You are on page 1of 17

Senior High School

Filipino sa Piling Larang


(Akademik)
Modyul 15:
Pagwawasto ng Sipi ng Isinulat
na Papel

AIRs - LM
LU_FilipinoSaPilingLarang(Akademik)_Modyul15
FILIPINO SA PILING LARANG (AKADEMIK)
Baitang 12 – Unang Semestre
Modyul 15: Pagwawasto ng Sipi ng Isinulat na Papel
Ikalawang Edisyon, 2021

Karapatang sipi © 2021


La Union Schools Division
Region I

Ang lahat ng karapatan ay ibinibigay sa may akda. Anomang paggamit o pagkuha ng bahagi
ng walang pahintulot ay hindi pinapayagan.

Bumuo sa Pagsulat ng Modyul

Manunulat: Moises M. Lopez III


Tagasuri: Mary-Nor A. Concubierta
Editor: SDO La Union, Learning Resource Quality Assurance Team
Tagaguhit: Ernesto F. Ramos Jr.
Tagalapat: Jubert L. Padilla

Tagapamahala:
Atty. Donato D. Balderas Jr.
Schools Division Superintendent
Vivian Luz S. Pagatpatan, PhD
Assistant Schools Division Superintendent
German E. Flora, PhD, CID Chief
Virgilio C. Boado, PhD, EPS in Charge of LRMS
Luisito V. Libatique, PhD, EPS in Charge of Filipino
Michael Jason D. Morales, PDO II
Claire P. Toluyen, Librarian II

Inilimbag sa Pilipinas ng: _________________________

Department of Education – SDO La Union


Office Address: Flores St. Catbangen, City of San Fernando, La Union
Telefax: 072 – 205 – 0046
Email Address: launion@deped.gov.ph

ii
LU_FilipinoSaPilingLarang(Akademik)_Modyul15
Senior High School

Filipino sa Piling
Larang (Akademik)
Modyul 15:
Pagwawasto ng Sipi ng Isinulat
na Papel (Copyreading)

iii
LU_FilipinoSaPilingLarang(Akademik)_Modyul15
Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-
aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na
gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga
kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng
mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung
sinomang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang
tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-
aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan
niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa
bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng
pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at
pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit
pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anomang
bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung
sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM
na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa
kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

iv
LU_FilipinoSaPilingLarang(Akademik)_Modyul15
Sapulin

Mabuhay! Magandang araw sa iyo minamahal kong mag-aaral! Kumusta ka


na? Nakahanda ka na bang mag-aral at matuto? Kung oo, maghanda ka na sa mga
araling iyong matutuhan sa modyul na ito.
Sa nakaraang self-learning module, nakapokus ito sa pagsulat ng
akademikong sulatin na mayroong kasamang larawan na tinatawag na larawang
sanaysay/pictorial essay. Ito ay isang uri ng artikulong pang-edukasyon na
naglalayong makapagbigay ng babasahin at larawang magpapakita ng isang isyung
maaaring mapag-usapan. Isa itong kamangha-manghang anyo ng sining na
nagpapahayag ng kahulugan sa pamamagitan ng paghahanay ng mga larawang
sinusundan ng maiikling deskripsyon / kapsyon kada larawan.
Sa learning material naman na ito, matututuhan ang isa sa mga
mahahalagang pagdadaanan ng isang manuskrito---ang proofreading. Sa
paglalakbay mo sa modyul na ito, maipadadama at matututuhan ang wastong
impormasyon sa pagsulat mula sa mabuting paggabay na rin ng iyong guro.
Nararapat na matutuhan mo ang wastong pagbasa at pagwawasto ng iyong isinulat
na papel o manuskrito sapagkat parte na ito ng mga kasanayang dapat mong
matutuhan.
Sa pag-aaral sa modyul na ito, inaasahang malilinang mo ang sumusunod:
Mga Pinakamahahalagang Kasanayang Pampagkatuto (MELCs)
1. Natutukoy ang katangian ng isang sulating akademiko;
2. Nakabubuo ng sulating may batayang pananaliksik ayon sa pangangailangan
(CS_FA11/12PU-0p-r-95); at
3. Naisasaalang-alang ang etika sa binubuong akademikong sulatin
(CS_FA12EP-0p-r-40).

