You are on page 1of 11

8

PANGALAN:_____________________________________
BAITANG/SEKSYON:___________________________
____

EDUKASYON
SA PAGPAPAKATAO
Kwarter III – Linggo 2
Mga Angkop na Kilos
ng Pasasalamat

CONTEXTUALIZED LEARNING ACTIVITY SHEETS


SCHOOLS DIVISION OF PUERTO PRINCESA CITY
Edukasyon sa Pagpapakatao - Baitang 8
Contextualized Learning Activity Sheets (CLAS)
Kwarter III – Linggo 2: Mga Angkop na Kilos ng Pasasalamat
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng pamahalaan o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda
kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o
tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
names, tatak o trademarks, palabas sa telebisyon, pelikula atbp.) na ginamit sa
Contextualized Learning Activity Sheets na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga
iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit
ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-
aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa Contextualized Learning Activity Sheets na ito
ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang
anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan
nang walang pahintulot ng Kagawaran.
Inilathala ng Dibisyon ng Lungsod ng Puerto Princesa

Bumubuo sa Pagsusulat ng Contextualized Learning Activity Sheets


Manunulat: Rommel T. Paoner
Pangnilalamang Patnugot: Robelyn P. Bonilla
Editor ng Wika: Luwela S. Asil
Tagawasto: Luz Glend M. Sapuay
Tagasuri: Shirley F. Lilang EPS-EsP
Tagaguhit: Melanie E. Dizon
Tagalapat: Rommel T. Paoner
Tagapamahala: Servillano A. Arzaga CESO V SDS
Loida P. Adornado PhD ASDS
Cyril C. Serador PhD CID Chief
Ronald S. Brillantes EPS-LRMS Manager
Shirley F. Lilang EPS- EsP
Eva Joyce C. Presto PDO II
Rhea Ann A. Navilla Librarian II

Pandibisyong Tagasuri ng LR: Ronald S. Brillantes, Mary Jane J. Parcon


Armor T. Magbanua, Maricel Zamora, Charles Andrew M. Melad,
Glenda T. Tan at Joseph Aurello

Division of Puerto Princesa City-Learning Resource Management Section (LRMS)


Sta. Monica Heights, Brgy. Sta. Monica, Puerto Princesa City
Telephone No.: (048) 434 9438
Email Address: puertoprincesa@deped.gov.ph
Aralin
Mga Angkop na Kilos ng Pasasalamat
MELC: Napatutunayan na ang pagiging mapagpasalamat ay ang pagkilala na ang
maraming bagay na napapasaiyo at malaking bahagi ng iyong pagkatao ay
nagmula sa kapuwa, na sa kahuli-hulihan ay biyaya ng Diyos. Kabaligtaran ito ng
Entitlement Mentality, isang paniniwala o pag-iisip na anomang inaasam mo ay
karapatan mo na dapat bigyan ng dagliang pansin. Hindi naglalayong bayaran o
palitan ang kabutihan ng kapwa kundi gawin sa iba ang kabutihang ginawa sa iyo.
(EsP8PBIIIb-9.3)

Naisasagawa ang mga angkop na kilos at pasasalamat (EsP8PBIIIb-9.4)


Mga Layunin:
1. Naiisa-isa ang paraan ng pasasalamat sa kabutihang ginawa ng iyong kapuwa
2. Natutukoy ang mga angkop na kilos ng pasasalamat sa kapuwa
3. Nasusuri ang kahalagahan ng pagiging mapagpasalamat sa kapuwa

Subukin Natin
Panuto: Basahin at unawain ang mga pahayag at katanungan. Piliin ang titik ng angkop
na sagot. Isulat ito sa nakalaang patlang bago ang bilang.

________1. Ang sumusunod ay paraan ng pagpapakita ng pasasalamat MALIBAN sa:


A. Magdasal araw-araw sa biyayang natanggap.
B. Pagtanggap ng mga relief goods na ibinigay ng barangay.
C. Pagsulat ng liham-pasasalamat sa serbisyong inialay ng mga frontliners.
D. Pagyakap ng anak sa magulang sa tuwing binibigyan siya ng pasalubong.

