Professional Documents
Culture Documents
Ang Ginintuang Tuntunin
Ang Ginintuang Tuntunin
May mag-asawang nakatira sa isang bayan na may isang anak. Sa loob ng mahabang panahon, magkasamang
namuhay nang masaya ang tatay kasama ang anak niyang lalaki at ang kaniyang asawa. Subalit nang siya ay
tumanda na, humina na rin ang kaniyang katawan. Palagi siyang nakababasag ng plato sa tuwing kumakain
siya sa mesa. Nanginginig na kasi ang mga kamay niya. Hindi nagtagal, nagalit ang anak sa pagiging lampa
ng tatay niya. Kaya isang araw, iginawa niya ito ng mapagkakainang pinggan na kahoy. Ang pinggang kahoy
na ito na ang nagsilbing kainan ng kaawa-awang matanda.
Nang mapansin ng lalaking apo ang ginawa ng kaniyang tatay, kumuha siya ng ilang gamit pangkarpintero at
nagpunta sa ilalim ng bahay. Nang makita siya ng tatay niya, tinanong siya nito,
“Tay, iginagawa ko kayo ni Ina ng pinggang kahoy para sa inyong pagtanda", sagot ng anak.
Pagkarinig sa mga salita ng anak, tumulo ang mga luha ng ama. Simula noon, pinayagan na ang matandang
lalaki na kumain sa mesa kasama ng buong pamilya. Hindi na siya pinakakain sa pinggang kahoy.
Save