You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IX, Zamboanga Peninsula
Schools Division of Zamboanga Del Norte
BANGHAY-ARALIN SA FILIPINO 4
UNANG KWARTER
UNANG ARAW

I. LAYUNIN Pagkatapos ng 50 minutong talakayan, ang mga bata


ay inaasahang:

Mga Kasanayan sa Nagagamit nang wasto ang mga pangngalan sa


Pampagkatuto pagsasalita tungkol sa sarili at ibang tao sa paligid.
(F4ING Ia-e-2)
II. PAKSA Pangngalang Pantangi at Pambalana
A. Sanggunian LRMDS
B. Kagamitan Laptop,power point
III. PAMAMARAAN

A. Paghahanda
1.Pagbaybay
1. kapitbahay
2. prinsipal
3.nangangailangan
Mga bata naaalala nyo pa ba kung ano ang pangngalan?
2.Balik-aral
Magbigay ng mga halimbawa ng pangngalan.
Halimbawa:
Mera, Joy, Grace, Ben, Ian, Dave.

3. Pagganyak Bago tayo magsimula sa ating leksiyon mayroon


akong tulang babasahin tungkol sa isang batang si
Analiza.
Ang Batang Si Analiza
Sa mga kapitbahay Ana ang tawag sa kanya
Bunso naman ang tawag ng kanyang ama’t ina
Liza naman ang tawag ng kanyang ate at kuya
Ani naman ang tawag ng lolo’t lola
Siya’y masayahing bata sa lahat ay napapasaya.
Lahat ng mga kaklase ay kaibigan niya
Laging tumutulong sa guro na si Bb. Ligaya
Paborito naman ng prinsipal na si G.Ben
Dahil siya’y magalang at masunuring bata
Lahat ng mga guro sa kanya’y natutuwa.

Sundalo’t mga pulis sinasaluduhan niya


Sa nars at doktor nama’y nagmamano siya
Sa mga nangangailangan siya’y laging handa
Kaya’t siya’y pinarangalan ng alkalde sa bayan
nila
At mga kababayan niya sa kanya’y nahahalina.

B. Paglalahad Ano ang tawag sa kanya ng kanyang mga kapit bahay?


Ano naman ang tawag ng kanyang mga magulang sa
kanya?
Ano ang tawag sa kanya ng kanyang ate at kuya?
Ano naman ang tawag ng kanyang lolo at lola?
Sino ang kanyang guro?
Sino ang kanyang mga kaibigan?
Ano ang naman ang pangalan ng kanyang prinsipal?
Kanino siya sumaludo?
Kanino naman siya nagmamano?
Sino ang nagbibigay parangal sa kanya?
Bakit siya pinarangalan?
Gusto ninyo bang matulad sa batang si Analiza?
Ana Liza Ani
kapitbahay ama’t ina ate at kuya
lolo’t lola bata kaklase
prinsipal bunso guro
Bb.Ligaya prinsipal G.Ben
sundalo pulis nars
doktor alkalde kababayan
Pansinin ang mga salita na nasa loob ng kahon
Ang tawag sa mga salitang ito ay mga pangngalan.
C. Pagtatalakay Basahin nating muli ang tula at suriin ang mga
salitang may salungguhit.
Ano-ano ang mga salitang may salungguhit?
Ano ang tawag sa kanila?
Pangngalan.
Ang pangngalan ay salita na tumutukoy sa ngalan ng
tao,bagay, pook, hayop o pangyayari.
Dalawang uri ng pangngalan
1. Pangngalang Pantangi- tiyak na ngalan ng
tao,bagay hayop at lugar. Ito ay nagsisimula sa
malaking titik.
Halimbawa:
Bb. Ligaya, Ana, BearBrand, Colgate, Bantay,
Tilubog, Tampilisan

2. Pangngalang Pambalana-ang tawag sa pangkalahatan


o pangkaraniwan na ngalan ng tao, bagay,hayop o
lugar. Kadalasan ito ay nagsisimula sa maliit na titik.
Halimbawa:
guro, pulis, sapatos, ibon, barangay.

D. Paglalahat Ano ang pangngalan?


Ang pangngalan- tumutukoy sa ngalan ng tao,
bagay, pook, hayop o pangyayari.
Ibigay ang dalawang uri ng pangngalan?
Pangalang pantangi at pangalang pambalana.
Pangngalang pantangi- tiyak na ngalan ng tao,
bagay hayop at lugar. Ito ay nagsisimula sa malaking
titik.
Pangngalang pambalana-ang tawag sa
pangkalahatan o pangkaraniwan na ngalan ng tao,
bagay,hayop o lugar. Kadalasan ito ay nagsisimula sa
maliit na titik.

E. Aplikasyon Panuto: Pangkatin sa tatlo ang mga mag-aaral at


ipagawa sa bawat pangkat ang mga Gawain na
nakaatang sa bawat pangkat at ipresenta ito sa
harapan.
Pangkat 1
Panuto: Hanapin at isulat sa sagutang papel ang
mga pangalan ng tao na nabanggit sa mga
pangungusap.
1. Magaling sumayaw si Ana.
2. Maagang pumunta ang mga guro sa paaralan.
3. Karpintero ang trabaho ng tatay ko.
4. Masaya si Jhonny sa natanggap na regalo.
5. Doktor ang gumamot ng sugat ko.
Pangkat 2
Panuto: Bilugan ang mga pangngalang pantangi
matatagpuan sa mga sumusunod na
pangungusap.
1. Ana ang pangalan ng kapatid ko.
2. Si Gng. Santos ang paborito kong tiyahin.
3. Ang alkalde namin ay si Gng. Norabeth T.
Carloto.
4. Si Dr. Adante ang paborito kong
manggagamot.
5. Magaling sumayaw si Allan.
Pangkat 3
Panuto: Iguhit ang kung ang
sinalungguhitang salita ay pangngalang
pantangi at kung pangngalang
pambalana. Isulat ang sagot sa patlang
bago ang bilang.
________1. Ang tatay ko ay pulis.
________2. May kilala akong abogado.
________3. Si Bb.Perez ang guro ko.
________4. Si kuya ay magaling umakyat sa puno.
________5. Ang batang si Nena ay mabait.
IV. PAGTATAYA Panuto: Isulat sa sagutang papel kung anong uri ng
pangngalan ang may salungguhit sa
sumusunod na pangungusap. Tukuyin kung ito
ba ay pangngalang pantangi at pangngalang
pambalana. Isulat ang sagot sa patlang.
________1. Si Bea ay masayahing bata.
________2. Ang guro naming ay mabait.
________3. May nakita akong tatlong bata.
________4. May mga bombero sa aming barangay.
________5. Si Jose Rizal ang ating pambansang
bayani.
V. TAKDANG-ARALIN Panuto: Isulat ang P kung ang nakakahong salita ay
pangngalang pantangi ang nasa sumusunod na
pangungusap at M naman kung pangangalang
pambalana. Isulat sa patlang ang sagot.
________1. Si Lino ay aking kaibigan.
________2. Ang aming prinsipal ay masipag.
________3. Si Andres Bonifacio ang itinuring na
ama ng katipunero.
________4. Ang kapitbahay namin ay magaling
umawit.
________5. Mabait ang lolo at lola ko.

Inihahanda ni:

GLENDY S. SOREÑO
Teacher I
Tilubog Elementary School
Tampilisan District

Layout Artist:

ROOSMAN C. REDILLAS
Teacher I
Diongan Elementary School
Siayan District

You might also like