You are on page 1of 1

IKATLONG MARKAHAN

LAGUMANG PAGSUSULIT #2

Pangalan: ___________________________________________ Pangkat: ___________________

E.P.P – IV (Home Economics)


I. Piliin ang titik ng tamang sagot.
_____1. Alin ang hindi uri ng panara ng damit.
a. Perdible b. two-hole button c. kutsetes
_____ 2. Ano ang unang hakbang sa pagkakabit ng butones sa damit?
a. Lagyan ng marka ang parte ng pagkakabitan ng butones.
b. Gupitin ang isang parte ng tela.
c. Isara ang tahi sa kabaligtarang panig ng damit.
_____ 3. Ang maganda at kaaya-ayang tindig at galaw ay nakukuha sa pamamagitan ng mga sumusunod MALIBAN sa ____.
a. Pagtulog ng maaga.
b. Pagkain ng junk food
c. Mag-ehersisyo ng regular.
_____ 4.Ilang oras dapat ang tulog ng isang batang katulad mo?
a. Walo hanggang sampung oras.
b. Anim hanggang walong oras.
c. Apat hanggang anim na oras.
_____ 5. Inihihiwalay ang mga damit pansimba sa mga damit pambahay at pampaaralan.
a. Tama b. Mali c. pagsasamahin ang lahat ng damit
_____ 6. Ang silid ng maysakit ay kailangang mapanatiling kaaya-aya at
a.Malinis b. maaliwalas c. mabango
_____ 7.Bukod sa mga katas ng prutas maaaring bigyan ang maysakit ng _______.
a. Tubig b. softdrinks c. kape
_____ 8. Paliguan ang bata sa _____ oras araw-araw.
a. Oras b. wastong c. hapong
_____ 9. Kinakailangang punasan ang maysakit ng ____ na tubig upang maging maginhawa ang pakiramdam.
a. Malamig b. mainit c.may yelo
_____ 10. Hayaang palagiang bukas ang bintana ng silid ng maysakit upang makapasok ang ____.
a. Huni ng ibon b. sikat ng araw c. sariwang hangin

II. Isulat ang tsek (/) sa patlang bago ang bilang kung ang pangungusap ay nagpapakita ng maayos at tamang
pagtatabi ng kasuotan at ekis (X) kung hindi.

_____ 11.Ang mga damit na naisuot at marumi ay kailangang labhan.


_____ 12. Tiklupin nang maayos at ilagay sa kabinet ang mga damit.
_____ 13. Labhan agad ang mga damit na may mantsa upang maiwasan ang pagkalat nito.
_____ 14. Natulog nang suot pa rin ang damit na ginamit sa party.
_____ 15.Pagkatapos hubarin ang uniporme ay ibabalik ito sa aparador upang magamit muli kinabukasan.

III. Lagyan ng masayang mukha kung ang pangungusap na nagpapakita ng mabuting pag-uugali bilang kasapi ng
mag-anak.

_____ 16. Pagsunod sa mga alituntunin sa tahanan.


_____ 17. Pakikipaglaro sa mga kaibigan sa libreng oras.
_____ 18. Pagpaparaya sa isa’t isa.
_____ 19. Pagbibigay halaga sa bawat kasapi ng pamilya.
_____ 20. Paliligo araw-araw.

You might also like