You are on page 1of 2

SUMMATIVE TEST NO.

1 3RD QUARTER ESP

Pangalan:________________________________ Score:______ Lagda ng Magulang:____________

Isulat ang MK sa patlang kung kung ito ay halimbawa ng Materyal na Kultura at DMK naman kung ito ay
Di-Materyal na Kultura.
_________ 1. bayanihan
_________ 2. baro't saya
_________ 3. suman at bibingka
_________ 4. pagmamano
_________ 5. Biag ni Lam-ang

Piliin ang titik ng tamang sagot


_____ 6. Napansin mo na hindi gumagamit ng po at opo ang iyong nakababatang kapatid sa pagsagot sa
inyong nanay. Ano ang iyong gagawin?
A. Sasabihan ko si Nanay na paluin siya.
B. Hahayaan ko na lamang siya sa kaniyang ginagawa.
C. Sisigawan at pagagalitan ko siya upang matuto siya.
D. Sasabihin ko sa kaniya na ang batang Pilipino ay magalang kaya dapat na sumagot siya nang may
po at opo sa mga nakatatanda.
______ 7. May pinsan kang nagbalikbayan sa unang pagkakataon. Nagbilin ang iyong tatay na turuan siya
ng larong Pinoy. Anong laro ang ituturo mo sa kanya?
A. basketbol B. computer games C. soccer D. sungka
_____ 8. Sinabihan kayo ng inyong guro na kayo ay magsasayaw ng Tinikling sa pagdiriwang ng Buwan ng
Wika. Ano ang iyong gagawin?
A. Sasali ako at pagbubutihin ko ang pag-eensayo.
B. Hindi ako sasali dahil mahirap ang sayaw ng Tinikling.
C. Sasali ako sa pag-eensayo pero hindi ako dadalo sa araw ng pagtatanghal.
D. Makikiusap ako na Hiphop na lang ang isayaw naming dahil iyon ang uso.
_____ 9. Sa kabila ng mabigat na suliraning idinulot ng bagyong Yolanda, hindi natinag ang mga
Pilipino.Nagtulongtulong ang bawat isa sa pamamagitan ng pagbibigay ng relief goods, muling
pagpapatayo ng kanilang bahay at pagdarasal para sa kanila. Mahirap mang pumunta sa mga
nasalantang lugar dahil sa sira-sira ang mga daan, hindi ito inalintana ng mga kababayan natin.
Isa itong patunay na likas na sa bawat Pilipino ang pagiging:
A. bayani B. madasalin C.matulungin D. mapagbigay
_____ 10. Alin sa mga sumusunod ang di-material na kultura.
A. adobo B. kaugalian C. Manang Biday D. Pandango sa Ilaw
_____ 11. Naatasan ang inyong pangkat na magtanghal sa palatuntunang inihanda para sa mga mag-aaral
mula sa Malaysia upang maipakilala sa kanila ang kulturang Filipino. Alin sa sumusunod ang pipiliin
ninyo?
A. Sumayaw ng Pandanggo sa Ilaw.
B. Umawit ng nauusong kanta ngayon.
C. Sumayaw ng katutubong sayaw ng Malaysia.
D. Lumikha ng bagong himig at tugtugin sa piano.
_____ 12. Darating ang bisita ng iyong tatay na galing sa Amerika. Kasama nito ang kanyang buong pamilya.
Ano ang gagawin ninyo?
A. Bibili kami ng magagarang gamit.
B. Ipapasyal namin sila sa malalayong lugar.
C. Maghahanda kami ng mga pagkaing Pinoy.
D. Magsasanay kami sa pagsasalita ng wikang Ingles.
_____ 13. Ikaw ay piniling magtatanghal sa isang pagtitipon na ang mga pangunahing bisita ay galing sa
iba’t ibang bansa. Ano ang maaari mong itanghal bilang isang Pilipino.
A. Sasayaw ako ng Twerk It.
B. Aawitin ko ang sikat na awit ni Lady Gaga.
C. Gagayahin ko ang talento ni Michael Jackson.
D. Kakantahin ko ang awiting pinamagatang “Isang Lahi.”

_____ 14. Makikilala mo kaagad ang isang Pilipino kung siya ay tunay na Pilipino kung ginagawa niya ang
mga sumusunod MALIBAN SA ISA, ano ito?
A. Nagkakamay kung kumakain. B. Gumagamit ng tabo sa palikuran.
C. Nagmamano sa mga nakatatanda. D.Yumuyuko kapag may nakakasalubong.

_____ 15. Ikinukuwento ng iyong lolo ang kuwentong ang Alamat ng Lansones nang mapansin mong hindi
nakikinig ang pinsan mong si Rico. Ano ang sasabihin mo kay Rico?
A. “Nakikinig ka ba Rico? Kung hindi ay maglaro na lang tayo sa labas.”
B. “Umalis ka na nga Rico kung ayaw mong makinig sa kuwento ni Lolo!”
C. “Rico, maawa ka naman kay lolo, makinig ka na kung hindi isusumbong kita.”
D. “Rico, maaari bang makinig ka nang mabuti kay Lolo kasi ang ganda ng ikinukuwento niya?”

You might also like