Mga Tiyak na Layunin:


1. Makatutukoy ng mga maling elemento, konsepto, o salita sa isang
pangungusap gamit ang mga natutuhan sa gramatika o balarila; at
2. Nagagamit ang mga copyreading symbols sa pagwawasto ng mga tekstong
binasa.

Sa puntong ito ay magagamit natin ang ating analitikal na pag-iisip upang


tukuyin ang anomang maling salita, bantas, o iba pang elemento sa isang
pangungusap. Handa ka na bang sumuri ng isang teksto? Halina’t magtama ng mga
pagkakamali!

1 LU_FilipinoSaPilingLarang(Akademik)_Modyul15
Aralin Pagwawasto ng Sipi
ng Isinulat na Papel
15 (Copyreading)

Simulan

Sa mga nakalipas na aralin, sinanay kang magdebelop ng mga kuro-kuro at


opinyon sa iba’t ibang pamamaraan. Sa puntong ito naman, mas lalo mong
masusubok ang iyong kakayahan upang matukoy kung ano ang maingat, wasto, at
angkop na paggamit ng wika sa isang partikular na okasyon. Handa ka na bang
iwasto ang mga maling pagkakagamit ng mga elemento sa wika? Simulan na natin!

Gawain 1: Nasaan ang mali?


Panuto: Basahin nang mabuti ang bawat pangungusap sa bawat bilang. Tukuyin
kung ano ang MALI sa bawat pangungusap. Piliin at isulat ang
KAUKULANG TITIK ng iyong sagot sa iyong sagutang papel. Kung walang
matukoy na mali mula sa pangungusap, isulat ang titik D sa patlang.

_____ 1. Kinuha ni Michael ang walis tingting upang walisin ang bakuran ng bahay.
A B C

_____ 2. Isinulat ni Jose Rizal ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo upang


A
ipakita ang maling gawa ng mga Espanyol sa mga Pilipino.
B C

_____ 3. Iyong pahiran ang luhang tumutulo mula sa iyong mga mata upang hindi
A B
nila mahalata ang iyong pag-iyak.
C
_____ 4. Siya’y biglang nagising ng may biglang humiyaw sa labas ng kanyang silid.
A B C

_____ 5. Sumayaw ng mga bata ang tinikling noong pagdiriwang ng Buwan ng Wika.
A B C
_____ 6. Ang pamilya ay kumain ng itlog at pandesal para sa hapunan kaninang umaga.
A B C
_____ 7. Kasalukuyang nagalit ang guro dahil hindi nagawa ng mga mag-aaral ang
A B
kanilang takdang aralin.
C

2 LU_FilipinoSaPilingLarang(Akademik)_Modyul15
_____ 8. Siya ay naluha nang kanyang mabalitaang siya’y tinanggal ng scholarship
A B
dahil sa kanyang mabababang marka.
C
_____ 9. Kanyang nilasap ang sarap nang nilagang baboy na niluto ng kanyang ina.
A B C
_____ 10. Inutusan ng guro ang isang mag-aaral na sabihin ang klase ng kanilang
A B
kailangang tapusin bago matapos ang araw.
C

Gawain 2: Itama ang mga Pagkakamali


Panuto: Suriin ang sumusunod na mga pahayag. Iwasto ang mga salita kung may
pagkakamali. Isulat ang iyong bersiyon sa sagutang papel.

