You are on page 1of 18

KABANATA I

ANG SULIRANIN AT KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN

Panimula

Napakahalaga ng papel na ginagampanan ng wika noon at maging ngayon. Nagiging


tulay ito tungo sa kapayapaan ng bansang Pilipinas. Mas nagkakaintindihan ang bawat
mamamayan dahil madali at malayang naipapahatid ng mga Pilipino ang kanilang saloobin at
kaisipan. Wikang Filipino rin ang nagiging susi tungo sa pagkakaisa ng mga Pilipino na
siyang kadahilanan ng patuloy na pag-unlad ng ekonomiya ng bansa. Mahalaga ang wika ng
isang bansa katulad ng Wikang Filipino. Ito ay sumisimbolo sa kultura ng mga Pilipino kung
sino, ano, at mayroon sila. Ang isang bansa na may sariling wika ay nangangahulugang
malayang bansa. Ang wika ay isang paraan ng komunikasyon at dahil dito, nagkakaintindihan
ang lahat ng tao. (Martha. C, 2014)

Maraming iba’t ibang wika dahil sa archipelago ng hugis ng bansang Pilipinas at


tinatawag itong varayti ng wika. Sabi ng marami, Wikang Ingles ang mas mahalaga kumpara
sa Wikang Filipino dahil ang Wikang Ingles ang pangunahing lenggwahe na mas ginagamit
ng karamihan kahit saan man magpunta sa mundo. Pero para sa mga Pilipino at sa mga taong
mas nakakaintindi sa kahalagahan ng wikang Filipino, ito ang sumisimbolo sa katauhan
bilang isang Pilipino. Sa araw-araw na paggamit ng Wikang Filipino ng mga kabataang mag-
aaral ngayon, nauuso na sa kanila ang paggamit ng iba’t ibang paraan upang mas mapaikli
ang pagbigkas at ang baybay ng Wikang Filipino, ilang halimbawa ng pagpapalawak ng
bokabularyo ay ang paggamit ng akronim o ang paggamit ng mga letra na sumasagisag sa
isang salita o tumatayo bilang kahalili ng isang salita upang mas madaling maintindihan.
Nauuso rin sa mga kabataan ngayon ang pagpapalit ng mga salita sa ginagamit noong unang
panahon upang mas magandang bigkasin at pakinggan. At ang pinakauso sa panahon ngayon
ay ang paggamit ng mga balbal na salita, ito ang pinakamababang antas ng wika na
karaniwang ginagamit ng mga kabataan. Ang mga mag-aaral sa urban ay gumagamit ng iba’t
ibang pagpapalawak ng bokabularyo na nakaaapekto din sa kanilang pamumuhay maging sa
lipunan at ekonomiya.

Ang pag-aaral na ito ay may layuning tulungan ang mga mag-aaral at mga kabataan
upang kanilang malaman kung paano nakakapekto sa loob ng kanilang klase ang araw-araw
na pagsasalita ng Wikang Filipino lalong-lalo na sa paggamit ng Wikang Filipino bilang
midyum sa pagpapahayag at pagpapaliwanag nila ng kanilang mga ideya at opinyon.
Mauunawaan rin ng mga kabataan at mag-aaral ang mga responsableng paraan ng paggamit
ng bawat salita sa paglalabas ng saloobin. Sa pagpili ng paksang ito, ang mga mananaliksik
ay isinaalang-alang din ang kahalagahan ng pag-aaral na isinagawa. Sinimulan nila ito dahil
naniniwala silang masasagot ang bawat tanong na sumisibol sa kanilang isipan patungkol sa
epekto ng araw-araw na paggamit ng Wikang Filipino. Gamit ang mga makakalap na datos at
impormasyon, ito ang siyang magiging batayan ng mga kasagutan sa mga suliranin na pinag-
aaralan ng mga mananaliksik sa pananaliksik na ito.

