You are on page 1of 12

BIBLE READING OF THE WEEK:

DATE BOOKS AND CHAPTERS MARK


Destiny Isaias 15,16 Class2 -
Book 3 DAY 1-__________
I Corinto 8
Week 2- Lesson
Isaias 17,18
3 DAY 2-__________
II Corinto 9
ANG Isaias 19,20
DAY 3-__________
I Corinto 10
Isaias 21,22
DAY 4-__________
I Corinto 11
Isaias 23,24
DAY 5-__________
I Corinto 12
Isaias 25
DAY 6-__________
I Corinto 13,14
Isaias 26
DAY 7-__________
I Corinto 15,16
KAPANGYARIHAN NG EBANGHELISMO
8Subalit tatanggap kayo ng kapangyarihan pagbaba sa inyo ng Espiritu Santo, at kayo'y magiging mga saksi ko sa
Jerusalem, sa buong Judea at sa Samaria, at hanggang sa dulo ng daigdig.”
(Gawa 1:8)

PANIMULA
May 2 Uri ng Kristiano: yung mga hindi nakakikilala sa Banal na Espiritu (hindi nila kilala o
naranasan ang kapangyarihan ng Banal na Espiritu, kaya naman nabubuhay sila sa kabiguan), at
yung mga Kristiano na nakakikilala sa Banal na Espiritu, (sila yung nakakaabot sa antas ng
supernatural). Upang magawa ng epektibo ang Gawain ng Diyos ay nangangailangan ng Galaw at
Kapangyarihan ng Banal na Espiritu. Hindi natin maisasaisangtabi ang Kapangyarihan ng Banal na
Espiritu at hayaan ang isip natin ay mapuno lamang ng mga Katuruan Theological.
Kailangan ng balance; mag aral at maghanda ng sarili, pero kailangan din nating
kilalanin at tanggapin ang kapangyarihan ng Banal na Espiritu.

1. PANGANGARAL NG MAY KAPANGYARIHAN


Nuong tanggapin ng mga apostol ang Kapangyarihan ng Banal na Espiritu, napasok nila ang
panibagong antas o dimension, dahil dito, napalakas ang kanilang trabaho para sa Ebanghelio. Bago
nila tinanggap ang Kapangyarihan ng Banal na Espiritu, itinatwa ni Pedro ang Panginoon dahil sa
sobrang takot. Subalit nuong mapuspos siya ng Banal na Espiritu, nawala ang takot sa kanyang
buhay at nadamitan siya ng kapangyarihan ng Diyos na lumulukob sa kanya.
Sa Araw ng Pentecost, ang 120 katao kasama ng 12 alagad ng Panginoong Jesus ay
napuspos ng kapangyarihan ng Banal na Espiritu at nagpasimulang maghayag ng mga hiwaga ng
DIyos sa ibat-ibang lengguahe. Mayroong ilan sa kanila ang nang-insulto at nagparatang na sila ay
mga lasing, subalit tumindig si Pedro at nagwika, “15Hindi lasing ang mga taong ito, gaya ng palagay
ninyo. Alas nuwebe pa lamang ng umaga ngayon. 16Ang nakikita ninyo'y katuparan ng ipinahayag ni Propeta
Joel,” (Gawa 2:15-16). Nangaral siya ng buong tapang sa lahat ng mga Hudyo na naroroon, kasama
na rito ang mga nagpapako sa Panginoon sa krus. Si Pedro ay nagkaroon ng bagong puso dahil ang
Kapangyarihan ng Banal na Espiritu ay gumawa sa kanyang buhay. Hindi na siya natakot sa
kamatayan at pag uusig. Dahil dito, tatlong libong katao ang nagpasyang magsuko ng buhay sa
Panginoong Jesus. Yung araw ding iyon, itinalaga ng mga apostol ang kanilang sarili sa Gawain ng
Diyos sa ilalim ng Patnubay-Supernatural.

