You are on page 1of 1

Simbang Gabi by Bagong Himig

Ang simbang gabi kung pasko


Ay sadyang dinarayo
Ng mga taga-bayan
At maging taga baryo

Ang kalembang ng kampana


Doon sa kampanaryo
Ay hudyat na pasimula
Nitong misa de gallo

At pagka-tapos ng misa
Ang iba’y uuwi na
Ang ila’y kumakain
Ng puto at bibingka

Ang ibang nangaroroon


Ang gusto’y puto bumbong
Ang simbang gabi ay gayon
Sa bayan at sa nayon

Ang ating panalangin


sa Amang Poon natin
sa Paskong darating
Pag-ibig ang mag-hari

Pagsapit ng simbang gabi


Mayroong ponda sa kalye
Musiko’y naglilibot
Sa tugtog nawiwili

Doon sa mga simbahan


Ang tao ay kay dami
Ganyan sa ating bayan
Kung mayro’ng simbang gabi

Ganyan sa ating bayan


Kung mayro’ng simbang gabi

You might also like