You are on page 1of 6

I.

Mga Batayang Konseptong Pangwika


A. Ano ang Wika?
 language  Latin lingua  dila
 kakayahan ng tao na mag-angkin at gumamit ng komplikadong sistemang
pangkomunikasyon
+ Bilang isang pangkalahatang konsepto;
Ang wika ay kognitibong pakulti na nagbibigay kakayahan
+ Bilang isang ispesipikong lingguwistik na konsepto Tiyak na sistemang
lingguwistik na may tiyak na may tiyak na katawagan
 Kabilang sa wika ang pasulat na wika, sign language, at ang computer programming
 Iba pang depinisyon ng wika:
+ Webster (1947)  Sistema ng komunikasyon sa pagitan ng tao sa pamamagitan
ng pasulat or pasalitang simbolo
+ Hill (2000)  Pangunahin at pinakaelaborayt na anyo ng simbolikong gawaing
pantao
+ Gleason (2000)  Masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinipili at
isnasaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong kabilang sa
isang kultura

B. Mga Unibersal at Pangunahing Konsepto ng Wika


 Masistemang Balangkas
+ nakabatay sa tunog, nagbubuo ng mga maliit na yunit ng salita, at nakabuo ng
mga pangungusap na siyang ginagamit pangdiskurso
+ kung hindi mo kabisado ang mga tunog, mahihirapan ka sa pagdidiskurso
+ ponema  makahulugang tunog, ponolohiya ang makaagham na pag-aaral nito
+ morpema  yunit ng salita (panlapi, morpemang ponema, salitang ugat);
morpolohiya – pag-aaral ng morpema
+ sintaksis  pag-aaral ng pangungusap
+ diskurso  nagkakaroon ng makahulugang palitan ng pangungusap
 Sinasalitang Tunog
+ hindi lahat ng tunog ay wika; dahil hindi lahat ng tunog ay may kahulugan
+ ang wika ay nalilikha gamit ang aparato sa pagsasalita
+ baga (lakas)  artikulador (tunog)  resonador (modify)
+ bawat ponema ay may kakayahang makapagbago ng kahulugan ng isang
morpema
+ May dalawmpu’t isang ponema:
• katinig  maiilarawan sa artkulasyon at pagpapalabas ng hangin
• patinig  maiilarawan sa posisyon ng dila
 Pinipili at Isinasaayos
+ dapat piliin ang wika nating ginagamit; dapat ba pormal?
+ conscious  pinipili at ginagamitan ng pag-iisip
+ subconscious  hindi pinipili; padaloy daloy lamang
Arbitraryo
+ arbitrary  random; hindi planado; bigla lamang
+ kung wala kang ugnayan ay hindi matututong magsalita sa wikang nabuo sa
arbitraryong paraan sa isang lugar
+ ang mga tao rin ay makakapagbigay ng arbitraryong bersyon ng isang wika, kaya
nagkakaiba talaga ang lahat
 Ginagamit
+ nawawalan ng saysay ang wikang hindi ginagamit
+ mamamatay at mawawala ang wikang hindi na ginagamit
 Nakabatay sa Kultura
+ dahil iba-iba ang mga kultura ng mga bansa, iba-iba rin ang mga salitang
nagagawa o ginagamit sa wika
+ hindi lahat ng salita ay may katumbas sa iba’t ibang wika
Halimbawa: snow, glacier, iceberg?  “yelo” at “nyebe” lang
 Nagbabago
+ ang wika ay dinamiko; mamamatay ito kung “stagnant”
+ nadadagdagan ito ng bagong bokabularyo