1. Ang mga pangunahng ideya o kaisipan ay higit na mauuunawaan sa tulong


ng malalaking detalye?
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

2. Ang nasyonalismo ay tumutukoy sa pagkamulat ng mga mamamayan na


magbuklod-buklod at tangkilikin ang sariling produkto.
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

3. Si Shariful-hashin abubakar ang kauna-unahang naging sultan.


________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

4. Pumili ka ng isang gawaing mahal mo, at hindi mon a kakailanganin pang


magtrabaho ni isang araw sa buong buhay moa yon kay Confuciousness.
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

5. Tayo ay mga Pilipinong naniniwala sa kapangyarihan ng demokrasya at


nasyonalidad.
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

3 LU_FilipinoSaPilingLarang(Akademik)_Modyul15
Lakbayin

Pagwawasto Ng Isinulat Na Papel

Ayon sa ilang dalubhasang manunulat, “the foundation of a writer is his


cultural knowledge of writing.” Mahalagang salik sa maunlad na pagsulat ang
institusyong pinagmulan ng mag-aaral sa tulong ng mga taong kanyang
nakakasama at nagtuturo. Gayundin, ang mga kaasalan, gawi, at tradisyon ay
yamang mapagkukunan ng mga impormasyon sa kanyang pagsusulat.
Marapat na maipadama at matutuhan ang wastong impormasyon sa pagsulat
ng mga mag-aaral mula sa mabuting paggabay ng guro. Nararapat na matutuhan
nila ang wastong pagbasa at pagwawasto ng kanilang isinulat na papel o
manuskrito.
Unawain Natin
Hindi kaila na maraming kabataan ang nangangarap ding maging manunulat.
Ang pagsusulat ay hindi gawain na basta lamang ginagawa. Kung madali lamang
ang magsulat, marami na siguro ang nagtangkang pasukin ang ganitong larangan
para lamang madagdagan ang kitang sapat lamang dito sa bansang Pilipinas.
Isa sa mahalagang pagdadaanan ng isang manuskrito ay ang tinatawag na
proofreading. Kailangan ito upang makasiguro na malinis at kanais-nais na
mailalathala ang akda.
Nagbigay naman si Garcia (2016) ng mga dapat isaalang-alang ng mga
proofreader sa pagwawasto sa teksto. Ilan sa mga ito ay ang sumusunod:

• Kadalasan, kapag ang teksto ay nakasulat sa wikang Filipino,


ay nago-autocorrect ang function sa kompyuter kung kayat
binabago ng word processor ang ispeling ng mga salita. Maari
Ispeling din namang sa paraan ng pagsulat ng may-akda kung
minsan, lalo na kung unang pagtatangka pa lamang ang
isinumeting manuskrito ay may makikitang pagkakamali sa
\ ispeling.

• Kinakailangang ang proofreader ay nagtataglay ng matalas na


paningin sa pagbasa ng teksto kapag nagmamarka at
kinakailangang kaunti na lamang o mangilan-ngilang
Diwa Ng
pagwawasto na lamang ang dapat gawin matapos itong dumaan
Akda
sa editing.

4 LU_FilipinoSaPilingLarang(Akademik)_Modyul15
• Ang pisikal na anyo ng teksto ay nakikita sa uri ng tipo o font.
Kailangang masunod ang wastong pamantayan para sa uri ng
publikasyong ilalathala. Binibigyang-pansin ng proofreader ang
Anyo Ng wastong gamit ng malaking titik at maliit na titik at kung italiko
Anyo ng o hindi ang mga hiram na salita. Sinisiyasat din niya ang
Akda O pahina at tumatakbong pang-ulo (running head) na dapat ay
Teksto sunod-sunod ang mga pahina ng teksto at nailalapat nang
wasto.

Tinitiyak din niya ang wastong espasyo sa bawat salita at linya. Gayundin ang
wastong pagkakasunod-sunod ng mga bahagi ng teksto para sa isang publikasyon.
Mga Simbolong Ginagamit sa Pagwawasto ng Sinulat na Papel o Teksto
(Copyreading symbols)
alisin (delete)

pagdugtungin; tanggalin ang espasyo

maglagay ng espasyo #

pagpalitin (transpose) b tr
bagong talata ¶

indent [

panatilihin/huwag baguhin
stet
i-posisyon sa gitna ][

iurong pakaliwa (move left)

iurong pakanan (move right)

ayusin ang hanay (align vertically) ||

maglagay ng panipi (isahin or dalawahan) ‘ ’ “ ”

maglagay ng tuldok .