1
Kaligiran ng Pangkasaysayan

Ayon sa mga impormasyong nakalap ng mga mananaliksik, malinaw na ang wika ay


isang mahalagang kasangkapan na ginagamit upang maiparating ang mga nasasaloob na
ideya at damdamin ng isang tao. Hindi lamang ito isang paraan ng pakikipag-usap sa kapwa
kundi ginagamit din ito upang makipagkaibigan, makipagtalakayan at maibahagi ang iba’t
ibang opinyon at kaisipan. Sa buong kasaysayan, maraming mga bagay, sitwasyon at
pangyayari na tumutukoy sa kahalagahan ng wika sa mga tao, sa kapaligiran at higit lalo na
sa bansa. Ayon naman sa artikulong “A Modern Portrait Of Juan Dela Cruz”, na isinulat ni G.
Roger Cerda, isang propesor sa asignaturang ingles ng Unibersidad ng Santo Tomas, ang mga
Pilipino ay “trying hard copycats”. Kung hindi nagkakamali ay isa ito sa mga dahilan kung
bakit patok na patok ang Korean Trend dito sa Pilipinas. Dahil mahilig manggaya ang mga
Pilipino na kulang nalang ay maging Koreano na rin sila na kung ano man ang nakikita nilang
uso ay gagayahin nila.

Sa patuloy na pagtangkilik ng mga ito umuunlad na ang ating kaalaman sa lenggwahe


ng ibang bansa. Maging ang kanilang paraan ng pagdikta ng salita ay ginagaya na rin. Simula
elementarya palang ay hinahasa na ang kanilang pagsasalita ng ingles dahil ito ang
kadalasang gamit na lenggwahe sa pagtuturo ng matematika agham at halos lahat ng
asignatura hanggang sa pagtungtong ng kolehiyo. (Nakahara, 2006) Ang isyu sa pananaliksik
na ito ay laganap ngayon dahil karamihan sa mga mag-aaral ay gumagamit ng Wikang
Filipino sa pagpapahayag at pagpapaliwanag ng kani-kanilang mga opinyon at saloobin sa
loob ng klase. Ang pananaliksik na ito ay mahalaga upang matukoy ang mga saloobin ng mga
HUMSS na estudyante tungkol sa epekto ng araw-araw na paggamit ng wikang Filipino sa
loob ng klase ng Siquijor Provincial Science High School.

Balangkas Teoretikal

Ang Wikang Filipino ang ginagamit sa buong kapuluan sa pakikipagkomunikasyon sa


iba’t ibang etnikong grupo. Ang Wikang Filipino ay dumadaan sa isang prosesong paglinang
sa pamamagitan ng paghiram ng mga wika ng Pilipinas at di katutubong wika sa ebolusyon
ng barayti ng wika para sa mga iba’t ibang sitwasyon, ang mga nagsasalita nito ay may iba’t
ibang saligang sosyal at para sa mga talakayang paksa at iskolariling pagpapahayag. Sa mga
nagkaroon ng kaalaman sa mga barayti ng wika, magkakaroon ng mga pagbabago sa atityud
o kaugalian ng mga Pilipino sa wikang pambansa. Ang kamalayan ng bawat isa sa atin na
mayroon tayong malaki at mahalagang papel sa pagpapaunlad ng Wikang Filipino. Magiging
mas aktibo na ang mga partisipasyon ng lahat sa iba’t ibang gawain at mas ikalalago ang
isang barayti ng wika kaya mas gagamitin at tatangkilikin ang wikang Filipino ng iba’t ibang
Pilipinong nagsasalita nito. Isang bagong istratehiya ito upang magamit sa iba’t ibang paksa
at gawaing pag-aralan saliksikin ng mga mag-aaral at guro sa ano mang antas ng pag-aaral

Ang wika ay hindi lamang kumakatawan sa isang tao. Ito ay hindi lamang isang
paraan para sa pagpapahayag ng sariling saloobin, opinyon, mga personal na obserbasyon at

2
halaga ng kanyang mga katangian ay isang sisidlan na siyang nagpapahayag ng mga aspeto
ng isang komunidad o bansa. Ang wika ay kumakatawan din sa pangunahing pagpaparating
ng panlipunang pagkakakilanlan. Sa maikling salita, ang wika ay tumutulong na mapanatili
ang mga damdamin ng kultura, sining at pagkabansa ng isang bayan. (Martha.C,2014)

Paglalahad ng Suliranin

Ang pananaliksik na ito ay may pamagat na “Saloobin ng mga HUMSS na Estudyante


Tungkol sa Epekto ng Araw-araw na Paggamit ng Wikang Filipino sa Loob ng Silid-aralan sa
Siquijor Provincial Science High School”, na kung saan ito ay naglalayong tugunan ang mga
sumusunod:

1. Gaano kahalaga ang Wikang Filipino?

2. Kailan mo ginagamit ang Wikang Filipino?

3. Ano-ano ang mga positibong epekto ng Wikang Filipino sa pag-intindi ng mga


estudyante sa kanilang mga leksyon?