________2. Ano ang tawag sa paniniwala o pag-iisip na ”anumang inaasam mo ay


karapatan mo na dapat bigyan ng dagliang pansin?
A. entitlement mentality C. pasasalamat
B. freedom of choice D. utang na loob

_________3. Alin sa sumusunod ang HINDI nagpapakita ng pasasalamat sa loob ng


tahanan?
A. Pagtulong sa mga gawaing bahay?
B. Pagtutok sa cellphone buong maghapon.
C. Pagdarasal bago kumain.
D. Sama-samang naglilinis ng bakuran.

_________4. Ang sumusunod ay nagpapakita ng angkop na kilos ng pasasalamat MALIBAN


sa isa. Alin dito?
A. Pag-aaral ng mabuti C. Pagdarasal bago matulog
B. Pagmamalasakit sa kapuwa D. Pagreklamo sa tulong na natanggap

1
_________5. Alin sa sumusunod ang magandang naidudulot ng pagiging mapagpasalamat
sa tao?
I. Kaligayahan
II. Problema sa buhay
III. Malusog na pangangatawan
IV. Pinalalakas ang ugnayan sa kapuwa at komunidad
A. I, II at III B. II, III at IV C.I, III at IV D. I, II at IV

Ating Alamin at Tuklasin

Paghawan ng Balakid
Ang pasasalamat ay isa sa mga pagpapahalaga nating mga Pilipino na kadalasan
ay naipakikita sa pamamagitan ng pagkakaroon ng utang-na-loob. Ito ay nangyayari
sa panahong ginawan ka ng kabutihan ng iyong kapuwa.

Kumusta ang iyong paglalakbay sa nakaraang aralin? Natatandaan mo pa ba ang


mga paraan ng pagpapakita ng pasasalamat sa iyong kapuwa?Binabati kita sa iyong
pagsusumikap na matutunan ang mga halimbawa o sitwasyon na nagpapakita ng
pasasalamat.
Ngayon ay handa ka na upang mas lumalim pa ang iyong pag-unawa sa ating paksa.
Handa ka na ba? Halina at tuklasin ang mga angkop na kilos ng pasasalamat sa
kabutihang ginawa sa atin ng ating kapuwa.
Naranasan mo na bang matulungan ng iyong kaibigan sa tuwing nahihirapan ka sa
iyong aralin? Ano ang iyong naramdaman sa tuwing tinutulungan ka niya? Nasambit mo
ba ang katagang “salamat” o “maraming salamat”? Marami sa atin ang tumatanggap ng
tulong sa iba dahil na rin sa kahirapan ng buhay o di naman kaya’y nasalanta ng mga
hindi inaasahang trahedya. Sa kabila ng mga problemang ito, natututo tayong
magpasalamat sa ating kapuwa lalong-lalo na sa ating Panginoon na siyang lumikha ng
lahat.

Ang Pasasalamat

Ang pagpapasalamat ay isang paraan ng pagsukli natin sa kabutihang ipinakita o


ibinigay sa atin ng ating kapuwa at ng ating mga mahal sa buhay. Ito ay maaaring serbisyo
o materyal na bagay na nagmula sa kanila. Maipakikita rin natin ang ating pasasalamat sa
pamamagitan ng pagkakaroon ng mabuting puso at paggawa ng kabutihan sa kanila tulad
ng pag-aaral ng mabuti, pagsunod sa mga iniuutos ng mga nakakatanda sa atin at
pagtulong sa mga nangangailangan. Kabaligtaran ito ng konsepto ng entitlement
mentality na kung saan ang paniniwala o pag-iisip ng tao na anumang inaasam mo ay
dapat bigyan ng dagliang pansin. Dito papasok ang pagkakaroon ng masamang ugali na
nagpapababa sa pagkatao ng isang tao tulad ng:
1. Hindi pagbabalik ng kabutihang loob sa kapuwa
2. Pagtatago sa kabutihang ginawa; at
3. Pagkalimot sa kabuting ginawa ng iyong kapuwa

