You are on page 1of 6

BALITA SA FILIPINO PANGKAT 3

ISKRIP SA PAGBABALITA

Program title: DAWN FM

Format: NEWS

Station: FD3S 103.5

Airtime: 6:30 PM to 5:30 AM

Date of newscast: March 17, 2023

SCRIPT (DAWN FM FD3S 103.5)


Introduction-

—PROGRAM INTRO STARTS— (5seconds only)

-CARL –

MAGANDANG×2 GABI SA INYONG MGA KA-IBIGAN, andito na Ang radyo programa

Na inyong inaabangan, ako nga pala si

Carl Bagtas at kasama ko Sina

Margarette,Amir and Shaira, DITO SA

FD3S 103.5 DAWN FM.

—clapping sound effects — (3seconds)

MARGA-

Hello mga friends,ako si Margarette Nicole Pastor, nagsasabing “minsan ang love ay parang buwan
Iiwan ka pag dating ng araw”.

—Sad sounds effects-- 3-5sec)

-SHAIRA-

Hello sa inyong lahat mga Ka-ibigan

Ako po si Shaira Gwen Gonzales

Nagsasabing “Ang pagibig, hindi lang basta

Isang emosyon na nararamdaman,kung di-

Isang desisyong dapat panindigan”.

—kilig sound effects— (3-5sec)

-AMIR-

Hello×2 sa mga single dyan, ako po si Amir

Sayasa at Ngayong Gabi ay ating pag usapan ang iba’t ibang opinion ng ating

Mga Ka-ibigan.

-MARGA-
Kung gusto mong mag lahad ng iyong sariling opinion tumawag lamang sa aming hotline no.0632-3141-
5926.

—WAITING SOUND EFFECTS — (5-seconds only)

—TELEPHONE RINGING— (3-SECONDS)

Janna: Hello po, good evening!

Marga: Magandang gabi Madzam (w matching gay lingo accent) ano po ang inyong pangalan at taga
saan po kayo?

Janna: Janna Mae po, from Naic, Cavite

Marga: Hello x3 Mother Janna Mae (laugh) ako si Marga ang magandang nilalang na makakausap mo for
todays video. kumusta ka?

Janna: Okay na okay misis marga (laugh)

Marga: Ay grabe! Misis agad? Wala nga akong jowa oh? (laugh) keme lang (laugh again) so ito na nga
Miss Janna, Ano ang iyong opinyon tungkol sa pagtaas ng ating bilihing gulay lalo na ang sibuyas.
Naapektuhan po ba kayo ng pagtaas ng presyo nito?

Janna: Mahirap po, kasi ginagamit namin ang sibuyas sa araw araw, nagulat nga po kami nung tumaas
ang presyo ng sibuyas, hindi na po ako makapag luto ng bistek (sad noises)

Amir: mahirap po talaga sainyo yan ano? Magkano na po ba ang presyo ng sibuyas dyan sainyo?

Janna: nasa 300-450 pesos na po ang kada kilo

Shai: (nagulat) grabe no, kung dati ay tatlong piso lang ang isa ngayon umaabot na ng kinse pesos

Janna: sana nga po at masulusyunan na ito ng gobyerno

Marga: well salamat miss Janna sa pagbabahagi ng iyong opinyon, tatapusin na natin ang ating
paguusap. Paalam miss Janna!

Amir: Ayon no, apektadong apektado talaga halos lahat

Carl: Dahil dyan, muli tayong magbabalik, ito ang Dawn Fm, hatid sainyo ng FD3S 103.5

(Commercial) -nesfruta buko-

Carl: ito na nga at nagbabalik na ang inyong paboritong programa (short pause) dawn FM

Shai: narito na ang paborito nyong reporter na si shai, magandang gabi sainyong lahat at ngayon ay muli
tayong tatawag sa ating mga listeners…

(telephone rings for about 4 secs)


Shai: ay eto na, good evening po! Ano pong pangalan at taga saan?

Moises: Good eve po… ako po si Princess Angela Moises at taga Mactan, Cebu po.

Shai: wala ng paligoy ligoy Ms. Angela, ano ang iyong masasabi sa pagtaas ng presyo ng sibuyas??

Moises: ako po ay isang tindera ng gulay sa palengke dito po sa cebu, at nakakaapekto po talaga ang
pagtaas ng presyo ng bilihin sa lahat. Parehas po na ang bumibili at nagbebenta ay nahihirapan, kasi
kung ibebenta po naming ng mura, ano pong kikitain namin? Sana po magkaroon ng solusyon ang
gobyerno dito kasi lahat napo talaga ng tao ay hirap.

Marga: magkano ho ang sibuyas dyan sa cebu?

Moises: umaabot na rin po ng 300-400 pesos ang kada kilo.

Amir: nakakalungkot naman po yan, sana po ay marinig nila an gating mga hinain.

Shai: salamat po Miss Angela sa pagbabahagi ng inyong opinyon!

Carl: nakakalungkot naman ang sitwasyon n gating mga caller, sana ay masolusyunan na ito. (toot toot)

Carl: sa pagbabalik, atin namang tatanungin ulit ang ating mamamayan. Inihahandog sainyo ng FD3S
103.5, DAWN FM.

(commercial) –starwax floor wax-

(telephone rings)

Amir: luh tumawag na pala kayo

(anchor and reporters laughs)

Saphira: hello po

Amir: hellox2 magandang gabi ako nga pala si Amir, ano po ang inyong pangalan?

Sap: Saphira Bagtas po

Amir: taga saan ho kayo?

Sap: taga Pandacan, Manila po.

Amir: Miss Saphira, kumusta po kayo? Ano ho ang epekto ng pagtaas ng presyo ng sibuyas sainyo?

Saphira: bilang isang ina at isa naring mamimili, napaka hirap talaga ng ating situwasyon ngayon. Halos
lahat naman talaga ay nahihirapan, minsan nga ho ay nagluluto nalang ako ng walang sibuyas. dahil
medyo hirap din kami sa buhay ay hindi na nakukuha na bumili ng sibuyas, dahil may iba pa po kaming
pinag gagastusan na mas importante.
Marga: magkano po ba ang presyo ng sibuyas sainyo?

Sap: ay nako ma’am, sobrang mahal po ng sibuyas dito sa maynila. Nasa 500-750 po ang kada kilo.

Carl: nako, sobrang mahal naman nyan. Salamat Miss Saphira sa pagbabahagi ng inyong opinion. (toot
toot)

Carl: antayi ang pagbabalik ng nagbabagang balita, handog sainyo ng FD3S 103.5, DAWN FM.

(commercial) –jollisavers yumburger-

Marga: kumpara sa maynila, medyo mas mababa ang presyo ng sibuyas sa probinsya kaysa sa lungsod.

Shai: nakakalungkot na marinig ang kanilang mga hinain dahil lamang sa pagtaas ng presyo. (sad noises)

Amir: dahil dyan, matututo talaga tayong magtipid.

Carl: dito na siguro magtatapos an gating programa, ako si Carl Bagtas, ang inyong anchor

Amir: ako naman si Amir Sayasa

Shai: ako naman si Shaira Gonzales

Marga: at ako naman si Margarette Pastor

Everyone: AT ITO ANG DAWN FM, MARAMING SALAMAT PO SAINYONG LAHAT.

(CLAPPING NOISES)

(OUTRO) -5 SECS-

You might also like