4. Ano-ano ang mga negatibong epekto ng Wikang Filipino sa pag-intindi ng mga


estudyante sa kanilang mga leksyon?

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay mahalaga upang matukoy ang mga epekto ng araw-araw
na paggamit ng wikang Filipino sa loob ng silid-aralan ng mga mag-aaral. Nais ng mga
mananaliksik na maging tulay o makapagbigay ng impormasyon sa mga mambabasa,
estudyante, guro at mananaliksik

Sa Administrasyon. Upang mapagtanto nila na dapat ay bigyang halaga pa rin ang paggamit
ng sariling wika dahil kung minsan ay pinagbabawalan tayong gumamit ng ating sariling
wika at mas iniimplementa pa ang paggamit ng mga dayuhang lenggwahe tulad ng ingles.

Sa mga Guro. Upang magamit nila ito bilang basehang materyal sa kanilang pagtuturo sa
mga estudyante. Ito rin ay makapagbibigay impormasyon para sa kanila na mas maintindihan
ng mabuti ang kanilang itinuturo sa mga estudyante at bigyang diin ang pagturo ng
kahalagahan ng pagsasalita ng
Wikang Filipino.

Sa mga Mag-aaral. Upang magpagtanto ang kaakibat na epekto sa paggamit at pagkahilig


ng wikang pandayuhan. Upang mas biyang halaga ang paggamit araw-araw at pagtangkilik
ng sariling wika.

3
Sa mga Mambabasa. Upang makapagbigay kaalaman o impormasyon sa mga epekto ng
paggamit ng Wikang Filipino sa pag aaral.
Sa mga susunod na mga Mananaliksik. Upang sila ay mabigyan ng ideya sa mga posibleng
pag-aaral na may kaugnayan sa paksa na ito at upang makapagtipon pa sila ng mas maraming
ulat at impormasyon ukol sa epekto ng paggamit ng wikang filipino sa pag aaral. Magagamit
din ito bilang estratehiya na maging matagumpay ang kanilang pananaliksik

Saklaw at Limitasyon

Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa mga mag-aaral ng strand na HUMSS ng


Siquijor Provincial Science High School. Kinabibilangan ito ng (pila ka baye) na mga babae
at (pila ka laki) na mga lalaki, pinili sa paraang random, na may edad na 16-18 taong gulang.

Katuturan ng mga Salitang Ginamit

Upang mas mapaiging maunawaan ang mga nilalaman ng pag-aaral na ito, ang mga
sumusunod na salita ay binigyang kahulugan:

Archipelago - isang uri ng anyong lupa na binubuo ng mga isla.

Balbal - ito ang di pamantayang paggamit ng mga salita sa isang wika ng isang partikular na
grupo ng lipunan.

Bokabularyo - ito ay maihahalintulad sa isang diksyunaryo. Ito ay naglalaman ng mga


salitang alam at pamilyar sa atin.

4
KABANATA II

MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA

Ang bahaging ito ng pananaliksik ay naglalahad ng mga ideyang galing sa iba’t ibang
awtor at mga babasahin kung saan nauugnay sa ginawang pag-aaral.

Kaugnay na Literatura

Ayon kay Cafford (1965), sa lahat ng antas ng wika, ang balbal ang pinakadinamiko.
Maaari kasing ang usong salitang balbal ngayon ay laos na bukas. Nakatutuwa ring pag-
aralan kung paano nabubuo ang mga salitang ito. Minsan nga, dahil sa napakasalimuot na
prosesong pinagdadaanan ng isang salitang balbal, nagiging lubhang mahirap nang ugatin
pinanggalingan nito. Kayrami ngang kabataang gamit nang gamit ng mga salitang balbal na
hindi nila alam kung paano ito nabuo. (Sanggunian: Akademikong Filipino tungo sa
Epektibong Komunikasyon, p:32)

Ayon kay Kazuhiro et. Al. (2009), ang balbal na salita ay ang di pamantayang
paggamit ng mga salita sa isang wika ng isang partikular na grupo ng lipunan. Ang antas ng
lipunan na lalong nanghihikayat sa mga kabataan na makasanayang bigkasing madalas ang
mga salitang ito. Kalunos-lunos ang magiging bunga nito kung hindi natin pagbibigyan na
sapat na lunas o solusyon ang suliraning ito.