2
Mga Angkop na Kilos ng Pasasalamat

Ang pagpapakita ng pasasalamat sa ating kapuwa kahit sa simpleng paraan ay


nagdudulot ng kaligayahan sa taong pinagkakautangan mo ng loob. Ito ay patunay lamang
na mayroon kang pagkilala sa kabaitang inialay nila sa iyo. Tandaan natin na “ang
kakambal ng kabaitan ay ang pagiging mapagbigay”. Dahil sa kabaitang ipinakita sa atin
ng ating kapuwa, natututunan din natin itong iparamdam sa kanila sa pamamagitan ng
pagtulong kung sila naman ang mangailangan. Maaari din nating ipakita ang ating
pasasalamat sa pamamagitan ng pagtugon sa mga sakripisyong inialay nila sa atin tulad
ng sumusunod na larawan sa dayagram 1.

Dayagram 1: Mga Angkop na Kilos ng Pasasalamat

Kahalagahan ng Pagiging Mapagpasalamat

Ang taong isinabubuhay ang pagiging mapagpasalamat ay nagkakaroon ng


positibong pananaw sa buhay. Ito ay dahil, alam niyang may mabuting Diyos na laging
gumagabay at umaalalay sa kaniya. Nagiging daan din ito upang maging malakas at at
patuloy na umasang malampasan ang anumang pagsubok na nararanasan o mararanasan
pa. Napatunayan sa ilang pag-aaral na ang pagiging mapagpasalamat ay isa lamang sa
nakatutulong upang maiwasan ang anumang mga sakit at mapanatili ang maayos na
kalusugan. Bukod sa mga benepisyong naidudulot nito sa ating kalusugan, nagbibigay din
ito ng kaligayahan sa ating buhay. Ayon kay Sonja Lyubommirsky, isang sikologo sa
Pamantasan ng California, may walong dahilan kung bakit nagdudulot ng kaligayahan sa
tao ang pasasalamat:

1. Nagpapataas ng halaga sa sarili.


2. Nagpapatibay sa moral na pagkatao.
3. Pumipigil sa tao na maging mainggitin sa iba.
4. Hindi sumasang-ayon sa negatibong emosyon.
5. Nagtataguyod ito sa tao upang namnamin ang mga positibong karanasan sa
buhay.
6. Nakatutulong upang malampasan ang paghihirap at masamang karanasan.
7. Tumutulong upang hindi masanay sa pagkahilig sa mga materyal na bagay o sa
kasiyahan.
8. Tumutulong sa pagbuo ng samahan ng kapwa, pinapalakas ang mga
kasalukuyang ugnayan at hinuhubog ang mga bagong ugnayan.

3
Mahalaga pa rin na ikaw ay marunong magpasalamat sa mga simpleng biyayang
iyong natatanggap, tulad ng pagmamahal mula sa pamilya, kaibigan, at lalung-lalo na sa
Diyos. Hindi ikinalulugod ng Diyos ang mga bagay at gawain na hindi ayon sa kanyang
kalooban lalo na ang hindi pagpapahalaga sa mga biyayang nagmula sa Kanya.

(Pinagkunan: Regina Mignon C. Bognot et al. Edukasyon sa Pagpapakatao 8, Pasig City:


Department of Education, 2013, 227-253.

Tayo’y Magsanay

Gawain 1
Panuto: Isulat ang salitang sang-ayon kung ito ay nagpapakita ng paraan ng
pasasalamat sa kapuwa at di sang-ayon naman kung hindi. Isulat ang sagot sa
patlang.

_______ 1. Pagsabi ng “Salamat po” kung may kaunti o maraming natanggap.


_______ 2. Pagpapadala ng liham pasasalamat sa ayudang ipinagkaloob ng iyong
barangay.
_______ 3. Pagdarasal araw-araw sa buhay na ipinagkaloob ng dakilang Lumikha.
_______ 4. Pagpapakita ng pagkadismaya sa nakuhang relief goods na ipinagkaloob ng
gobyerno.
_______ 5. Pagpapahayag ng reklamo sa mga kinauukulan ng baranggay dahil hindi sapat
ang natanggap na tulong pinansyal.

