahal
ko..." Maramdaming wika ng binata.

Sapat na ang mga narinig niya ngayon.

Alam niyang nagsasabi ng totoo si Jack. Nakikita niya ang katapatan sa mga mata
nito.

Nasaktan siya sa pag alis nito pero nasaktan din naman ito ng iwanan siya nito.
Ngayon niya nakita kung gaano ka-wagas ang pagibig ni Jack sa kaniya.

"You're forgiven..." Nakangiting wika niya subalit luhaan pa din.

Niyakap siya ng binata at yumakap din naman siya dito. "Jill thank you..." Hinagkan
nito ang kaniyang noo. "Pananagutan ko yung nangyari sa atin kanina! Magpapakasal
tayo Jill."

"Dapat lang." Nakangiting sagot niya. Kinurot niya pa sa tagiliran ang binata.

Pero bigla siyang natigilan sa huling sinabi nito. Para kasing panaginip lang ang
mga nangyayari.

"Papakasalan mo ako?"
"Yes honey. Kahit ngayon mismo! Kahit saan mo gusto! Will you marry me Nurse
Jilliane Tacos? Are you ready to be my wife and to be the mother of my children
Mrs. Walter? Be the queen in my palace honey..."

May inilabas ito mula sa bulsa ng pantalon. Isang white gold na singsing at agad
iyong isinuot sa kaniyang daliri.

"I can't wait to live my life with you honey!"

Napangisi naman siya. "Hindi pa ako umo-OO kainis ka! Basta ka na lang suot ng
singsing diyan." Kunwari ay umirap pa siya.

"Bakit? Diba sabi mo mahal mo din naman ako?" Nagtaka naman ang binata.

"Yeah, but syempre papahirapan muna sana kita."

Natatawang siniil siya ng halik ng binata.

Hindi na din siya pumalag pa dahil hindi na din naman niya kayang patagalin pa ang
lahat.

Gustong-gusto niya ang idea ng maikasal dito at magkasama sila habang buhay. It was
a dream come true!

Gumanti siya ng halik dito.

Para silang lovers na uhaw na uhaw sa isat-isa.

Medyo matagal pa para ma-realize nilang nasa waiting shed sila kung saan may mga
manaka-nakang dumadaang sasakyan at nai-eskandalo pag nakikita sila.

Si Lai naman ay nakangiting pinatay ang kaniyang celfone.


Dinig niya ang lahat mula sa kabilang linya. Masaya siya para sa kaibigan at para
kay Jack.

It was a happy ending indeed.

WAKAS

---- Salamat po sa pagtangkilik!


Sorry sa ilang typos. Ginawa ko ito last 2012 pa kasi... Naka NOKIA na de-keypad
kaya sablay. But I hopw you liked it... Simple lang ito.

JAMILLEFUMAH

You might also like