+ mga salitang balbal, pangkabataan, at bagong siyensiya at teknolohiya

C. Iba Pang Konseptong Pangwika


 Wikang Pambansa
+ Filipino
+ tumutukoy sa isang wikang ginagamit nang pasalita at pasulat
+ nag-iisang wikang ginagamit batay sa kultura ng lipunan; batayan ng identidad ng
bansa
+ de jure  naaayon sa batas na Filipino ang pambansang wika (ayon sa Artikulo
XIV, Seksyon 6-9, 1987)
+ de facto  tinatanggap ng mayorya ng mamayang Pilipino
 Wikang Panturo
+ wikang ginagamit na midyum sa sistema ng edukasyon + ginagamit pang-unawa
sa mga iba’t ibang konsepto at teorya
+ Bilingual Education Policy (1987)  nagsasabi na ang Ingles at ang Filipino ang
gagamitin panturo
+ Mother Tongue Based Multilingual Education (2009)  unang wika ng mga
mag-aaral (katutubong wika) panturo sa paaralan
 Wikang Opisyal
+ gamitin sa mga opisyal na dokumento (korte,, lehislatura, gobyerno edukasyon) ;
Filipino at Ingles
 Bilingguwalismo
+ kakayahan ng isang taong makapagsalita ng dalawang wika
+ maaari ring tumukoy sa isang komunidad kung saan ginagamit ang dalawang
magkaibang wika
+ pwede ring ikonek sa political o institusyonal na pagkilala sa dalawang wika
+ Mga Layunin ng Bilingguwalismo:
 Mataas ang pagkatuto
 Wikang Filipino bilang wika ng literasi
• Filipino bilang simbolo ng pambansang identidad
• Filipino bilang wika ng akademikong diskuro
• Ingles bilang internasyonal na wika ng syensya at tech.
Multilingguwalismo
+ kakayahan ng isang wika na makapagsalita at makaunawa ng iba’t ibang wika
+ mas marami ang mga bansang multilingguwal sa mundo kaysa sa monolingguwal
+ polyglot  taong nakakapagsalita ng maraming wika
 Homogenous
+ Griyego “homogenes”  “hom” o klase + “genos” o kaangkan
+ Nagunguhlugang isang klase mula sa iisang lahi o angkan
+ iisang anyo lamang o katangian ang wika
+ language uniformity  pagkakaroon ng ng iisang istandard na paraan ng
paggamit ng wika; mahigpit ang pagtuturo ng istrakturong gramatikal sa mga
kabataan
 Heterogenous
+ pagkakaibang-uri ng iisang wika
+ iba-ibang bersyon at dayalek ng isang wika
+ British English , American English, Third World English
+ pinapakita na natural na phenomenon ang pagkakaiba-iba ng paggamit ng wika
 Lingguwistikong Komunidad
+ isang grupo ng mga taong gumagamit ng iisang uri ng barayti ng wika; at sa
ispesipikong patakaran o alituntunin sa paggamit ng wika
+ kaakibat din nito ang mga konteksto at interpretasyon na ang lingguwistikong
komunidad lamang ang makakaalam
+ kahit man pag-aralan ang isang wika, hinding-hindi man ito mabibilang sa
lingguwistikong komunidad
 Unang Wika
+ “mother tongue” (ngunit sa ibang bersyon ang mother tongue ay wika ng
kinagisnang kultura lamang, at hindi unang nalamang wika)
+ wikang ginagamit sa bahay at unang nakasanayan mula sa pagkapanganak
hanggang sa kasalukuyan
 Ikalawang Wika
+ wikang natutuhan at ginagamit ng isang tao labas pa sa kanyang unang wika

+ hindi katutubo; ngunit ginagamit din sa lokalidad ng taong nagsasalita
+ iba sa dayuhang wika (na pinag-aaralan ngunit hindi nalalaman mula sa lokalidad)
+ ito ay acquisition (natural na nalalaman) at hindi learning (na sadyang pinag-
aaralan)

