You are on page 1of 2

Mga Bahagi ng Kabanata I at mga Nilalaman nito

Kabanata 1: Ang Suliranin at Kaligiran Nito


A. Panimula
 Ito ang bahaging naglalatag ng mga panimulang impormasyon sa paksa na
magsasakonteksto sa mga mambabasa sa ano ang pinanggalingan ng pananaliksik.
 Ilan sa maari nitong lamanin ay ang kasaysayan ng paksa, mga katangian nito at
bumubuo nito, ang paggagana nito, ang sistemang sinusunod nito, ang kasalukuyang
kalagayan nito o ang pagsubok na kinakaharap nito at iba pa.
 Maari ring talakayin dito kung ano ang nag-udyok sa mga mananaliksik na pag-aralan
ang paksa at kung bakit ito ang naisip nating gawin.
 Inihalintulad sa inverted pyramid ang pagsusulat ng introduksyon upang ganap na
mailarawan ang konsepto sa malawakang saklaw ng pag-aaral tungo sa tiyak na
kaisipan sa pagsulat ng isang saliksik-papel.

Isulat ang paksang pangungusap sa unang bahagi.


Sumunod naman ang mga kaisipang magbibigay suporta sa paksang napili.
Maghanap ng mga kaugnay na literatura mula sa banyagang pag-aaral.
Maghanap ng mga kaugnay na literatura mula sa lokal na pag-aaral.
Humanap din ng mga kaugnay na literatura na maaaring sa mga e-journals na mas
lalong makakapagpatibay ng gawaing pananaliksik.
Mahalagang sambitin din ang kahalagahan ng pag-aaral ng napiling paksa.
At sa huli, huwag kalimutan ang pangkalahatan at tiyak na layunin ng pag-aaral.

B. Paglalahad ng Suliranin
 Ito ang bahaging tumutukoy sa pangunahing suliraning sasagutin ng pag-aaral.
 Ito ang magsisilbing tuon ng pananaliksik at dito magpopokus ang gagawing
pagtalakay.
 Inilalahad dito ang pangkalahatang layunin ng pananaliksik na nasa anyong
pasalaysay at ang mga tiyak na suliraranin na karaniwang nasa anyong patanong at
syang nagsisilbing tuon

C. Kahalagan ng Pag-aaral
 Sa bahaging ito tinatalakay ang kapakinabangang idudulot ng pananaliksik.
 Dito ipinagtatangol ang pangangailangang isagawa ang pananaliksik o kung paano ito
naging napapanahon.

D. Batayang Teoretikal o Konseptwal

Batayang Teoretikal
 Inilalahad dito ang iba’t-ibang teoryang gagamitin sa pag-aaral.

Halimbawa:
Paksa: “Paggamit ng Video Lesson sa Panahon ng Bagong Kadawyan”
Teorya: Maaring gamitin ang Teorya ni Howard Gardner na “Multiple
Intelligences” at “Learning Style” upang paliwanang na ang tao ay may iba’t-
ibang kakayahan at estilo sa pagkatuto na maaring maging paliwanag kung bakit
epektibong gamitin ang Video Lesson sa pagtuturo.
Batayang Konseptwal
 Isa itong Diagram na nagpapaliwanag ng magiging takbo ng pananaliksik sa
isang tingin. Binubuo ito ng mga hugis (karaniwan ay parisukat o bilog) na
naglalaman ng mga konseptong pinag-uugnay ng mga arrow upang maunawaan
ang relasyong namamagitan sa bawat isa o ang magiging daloy ng pananaliksik.

E. Saklaw at Limitasyon
 Sa saklaw ng pag-aaral, naglalatag ng mga pamantayan na gagamiting batayan,
alin ang maaring isama sa pananaliksik at alin ang hindi.
 Sa limitasyon naman ay ang mga sitwasyon o pangyayaring kinakaharap na
maaring nakakaapekto sa resulta ng pag-aaral.

F. Depinisyon ng mga Termino


 Sa bahaging ito iniisa-isa ang mahahalagang termino na ginagamit sa pag-aaral.
Hindi lamang ito tumutukoy sa malalim na salita na ginagamit sa pananaliksik
kundi maging ang teknikal.
 Dalawang paraan ng pagpapakahulugan:
1. Pagpapakahulugang Konseptwal – Ito ay istandard na kahulugan.
Matatagpuan sa mga diksyunaryo. Ito ay isang akademiko at unibersal na
kahulugan ng salita na nauunawaan ng maraming tao.
2. Pagpapakahulugang Operasyunal – Dito bibigyang kahulugan ang mga
salitang mahahalaga o pili na ginagamit sa pananaliksik. Binibigyang linaw
ang mga ito sa paraan kung paano ito

You might also like