Ang “Usa ka Botelyang Suka” ay isang kuwentong nailathala sa Wikang Cebuano
noong 1956 na isinulat ni G. Godofredo M. Ropedos. Ang kwentong ito ay tungkol sa isang babae na para sa kaniya puro misirablehan na ang kaniyang buhay at puno na lamang ng kadaliman dahil sa isang pangyayari na hindi naman niya kasalanan.
Nagsisimula sa paglalarawan ng tagpuan at panahon ang kuwento, kung saan
mababasa natin sa unang talata ang malikhaing paglalarawan sa kadiliman, malakas na hangin at ulan. Sa tingin koy sumisimbolo sa paghihirap at buhay nga babae, ang pangunahing tauhan. Ang babae ay isang guro at ang kaniyang bana na si Bert ay iyang magsasaka lamang. Ang kanilang pagsasama at pagmamahalan ay maganda naman sa simula ngunit nang dumating si Luis, ang ka-trabaho ng pangunahing tauhan ay nagkaroon ng lamat ang kanilang relasyon.