You are on page 1of 7

Chaila Jane P.

Sabello- BEED 1
MODYUL 3
LEKSIYON 1: SITWASYONG PANGWIKA SA PILIPINAS

SubukinNatin!
I.Tukuyin ang mga larawan sa ibaba at sagutin ang mga sumusunod na tanong.
1. Ano ang tawag sa larawang ito?
- Ang tawag sa larawang ito ay radyo
2. Ano ang gamit ng kagamitang ito sa mga tao?
- Ang gamit nito sa mga tao ay nagbibigay ito ng ibat ibang mahahalagang impormasyon at
nalalaman ng mga tao ang ibat ibang kaganapan sa paligid sa pamamagitan ng pakikinig nito.
3. Sa inyong bahay may ganito pa ba kayong kagamitan? Magbigay ng larawan na
hinahawakan ito bilang patunay.
- Wala kaming ganitong kagamitan sa bahay
1. Ano naman ang tawag sa larawang ito?
- Ang larawang ito ay tinatawag na Telebisyon
2. Sa tingin mo nakakatulong ba ito sa tao na makakuha ng mga impormasyon o balita
gamit ang teknolohiyang ito?
- Oo, nakakatulong sa tao na makakuha ng mga impormasyon o balita gamit ang telebisyon.
Dahil, hindi lamang nila ito naririnig ngunit mas naiintindihan nila ito sapagkat nakikita din nila
ang mga pangyayari na nasa balita sa pamamagitan ng panonood nito.
1. Ano ang tawag sa larawang ito?
- Ang tawag sa larawang ito ay Diyaryo
2. Sa tingin mo tinatangkilik pa ba ito mga tao na gamitin bilang isa sa mga pangunahing
pagkukunan ng impormasyon o balita sa panahon natin ngayon?
- Para sa akin, hindi na tinatangkilik ang diyaryo bilang isa sa mga pangunahing pagkukunan ng
impormasyon o balita sa panahon natin ngayon. Dahil, sa panahon natin ngayon mas
nangingibabaw ang teknolohiya. Hindi mo na kakailanganin pang bumili ng diyaryo upang
makakuha ng impormasyon o balita dahil sa teknolohiya mas napapabilis ang lahat. Maari kang
makakuha ng balita sa telebisyon sa pamamagitan ng panood nito o kaya’y gamit ang cellphone
sa pagbabasa ng mga balita online o gamit ang mga sites.

Pagsasanay
Gawain I.
Panuto: Sagutin ang sumusunod na mga tanong.
1. Ano ang itinuturing na pangunahing wika sa mass media? Bakit kaya ang wikang ito
ang pinipiling gamitin sa mga telebisyon at iba pang uri ng mass media sa bansa?
- Ang itinuturing na pangunahing wika sa mass media ay Wikang Pilipino. Ang Wikang Pilipino
ang pinipiling gamitin sa mga telebisyon at iba pang uri ng mass media sa bansa dahil, halos
lahat ng mamamayan sa bansa ay nakauunawa at nakapagsasalita ng wikang Filipino at dahil dito
mas maraming mamamayan sa bansa ngayon ang nakapagsasalita, nakauunawa, at gumagamit sa
wikang Filipino. Ito ay isang mabuting senyales para sa lalong pag-unlad at paglago ng ating
wikang Pambansa.
2. Nakatutulong ba sa paglaganap ng wikang Filipino ang paggamit nito sa mga telebisyon
at iba pang uri ng mass media sa bansa?
- Oo, dahil sa pamamagitan ng mga telebisyon at iba pang uri ng mass media mas nakakatulong
ito sa paglaganap ng wikang Pilipino sapagkat milyon-milyong tao ang nanonood nito at mas
naiintindihan ito ng mga nakakarami, kaya patuloy nila ito tinatangkilik at ginagamit. Malaki ang
tulong ng paggamit sa wikang Filipino, dahil marami ng mamamayan sa bansa ngayon ang
nakakapagsalita, nakakaunawa, at gumagamit ng wikang Filipino.
3. Bakit kaya Ingles ang ginagamit na pamagat ng karamihan sa mga pelikulang mga
diyalogo? Ano ang pananaw mo ukol dito?
- Ingles ang ginagamit na pamagat ng karamihan sa mga pelikulang mga diyalogo. Dahil, mas
maayos at maganda itong pakinggan kung ito ay ingles, at dahil narin sa impluwensya ng ibang
bansa.
4. Paano mo ilalarawan ang wika sa telebisyon? Masasabi mo bang ang paraan mo ng
pagsasalita o paraan ng pagsasalita ng ilang taong kakilala mo ay may kaugnayan sa
napapanood sa telebisyon? Sa paanong paraan?
- Ang wika sa telebisyon ay wikang Pilipino na halos lahat ng mamamayan sa bansa ay
nakauunawa at nakapagsasalita ng wikang Filipino. Masasabi ko na ang paraan ko ng pagsasalita
o paraan ng pagsasalita ng ilang taong kakilala ko ay may ugnayan sa napapanood sa telebisyon.
Dahil sa panonood ng telebisyon lahat tayo ay merong natututunang mga salita at paraan ng
pananalita at tumatatak ito sa ating isipan at lahat din tayo ay gumagamit ng wikang Pilipino
tulad lamang ng nasa telebisyon kaya’t masasabi ko ang ating paraan ng pananalita at may
kaugnayan sa napapanood sa telebisyon.