D. Barayti at Rehistro ng Wika


 ang barayti ng wika ay ipinapaliwanag ng teoryang sosyolingguwistik
 nang-uugat ito sa pagkakaiba-iba ng mga indibidwal at grupo
 may dalawang dimension  heograpiko at sosyal
 Dayalek
+ dimensyong heograpiko
+ tinatawag ding “diyalekto” o “wikain”
+ ginagamit sa isang particular na rehiyon, lalawigan o pook
+ may distinct na bokabularyo; at may punto o tono at estruktura sa pangungusap
Sosyolek
+ dimensyong sosyal
+ nakabatay sa pangkat panlipunan
+ Hal. wika ng mga estudyante; wika ng mga matatanda; wika ng kababaihan; wika
ng mga preso; wika ng mga bakla
 Idyolek
+ dimensyong sosyal
+ dayalek ng bawat ispiker; iba’t ibang paaran ng pagsasalita ng bawat tao
+ Hal. Noli de Castro, Mike Enriquez, Kris Aquino
 Etnolek
+ dimensyong sosyal
+ ang pangkat etniko ay tumutukoy sa tao; hindi sa lugar
+ tumutukoy ito sa mga salitang ginagamit ng mga pangkatetniko;
+ hindi nakabatay sa lugar ngunit sa taong gumagamit
 Ikolek
+ dimensyong heograpiko
+ tumutukoy sa mga salita o paraan ng pananalita na nagaganap sa loob ng bahay
 Iba pang Barayti ng Wika
+ Jargon mga tanging bokabularyo ng isang pangkat ng gawain; HALIMBAWA:
fiscal, geometry, hydrogen
+ Pidgin
“nobody’s native language”; halo ng dalawang wika, may estruktura ng
isang wika, ngunit mga salita ng ibang wika
HALIMBAWA: mga Intsik na nagsasalita ng Filipino 
‘Ikaw bili eto tindi mura’
+ Creole salitang una ay pidgin ngunit nadebelop at naging likas na lamang
(nativized); sinasalita na ng mas marami at luminaw ang mga patakaran
nito
HALIMBAWA: Chavacano, na noong una ay mula sa wikang Kastila
E. Antas ng Wika
 Pormal  mga salitang istandard dahil kinikilala, tinatanggap at ginagamit ng higit na
nakakarami
+ Pambansa  salitang ginagamit sa mga aklat pangwika; wikang ginagamit ng
pamahalaan at paaralan
+ Pampanitikan  ginagamit ng mga manunulat; salitang malalalim at makukulay;
gumahamit ng idyoma
 Impormal  salitang karaniwan , palasak at pang-araw-araw ginagamit
+ Lalawiganin  dayalektal; ginagamit lamang sa particular na pook; kakaiba ang
tono at may “punto”
+ Kolokyal  pang-araw-araw na salita; may kagaspangan dahil may pagpapaikli
(hal. sa’kin) o maari ring paghalo ng dalawang wika (hal. Ibaba mo siya sa
departure.)
+ Balbal  mga salitang slang, pangkat-pangkat na mga codes; (hal. erpats,
buwaya)
+ Bulgar  pinakamababa, saitang may halong kabastusan.

II. Kahalagahan at Gamit ng Wika



A. Kahalagahan ng Wika
 Instrumento ng Komunikasyon
+ pangunahing kasangkapan sa pagpapahayag ng damdamin at kaisipan
+ kung mali ang pagpasa; mali ang impormasyon
• microlevel  dalawang tao ay nagkakaintindihan; mahalaga ang
mabisang komunikasyon dahil ay tao ay nilikhang panlipunan
• macrolevel  mga bansa ay nag-uugnayan gamit ang wika
 Nag-iingat at Nagpapalaganap ng Kaalaman
+ nagsasalin ng mga iba’t ibang libro at kaalaman sa tulong ng wika
+ nag-iingat upang maayos na maihayag ang kaalaman
+ napapakinabangan ng tao mula sa Pilipinas ang mga imbensiyon mula sa Amerika
+ hindi naililibing ang mga kaalaman kasama sa mga lumikha
 Nagbubuklod ng Bansa
+ nagkakaisa ang mga tao sa tulong ng wika
+ ginagamit tungo sa kalayaan at kabutihan ng buong bayan
 Lumilinang ng Malikhaing Pag-iisip
+ nakakaramdam ng emosyon sa tulong ng mga aklat at pelikula, na likha gamit ang
wika
+ maraming nalilikha at naiimbento sa tulong ng malikhaing pag-iisip, at ito ay
nabubuo ng maayos sa tulong ng wika + nakakabuo ng mga istratehiya at bagong
ideya