Ayon kay Mendoza (2004), ang makasining na paraan ng wastong pagpili at akmang
paggamit ng mga salita sa loob ng pangungusap sa kawili-wili at kasiyang-siyang
pagpapahayag ng diwa. (Sanggunian: Mendoza-Decal, Eleonita, Pagbigkas at pagsulat na
pakikipagtalastasan, National Bookstore, 2009)

Ayon naman kay J.K. Chambers (2008), Malinaw na ang wika ay isang mahalagang
kasangkapan na ginagamit upang maiparating ang mga nasasaloob na ideya at damdamin ng
isang tao. Hindi lamang ito isang paraan ng pakikipag-usap niya sa kapwa kundi ginagamit
din niya upang makipagkaibigan, makipagtalakayan at maibahagi ang kanyang iba’t ibang
opinyon at kaisipan. Sa buong kasaysayan, maraming mga bagay, sitwasyon at pangyayari na
tumutukoy sa kahalagahan ng wika sa mga tao, sa kanyang kapaligiran at higit lalo na sa
kanyang bansa. Ang wika ay hindi lamang kumakatawan sa isang tao. Ito ay hindi lamang
isang sasakyan para sa pagpapahayag ng mga sariling saloobin, opinyon, mga personal na
obserbasyon at halaga ng kanyang mga katangian bagkus ay isang sisidlan na siyang
nagpapahayag ng mga aspeto ng isang komunidad o bansa. Ang wika ay kumakatawan din sa
pangunahing pagpaparating sa iba ng panlipunang pagkakakilanlan. Sa maikling salita, ang
wika ay tumutulong na mapanatili ng mga damdamin ng kultura, sining at pagkabansa ng
isang bayan.

5
Kaugnay na Pag-aaral

Ayon kay Lydia Liwanag (2005), matatanaw rin ang malaking kontribusyon ng iba’t
ibang uri ng wika sa bansa sa pagpapaunlad ng Wikang Filipino. Kinukunan ang mga
rehiyunal na wika ng mga datos mula sa kanilang etnolinggwistiko, komunidad at sosyal na
kinabibilangan. Ang mga kaalaman ng mga mag-aaral sa pag-aaral nila nito ay dala-dala nila
sa kanilang pagpasok sa eskwela at kanila itong minumungkahi at bukambibig na ibinahagi
sa kanilang interaksiyon sa klase. Sa isang pag-aaral naman, lumabas sa mga resulta na ang
pagtuturo gamit ang katutubong wika ay napabilis ang proseso ng edukasyon. Kung ibang
wika ang ating pag-aaralan o mga dayuhang linggwahe may tatlong proseso na palaisipan sa
atin: perpesyon (kaalaman), pagsalin at pag-unawa. (Jovie Halasan,2010)

6
KABANATA III

METODO NG PANANALIKSIK

Tinatalakay sa bahaging ito ang mga konsepto at mga yunit ng matalinong pagpili ng
angkop na metodong gagamitin, populasyon, mga kalahok at pamamaraan ng pangangalap ng
datos.

Pamamaraang Gagamitin

Ang pananaliksik na ito ay gumamit ng deskriptibong pananaliksik.

Populasyon

Ang kabuuang bilang ng inaasahang mga kalahok ay animnapu't dalawa (62) na mga
estudyante na binubuo ng apatnapu't walo (48) na babae at labing-apat (14) mga lalaki sa
strand na Humanities and Social Sciences (HUMSS) ng Siquijor Provincial Science High
School.

Paraan ng Pagpili ng Kalahok

Sa pagpili ng mga kalahok, ang pananaliksik na ito ay gumamit ng Simple Random


Sampling.

Deskripsyon ng mga Kalahok

Ang mga napiling kalahok ng mga mananaliksik ay purong nag-aaral sa paaralan ng


Siquijor Provincial Science High School. Sila ang mga kabataan na nasa edad labing-anim
(16) hanggang labingwalo (18). Sila ay naka-enroll sa strand na Humanities and Social
Sciences (HUMSS). Sa kabuuan, sila ay binubuo ng animnapu't dalawa (62) na mga
estudyante.

