You are on page 1of 2

SI LANGGAM AT SI TIPAKLONG

I . PAMAGAT NG AKDA
 Si Langgam at si Tipaklong
II. MAY AKDA O AWTOR
 Virgilio S. Almario
III. TAUHAN
 LANGGAM – Ito ay masipag na nilalang na naghahanda sa pagdating ng panahon ng
tag-ulan sa pamamagitan ng pag-iimabk ng mga makakain sa panahong ito.
 TIPAKLONG- Ito ay mahilig magsaya, maglaro, at maglibang na tila hindi alintana
ang kahaharaping hamon sa pagdating ng panahon ng tag-ulan.
IV. BUOD NG AKDA
 Sa pagsisimula ng kwento, Si Langgam ay matiyagang nag-iipon ng mga makakain
niya sa panahon ng tag-ulan.Madalas siyang tuksuhin ni Tipaklong na madalas
nakikita namang nagsasaya at naglalaro sa damuhan sapagkat siya ay laging
gumagawa at walang panahon na makapagsaya.Subalit sa pagdating ng panahon ng
tag-ulan, naging maginhawa si Langgam dahil sa kanyang pagsisikap samantalang
kaawa-awa naman ang lagay ni Tipaklong sapagkat wala itong masilungan at
makain.Sa huli, lumapit si Tipaklong kay Langgam upang humingi ng tulong. Siya ay
tinulungan naman ni Langgam na naging ugat upang magbago si Tipaklong.

V. PAKSA
 Ang paksa ng pabulang “Si Langgam at si Tipaklong “ ay nagbibigay ng
mahahalagang aral sa buhay gaya ng pagiging masipag, matiyaga, at mapagbigay.
Binibigyang-diin ng kwento ang ideya na ang pagpupunyagi at determinasyon ay
mahalaga upang makamit ang tagumpay, habang ipinakikita rin nito ang negatibong
epekto ng pagmamapuri, pagiging makampante at mayabang.
VI. PAGSUSURI
Mga Teoryang Kinasasaligan ng Akda
 Teoryang Moralismo- Ito ay nagpapakita ng mga halimbawa ng mabubuting
ugali at katangian na dapat tularan, tulad ng pagiging masipag at maingat sa
paghahanda para sa hinaharap. Sa pamamagitan ng pagbabago ni Tipaklong sa
huli, ipinapakita rin ng pabula na ang mga tao ay may kakayahang magbago at
magkaroon ng pagkakataon para sa pagbabago.
Bisang Pampanitikan
 Bisa sa isip- Ipinapakita nito na ang pagtulong sa iba ay nagdudulot ng
kaligayahan at tagumpay hindi lamang sa ating sarili kundi pati na rin sa iba.
 Bisa sa kaasalan- Ang bisa ng pankaasalan sa pabulang ito ay ang
pagpapahalaga sa pagiging masipag at maingat sa paghahanda para sa
hinaharap. Ipinapakita ng kwento na ang pagiging masipag at maingat sa pag-
iipon ng mga pangangailangan ay nagdudulot ng ginhawa at seguridad sa mga
panahon ng kagipitan.
 Bisang Pandamdamin- Noong una naaawa kami kay langgam sa kwento
dahil kinakailangan niyang maghanap ng pagkain para may makain siya. Pero
pagkatapos ng kwento humanga kami sa pagsusumikap ni langgam sa pag-
iipon ng pagkain upang may makain siya pagsapit ng tag-ulan. Hindi rin siya
nagdamot ng pagkain kay tipaklong nang humingi siya ng tulong kaya naman
humanga talaga kami ng husto sa kanya.
VII. MENSAHE NG AKDA
 Ang pagtulong ay walang pinipiling lugar, tao at pangyayari. Hindi ka mabubuhay sa
pagiging tamad.
VIII. SANGGUNIAN O SOURCE
 https://buklat.blogspot.com/2017/12/si-langgam-at-tipaklong-pabula.html

ACOB, KRISEL ANN R.


DEQUIÑA, PRINCESS JANE C.
BEEd 3-2

You might also like