You are on page 1of 2

Noriel Torre Ika-23 ng Pebrero, 2024

BSED II Gng. Vivian P. Mora

TEORYANG KLASISMO\KLASISIMO - Ang layunin ng panitikan ay maglahad ng mga pangyayaring payak,


ukol sa pagkakaiba ng estado sa buhay ng dalawang nag-iibigan, kariniwang ang daloy ng mga
pangyayari, matipid at piling-pili sa paggamit ng mga salita at lagging nagtatapos nang may kaayusan.

Halimbawa: Sa mga Kuko ng Liwanag ni Edgardo Reyes

TEORYANG HUMANISMO – Ang layunin ng panitikan ay ipinakita na ang tao ang sentro ng mundo; ay
binibigyan – tuon ang kalakasan at mabubuting katangian ng tao gaya ng talion, talent atbp.

Halimbawa: Ako ang Daigdig ni Alejandro Abadilla

TEORYANG IMAHISMO – Ang layunin ng panitikan ay gumamit ng mga imahe na higit na maghahayag
sa mga damdamin, kaisipan, ideya, saloobin at iba pang nais na ibahagi ng may akda na higit na madaling
maunawaan kaysa gumamit lamang ng karaniwang salita.

Halimbawa: Kahapon Ngayon at Bukas ni Aurelio Tolentino

TEORYANG REALISMO – Ang layunin ng panitikan ay ipinapakita ang mga karanasan at nasaksihan ng
may akda sa kanyang lipunan.

Halimbawa: Dekada '70 ni Lualhati Bautista

TEORYANG FEMINISMO – Tumutukoy sa kalakasan at sa kakayahan ng tauhang babae sa isang kuwento


o akda.

Halimbawa: Alipin ni Adan ni Lucan- Tonio Villanueva

TEORYANG ARKITAYPAL – Ang layunin ng panitikan ang mga mahahalagang bahagi ng akda sa
pamamagitan ng mga simbolo. Ngunit hindi basta- basta masusuri ang mga simbolismo sa akda.

Halimbawa: Mga Gunita ni Genevova Matute


TEORYANG BAYOGRAPIKAL – Ang layunin ng panitikan ay ipamalas ang karanasan o kasagsagan sa
buhay ng may akda.

Halimbawa: Paglalayag sa Puso ng Isang Bata ni Genevova Matute

TEORYANG HISTORIKAL – Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang karanasan ng isang lipi ng tao na
siyang masasalamin sa kasaysayan na bahagi ng kanyang pagkahubog.

Halimbawa: Ang Tatlong Panahon ng Tulang Tagalog ni: Julian Cruz Balmaceda

TEORYANG DEKONSTRAKSYON – Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang iba’t – iabng aspekto na
bumubuo sa tao at mundo.

Halimbawa: Tata Selo ni Rogelio Sikat

TEORYANG ROMANTISISMO- Ang layunin ng teoryang ito ay ipamalas ang ibat ibang paraan ng tao o
sumasagisag sa tao sa pag-aalay ng kanyang pag-ibig sa kapwa,bansa at mundong kinalakihan.

Halimbawa: Sa Tabi ng Dagat ni Ildefonso Santos

You might also like