Gawain II.
Gumawa ng isang bidyo. Pumili sa mga sumusunod na gawain. Ang bidyo ay hindi bababa
sa tatlong (2) minuto at hindi naman lalampas sa tatlong (3) minuto.
1. Pagbabalita
2. Monologue ng isang pelikula.
3. Maikling patalastas o adbertisment na narinig sa radyo o nakikita sa telibisyon.

Pagtataya
Sagutin ang sumusunod na tanong:
1. Ipaliwanag ang kahalagahan ng wikang ginamit sa telebisyon, pelikula, radyo at
diyaryo.
- Mahalaga ang wikang ginagamit sa telebisyon, pelikula, radyo at diyaryo upang maintindihan
ito ng tagapanood, tagapakinig, at mambabasa.
2. Nakakatulong ba ang sitwasyong pangwika ng Pilipinas sa pag-unlad ng ating wikang
Filipino? Ilahad ito sa paanong paraan.
- Oo, nakakatulong ang sitwasyong pangwika ng pilipinas sa pag-unlad ng ating wikang Filipino
sa papamagitan ng telebisyon, radyo, diyaryo at iba pang uri ng mass media na gumagamit ng
wikang Filipino at dahil dito mas mas maraming mamamayan sa bansa ngayon ang
nakapagsasalita, nakauunawa, at gumagamit sa wikang Filipino at dahil dito mas lalong umunlad
at lumago ang ating wikang Filipino.
Takdang-aralin!
Magsaliksik sa kahulugan ng pahayagan o diyaryo at ibigay ang mga bahagi
nito.
 Pahayagan- ang pahayagan, o diyaryo ay isang uri ng paglilimbag na naglalaman ng
balita, impormasyon at patalastas, kadalasang na imprenta sa mababang halaga. Ito ay
maaaring pangkalahatan o may espesyal na interes, at kadalasan itong inilalathala ng
araw-araw o lingguhan.
Ang mga sumusunod ay ang mga bahagi ng pahayagan o dyaryo:
 Mukha ng Pahayagan – Ito ang pinakaunang pahina ng pahayagan. Naglalaman ito ng
pangalan ng pahayagan at headline ng mga balita. Makikita mo rin sa pahinang ito ang
petsa kung kailan nailimbag ang dyaryo.
 Balitang pandaigdig – Mababasa naman sa bahaging ito ang mga kaganapan sa iba’t-
ibang parte ng daigdig. Naglalaman din ito ng mga balita na may kaugnayan sa labas ng
ating planeta.
 Balitang Panlalawigan – Nakapaloob naman sa bahaging ito ang mga kaganapan sa
iba’t-ibang lalawigan ng bansa.
 Editoryal o Pangulong Tudling – Ang pahinang ito ay naglalaman ng matalinong kuro-
kuro ng patnugot o mamamahayag tungkol sa isang napapahong isyu o paksa.
 Balitang Komersyo – Ang bahaging ito ng pahayagan ay naglalaman ng mga ulat na
may kaugnayan sa industriya, kalakalan, at komersyo. Mababasa din dito ang
kasalukuyang estado ng palitan ng piso kontra sa pera ng ibang bansa.
 Anunsyo Klasipikado – Ang pahinang ito ay nakalaan para sa mga taong naghahanap ng
trabaho na pwedeng pag-aplayan. Dito rin mababasa ang mga patalastas tungkol sa mga
bagay na ipinagbebenta o pinapaupahan tulad ng kotse, bahay at iba pang ari-arian.
 Obitwaryo – Ito ay parte ng pahayagan na naglalaman ng mga anunsyo tungkol sa mga
taong pumanaw na. Mababasa sa bahaging ito ang impormasyon ng mga namayapang
tao, kung saan ito nakaburol, kailan at kung saan ito ililibing.
 Libangan – Ang pahinang ito ay naglalaman ng mga balita na naghahatid ng aliw sa mga
mambabasa. Mababasa dito ang mga balita tungkol sa mga kaganapan sa showbiz, mga
tampok na palabas sa pelikula at telebisyon, at iba pang maiuugnay sa sining.
Naglalaman din ito ng mga laro na nakakakuha ng interes ng mga mambabasa, tulad ng
sudoku at crossword puzzle. Dito rin matatagpuan ang komiks at horoscope.
 Lifestyle – Mababasa sa bahaging ito ang mga artikulong may kaugnayan sa
pamumuhay. Tulad ng tahanan, pagkain, paghahalaman, paglalakbay at iba pang aspeto
ng buhay sa lipunan.
 Isport o Palakasan – Sa bahaging ito mababasa ang iskedyul ng mga laro. Mababasa din
sa bahaging ito ang mga kaganapan at balita tungkol sa iba’t-ibang isport sa loob at labas
ng bansa.
LEKSIYON 2: SITWASYONG PANGWIKA SA ANYONG KULTURANG