Instrumento

Sa pangangalap ng datos, ang mga mananaliksik ay gumagamit ng intrumentong


talatanungan upang matukoy at malaman ang sagot at tugon ng mga respondente sa mga
suliranin ng pananaliksik.

Paraan ng Pangangalap ng Datos

Ang mga mananaliksik ay gumamit ng talatanungang pamamaraan sa pangangalap ng


datos upang malaman ang tugon ng mga kalahok sa mga suliranin.

7
KABANATA IV
PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS

Sa kabanatang ito ay ipapakita ang mga datos na nakalap mula sa mga mag-aaral ng
strand na Humanities and Social Sciences (HUMSS) ng Siquijor Provincial Science High
School tungkol sa kanilang saloobin sa epekto ng araw-araw na paggamit ng wikang Filipino
sa loob ng silid-aralan.

KATANUNGAN: Bilang isang Humanities and Social Sciences (HUMSS) na


estudyante, araw-araw ka bang gumagamit ng Wikang Filipino sa loob ng silid-aralan?

Ipinapakita sa Grap 1 na labindalawa (12) ang pumili ng minsan at walo (8) naman
ang pumili ng oo. Nagpapatunay ito na karamihan sa mga respondente ay araw-araw na
gumagamit ng wikang Filipino sa loob ng silid-aralan dito sa Siquijor Provincial Science
High School.

8
KATANUNGAN: Para sa iyo, mahalaga ba ang paggamit ng wikang Filipino sa loob ng
silid-aralan?

Ipinapakita sa Grap 2 na labingwalo (18) ang sang-ayon at dalawa (2) naman ang di
sang-ayon. Ito ay nagpapatunay na mahalaga sa mga respondente ang paggamit ng wikang
Filipino sa loob ng silid-aralan. Ang kanilang dahilan ay upang mapanatili at mapalago ang
sariling wika ng mga Pilipino, ang wikang Filipino. Ang dalawa namang respondente na
pumili ng hindi ay sa kadahilanang hindi Filipino ang kanilang unang wika kaya’t silay
nahihirapan na gumamit ng nito sa loob ng mga silid-aralan.

9
KATANUNGAN: Mahalaga ba ang pag-unlad ng Wikang Filipino?

Ipinapakita sa Grap 3 na labing-anim (16) ang sang-ayon at apat (4) naman ang di
sang-ayon. Nagpapatunay ito na mahalaga para sa mga respondente ang pagpapaunlad ng
Wikang Filipino.

10
KATANUNGAN: Mayroon bang epekto ang araw-araw na paggamit ng wikang
Filipino sa loob ng silid-aralan?

Grap 4

Ipinapakita sa Grap 4 na labingwalo (18) ang sang-ayon at dalawa (2) naman ang di
sang-ayon. Ito ay nagpapatunay na karamihan sa mga respondente ay sumasang-ayon na
mayroong epekto ang araw-araw na paggamit ng wikang Filipino sa loob ng silid-aralan. Ang
kanilang dahilan ay mas naiintindihan nila ang mga leskyon kung ang ginagamit na
lenggwahe sa pagtatalakay sa loob ng silid-aralan ay wikang Filipino. Mas nahasa din sila sa
paggamit ng wikang Filipino kumpara sa mga respondenteng hindi araw-araw na gumagamit
ng wikang Filipino sa loob ng silid-aralan.

11
Karamihan sa mga estudyante ng HUMSS ay mas nakikita ang wikang Filipino bilang
isang lenggwahe na dapat gamitin araw-araw sa loob ng silid-aralan. Sa pangkalahatan, ating
masasabi na marami ang mga estudyante na pinapahalagahan ang wikang Filipino at
tinatanaw ito na mahalaga sa pag-aaral.

Ayon kay Mendoza (2004), ang makasining na paraan ng wastong pagpili at akmang
paggamit ng mga salita sa loob ng pangungusap sa kawili-wili at kasiyang-siyang
pagpapahayag ng diwa. (Sanggunian: Mendoza-Decal, Eleonita, Pagbigkas at pagsulat na
pakikipagtalastasan, National Bookstore, 2009)