maliit na titik (lower case) / o lc


malaking titik

boldface
bf
ibalik sa orihinal
rom
italiko ital
baybayin (spell out)
sp

5 LU_FilipinoSaPilingLarang(Akademik)_Modyul15
Mga Gawain ng Editor sa Pagwawasto ng Kopya
1. Tiyaking tumpak ang mga datos sa artikulo. Magsaliksik kung kinakailangan.
2. Ang akdang ililimbag ay may wastong gramatika at pagbabaybay ng mga
salita.
3. Magwasto ng kamalian ng mga datos batay sa kahalagahan nito.
4. Pumutol o magkaltas ng mga hindi mahahalagang datos.
5. Mag-alis ng mga salitang nagsasaad ng opinyon kung ang winawasto ay
balita.
6. Magpalit ng mga saitang mahirap maunawaan ng karamihang mambabasa.
7. Sinusunod nito ang istilo ng pahayagan kung tumutukoy sa dyurnalismo.
8. Tinitiyak nitong malaya sa anomang libelong pamamahayag ang akda.

Pag-aralan ang sumusunod na balita. Pansinin ang pagkakasunod-sunod ng


bawat talata, ispeling ng ilang mga salita, mga marka o bantas, tamang
kapitalisasyon ng mga inisyal ng salita at iba pa. Ang nasabing teksto ay iniwasto ni
Sonairah Olama, isang campus journalist.

Sa kaslukuyan ay sa brain-wasting disease ay walang gamot ang


pinakakaraniwang uri ng dementia, na sa taya ng Alzheimer’s Disease
International ay dinaranas ng apatnapung na milyong sa buong mundo, katao at
inaasa hang magiging triple pagsapit ng 2050

london (afp) natukoyy ng isang pagaaral sa Britain ang blood proteins na


lumalabas sa mga pasyenteng nasuring may Aizheilmer, nagdulot ito ng pag-asa
sa test na makatutulong sa paghananap ng kalunas

Ang testpara mas maagangg ang sakit masuri ay magpapahintulot sa


mananaliksikna sobaybayann ang mga passyente bagu sila nagdebelop ng
advancedsymptoms na makatu tulong ng lunas sa pag hananal. Ang pagaaral na
inilat hala sa journalna Alzheimer’s &Dementia ay galling sa pagsubaybay sa
dalawang daa’t dalawangpung pasynetena maild cognitive impairment.

Tinukoy ng mana naliksik and sapung proteins na nasa dugo ng 87 porsiyentong


nasa grupo na ay nasuring kalaunan may Alzheimer sa loob ng isang taon

Many of our drug trials fail because by the time patients are given the drugs the
brain has already been to severely affected sabi ni Oxford University neuroscience
professor Simon Lovestone, na nanguna sa pagaaral sa King’s College London

A simple blood test could help us identify patients at a much earlier to take part
in new trials and hopefully develop treatments which could prevent the
progression of the disease. The next step will be to validate our findings in further
sample sets.

6 LU_FilipinoSaPilingLarang(Akademik)_Modyul15
Nagba bala si James Pickett head of research sa Alzheimer’s Society, na ang
accuracy ayunder 90 percent kaya kailangan pa itong mapabuti bagu mapakina
bangan ang test.
Only through further research will we find answers to the biggest questions around
dementia, so we will watch the progress of this study with interest ani Picket.

Nakita mo rin ba ang mga mali sa tekstong binasa? Ngayon naman ay pag-
aralan natin ang bersyon ng teksto na nilapatan na ng mga simbolo upang maiwasto
ito.

Pagwawasto:

7 LU_FilipinoSaPilingLarang(Akademik)_Modyul15
Galugarin

Gawain 3: Analitikal na Pag-iisip


Panuto: Basahin nang maayos ang sumusunod na may kaugnayan sa paksang
tinalakay. Kopyahin ang mga tanong at sagutin ito sa iyong sagutang papel.
Tiyakin na ang sagot ay hindi makakikitaan ng anomang pagkakamali sa
aspektong gramatika o balarila.