Gawain 2
Panuto: Tukuyin ang sumusunod na sitwasyon. Isulat ang PS kung nagpapakita ng
pasasalamat at EM naman kung entitlement mentality.

_______ 1. Makatutulong kahit na sa simpleng paraan kahit na ako ay isa pa lamang


mag-aaral.
_______ 2. Responsibilidad lamang ng mga magulang ko ang pangangailangan ng aming
pamilya.
_______ 3. Ang pagsapi sa mga samahang makatutulong sa kabutihan ng kapuwa.
_______ 4. Umaasa sa tulong ng pamahalaan nang hindi dumadalo sa mga pagpupulong
nito.
_______ 5. Natutuwang tumulong sa mga nangangailangan lalo’t di kilala.

Masusi mo bang naunawaan ang iba’t ibang paraan ng pasasalamat

4
Ating Pagyamanin

Gawain 1
Panuto: Tukuyin ang sumusunod na larawan. Isulat ang simbolong
kung ito ay nagpapakita ng angkop na kilos ng pasasalamat at kung hindi
sa patlang na makikita sa ilalim ng larawan.

1. ________ 2. ________ 3. ________

4. ________ 5. ________

Gawain 2
Panuto: Piliin sa mga kahon ang mabuting maidudulot ng pagiging
mapagpasalamat ng isang tao. Isulat ang tamang salita sa nakalaang espasyo sa
ibaba.

kaligayahan inggit problema Tiwala sa sarili

May positibong pananaw sa buhay Malusog na pangangatawan

Pinahihina ang kalooban Magandang pakikipag-ugnayan sa kapuwa

Mabuting Maidudulot
1.

2.

3.

4.

5.

Lubos mo bang naunawaan ang mga angkop na kilos at kahalagahan


ng pagiging mapagpasalamat?

5
Ang Aking Natutuhan
Panuto:
Piliin ang angkop na salita sa loob ng ulap at isulat ito sa nakalaang patlang sa ibaba
upang mabuo ang diwa ng talata.

pakikipag-ugnayan pagpapahalaga pagsasabuhay

kaligayahan pasasalamat

Ang 1._____________ ay tunay ngang nakapagpapabago nang pagkatao ng isang


tao dahil nagagampanan niya ang kanyang moral na obligasyon sa kaniyang kapuwa
at komunidad. Sa 2. _____________ ng mga angkop na kilos ng pasasalamat ay
makakamtan ng bawat isa ang tunay na 3. _____________. Magkakaroon ng positibong
pananaw sa buhay, may 4. _____________ sa sarili, at may magandang 5. _____________
sa kapuwa at komunidad.

Ating Tayahin
Panuto: Basahin at unawain ang mga pahayag at katanungan. Piliin ang titik ng angkop
na sagot at isulat ito sa nakalaang patlang bago ang bilang.

________1. Alin sa sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng isang gawain ng taong


mapagsalamat?
A. Tinutulungan ni Vandam ang kanyang kaklase kapalit ng masarap na
pagkain.
B. Si Ronnel ay tumutulong sa mga gawaing bahay dahil nakatatanggap siya ng
baon araw-araw.
C. Si Anthony ay palaging nagdarasal bilang pasasalamat sa mga biyayang
kaniyang natanggap.
D. Si Maiden ay nag-aaral ng mabuti upang mabigyan siya ng mamahaling
laruan ng kaniyang magulang.

6
________ 2. Ang sumusunod na sitwasyon ay mga paraan ng pasasalamat MALIBAN sa:
A. Pagtulong sa mga dalahin ng iyong magulang dahil nahihirapan siyang
bitbitin ang mga ito.
B. Inaalalayan mong tumayo ang iyong kaibigang nadapa dahil madulas ang
daan.
C. Tinatapon mo ang mga basura kahit saan dahil wala namang nakakakita
sa iyo.
D. Pinagkakasya mo ang iyong baon sa loob ng isang linggo upang makakain
ka ng sapat at maayos.