2. ANG ANOINTING AY NAGBIBIGAY PANG-UNAWA O DISCERNMENT


Ipinasiya ng Unang Iglesia na magpadala ng mga misyonero, at pagkatapos nilang
manalangin at mag ayuno ay kanilang pinahiran si Barnabas at Saul matapos binilinan ukol sa
kalooban ng Diyos. Hinarap nila ng pwersa ng kalaban subalit hindi nanaig ang kapangyarihan ng
kadiliman dahil sa Anointing ng Diyos sa kanilang buhay. Madali at malinaw nilang nabibisto ang
gawa ng kalaban, kaya naman madali din nilang nasisira ang mga ito sa Pangalan ni Jesus.

3. ANG ANOINTING AY NAGBIBIGAY PASSION PARA SA MGA KALULUWA


Kapag natanggap natin ang kapangyarihan ng Banal na Espiritu sa ating buhay, magiging
epektibo tayong saksi ng Panginoong Jesus.
Si Apostol Pablo ay isa sa mga mapangahas na mangangaral ng Kristianismo. Buong puso
niyang ipinahayag ang kaligtasan sa pamamagitan ni Jesus. Ang kanyang puso ay puno ng
pagnanasa sa mga taong hindi pa nakakakilala sa Panginoon, kanyang iniluluhog sila na kahabagan
ng Diyos upang mailigtas. Dagdag pa dito ay ang panalangin niya sa mga Israelita, “3dahil sa mga
kalahi kong Judio. Mas mamatamisin ko pang ako'y sumpain at mawalay kay Cristo, kung ito'y sa ikabubuti
nila.” (Romans 9:3) Malalim ang kanyang pagnanais na mailigtas ang mga ligaw
Pakaisipin mo ito: Ilang tao ang pupunta sa impyerno kung titigil tayo sa pangangaral ng
Mabuting Balita? Mas mainam sana kung tayo ay mananalangin upang maging mga Ebanghelita. At
upang magkaoon ito ng katuparan, kailangang hipuin ng Diyos ang ating mga puso, at kailangang
mapuno ito ng habag sa mga tao na nabubuhay sa ating mga lugar. Bibigyan tayo ng Diyos ng
tamang pamamaraan o istratehiya upang maakay ang maraming mga tao. Pupuspusin din Niya tayo
upang magkaroon ng kapangyarihang humayo. Ang kapangyarihang tinutukoy ko ay ang presensya
ng Diyos na susuporta sa atin at ang Kanyang mga himala ay ating masasaksihan sa ating mga
buhay at sa tuwing tayo ay mangangaral

4. MAPAGTATAGUMPAYAN NATIN ANG KALABAN SA PAMAMAGITAN NG PANANALANGIN


Ang panalangin natin sa mga taong wala pa sa Panginoon ay hindi gaanong matindi kagaya
ng mga panalangin natin sa mga ibang pangangailangan natin. Dito tinuruan ako ng Diyos na hindi
lamang basta ipinapanalangin ang mga taong ligaw, ipaglaban sila at ginagamitan ng espiritwal na
lakas para sa kanilang kaligtasan, hanggang sa sila ay mailipat mula sa kapangyarihan ng kadiliman
tungo sa Maluwalhating Kaharian ng Diyos.

5. LAGI TAYONG SUSUSPORTAHAN NG DIYOS


Isa sa mga hindi malilimutang karanasan ko sa nagtatak ng kapangyarihan sa pasimula ng
aking Buhay Kristiano ay bunga ng aking masidhing pagnanasa para sa kaligtasan ng mga kaluluwa.
Lagi akong naglalakad sa mga lansangan at bayan at nagpapatootoo sa mga tao sa abot ng aking
makakaya
Minsang pagkakataon, nilapitan ko ang grupo ng 5 katao, isa sa mga ito ay may ketong;
binigyan ko siya ng maliit na aklat at sinabihan ng ganito, “Kaibigan, Mahal ka ni Jesu-Kristo at
nais ka Niyang pagalingin”
Mabagsik na tumugon ang lalaki sa akin, “Kahit ang Diyos pa ay hindi kayang pagalingin ang
ketong ko”

Nasaktan ako sa tinuran niya at sumagot, “Paano mong nasabi yan? Ang Panginoon mismo
ang pumasan ng ating sakit sa Krus ng kalbaryo at duon ay winasak Niya ito?”

