Professional Documents
Culture Documents
Life and Works of Rizal Week 2
Life and Works of Rizal Week 2
BSED 1 B
LIFE AND WORKS OF RIZAL GEC 9
KASAGUTAN:
Sa pang araw- araw na eksena tila madalas nating marinig na kung minsan
ay kinakailangan na nating mag bingibingihan. Marami sa ating mga Pilipino
partikular na ang mga kabataang pilit na binabalewala ang kahalagahan ng
kasaysayan at ang mga naging kontribusyon ng mga akda ng ating bayani.
Nakakahiya mang aminin pero, marami sa mga kabatan ngayon ang hindi
nakakakila kay Rizal. Gaya ng eksena sa Tiktok nung minsang nakita ko ang
isang popular na bidyeo ng isang kabataan. Ni ultimo wangis ni Rizal ay
hindi alam. Para sa akin isa itong kalapastangan at purong pang-babastos
sa ating bayani. Lalo na at si Rizal ang nag bigay pag asa sa mga Pilipino na
maka alpas sa tanikalang pilit tayong ikinukulong. Utang natin sa kanya ang
ating Kalayaan, kung hindi dahil sa kanyang mga tula at nobela, ano na lang
kaya ang ating sasapitin sa kamay ng mga dayuhan? Hindi ko lubos mawari
kung anong kinabukasang nag hihintay sa atin.
natin siya, kinakailangan din nating makilala ang kanyang mga akda upang
maturuan din nating ang ating sarili na bigyan ng kahalagahan ang ating
kapwa pati na rin ang ating bayan.
Marami ang nagsasabi na tila wala naman “raw” koneksyon ang pag aaral ng
buhay ni Rizal sa kursong aking kinuha. Pero para sa akin, Isa itong
mahalang paksa na kailangan nating pag tuunan ng pansin. Bilang isang
huwarang tagapagturo sa hinaharap, Tungkulin nating turuang mabuti ang
mga kabataan na magbigay galang sa lahat ng mga bayani at bigyang
importansya ang kasaysayan.
Mahalaga ring bigyan ng halaga ang kanilang mga akda, mga nagawa para
sa bayan. Hindi pwedeng kilala lang bilang Isang bayani. Kinakailangan din
nating kilalanin kung paano at ano ang kanyang mga nagawa at dinanas
bago naitanghal na bayani ng Pilipinas.