________ 3. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng entitlement mentality?


A. Pagsasabihan ng hindi maganda ang magulang sa tuwing hindi nasunod ang
gusto nito.
B. Pag-aaral ng mabuti upang masuklian ang pawis at pagod ng aking mga
magulang.
C. Pagpapasalamat sa mga ayuda at tulong-pinansyal ng pamahalaan sa iyong
barangay.
D. Boluntaryong pagtulong sa mga frontliners para sa ikabubuti ng komunidad.

________ 4. Alin sa sumusunod na kilos ang HINDI nagpapakita ng pasasalamat?


A. Pagpapasalamat araw-araw nang maayos at bukal sa puso.
B. Pagkalimot sa taong pinagkakautangan upang hindi ito masingil.
C. Pagpapahalaga sa mga biyayang natanggap at sa mga taong gumawa sa iyo
ng kabutihan.
D. Pagkakaroon ng pagkakataong matumbasan ang tulong na natanggap sa
taong pinagkakautangan mo ng loob.

________ 5. Ang pagiging mapagpasalamat ay nagdudulot ng kaligayahan sa buhay. Alin


sa sumusunod ang nagpapakita ng magandang naidudulot nito sa tao?
I. Pagiging matatag at may lakas na harapin ang mga hamon sa buhay.
II. Pagbibigay ng tulong sa kapwa nang walang hinihintay na kapalit.
III. Nakatutulong upang lumusog ang katawan at maiwasan ang mga sakit.
IV. Naghihikayat sa tao na maging mainggitin sa anumang bagay na salat
sila.

A. I , II at III C. I, III, at IV
B. I at IV D. II at IV

7
Susi sa Pagwawasto
Subukin
1. B 2. A 3. B 4. D 5. C

Tayo’y Magsanay

Gawain 1
1. sang-ayon 2. sang-ayon 3. sang-ayon
4. di sang-ayon 5. di sang-ayon

Gawain 2
1. PS 2. EM 3. PS 4. EM 5. PS

Ating Pagyamanin

Gawain 1
1. 2. 3. 4. 5.

Gawain 2
1. Kaligayahan
2. Tiwala sa sarili
3. May positibong pananaw sa buhay
4. Malusog na pangangatawan
5. Magandang pakikipag-ugnayan sa kapuwa
Ang Aking Natutuhan
1. Pasasalamat 2. Pagsasabuhay 3. Kaligayahan
4. Pagpapahalaga 5. Pakikipag-ugnayan

Ating Tayahin
1. C 2. C 3. A 4. B 5. A

Sanggunian
Aklat

Bognot, Regina Mignon., Romualdes R. Comia, Sheryll T. Gayola, at Marie Aiellen S. Legarde,
Edukasyon sa Pagpapakatao 8. Pasig City: Department of Education. 2013

8
FEEDBACK SLIP

A. PARA SA MAG-AARAL

Maraming salamat sa paggamit ng CLAS na ito. Hangarin nito


ang iyong lubusang pagkatuto sa tulong ng iyong kapamilya. OPO HINDI

1. Kontento at masaya ka bang natuto gamit ang CLAS na ito?

2. Nasunod at nagawa mo ba ang mga proseso at pamamaraang


nakasaad para sa iba at ibang gawain para sa iyong pagkatuto?

3. Ikaw ba ay ginabayan o sinamahan ng sinuman sa iyong


kapamilya para sa pag-aaral gamit ang CLAS na ito?

4. Mayroon bang bahagi sa CLAS na ito na ikaw ay nahirapan


(kung Opo, ano ito at bakit?)

B. PARA SA MAGULANG O TAGAPATNUBAY

Suhestiyon o Rekomendasyon para sa mas maayos na serbisyo


at pagkatuto ng inyong anak gamit ang CLAS na ito?

Mayroon (Pakisulat sa nakalaang guhit)

Wala

Contact Number : __________________________________

PANGALAN NG PAARALAN:

Pangalan at Lagda ng Guro:

Pangalan at Lagda ng Magulang


o Tagapatnubay:

Petsa ng Pagtanggap ng CLAS:

Petsa ng Pagbalik ng CLAS:

You might also like