Gayunpaman, nagmatigas ang lalaki na walang sinuman ang makapagpapagaling sa kanyang


sakit. Sa tuwing magsasabi siya ng kanyang argumento, sinasagot ko siya upang
paliwanagan. Dahil dito, napapahinto ang mga tao sa aming pag-uusap hanggang may
nagkaroon sila ng interes na makinig upang malaman kung sino sa amin ang mananalo sa
balitaktakan.

Habang nakikipag-usap ako sa tao, nagkaroon ako ng panalangin sa Diyos ng ganito,


“Panginoon, ang taong ito na may kasingtigas ng puso ng Paraon. Palambutin mo ang puso
niya Panginoon.”

Biglang-bigla ay nagbago ang isip ng lalaki at ang sabi, “Kung totoo ang sinasabi mo na
kayang magpagaling ng Panginoon mo ng ketong, at ikaw na mangangaral ay may
kapangyarihang manalangin para ako ay gumaling, sige, ipanalangin mo ako at pagalingin.”

Bagaman alam ko na masusubok ang aking pananampalataya, naramdaman ko ang


kapangyarihan ng Diyos na dumaloy sa akin, kaya sinagot ko siya, “Isara mo ang iyong mata
at sumunod ka sa panalanging ito”

Ipinatong ko ang aking kamay sa kanya, at buong pananalig kong sinaway ko ang espiritu ng
ketong, inutusan ko itong lumayas sa buhay at katawan ng lalaki sa Pangalan ni Jesus.

Matapos ko siyang ipanalangin, humagulgol siya at humingi ng tawad sa akin dahil sa kanyang
pagmamatigas at sa lahat ng masasamang sinabi niya. Nang siya ay mahimasmasan,
kanyang sinabi, “naramdaman ko ang kapangyarihan ng Diyos na humipo sa akin, at ang
ketong ay lumisan sa aking katawan. Alam kong magaling na ako!” Pinagaling nga siya ng
lubusan ng Panginoon.

Sinamantala ko naman ang pagkakataon na kausapin ang lahat ng tao na narooon. Sabi ko sa
kanila, “Mas malala ang ketong na espiritwal kaysa ketong sa katawan, subalit pareho silang
kayang pagalingin ng Panginoon”

Yaong araw na iyon, dalawang-daang katao ang nagsuko ng Buhay nila sa Panginoon.
PANGWAKAS

Sinumang nagnanais gumawa sa Gawain ng Panginoon ay dapat suportahan ng


Simbahan. Kailangan din silang mapuspos ng kapangyarihan ng Diyos upang
kanilang maharap anumang pagsubok na dumating sa kanilang buhay. Kapag ang
kapangyarihan ng Diyos ay ating natanggap, hindi lang natin makikilala ang
espirito ng kadiliman, magiging epektibo din tayong saksi ng Panginoong Jesus.

Destiny Class2-Week 2
LESSON 3

Name ____________________________ Date_________________ Score ________

I. Ibigay ang mag Sumusunod


1-2 Dalawang Uri ng Manamapalataya
_____________________________________________________
_____________________________________________________
3-4 Ano ang 2 nagagawa o naibibigay ng Anointing?
_____________________________________________________
_____________________________________________________
5-6 Ano ang 2 Uri ng sakit na Ketong?
_____________________________________________________
_____________________________________________________

II. Punan ang mga patlang

7. kapag natanggap natin ang _________ ng Banal na Espiritu, mas magiging Epektibo tayong
saksi ng Panginoong Jesus

8. Ang sinumang nagnanais magtrabaho sa Gawain ng Panginoong ay dapat suportahan ng


___________________

9. Nuong si Apostol Pedro ay mapuspos na ng kapangyarihan ng Banal na Espiritu, hindi na


niya kinatakutan ang kamatayan at ang _____________.

10. Mapagtatagumpayan natin ang lahat ng suliranin sa ating buhay sa pamamagitan ng


__________________
III. Tayong lahat na nakakilala sa Panginoon ay tinatawag para maging saksi ng Panginoong
Jesus at magbahagi ng Kanyang Salita. Isulat ang iyong pangako sa Panginoon na ikaw ay
magiging saksi at tagapangaral ng Kanyang Salita.

