You are on page 1of 1

Brownout sa Barangay Madilim

Nagkaroon ng brownout sa Barangay Madilim dahilan sa walang mabiling gasolina na ginagamit


upang mapaandar ang mga planta ng kuryente. Ang mga petrolyong parikit (fossil fuels) ay isa sa mga
di-napapalitang yaman sa mundo - kabilang na dito ang mga krudo, gasolina at karbon. Sapagkat
limitado ang mga pinagkukunang yaman para dito, hindi maiiwasan na magkaroon ng kakapusan sa
mga tao. Subalit, kahit na di-napapalitan ang mga gasolina, kinakailangan pa rin ito sa araw-araw na
pamumuhay ng mga tao. Isa sa mga gamit ng gasolina ay ang pagpapaandar ng mga planta ng
kuryente.
Sa Barangay Madilim, nagkakaroon sila ng suplay ng kuryente mula sa mga planta na ginagamitan ng
gasolina. Maraming kakompetensya sa paggamit ng gasolina ang mga plantang ito kaya’t malaki ang
posibilidad na maubusan sila ng mga negosyo ng langis (Petron, Seaoil, Caltex) sa limitadong yaman
na ito. Dahil na rin sa pagbabago ng presyo sa World Trade Market, nagtataas-baba ang mga presyo
ng mga langis na inaangkat pa mula sa Middle East. Sa mabilis na pagtaas at matagal na pagbaba ng
presyo, naapektuhan hindi lamang ang mga negosyong langis at planta na gumagamit nito kundi pati
na rin ang mga konsyumer na umaasa sa gasolina. Tulad din ng mga hindi inaasahang brownout
tuwing summer dahil sa pagtuyo ng mga dam na pangunahing kinukunan ng kuryente sa ibang
probinsya, nagkakaroon din ng brownout sa mga lugar kung saan walang maiprodyus na kuryente
sapagkat walang coal o di kaya’y gasolinang magagamit sa pagpapaandar dito. Limitado lamang ang
gasolina kaya’t hindi ito mabisa na gawing enerhiya sa pagpapailaw ng isang buong lugar kabilang na
ang mga barangay. Isa sa maaring magawa ng mga taga Barangay Madilim ay magpalit ng
pangunahing pagkukunan ng kuryente.
Maari silang gumamit ng Hydroelectric power plant kung malapit sila sa mga talon na pangunahing
lumilikha ng ganitong klaseng mga enerhiya o di kaya’y gumamit ng Wind Energy kung malapit sila sa
dagat sapagkat mas epektibo ang mga Wind Turbines sa ganitong mga lugar. Kung mayroon namang
malaking budget ang pamahalaan ng Brgy. Madilim, maari silang gumawa ng mga Solar Power Plants
na aasahan nila sa pang-araw araw na konsumo ng kuryente. Sa ganitong mga paraan, ang
limitadong pinagkukunang yaman (gaya ng langis at gasolina) ay ma k-konserba at magagamit sa mas
makabuluhang mga bagay.
Sa paggamit din ng mga power plants na hindi umaasa sa mga likas- yaman ay makakasiguro tayo na
pangmatagalan ang paggamit ng mga enerhiya na nagmumula dito. Dahil ang siyensya at ang mundo
ay patuloy na lumalago at nagbabago, may mga bagay na hindi masyadong ginagamit noon ay
mauubos ng henerasyon natin ngayon. Kung patuloy lamang tayo sa pag-abuso ng mga limitadong
yaman natin ngayon, bukas o sa makalawa, baka wala na tayong aasahan pa mula sa kalikasan; at
ang mga susunod na henerasyon ay wala nang pang-araw araw na pangangailangan na pagkukunan.

You might also like