You are on page 1of 3

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon VI-Kanlurang Bisayas
CABATUAN NATIONAL COMPREHENSIVE HIGH SCHOOL

Baitang 7
Kuwentong Bayan
Uri ng panitikang Pilipino na nasa anyong tuluyan o prosa na ang mga kwento ay nagmula sa bawat pook na naglalahad ng
katangi-tanging salaysay sa kanilang lugar.

Mga Pangkat-Etniko sa Mindanao


1. Maranao – Nakatira sila sa paligid ng lawa ng Lanao. Buo pa rin at hindi naiimpluwensiyahan ang kanilang kultura katulad
ng disenyo ng damit, banig at sa kanilang mga kagamitang tanso.
2. T’boli – Sila ay nakatira sa Cotabato. Maaaring mag-asawa ng marami ang mga lalaki, nagpapalagay ng tatu o hakang ang
mga babae.
3. Badjao – Naninirahan ang gropung ito sa Sulu. Samal ang kanilang wika. Gumagawa sila ng mga Vinta at mga gamit sa
pangingisda tulad ng lambat at bitag. Nakatira sila sa isang bangkang bahay.
4. Subanen - matatagpuan sila sa kabundukan ng Zamboang del Norte at Zamboang del Sur. Kayumanggi ang kanilang kulay
at may makapal at maitim na buhok. Naniniwala sila na sa iisang ninuno lang sila nagmula.
5. Bagobo – Matatagpuan sa mga baybaying golpo ng Davao. Maputi ang kutis at kulay mais ang kanilang buhok na may
natural na kulot.

Pabula
-isang akdang pampanitikan na ang mga gumaganap na tauhan ay mga hayop na nagsasalita.
Aesop- tinaguriang ama ng sinaunang pabula o Father of ancient Fables.
Socrates- ang kauna-unahang nagsalin ng pabula ni Aesop sa wikang latin.

Epiko
Isang uri ng panitikan na nagsasalaysay tungkol sa kabayanihan at kagila-gilalas na pakikipagtunggali ng pangunahing
tauhan laban sa mga kaaway na halos hindi mapaniwalaan dahil nagtataglay ito ng higit sa karaniwang tao at kadalasan siya ay mula
sa lipi ng diyos at diyosa.
Ang salitang Epiko ay nanggaling sa salitang Griyego na “Epos” na ang ibig sabihin ay awit.

Iba’t ibang Epiko sa Pilipinas


 Epiko ng Bikol Handiong (Ibalon at Aslon)
 Epiko ng Ibaloi Kabuniyan at Bendian
 Epiko ng Ifugao Hudhud
 Epiko ng Ilokano Lam-ang
 Epiko ng Kalinga Ulalim
 Epiko ng Maguindanaw Indarapatra at Sulayman
 Epiko ng Malay Bidasari
 Epiko ng Manono Tulalang
 Epiko ng Meranao Bantugen
 Epiko ng Tagbanua Dagoy at Sudsud

Mga Pang-ugnay na nag-uugnay sa Sanhi at Bunga


 Dahil sa  Bunga ng
 Dulot ng  Dahilan sa
 Sapagkat  Mangyari
 Epekto ng

Maikling Kwento
Ayon kay Edgar Allan Poe ang maikling kwento ay isang akdang pampanitikang likha ng guni-guni at salagimsim na salig sa
buhay ng aktuwal na naganap o maaaring maganap.” Maaaring ang kwento ay hango sa mga pangyayari sa totoong buhay, patungkol
sa kababalaghan at mga bagay na hindi maipaliwanag ng kaalaman.

Retorikal na Pang-ugnay
Tumutukoy sa iba’t ibang bahagi ng pahayag na nagpapakita ng ugnayan ng mga pangungusap o bahagi ng isang teksto. Ito
ay may mga salitang nag-uugnay o nagkokonekta sa dalawang pangungusap, sugnay, parirala at salita upang makabuo ng isang diwa.
Kinakatawan ang pang-ugnay sa mga pang-angkop, pang-ukol at pangatnig.

1. Pang-angkop
Ang pang-angkop ay katagang nag-uugnay sa panuring at salitang tinuturingan. Ito ay nagpapaganda lamang ng
mga pariralang pinanggagamitan.
Dalawang uri ng Pang-angkop
-na
Ginagamit ang “na” kapag ang unang salita ay nagtatapos sa katinig maliban sa N. Hindi ito isinusulat
nang nakadikit at naghihiwalay ito sa unang salita.
Halimbawa:
Mapagmahal na ama.
Papel na manipis.
-ng
Ginagamit naman ito kapag ang unang salita ay nagtatapos sa titik N tinatanggal o kinakaltas ang N at
pinapalitan ng NG.

Ginagamit din ang pang-angkop na NG kung ang unang salita ay nagtatapos sa patinig.
Halimbawa:
Huwarang pinuno
Matuling sasakyan
2. Pang-ukol
Ang pang-ukol ay kataga /salitang nag-uugnay sa isang pangngalan sa iba pang salita sa pangungusap.
Halimbawa:
-Sa -ukol sa/kay -tungkol sa/kay -kay/kina
-Ng -alinsunod sa/kay -ayon sa/kay
-Hinggil sa/kay -para sa/kay -laban sa/akay

3. Pangatnig
Ang pangatnig ay mga kataga/salita na nag-uugnay ng dalawang salita/parirala o sugnay.

Mga uri ng Pangatnig


 Pandagdag
Halimbawa: at, pati
 Pamukod
Halimbawa: o, ni, maging
 Nagbibbigay sanhi/bunga
Halimbawa: dahil sa, sapagkat, palibhasa, bunga, kaya
 Nagbibigay kondisyon
Halimbawa: kapag, pag, kung, basta
 Nagsasaad ng kontrast o pagsalungat
Halimbawa: ngunit, subalit, sapagkat
 Panapos
Halimbawa: upang, sa lahat ng ito, sa di-kawasa, sa wakas, at sa bagay na ito
 Panlinaw
Halimbawa: kung gayon, kaya
 Panimbang
Halimbawa: at saka, pati, kaya, anupa’t
 Pamanggit
Halimbawa: daw, raw, sa ganang akin/iyo, di umano
 Panulad
Halimbawa: kung sino… siyang, kung ano…siya rin, kung gaano…siya rin

Dula
-pinakalayunin ng dula ay itanghal sa tanghalan.
Ang Mahiwagang Tandan
-Arthur P. Casanoba, ang may akda ng ang mahiwagang tandang.

Mga Dulang Panlansangan


1. Tibag- isinasagawa tuwing buwan ng Mayo, tungkol sa paghahanap ni Santa Elena sa krus na pinagpakuan kay Kristo.
2. Moriones-isang dulang panrelihiyon na ginaganap sa mga lansangan sa lalawigan ng Mindoro at Marinduque tuwing
mahal na araw.
3. Panunuluyan-isinasagawa tuwing Disyembre 24 ng gabi bago magsimula ang misa de gallo. Sina Maria at Jose ay
naghahanap ng bahay na kanilang matutuluyan.
4. Senakulo- sa dulang ito inilalarawan ang simula ng lahat, paglalang kay eba at adan, pagsilang kay Hesus, ang kanyang
kamatayan at muling pagkabuhay. Itinatanghal ito bilang isang serye, mula Lunes Santo hanggang Sabado de Gloria.
5. Santakrusan – isang dula na kung saan ito ay isang marangyang parada ng mga sagala at konsorte ang nagaganap. Sila ay
lumilibot sa mga kalye hanggang sa makarating sa simbahan upang maihatid ang krus.

You might also like