_________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________

Destiny Class2 - Book 3


Week 2- Lesson 4
EPEKTIBONG PANGHIHIKAYAT (Evangelism)
39Maraming Samaritano sa bayang iyon ang nanalig kay Jesus dahil sa patotoo ng babae,
“Sinabi niya sa akin ang lahat ng aking ginawa.”
(Juan 4:39)

PANIMULA
Ipinakita ng Panginoong Jesus kung paano epektibong mahikayat ang isang tao nuong
makatagpo niya ng babaeng Samaritana.
Ang alitan sa pagitan ng mga Hudyo at Samaritano nuong mga panahong iyon ay matindi. Sa
paningin ng mga Israelita ay marumi ang mga Samaritano dahil sa kanilang pakikisalamuha sa mga
taga-Babilonia; kaya hindi sila nagpupunta sa kanila ni binabati man lang sila. Gayunpaman, ginawa
ng Panginoon ang hindi ginawa ng kahit na sinong Hudyo – siya ay dumako sa lugar ng Samaria.
Ipinakita ng Panginoon sa atin na higit na mahalaga ang kaluluwa kaysa kulay o lahi, o
anumang katayuan sa buhay at lipunan. “Sa pamamagitan ng kanyang katawan, pinawi niya ang alitan na
parang pader na naghihiwalay sa atin.” (Efeso 2:14b) Sinabi din ng Panginoon minsan, “10Ang Anak ng
Tao ay naparito upang hanapin at iligtas ang naligaw.”” (Lucas19:10)
Walang pang-uuri Niyang nilapitan ang sa tingin ng iba ay masama; ipinakita Niya ito nuong
lisanin Niya ang Trono sa Kalwalhatian at magkatawang tao, pumanaog sa mundo, at
nagpakababang gaya natin. Ipinakita Niya ang pag-ibig sa mga taong wala ng pag-asa.

I. BASAGIN ANG YELO


Ang unang impression ng tao sa iyo ang susukat kung makikipag-usap siya o hindi.
Naniniwala ang mga Hudyo na mas mataas ang kanilang pagkatao kaysa sa mga Samaritano, subalit
mapagpakumbabang sinabi, “maari mo ba akong bigyan ng maiinom?”. Nagtaka ang babae dahil
alam niya ang pagtingin ng mga Hudyo sa kanila, kaya may pangamba niyang itinanaong, “Ikaw ay
Judio at Samaritana naman ako! Bakit ka humihingi sa akin ng inumin?” Sinabi niya iyon sapagkat hindi
nakikihalubilo ang mga Judio sa mga Samaritano. (Juan 4:9) Si Apostol Pablo man ay nagwika,
“19Malaya ako at di alipin ninuman; ngunit nagpaalipin ako sa lahat upang makahikayat ako ng mas marami sa
Panginoon.” (I Corinto 9:19)
Inakala ng Samaritanang uhaw sa tubig si Jesus, ang hindi niya alam na ang pagkauhaw ng
Panginoon ay para sa kaligtasan ng kaluluwa. Sabi niya sa babae, “38at ang lahat ng nananalig sa akin
ay uminom. Sapagkat sinasabi sa kasulatan, ‘Mula sa puso ng nananalig sa akin ay dadaloy ang tubig na
nagbibigay-buhay.’” 39Ang tinutukoy niya'y ang Espiritung tatanggapin ng mga sumasampalataya sa kanya. ”
(Juan 7:38-39a)

2. ANG TUNTUNIN NG PANGHIHIKAYAT


Lahat ng nangyari sa buhay ng Panginoong Jesus ay naganap upang matuto tayo. Sa Kwento
ng Samaritana ay ipinakita ng Panginoon ang mga tuntunin na dapat isa-isip kung paano
makahikayat ng kaluluwa.

a) Ipadama Sa Bawat Tao Na Sila Ay Mahalaga.