1. Kung nais mong maging isang proofreader, ano-anong katangian ang dapat
mong taglayin sa pagwawasto ng babashing teksto?
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

2. Ano-anong mahahalagang detalye ang dapat bigyang-pansin ng isang


proofreader sa tekstong kanyang iwinawasto? Bakit?
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

8 LU_FilipinoSaPilingLarang(Akademik)_Modyul15
3. Bakit inaasahan na ang diwa ng teksto na babasahin ng proofreader ay hindi
na gaanong marami ang mali?
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

4. Ano-ano ang isinasaalang-alang sa pagwawasto ng pisikal na anyo ng


manuskrito?
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

5. Ano-ano ang bahagi ng isang publikasyon na dapat bigyang-pansin ng isang


proofreader?
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

Gawain 4: Ituwid Mo
Panuto: Pag-aralang mabuti ang mga nakasulat sa ibaba. Pagkatapos, muling isulat
ang wastong anyo ng teksto sa iyong sagutang papel. Isaalang-alang ang
mga simblo na dapat gamitin sa pagwawasto ng papel.
1. Kung hindi nman valid, kinakailangan siguro ang higit pang pag-aaral hinggil
dito sa pammagitan ng pagbibigay ng batayam o saligan kung paano nakuha
ang mga ideyang ipapahayag. Malapit ang mga ito sa kasanayan sa pagkilala
kung ang mga ideyang ipinahahayag ay katotohanan o opinyon lamang.

2. Ang isang matalinOng mambabasa ay mahusay magsuri ng tekstong kanyang


binabasa. Napaglilimi-limi niya kung katanggap-tanggap ba ang mga ideyang
inilalahad dito o hindi.

3. Ano ang balid at hindi Valido?

4. Ang pagkakaiba lamangang opinyon ay maring masabing katanggap-tanggap


rin nman kung ang isasaalang-alang ay ang paggalang o rispetto sa taong
nagpapahayag nito. Tandaan natin, walang tama o maling opinyon?

9 LU_FilipinoSaPilingLarang(Akademik)_Modyul15
Palalimin

Gawain 5: Copyreading101
Panuto: Gamit ang mga copyreading symbols na iyong natutuhan, ituwid mo ang
sumusunod na ulat o balita ng Pilipinas Star Ngayon na inilathala noong
12:00AM ng ika-31 ng Hulyo, 2020 sa kanilang website. Isa sa mga
kalikasan ng balita ay ang pagkakaroon ng isang pangungusap sa bawat
talata, kung kaya’t ang ayos na nasa ibaba ay likas ito para sa nasabing
uri ng dyurnalistikong artikulo, ngunit mayroon pa ring sinadyang maliin
upang iyong iwasto. Gumamit ng lapis sa pagtutuwid. I-xerox muna ang
balita bago ituwid.

Pinas nalagpasan na ang China sa COVID-19 cases

MANILA, Philippinis — Nalagpasan na ng Pilipinas ang bilang ng positibong kaso ng


COVID-20 ng Chinas kung saan nagmula ang virus

“Hindi tayo mag-panic kailangan kapag nakakarinig tayo ng malalaking numero,”


pahayag naman ni Health secretary Maria Rosario Vergeire.

Sinabi ni Vergeire na ayos lang magkaroon ng paghahalintulad dahil sa


gumagawa ng benchmarking ngunit mahirap umanong pagkumparahin ang
Pilipinas at Taiwan dahil sa iba’t ibang kun-disyon.
“Ang sa China naman ay iba yung sa kanilang datos. Iba ‘yung settings nila. ‘Yung
sa atin, nakakakita tayo ngayon ng pagtaas in specific areas of the country katulad
ng NCR,” ayon kay Vergeire.

Iginiit ni Vergeire na magkaiba ang ‘settings’ ng dalawang bansa at magkaiba rin ang
sistema sa kalusugan.

Noong Miyerkules, umakyat na sa 85,486 ang naitatalang kaso sa Pilipinas


habang ang China ay mayroong 84,060.

