You are on page 1of 8

I.

Layunin

Nailalarawan ang mga tauhan at tagpuan ng teksto.

II. Paksang Aralin

A. Paglalarawan ng mga tauhan at tagpuan ng teksto.


B. Sanggunian: google, F5PD-Id-g-11 F5PB-IIa-4
C.Kagamitan: plashcard, powerpoint, projector
D.Value Integration: Ang lahat ng bagay ay may dapat na kalagyan dahil ito ay
pinagkaloob ng Dyos sayo

III. Pamamaraan

A.Pagsasanay
1. Tugma: Paruparong Dilaw

B. Balik-aral
 Ano ang mga kaugalian na dapat tularan?
 Bakit tinawag na Golden words ang mga magagalang na pananalita?
 Anu-ano ang mga magagalang na pananalita?.
 Kailan gagamitin ang mga magagalang na pananalita?
C.Panlinang na Gawain
1.Pagganyak

Ang batang Magalang


Ang batang magalang, kinatutuwaan
Ng kapwa bata’t maging matanda man.
Pag nasasalubong ang guro n’yang mahal,
Ngiti ng pagbati ang lagi niyang bigay.
Di nakikipag-away sa kapwa bata,
At di gumagamit salitang masagwa.
Sa pagsasalita’y laging mahinahon,
Ang po at opo ang lagi niyang tugon!

2.Paglalahad; Kwento

Ano ang napapansin ninyo sa larawan?

KASOY
 Sa araw na ito ay makinig tayo ng isang Alamat at pagkatapos ay sagotin ang mga
katanungan tungkol sa Kwento.
Noong unang panahon sa isang gubat,
lahat ng uri ng hayop ay naroroon.
Silang lahat ay masaya, nagkakantahan at nag sasayawan.
Di kalayuan sa isang sulok ay may isang bagay na nakikinig at naiingit sa kapistahan.
Ito ay walang iba kundi ang buto ng kasoy.
"Sana ay makalaya ako dito sa madilim na kinalalagyan" Dasal ng kasoy
Nagpatuloy ang kasiyahan maging ang dasal ng kasoy.

Maging ang isang Diwata ay naakit at nakisaya sa mga hayop.


Sa gitna ng pagdiriwang, napansin nya ang tinig ng naghihirap na kasoy.
"Sino kaya iyon, kawawa naman sya" Saad ng Diwata.
Narinig ng Diwata ang kasoy at ito ay nahabag.
Sa isang kumpas ng Diwata, ang kasoy ay biglang nakalabas sa kanyang pinaglalagyan.
Tuwang-tuwa ang buto ng kasoy sa kagandahan ng paligid.
"Butihing Diwata nais ko sanang manatili dito sa labas at ayoko nang bumalik sa madilim na pinang
galingan ko" saad ng kasoy
Pinagbigyan ng Diwata ang kahilingan nito.

Pagkaraan ng ilang oras ay nagsi uwian na ang mga hayop at di nagtagal ay biglang sumungit ang
panahon. Lumakas ang hangin at ulan.
Malakas ang kulog at matatalim ang kidlat.
Natakot ang buto ng kasoy.
Muli ay tumawag ang kasoy sa diwata upang bumalik na sa kanyang pinaglalagyan.
Subalit anumang dasal ay walang kasagutang nangyayari. Nang tumigil na ang unos ay muling lumitaw
ang Diwata. Nakita nya ang buto na nakabaluktot at di magawang magsalita.
"Ito'y isang aral sayo. Ang lahat ng bagay ay may dapat na kalagyan dahil ito ay pinagkaloob ng Dyos
sayo." Saad ng diwata.
Pagkasabi ng diwata ay agad na naglaho ito. Mula noon ang buto ng kasoy ay nasa labas na ng prutas.

C. Pagtatalakay

Pagsagot sa mga tanong.


Ipasagot sa mga bata ang mga tanong ukol sa alamat.

 Ano ang napakinggan ninyo ngayong umaga?


 Ano ang pamagat ng kwento?
 Sino-sinu ang mga tauhan sa kwento?
 Saan ang tagpuan ng kwento

D. Pagpapayamang Gawain
Pasasadula
Ano ang kaugalian ni Kasoy sa Kwento?
Ano naman ang kaugalian ng Diwata?

E. Paglalahat
Nasusukat ang lubos na pagkaunawa sa anumang binasa kapag natugunan ang mga
batayang katanungan. Sa tulong ng mga tagpuan at tauhan nailalarawan ang nilalaman
ng teksto.