Suriin natin ang kung bakit humingi ng tubig ang Panginoon sa babae: Siya ay Hudyo at
Samaritana ang babae, at sa pagitan nila ay ang pader na minana pa nila sa kanilang ninuno.
Nagimbal ang babae dahil isang Hudyo ang humihingi sa kanya- isang bagay na hindi maaring
mangyari dahil mataas ang tingin ng mga ito sa sarili kaysa mga Samaritano. Dito naramdaman ng
babae na mahalaga siya. Kung mapapansin, na hindi ipinakita ni Jesus kung gaano Siya kadakila,
bagkus ipinakita kung gaano kahalaga ang babae. Malaking aspeto ng panghihikayat ang
maipadama na sila ay importante.

b) Pukawin Ang Kamalayan ng Tao


Kapag nagbabahagi tayo ng Salita ng Diyos, kailangang mapukaw natin ang kamalayan at
loob ng tao na marinig ang Salita ng Diyos. Hindi kinakailangang ituro sa kanila ang lahat ng iyong
nalalaman, sapat nang matutunan nila ang mga simple ngunit mahalagang katotohanan.
Nuong nangangaral si Pedro sa bahay ni Cornelious ay nagtagal lamang ito ng halos isang
munto at kalahati dahil pinutol na siya ng Banal na Espirito, “44Nagsasalita pa si Pedro, nang bumabâ ang
Espiritu Santo sa lahat ng mga nakikinig.” (Gawa 10:44)
Pinukaw ng Panginoon ang isip at puso ng babae nang sabihin Niyang, “Kung alam mo lamang
ang kaloob ng Diyos, at kung sino itong humihingi sa iyo ng inumin, ikaw ang hihingi sa kanya at bibigyan ka
naman niya ng tubig na nagbibigay-buhay.” (Juan 4:10b) Para bang sinasabi ng Panginoon sa kanya na
“higit na mainam ang kaya kong ibigay kaysa maibibigay ng balon na ito.” Ito ang pumukaw sa
atensyon ng babae kaya tumugon siya ng, 12“Ang balong ito ay pamana pa sa amin ng aming ninunong si
Jacob. Dito siya uminom, gayundin ang kanyang mga anak at mga hayop. Higit ka pa ba sa kanya?”

c) Katagpuin Ang Kanilang Pangangailangan


13
Sumagot si Jesus, “Ang bawat uminom ng tubig na ito'y muling mauuhaw, 14 ngunit ang sinumang
uminom ng tubig na ibibigay ko sa kanya ay hindi na muling mauuhaw kailanman. Ang tubig na
ibibigay ko ay magiging batis sa loob niya, at patuloy na bubukal at magbibigay sa kanya ng buhay na
walang hanggan.”(Juan 4:13-14) Nais ipaunawa ng Panginoon sa babae na ang lahat ng
kaniyang pangangailangan ay nasa Panginoon. Ganito rin ang Kanyang imbitasyon sa mga
Judyo nuong araw ng Pista,” Sa kahuli-hulihan at pinakatanging araw ng pista, tumayo si Jesus at
nagsalita nang malakas, “Kayong mga nauuhaw ay lumapit sa akin at uminom.” (Juan 7:37b-38)
15
Sinabi ng babae, “Ginoo, bigyan po ninyo ako ng tubig na iyan upang hindi na ako mauhaw, ni
pumarito pa upang sumalok muli.” (Juan 4:15)

3. MGA KATOTOHANANG SINABI NG PANGINOON SA BABAE.


•DIYOS: Ang babaeng ito ay sanay uminom ng maling tubig na galing sa balon - ang pundasyon ng
tradisyonal na relihiyon na akala nilang ginagawa para sa Panginoon. Anumang matatanggap ng tao
mula sa balong iyon ay magtatagal lamang ng maikling panahon, kailangan nilang mgapabalik-balik
dito para mabuhay. Sa kabilang banda ay iniaalok ng Panginoon ang tunay na BALON, at sinumang
uminom dito ay hindi na aalipinin ng tradisyon.

• KALIGTASAN: Nalaman ng babae na si Jesus ang Bukal ng Buhay, subalit kailangan niyang
gumawa ng desisyon. Sinumang nakakaharap sa Salita ng Diyos ay nahaharap sa digmaan sa
kanilang mga isip dulot ng mga argumento, tradisyon, pagtatalo ng kalooban at nakaraang
karanasan. Anu’t anu pa man iyon, may tamang sagot ang Panginoon: kung iinom tayo ng tubig na
iniaalok ng Pangainoon, kailanman ay hindi tayo mauuhaw.