Subukin Natin!
Halina at sabayan mo akong suriin ang mga sumusunod na mga larawan. Pamilyar ka ba sa mga
ito? Sige nga tukuyin mo bawat isa at sagutin ang mga katanungan na nasa ibabang bahagi nito.
Isulat ito sa iyong sagutang papel
Tanong:
Sagutin ang mga sumusunod na tanong.
1. Ano ang iyong napansin sa mga pahayag o linya na mula sa ibang tao? Ilahad ang iyong
sagot.
- Ang napansin ko sa mga pahayag o linya na mula sa ibang tao ay sitwasyong pangwika sa
fliptop, hugot lines, pick-up-lines at text.
2. Sa iyong palagay, may kabuluhan kaya ito sa ating pang-araw-araw na pamumuhay?
- Para sa akin, meron itong kabuluhan sa ating pang araw araw na pamumuhay dahil maari natin
itong gamitin upang magpasaya ng ibang tao, o dika’y sa mga mabubuting paraan sapagkat
maraming tao ang makakaugnay nito.
3. Bakit mahalagang alamin ang sitwasyong pangwika sa bansa?
- Mahalagang alamin ang sitwasyong pangwika sa bansa sapagkat bilang isang Pilipino,
tungkulin natin na malaman, magamit ng tama at husto ang wika. Sa pamamagitan nito,
makakukuha tayo ng karunungan sa iba’t ibang sitwasyon ng paggamit ng wika na makakatulong
sa ating pang araw-araw na buhay. Lubos din nating maiintindihan ang kultura ng Pilipinas at
mapagyayaman ang ating kakayahang komunikatibo para sa epektibong pakikipag-ugnayan sa
ating kapwa.