B. Gamit ng Wika
 Wika: Sistema ng Tao
+ Sa tulong ng wika, nagkakaisa ang mga tao; at kaya nitong imanipuleyt ang paligid
nito
+ Isa itong kakayahang nagpapaiba sa tao sa hayop
 Pitong Tungkulin ng Wika
+ Interaksyonal  pagtatag ng relasyon sa ibang tao; maaaring pagbati, pagpalitan
ng biro, at pangangamusta Hal: Hello! Magandang umaga!
+ Instrumental  pagtugon sa mga pangangailangan; pakikiusap at paguutos
Hal: Kunin mo iyan. ; mga business letter
+ Regulatori  nagkokontrol at nagagabay sa tao at asal niya; do’s and don’ts,
nagbibigay panuto at babala
Hal: Ingatan mo iyan upang hindi mabasag.
+ Personal  nagpapahayag ng sariling damdamin o opinion Hal: Mga komentaryo
o kolum; Sa tingin ko ay maganda ka.
+ Imahinatibo  pagpapahayag ng imahinasyon; may simbolismo at may mga
saigsag
Hal: Sa tingin ko ay marikit ang iyong mukha. ; mga akdang pampanitikan
(tula, nobela, atbp.)
+ Heuristik  nagtatanong; humihingi ng impormasyon
+ Impormatib  nagbibigay ng impormasyon
Hal: Sino ka ba? (Heuristik) Ako si Mateo. (Impormatib)

III. Kasaysayan ng Pag-unlad ng Wikang Pambansa
A. Mga Mahahalagang Taon
 1935 – Unang kilusang pangwika
 1936 – Paglikha ng Surian ng Wikang Pambansa (SWP)
 1937 – Lope K. Santos bilang lider ng SWP;
-- Wikang pambansa: TAGALOG
 1940 – Paglimbag ng Diksyonaryong Tagalog
-- Wikang pambansa = Wikang opisyal; at ituturo na rin
 1954 – Linggo ng Wikang Pambansa (Aug 13-19); taon-taon
 1959 – Wikang Pambansa: PILIPINO
 1967 – Lahat ng gusali ay papangalan sa Pilipino
 1968 – Lahat ng letterhead ay papangalan sa Pilipino
 1971 – ipagkaalam ang 183rd anibersaryo ng kapanganakan ni
Franciso Balagtas Baltazar
- isa pang palatuntunan tungkol sa Linggo ng Wika
 1974 – konseptong bilingguwalismo, nilagdaan ni Ferdinand Marcos
 1978 – isama sa kurikulum ng mga kurso (9 yunit)
 1986 – ipinroklama ni Corazon Aquino na Ama ng Wikang
Pambansa si Manuel L. Quezon
 1987 – Wikang Pambansa: FILIPINO
 1988 – lahat ng ahensya ay magsasagawa ng hakbang para sa
Filipino
 1989 – Filipino ang gagamitin sa komunikasyon at transaksyon
 1990 – Wikang Filipino para sa mga panunumpa ng katapatan
 1996 – siyam na yunit sa kolehiyo tungkol sa Filipino
 1997 – Fidel Ramos; ginawang Buwan ng Wika ang Agosto
 2001 – Nabuo ang Gabay sa Ortografiyang Filipino at Patnubay sa
Ispeling ng Wikang Filipino
 2006 – sinuspinde ang gabay para mabigyang rebisyon
 2009 – ipinaalam ang bagong Gabay sa Ortograpiyang Filipino
B. Mga Mahahalagang Tao
 Manuel L. Quezon  nagpabuo sa SWP; Ama ng Wikang Pambansa
 Hadji Butu at Filemon Sotto  mga orihinal na miyempbro ng SWP;
hindi nakapagpatuloy sa posisyon
 Lope K. Santos  pangulo ng SWP, pinili ang Tagalog
 Ramon Magsaysay  nagpasimula ng Linggo ng Wikang Pambansa
 Ferdinand Marcos  lumagda sa bilingguwalismo; at na ang mga gusali
at letterhead ay gawing Pilipino
 Francisco Balagtas Baltazar  ipinaraos ang kanyang anibersaryo
 Corazon Aquino  tumalaga kay Manuel Quezon bilang Ama ng Wikang
Pambansa; sa panahon niya naging Filipino ang wika
 Fidel V. Ramos  linagdaan ang pagdiriwang ng Buwan ng Wika
C. Proseso ng Paglilinang
 Ang Filipino ay patuloy paring pinaglilinang
+ nanghihiram sa wikang dayuhan
+ nag-aambag sa wikang katutubo
 Hindi kaya na pantay-pantay ang amalgamasyon ng katutubong wika sa
pambansang wika (mamamatay ito dahil hindi gagamitin)
 Tagalog  natural na wika; Pilipino  mono-based language
 P – F sa Filipino  konkretong simbolismo ng modernisasyon
 lingua franca  pinakaesensya; gagamitin ng lahat sa bansa

You might also like