Ayon kay Lydia Liwanag (2005), matatanaw rin ang malaking kontribusyon ng iba’t
ibang uri ng wika sa bansa sa pagpapaunlad ng Wikang Filipino. Kinukunan ang mga
rehiyunal na wika ng mga datos mula sa kanilang etnolinggwistiko, komunidad at sosyal na
kinabibilangan. Ang mga kaalaman ng mga mag-aaral sa pag-aaral nila nito ay dala-dala nila
sa kanilang pagpasok sa eskwela at kanila itong minumungkahi at bukambibig na ibinahagi
sa kanilang interaksiyon sa klase. Sa isang pag-aaral naman, lumabas sa mga resulta na ang
pagtuturo gamit ang katutubong wika ay napabilis ang proseso ng edukasyon. Kung ibang
wika ang ating pag-aaralan o mga dayuhang linggwahe may tatlong proseso na palaisipan sa
atin: perpesyon (kaalaman), pagsalin at pag-unawa. (Jovie Halasan,2010)

12
KABANATA V
BUOD, KONKLUSYON, AT REKOMENDASYON
I. BUOD
Ang pananaliksik na ito ay isinagawa upang malaman kung marami bang mga
estudyante ang araw-araw na gumagamit ng wikang Filipino sa loob ng Siquijor Provincial
Science High School. Ang mga mananaliksik ay kumuha ng sampung (10) respondente sa
ikalabing-isang baitang at sampung (10) respondente rin sa ikalabing-dalawang baitang ng
Humanities and Social Sciences (HUMSS). Sa dalawampung respondente, labingwalo ang
sumang-ayon na mahalaga ang wikang Filipino at base sa kanilang mga sagot ay mahalaga
ito upang mas mahasa sila sa lenggwahengang ito at mapalago pa ito ng husto.

Mayroon ding mga respondente na minsan lang gumagamit ng wikang Filipino


sapagkat Bisaya ang wikang nakasanayan na ginagamit, kung kaya’t sila ay nahihirapan sa
pagsasalita ng wikang Filipino. Sa pag-aaral na pinamagatang “Saloobin ng mga HUMSS na
Estudyante Tungkol sa Epekto ng Araw-araw na Paggamit ng Wikang Filipino sa Loob ng
Silid-aralan sa Siquijor Provincial Science High School”, napatunayan na mahalaga ang
paggamit ng wikang Filipino sa loob ng silid-aralan at nalaman ng mga mananaliksik na
pinapahalagahan din ng mga estudyante ang kanilang sariling wika.

II. KONKLUSYON
Matapos malikom at masuri ang mga datos, ang mga sumusunod na kalabasan ay
naitala
Dalawampung (20) estudyante sa Humanities and Social Sciences (HUMSS) ang
napili naming respondente sa aming pagsasaliksik, sampu (10) sa ikalabing-isang (11)
baitang at sampu (10) rin saikalabindalawang (12) baitang. Sila ay naatasan na sumagot sa
aming talatanungan tungkol sa kanilang saloobin sa epekto ng araw-araw na paggamit ng
wikang Filipino sa loob ng silid-aralan.
Labindalawang (12) respondente ang minsan na gumamit ng wikang Filipino sa loob
ng silid-aralan, at walo (8) naman ang palaging gumagamit nito.
Sa dalawampung (20) estudyante ng Humanities and Social Sciences (HUMSS) ay
labingwalo (18) ang naniniwala na mahalaga ang paggamit ng wikang Filipino sa loob ng
silid-aralan. Karamihan sa kanila ang sang-ayon kung kaya't may katotohanan na ang
paggamit ng wikang Filipino sa loob ng silid-aralan ay mahalaga.
Sa dalawampung (20) estudyante ng Humanities and Social Sciences (HUMSS) ay
labing-anim (16) ang naniniwala na mahalaga ang pag unlad ng wikang Filipino. Karamihan
nila ang sumang-ayon kung kaya't may katotohanan na mahalaga ang pag-unlad ng wikang
Filipino.
Sa kabuuan, karamihan ng mga estudyante ang sumang-ayon na mahalaga ang
paggamit ng wikang Filipino araw-araw sa loob ng silid-aralan at kung mahalaga ba ang pag-
unlad ng wikang Filipino.
Sa katanungang "Bakit mahalaga ang paggamit ng wikang Filipino sa loob ng silid-
aralan?" Labing-walo (18) ang sumagot ng oo at ang kanilang dahilan ay upang mapalago at

