You are on page 1of 2

DE LOS SANTOS JESSA I.

BSED 1 B
LIFE AND WORKS OF RIZAL GEC 9

V. FORUM NG TALAKAYAN (DISCUSSION FORUM)

1. Nakasaad sa RA 1425 na bawat kurso/propesyon sa bansa ay mandatoring


kukunin ang asignaturang Rizal bilang bahagi ng kurikulum. Sa iyong
palagay ano ang kahalagahan ng asignaturang GEC 9 (Ang Buhay at Mga
Akda ni Rizal) sa iyong napiling propesyon?

KASAGUTAN:

Mandatoryong Pag-aaral ng Buhay at mga Akda ni Rizal: Nakakatulong


nga ba?

“H’wag mo nang pagtuunan yan ng pansin, Nag-aaksaya ka lang ng panahon


at oras, wala naman yang koneksyon sa kinuha mong kurso! ”

Sa pang araw- araw na eksena tila madalas nating marinig na kung minsan
ay kinakailangan na nating mag bingibingihan. Marami sa ating mga Pilipino
partikular na ang mga kabataang pilit na binabalewala ang kahalagahan ng
kasaysayan at ang mga naging kontribusyon ng mga akda ng ating bayani.

Nakakahiya mang aminin pero, marami sa mga kabatan ngayon ang hindi
nakakakila kay Rizal. Gaya ng eksena sa Tiktok nung minsang nakita ko ang
isang popular na bidyeo ng isang kabataan. Ni ultimo wangis ni Rizal ay hindi
alam. Para sa akin isa itong kalapastangan at purong pang-babastos sa ating
bayani. Lalo na at si Rizal ang nag bigay pag asa sa mga Pilipino na maka
alpas sa tanikalang pilit tayong ikinukulong. Utang natin sa kanya ang ating
Kalayaan, kung hindi dahil sa kanyang mga tula at nobela, ano na lang kaya
ang ating sasapitin sa kamay ng mga dayuhan? Hindi ko lubos mawari kung
anong kinabukasang nag hihintay sa atin.

Para sa akin, Tama lamang na maging mandataryo ang pag-tuturo at pag-


aaral ng historya at ang naging buhay ni Rizal. Upang mabigyan ng konkreto
at malalim na kaalaman ang mga batang Pilipino. Hindi pwedeng kilala lang
DE LOS SANTOS JESSA I. BSED 1 B
LIFE AND WORKS OF RIZAL GEC 9

natin siya, kinakailangan din nating makilala ang kanyang mga akda upang
maturuan din nating ang ating sarili na bigyan ng kahalagahan ang ating
kapwa pati na rin ang ating bayan.

Lubos akong nagpapasalamat sa dating Senador Claro M. Recto sa


pagpatupad ng mandatoryong pag- aaral sa Buhay at akda ni Rizal. Maraming
estudyante ang matutulungang linangin ang kanilang mga pag-uugali pati na
rin ang kanilang sarili.

Marami ang nagsasabi na tila wala naman “raw” koneksyon ang pag aaral ng
buhay ni Rizal sa kursong aking kinuha. Pero para sa akin, Isa itong mahalang
paksa na kailangan nating pag tuunan ng pansin. Bilang isang huwarang
tagapagturo sa hinaharap, Tungkulin nating turuang mabuti ang mga
kabataan na magbigay galang sa lahat ng mga bayani at bigyang importansya
ang kasaysayan.

Mahalaga ring bigyan ng halaga ang kanilang mga akda, mga nagawa para
sa bayan. Hindi pwedeng kilala lang bilang Isang bayani. Kinakailangan din
nating kilalanin kung paano at ano ang kanyang mga nagawa at dinanas bago
naitanghal na bayani ng Pilipinas.

Noli Me Tangere, El Filibusterismo, Sa aking mga Kababata, El Amor Patrio


Ilan lamang yan sa mga akda ni Rizal na nagpapakita sa kanyang pag-
mamahal sa bayan. Isang huwarang tao na handang Isakripisyo ang lahat.
Isang Ispirasyon na kailangan nating Ipagmalaki at Ipakilala sa susunod na
henerasyon,

Ang RA 1425 ay tunay na nakakatulong sa pag- hubog ng ating mga sarili,


Pati na rin sa paghubog ng maayos na bukas. Ang Mandatoryong pag- aaral
sa buhay at mga akda ni Rizal ay tama lamang. Hindi ito kalabisan, taliwas sa
mga ini-isip ng ibang tao. Kaya habang maaga, kinakailangan nating putulin
ang mga maling isipin sa walang magandang maidudulot ang pag-aaral ng
kasaysayan, buhay at mga akda ni Rizal.

You might also like