Muling itinuro ni Vergeire ang mga dahilan ng pagtaas ng kaso sa bansa tulad ng
pagpapaluwag sa mga ‘lockdown measures’, hindi pagsunod ng publiko sa health
standards at pagbabalik ng mga istranded na tao sa kani-kanilang mga bayan Ngunit
idiniin din ng opisyal ang mababang datos ng bilang ng nasasawi sa Pilipinas na
mas mababa pa sa tatlong porsyento ng kaso ng COVID-19.
Sinuportahan rin ng kagawaran ang localized lockdown kung saan hindi kailangan
na buong lungsod ang isasarado upang patuloy n mabuhay ang ekonomiya. Sinabi
ni Vergeire na naging epektibo naman ito sa ibang mga bansa

10 LU_FilipinoSaPilingLarang(Akademik)_Modyul15
Sukatin

Gawain 7: i-Code Mo!


Panuto: Kumpletuhin ang kahon sa ibaba sa pamamagitan ng pagsulat ng mga
simbolo ng copyreading. Tiyakin na tama ang isusulat na mga simbolo.
Isang puntos sa bawat tamang simbolo. Kopyahin ang kahon at sagutan ito
sa iyong sagutang papel.

alisin (delete) 1.
pagdugtungin; tanggalin ang espasyo 2.

maglagay ng espasyo 3.
pagpalitin (transpose) 4.
bagong talata 5.
indent 6.

panatilihin/huwag baguhin 7.

i-posisyon sa gitna 8.
iurong pakaliwa (move left) 9.
iurong pakanan (move right) 10.
ayusin ang hanay (align vertically) 11.
maglagay ng panipi (isahin or dalawahan) 12.
maglagay ng tuldok 13.
maliit na titik (lower case) 13.
malaking titik 15.

Nahasa ba ang iyong kritikal na pag-


iisip sa mga inihandang gawain sa
naturang modyul na ito? Nawa’y natutuhan
mo na hindi lahat ng nababasa lalo na sa
social media ay pawang katotohanan kaya
marapat lamang na paganahin ang isip sa
mga mahahalagang detalye at isyu sa
lipunan. Sa huling dako ng pag-aaral ng
learning material na ito, ihanda mo ang
iyong sarili sa kasunod at panghuling
modyul – Modyul 16: Pagbuo ng Malikhaing
Portfolio.

11 LU_FilipinoSaPilingLarang(Akademik)_Modyul15
LU_FilipinoSaPilingLarang(Akademik)_Modyul15 12
ARALIN 7 (Pagwawasto ng Sipi ng Isunulat na Papel (Copyreading)
SIMULAN
Gawain 1: Nasaan ang mali? 1. B 6. B
2. B 7. A
3. A 8. B
4. B 9. B
5. D 10. B
Gawain 2: Itama ang mga Pagkakamali
GALUGARIN
Gawain 3: Analitikal na Pag-iisip Iba-iba ang sagot
Gawain 4: Ituwid mo! Iba-iba ang sagot
PALALIMIN
Gawain 5: Copyreading101
Gawain 6: Repleksyon Iba-iba ang sagot
SUKATIN
Gawain 7: i-code Mo! Magbase sa mga simbolong
ginagamit sa pagwawasto ng
sinulat na papel o teksto (pahina 5).
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

A. Nakalimbag na Materyales:
Constantino, Pamela C. at Zapra, Galileo S. 2016 Filipino sa Piling Larangan
(Akademik). Quezon City: Rex Printing Company, Inc.

Garcia, Fanny A. at Festin, Rowena P.2017. Malikhaing Pagsulat. Quzon City:


Rex Printing Company, Inc.

B. Website:
Olama, Sionairah, August 25, 2013, Pagwawasto At Pag-Uulo Ng Balita mula sa
https://www.academia.edu/10598407/1_PAGWAWASTO_AT_PAG-
UULO_NG_BALITA

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – SDO La Union


Curriculum Implementation Division
Learning Resource Management Section
Flores St. Catbangen, City of San Fernando, La Union 2500
Telefax: 072-205-0046
Email Address:
launion@deped.gov.ph
lrm.launion@deped.gov.ph

13 LU_FilipinoSaPilingLarang(Akademik)_Modyul15

You might also like