Pagsasanay
Gawain I!
Sagutin ang sumusunod na mga tanong.
1. Ano ang fliptop?
- Ang fliptop ay pagtatalong oral na isinasagawa nang pa rap. Nahahawig ito sa balagtasan dahil
ang mga bersong nira-rap ay magkatugma bagama’t sa fliptop ay hindi nakalahad o walang
malinaw na paksang pagtatalunan. Kung ano lang ang paksang sisimulan ng naunang kalahok ay
siyang sasagutin ng kanyang katunggali.
2. Ano ang pagkakaiba at pagkakapareho ang fliptop sa balagtasan?
- Ang fliptop ay pagtatalong oral na isinasagawa nang pa rap. Nahahawig ito sa balagtasan dahil
ang mga bersong nira-rap ay magkatugma bagama’t sa fliptop ay hindi nakalahad o walang
malinaw na paksang pagtatalunan. Kung ano lang ang paksang sisimulan ng naunang kalahok ay
siyang sasagutin ng kanyang katunggali. Samantalang ang balagtasan ay balagtasan na
gumagamit ng pormal na wika sa pagtalo, sa fliptop ay walang nakasulat na skrip kaya
karaniwang ang mga salitang binabato ay di pormal at mabibilang sa iba’t ibang wika at ang
kanilang pagkakapareho ay pareho silang mga sitwasyong pangwika
3. Alin-alin sa mga katangian ng fliptop ang dahilan kung bakit hindi pa rin ito
maituturing na isang uri ng modernong Balagtasan?
- Ang fliptop ay hindi pa rin ito maituturing na isang uri ng modernong Balagtasan sa dahilang
ang fliptop ay hindi nakalahad o walang malinaw na paksang pagtatalunan. Kung ano lang ang
paksang sisimulan ng naunang kalahok ay siyang sasagutin ng kanyang katunggali ito din ay
walang nakasulat na skrip kaya karaniwang ang mga salitang binabato ay di pormal at
mabibilang sa iba’t ibang wika. Pangkaraniwan din ang paggamit ng mga salitang nanlalait para
makapuntos sa kalaban. Samantalang ang Balagtasan naman ay gumagamit ng pormal na wika sa
pagtalo. Kaya hindi parin maituturing ang fliptop na isang uri ng modernong balagtasan.
4. Ano ang pick-up lines?
- Ang pick-up-lines ay makabagong bugtong na kung saan may tanong na sinasagot ng isang
bagay na madalas maiuugnay sa pag-ibig at iba pang aspekto ng buhay. Sinasabing nagmula ito
sa boladas ng mga binatang manliligaw na nagnanais magpapansin, magpakilig, magpangiti at
magpa-ibig sa dalagang nililigawan. Kung may mga salitang angkop na makapaglalarawan sa
pick-up-line, masasabing ito’y nkatutuwa, nakapagpapangiti, nakakakilig, cute, chessy, at
masasabi ring corny. Madalas itong marinig sa usapang ng mga kabataang magkakaibigan o
nagkakaibigan. Nakikita rin ito sa mga facebook wall, sa twitter at sa iba pang social media
network.
5. Sa paanong paraan o kadahilanan na patuloy na lumalaganap ang pick-up lines at hugot
lines?
- Patuloy na lumalaganap ang pick-up lines at hugot lines sa paraan o kadahilanang gigamit parin
ito ng ibang tao sa iba’t ibang sitwasyon. Tulad ng pagpapapansin, pagpapakilig, at pagpapangiti
sa ibang tao. Dahil sa damdamin o karanasang pinagdadaraanan ng mga tao sa kasalukuyan, ay
nakakagawa rin sa ng sarili nilang hugot lines at pick-up lines. Kaya mas lumaganap ito dahil sa
dami ng patuloy na gumagamit nito.
6. Ano-ano ang mga katangian ng hugot lines na nagustuhan ng mga tao lalong lalo ng mga
kabataan?
- Ang mga katangian ng hugot lines na nagustuhan ng mga tao lalong lalo ng mga kabataan ay
ito ay nakakakilig, nakakatuwa, cute, cheesy, o minsa’y nakakainis at dahil dito nailalabas ng
mga tao lalong lalo na ang mga kabataan ang kanilang damdamin.
7. Bakit tinawag na “texting capital of the world” ang Pilipinas?
- Tinawag na “texting capital of the world” ang Pilipinas dahil, humigit- kumulang apat na
bilyong text ang ipinadadala at natatanggap sa ating bansa araw-araw kaya naman tinagurian
tayong “Texting Capital of the World”.
8. Sa paanong paraan napalalaganap ang wika sa pamamagitan ng pagpapadala at
pagtanggap ng text o SMS?
- Napapalaganap ang wika dahil paggamit ng mga tao ng wikang Filipino sa pakikipag-usap sa
kanilang kapwa tao at nagkakaroon ito pagkakaintidihan dahil ang ginagamit na wika ay wikang
Filipino. Kaya mas lumaganap wika, dahil sa patuloy na paggamit nito sa pamamagitan ng text o
SMS.
9. Bakit mas marami ang nagapapadala ng text kaysa sa tumatawag sa telepono. Anong
katangian ng text na madalas ay nagugustuhan ng mga tao kompara sa pagtawag sa
telepono?
- Mas marami ang nagpapadala ng text kaysa tumawag sa telepono dahil, bukod sa mas murang
mag-text kaysa tumawag sa telepono ay may mga pagkakataong mas komportable ang taong
magparating ng maiikling mensaheng nakasulat kaysa sabihin ito nang harapan o sa
pamamagitan ng tawag sa telepono. Ang katangian ng text na madalas ay nagugustuhan ng mga
tao kompara sa pagtawag sa telepono ay, ang text madalas ginagmit ang code switching o
pagpapalit ng Ingles at Filipino sa pagpapahayag. Madalas din binabago o pinapaikli ang baybay
ng salita para mas madali o mas mabilis itong mabuo. Ito din ay walang sinusunod na tuntunin o
rule sa pagpapaikli ng salita gayundin kung sa Ingles o Filipino ba ang gamit basta’t maipadala
ang mensahe sa pinakamaikli, pinakamadali at kahit paano’y naiintindahang paraan.
10. Sa iyong pananaw nakakabuti ba ang text o nakakasama.Ipaliwang ang iyong sagot.
- Sa aking pananaw ay nakakabuti ang text. Dahil sa text masasabi mo kung ano ang iyong nais
sabihin nang hindi nahihiya o kinakabahan dahil hindi mo kausap sa personal ang isang tao. Ito
din ay nakakabuti dahil maaari mo ring makausap ang mga mahal mo sa buhay na nasa malayo,
sa pamamagitan ng text. Ito ang daan upang makausap natin ang ating mga mahal sa buhay kahit
malayo kayo sa isa’t isa.