• FAMILY: 16“Umuwi ka at isama mo rito ang iyong asawa,” wika ni Jesus. (Juan 4:16) Mula sa paglikha
ng Langit at lupa, ipinakita na ng Diyos ang kanyang malasakit sa pamilya; hindi nga ba’t nuong
makita niya si Adan na nag-iisa, lumikha na siya kapareha na makakasama nito. Kanya silang
binasbasan at tinawag na mag-asawa.
Nuong sabihin ng Panginoon na tawagin niya ang asawa, hindi niya nais ipahiya ito, nais niya
lamang ipakita sa atin ang isang halimbawa; sa ating panawagan ay kasama ang asawa at mga
anak. “31Sumagot naman sila, “Sumampalataya ka sa Panginoong Jesus, at maliligtas ka, ikaw at ang iyong
sambahayan.” (Gawa 16:31)

• PAGSAMBA: May nais malaman ang babae; nais niyang malaman saan dapat sumamba ang mga
tao. Para bang tinatanong niya: “alin ang tunay na relihiyon?” At nagbigay lamang ng simpleng sagot
ang Panginoon, “23Subalit dumarating na ang panahon at ngayon na nga, na ang mga tunay na sumasamba
sa Ama ay sasamba sa kanya sa espiritu at sa katotohanan. Sapagkat ganyan ang uri ng pagsambang
kinalulugdan ng Ama. 24Ang Diyos ay Espiritu kaya dapat siyang sambahin sa espiritu at sa katotohanan.”
(Juan 4:23-24)
Ang salitang spirit ay galing sa salitang Griyego na “Pneuma” meaning hangin. Gaya
kung ang paanong hangin ay nasa lahat ng dako, maari din nating sambahain ang Diyos saan
mang dako tayo naroon.
4. ANG TUGON NG SAMARITANA
a) Nakaramdam siya ng Pag-uusig ng Kunsensya. Nuong tanungin ng Panginoon ang
babae na tawagin ang kanyang asawa, sinikap itago ng babae ang katotohanan sa pamamagitan ng
pagsasabi na wala siyang asawa. Gayunpaman, ipinaalala sa kanya ng Panginoon na limang beses
na siyang ikinasal at ang kinakasama niya sa kasalukuyan ay hindi niya asawa. Dito niya
naramdaman na nabubuhay siya sa pangangalunya, na siya ay nabubuhay nang wala sa ayos, at
kinakailangan niyang magsisi upang ang kanyang buhay ay mailagay sa ayos.
Ang tunay na pagsisisi ay nangangailangan ng pagpapanumbalik. Nuong makatagpo ni
Zaqueo ang Panginoon, inilabas niya ang kanyang kayaman at sinabi, “8 Tumayo si Zaqueo at sinabi
niya kay Jesus, “Panginoon, ipamimigay ko po sa mga mahihirap ang kalahati ng aking mga kayamanan. At
kung ako'y may nadayang sinuman, isasauli ko ito sa kanya ng maka-apat na beses.”9 At sinabi sa kanya ni
Jesus, “Ang kaligtasan ay dumating ngayon sa sambahayang ito sapagkat anak din ni Abraham ang taong
ito. 10 Ang Anak ng Tao ay naparito upang hanapin at iligtas ang naligaw.” (Lucas 19:8-9)

b) Nanalig Siya Sa Panginoon. Hindi makapaniwala ang babae na si Jesus ang matagal na
nilang hinihintay na Mesiyas. Matapos niyang makatagpo ang Panginoon ay dali-dali niyang
ipinamalita na si Jesus ang Mesiyas, hindi gaya ng mga pinuno ng mga simbahan na hindi na nga
naniwala sa Kanya, pinarusahan pa Siya ng matindi. Kaya naisulat ni apostol Juan “11 Pumunta siya sa
kanyang bayan ngunit hindi siya tinanggap ng sarili niyang kababayan. 12 Subalit ang lahat ng tumanggap at
sumampalataya sa kanya ay binigyan niya ng karapatang maging mga anak ng Diyos.” (Juan 1:11-12)