F. Paglalapat

Pagsagot sa Puzzle

Pahalang
1. babaing kabilang sa maharlikang angkan o anak ng isang hari.
2. Ipinagdiriwang ng mga hayop doon sa gubat
3. Ibang pantawag sa Engkantada.

Pababa
1.hayop na karaniwang inaalagaan sa tahanan na namumuksa ng mga daga
2Katulong ng magsasaka sa pag araro sa bukirin.
3.mapangalaga sa kalikasan at mga likas na yaman
IV. Pagtataya
Basahin ang alamat at punan ng sagot sa angkop na kolum ng tsart

1.Tagpuan

2.Mga Tauhan ng
1

Kwento

3.Mga Katangian
ni

KASOY

DIWATA

V. Takdang Aralin
Magsaliksik ng mga kwentong bayan. Kilalanin at suriin ang mga tauhan at tagpuan
Alamat Ng Kasoy (Buod)

Noong unang panahon sa isang gubat,

lahat ng uri ng hayop ay naroroon.

Silang lahat ay masaya, nagkakantahan at nag sasayawan.

Di kalayuan sa isang sulok ay may isang bagay na nakikinig at naiingit sa kapistahan.

Ito ay walang iba kundi ang buto ng kasoy.

"Sana ay makalaya ako dito sa madilim na kinalalagyan" Dasal ng kasoy


Nagpatuloy ang kasiyahan maging ang dasal ng kasoy.

Maging ang isang Diwata ay naakit at nakisaya sa mga hayop.

Sa gitna ng pagdiriwang, napansin nya ang tinig ng naghihirap na kasoy.

"Sino kaya iyon, kawawa naman sya" Saad ng Diwata.

Narinig ng Diwata ang kasoy at ito ay nahabag.

Sa isang kumpas ng Diwata, ang kasoy ay biglang nakalabas sa kanyang


pinaglalagyan.

Tuwang-tuwa ang buto ng kasoy sa kagandahan ng paligid.

"Butihing Diwata nais ko sanang manatili dito sa labas at ayoko nang bumalik sa
madilim na pinang galingan ko" saad ng kasoy

Pinagbigyan ng Diwata ang kahilingan nito.

Pagkaraan ng ilang oras ay nagsi uwian na ang mga hayop at di nagtagal ay biglang
sumungit ang panahon. Lumakas ang hangin at ulan.

Malakas ang kulog at matatalim ang kidlat.

Natakot ang buto ng kasoy.

Muli ay tumawag ang kasoy sa diwata upang bumalik na sa kanyang pinaglalagyan.

Subalit anumang dasal ay walang kasagutang nangyayari. Nang tumigil na ang unos
ay muling lumitaw ang Diwata. Nakita nya ang buto na nakabaluktot at di magawang
magsalita.

"Ito'y isang aral sayo. Ang lahat ng bagay ay may dapat na kalagyan dahil ito ay
pinagkaloob ng Dyos sayo." Saad ng diwata.

Pagkasabi ng diwata ay agad na naglaho ito. Mula noon ang buto ng kasoy ay nasa
labas na ng prutas.

PANGKATANG GAWAIN
PUZZLE: Punan ng sagot ang loob ng kahon

Pahalang
1. babaing kabilang sa maharlikang angkan o anak ng isang
hari.
2. Ipinagdiriwang ng mga hayop doon sa gubat
3.Ibang pantawag sa Engkantada.

Pababa

1.hayop na karaniwang inaalagaan sa tahanan na namumuksa


ng mga daga
2.Katulong ng magsasaka sa pag araro sa bukirin.
3.mapangalaga sa kalikasan at mga likas na yaman
Republic of the Philippines
Department of Education
Region X – Northern Mindanao
Schools Division of Iligan City
West 2 District
Ditucalan Elementary School
Ditucalan, Iligan City

BANGHAY ARALIN SA
FILIPINO-5
2ND QUARTER
(Ika-24 ng NOBYEMBRE, 2022)

Pakitang-Turo ni:

GNG. DIONESIA D. FERRANCO


Guro

You might also like