You are on page 1of 3

Panimula

Ang social media, isang malaking bahagi na ng pang-araw-araw na


buhay ng mga tao, lalo na ng kabataan, ay nagdudulot ng positibong at
negatibong epekto. Ang milyun-milyong gumagamit ng social media ay
nakakaranas ng pagbabago sa kanilang pamumuhay at edukasyon, subalit
kasabay nito ay ang panganib ng pagiging adikta at pag-aaksaya ng oras sa
iba't-ibang plataporma tulad ng Facebook, Twitter, Instagram, YouTube,
Wattpad, at Online Games. Ang paglahok sa social networking sites ay
madali at libre, nagtutulak sa marami na sumanib at maging bahagi ng
"social trend," na nagbibigay impluwensiya sa bawat mag-aaral na bumuo
ng sariling account. Sa pangkalahatan, ang social media ay naglalaro ng
mahalagang papel sa pag-usbong ng lipunan, nagdadala ng oportunidad at
hamon sa pang-araw-araw na buhay, at nagtutulak sa atin na magbago at
mag-adapt sa mga teknolohikal na pagbabago sa ating paligid.

Bago pa dumating ang mga Kastila sa ating bansa, may sariling


sistema ng pagsusulat ang ating mga ninuno, ang tinatawag na Alibata. Sa
paglipas ng panahon, ito ay inalis at pinalitan ng alpabetong Filipino na atin
ngayong ginagamit. Noong 1521, natuklasan ng mga Kastila na may
humigit-kumulang dalawang daang dayalekto ang ginagamit ng mga Pilipino,
at ang Tagalog ang pinakalaganap sa Luzon, na itinalaga bilang opisyal na
wika. Sa panahon ng Amerikano, ipinakilala nila ang wikang Ingles, ngunit
patuloy pa rin ang pagtuturo ng wikang Tagalog. Sa pagtatag ng Wikang
Pambansa sa ilalim ng saligang batas, ang wikang Tagalog ang itinalaga
dahil ito ang pinakamadaling pag-aralan, madaling maunawaan, mayaman
sa talasalitaan at panitikan, at pinakalaganap sa buong kapuluan. Sa
kasalukuyan, tinatawag na wikang Filipino ang dating wikang Tagalog.
Layunin ng pag-aaral na ito na suriin kung paano nakakaapekto ang
media sa pag-unlad ng mga salita sa wikang Filipino. Layunin din nito na
maunawaan ang mga proseso ng pagtanggap at paggamit ng mga bagong
salita na nagmula sa media, kasama ang kanilang mga epekto sa
pagpapaunlad ng wika at kultura. Sa pamamagitan ng pag-unawa sa
impluwensya ng media sa wikang Filipino, maaaring makalikha ng mga
impormasyon at rekomendasyon na maaaring gamitin sa pagpapaunlad ng
mga programa at patakaran sa edukasyon, midya, at kultura, na
naglalayong mapanatili at palawakin ang kahalagahan ng wikang ito sa
kasalukuyan at sa mga susunod na henerasyon.

Ang wika ay isang mahalagang instrumento para sa mas epektibong


komunikasyon at pagtatatag ng mabuting ugnayan. Ito ay naglalarawan ng
kahulugan, interpretasyon, at kabuluhan ng mga bagay sa pamamagitan ng
salita at simbolo. Ang wika ay isang dynamic na bahagi ng ating kultura, na
patuloy na nagbabago at nag-aadaptong kasabay ng paglipas ng panahon at
sa gitna ng pagbabago sa kapaligiran. Ang pagiging daynamiko nito ay
nagreresulta sa paglikha ng mga bagong salita, na nagmumula sa
malikhaing pag-iisip ng tao. Ang kakayahan ng wika na mag-evolve at
magbago ay naglalarawan ng kahalagahan nito sa pag-unlad at pag-usbong
ng lipunan.

https://www.academia.edu/23301547/
_EPEKTO_NG_SOCIAL_MEDIA_SA_PAMUMUHAY_NG_MGA_MAG_AARAL

https://www.studocu.com/ph/document/aklan-state-university/bs-
crim/ang-impluwensya-ng-paggamit-at-pagkahumaling-sa-social-media-
ng-mga-mag-aaral-na-grade-11-stem-mula-sa-lezo-integrated-school-sa-
akademikong-taon-2022-2023/67978608

“Panahon Kastila.” SlideShare, Slideshare, 28 Nov. 2018,


www.slideshare.net/montezabryan/panahon-kastila.

Speech of President Quezon Announcing the Creation of a National ...,


www.officialgazette.gov.ph/1937/12/30/speech-of-president-quezon-announcing-the-
creation-of-a-national-language-december-30-1937/. Accessed 17 Feb. 2024.

You might also like