13
mapanatili ang ating sariling wika. May dalawang (2) estudyante ang hindi sumang-ayon
sapagkat para sa kanila ay hindi kapaki-pakinabang ang paggamit ng wikang Filipino
sapagkat Bisaya at Ingles ang wika na mas ginagamit sa loob ng silid-aralan.
Sa dalawampung (20) respondente, ang mga sumang-ayon na gamitin ang wikang
Filipino bilang lenggwahe sa pagtuturo sa loob ng silid-aralan ay labingwalo (18) at dalawa
(2) naman ang sumagot ng hindi.
Karamihan sa mga estudyante ng Humanities and Social Sciences (HUMSS) ay mas
nakikita ang wikang Filipino bilang isang lenggwahe na dapat gamitin araw-araw sa loob ng
silid-aralan. Sa pangkalahatan, ating masasabi na marami ang mga estudyante na
pinapahalagahan ang wikang Filipino at tinatanaw ito na mahalaga sa pag-aaral.

III. REKOMENDASYON
Sa pananaliksik na ito, nalaman ng mga mananaliksik ang mga saloobin ng mga mag-
aaral sa strand na Humanities and Social Sciences (HUMSS) tungkol sa kahalagahan ng
paggamit ng wikang Filipino sa loob ng silid-aralan.

 Mahalaga ang opinyon ng mga estudyante tungkol sa wikang gagamitin sa pagturo upang
lubos nilang maintindihan ang leksyon na itinuturo.

 Mahalaga rin na mapalago at mapanatili ang ating sariling wika sapagkat ito ay bahagi ng
ating pagkakakilanlan.

 Kahit na ang madalas na ginagamit na wika sa pagturo ay ang wikang Bisaya at Ingles sa
kadahilanang ang mga wikang ito ang una at ikalawang wika ng mga respondente,
patuloy pa rin silang gumagamit sa wikang Filipino sa loob ng silid-aralan. Dalawa
lamang ang hindi sumasang-ayon dito.

 Kahit nasaan pa man tayodapat nating mahalin at ipagmalaki ang ating sariling wika,
dahil bukod sa ito na ang ating kinagisnan, ito din ang magiging daan para sa ating
tagumpay sa hinaharap. Katulad nga ng sinabi ni Dr. Jose Rizal: ang hindi magmahal sa
sariling wika ay higit pa sa hayop at malansang isda.

14
PERSONAL NA DATOS

BIO-DATA NG MANANALIKSIK:

Pangalan: Princess Erica J. Caracol

Edad: 17

Kaarawan: March 1, 2006

Pangalan ng Ama: Elvin A. Caracol

Pangalan ng Ina: Niza J. Caracol

Tirahan: Caticugan, Siquijor, Siquijor

Elementary Award:

• Grade 1 – 5 consistent 1st honor


• Grade 6 with honor
High School Award:

• Grade 7 – 9 consistent with honors


• Grade 10 – 11 consistent with high honors

15
Pangalan: Jim B. Suan

Edad: 17

Kaarawan: December 2, 2005

Pangalan ng Ama: Jimmy S. Suan

Pangalan ng Ina: Rositte B. Suan

Tirahan: Pasihagon, Siquijor, Siquijor

Elementary Awards:
• Grade 1 – (6th honor)
• Grade 2 – 4( 2nd honor )
• Grade 5 – 6(with high honors)
• Grade 2 MTAP ( 2nd placer - Division Level)
• Science Quiz Bowl ( Champion - District Level )
High School Award:

• Grade 7 – 10 consistent with honors

Pangalan: Bianca Marie B. Jimenez

Edad: 17

16
Kaarawan: November 27, 2005

Pangalan ng Ama: Mario C. Jimenez

Pangalan ng Ina: Lima B. Jimenez

Tirahan: Pasihagon, Siquijor, Siquijor

Elementary Awards:

• Grade 1 ( 4th honor )


• Grade 2 ( 6th honor )
• Grade 3 – 4 ( 3rd honor )
• Grade 5 – 6 ( with honors )

High School Award:

• Grade 7 – 9 consistent with honors


• Grade 10 – with high honor

Pangalan: Elaiza Claire C. Jumadla

17
Edad: 18

Kaarawan: December 24, 2005

Pangalan ng Ama: Jerell C. Jumadla

Pangalan ng Ina: Elsa C. Jumadla

Tirahan: Cang-agong, Siquijor, Siquijor

Elementary Awards:

• Grade 1 – 6 (with honors)

High School Award:

• Grade 7 – 10 consistent with honors


• Grade 11 – with high honor

18

You might also like