c) Iniwanan Niya ang Kanyang Banga. Ang banga ay simbolo ng kanyang dating
pamumuhay. Sabi ni Apostol Pablo, “17 Kaya't kung nakipag-isa na kay Cristo ang isang tao, isa na siyang
bagong nilalang. Wala na ang dati niyang pagkatao, sa halip, ito'y napalitan na ng bago.” (Corinto 5:17) Ang
Pagbabago ng buhay ay dapat makita kaagad at dapat na kakitaan ng palatandaan ng pagsisisi.
d) Ikinuwento Niya Si Jesus sa Iba. Ikinuwento ng babaeng Samaritana si Jesus sa
Lungsod ng Samaria at nagpapatotoo, “Sinabi niya sa akin ang lahat ng aking ginawa.” At marami ang
nanampalataya sa Panginoon dahil sa patotoo niya.

PAGTATAPOS
Nuon pa man hanggang sa kasalukuyan, ang pinakamabisang paraan upang
makahikayat ng kaluluwa para kay Kristo ay sa pamamagitan ng personal na
pakikipagugnayan. Kahit ang Panginoong Jesus ay napapaligiran ng laksa-laksang tao,
binigyan Niya pa rin ng panahon na makipagkita sa babaeng Samaritana. Sa pamamagitan ng
personal na pakikipagkita, maibabahagi natin ang tungkol sa Diyos.
Destiny Class2-Week 2
LESSON 4

Name ____________________________ Date_________________ Score _______

I. Piliin at bilugan ang titik ng Tamang sagot


1. Paano binasag ng Panginoon ang pader sa pagitan nila ng babaeng Samaritana?
a) Tinanong Niya ang panaglan ng Babae c) Ipinatawag Niya ito sa mga alagad
b) Humingi siya ng tubig sa babae d) Kinausap Niya ito para makilala ng lubusan
2. Saang talata mababasa ang sinabi ni Pablo na ginawa niya lahat para maakay ang tao kay Kristo?
a) 2 Corinto 5:17 b) I Corinto 9:19 c) Juan 4:12 d) Juan 4:9
3. Mahalaga sa panghihikayat ng kaluluwa ang maipadama na sila ay mahalaga
a) Tama b) Mali c) Maari d) Di-Tiyak
4. Bakit inungkat ng Panginoon ang personal na buhay ng babae?
a) Para ito ipahiya sa uri ng pamumuhay c) Para ipaunawa na ito ay immoral na babae
b) Para maipamalita nito Siya Mesiyas d) Para isama ang pamilya sa kanya
5. Ang paglalaan ng oras sa mga inaakay kay Kristo ay mahalagang sangkap ng Ebanghelismo
a) Tama b) Mali c) Maari d) Di-Tiyak

II. Gumawa ng guhit upang itugma ang mga Talata sa Hanay A sa mga Salita sa Hanay B.
A B
Ang Diyos ay Espiritu at ang mga sumasamba sa kanya ay dapat siyang sambahin sa
1) Gawa 16:31
espiritu at sa katotohanan.”
Kaya't kung nakipag-isa na kay Cristo ang isang tao, isa na siyang bagong
2) Juan 1:12
nilalang.Wala na ang dating pagkatao, Siya’y bago na
Sumampalataya ka sa Panginoong Jesus, at maliligtas ka, ikaw at ang iyong
3) 2 Corinto 5:17
sambahayan.”
ang lahat ng tumanggap at sumampalataya sa kanya ay binigyan niya ng karapatang
4) Juan 7:38
maging mga anak ng Diyos
Ang sumasampalataya sa akin, ayon sa sinasabi ng Kasulatan, ‘Mula sa kanyang puso
5) Juan 4:24
ay dadaloy ang tubig na nagbibigay-buhay

III. Ano ang 3 Tuntunin sa Ebanglismo Panghihikayat. Ipaliwang ang mga ito sa sariling pananalita

1._______________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

2._______________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

3._______________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

You might also like