Pagtataya
Panuto: Sa lahat ng larangan na ating tinalakay magmula sa sitwasyong pangwika sa
Fliptop hanggang sa sitwasyong pang wika sa Text, masasabi mo bang maunlad at patuloy
na umuunlad ang ating wikang Filipino? Bakit? At sa paanong paraan? Isa-isahin ang mga
ito.
- Oo, masasabi ko na maunlad at patuloy na umuunlad ang ating wikang Filipin. Dahil sa patuloy
na paggamit nito sa iba’t ibang paraan, tulad ng mga sitwasyong pangwika sa fliptop, pick-up
lines, hugot lines at Text. Mas lalong umunlad ang wikang Filipino. Una ay fliptop, sa
pagsagawa ng mga kompetisyon na tinatawag na Battle League na isinasagawa sa wikang Ingles
subalit ang karamihan ay sa wikang Filipino. Pangalawa, sa pamamagitan ng pick-up lines,
ginagamit din ang wikang Filipino. Pangatlo, ay hugot lines na karaniwang nagmula sa mga
linya ng ilang tauhan sa pelikula o telebisyong nagmarka sa puso’t isipan ng mga manonood
Minsan ang mga ito’y nakasulat sa Filipino subali madalas Taglish o pinaghalong Ingles at
Tagalog ang gamit na salita sa mga ito. Pangatlo, Sitwasyong Pangwika sa Text Ang
pagpapadala at pagtanggap ng SMS (short messaging system) na lalong kilala bilang text
message o text ay isang mahalagang bahagi ng komunikasyon sa ating bansa. Sa pagbuo ng
mensahe sa text, madalas ginagmit ang code switching o pagpapaplit ng Ingles at Filipino sa
pagpapahayag. Lahat ng ito ay gumagamit ng wikang Filipino kaya naiimpluwensyahan ang mga
tao na patuloy na gamiton ito at dahil sa mga sitwasyong pangwika, ito ang naging paraan upang
mas lumaganap ang wikang Filipino.

Takdang-aralin!
Magsaliksik sa kahulugan, katangian at mga bahagi ng liham.
Liham
 Ang liham ay isang pahayag o mensahe sa pamamagitan ng pagsulat mula sa isang tao
patungo sa isa pang tao o grupo, kadalasan sa ibang lugar.
 Ang liham ay isang pahayag o mensahe s pamamagitan ng pagsulat mula sa isang tao
patungo sa isa pang tao, o grupo, kadalasan sa ibang lugar.
Katangian ng Liham:
1. Malinaw (Clear)
2. Wasto (Correct)
3. Buo (Complete)
4. Magalang (Courteous)
5. Maikli (Concise)
6. Kumbersasyonal (Conversational)
7. Mapagsaalang-alang (Considerate)

Bahagi ng Liham
1. Ulong sulat -dito makikita ang pangalan,impormasyon, at lokasyon.
2. Petsa -kung kailan ito sinulat.
3. Patunguhan -nakalagay dito kung saan nais iparating ang liham.
4. Bating pambungad -maikling panimula o pagbati.
5. Katawan ng liham -nakalagay naman dito kung ano ang nais nitong iparating o
sabihin.
6. Bating pangwakas -nakasaad ito ng pamamaalam.
7. Lagda -binubuo ito ng pangalan, lagda, at posisyon ng lumiham.

You might also like