You are on page 1of 6

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

DEPARTMENT OF EDUCATION – REGION III

SCHOOLS DIVISION OFFICE – CITY OF MALOLOS

MARCELO H. DEL PILAR NATIONAL HIGH SCHOOL


Bagong Bayan, City of Malolos, Bulacan / School ID: 300751 / www.marcelodelpilarnhs.com

E-mail: marcelohdelpilarnhs@gmail.com / Tel. No. 795-5343

IKALAWANG LAGUMANG PAGSUSULIT SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 9

Pangalan: _________________________________ Baitang at Pangkat: _________________________

Panuto: Basahing mabuti ang bawat pangungusap at unawain ang tanong. Piliin ang pinakaangkop na sagot at isulat
ang titik nito sa sagutang papel.

1. Saan nakikilala at natatagpuan ang Likas na Batas Moral?


a. Mula sa aklat ni Sto. Tomas de Aquino
b. Mula sa pagkakaunawa ng isip ng tao
c. Mula sa kaisipan ng mga pilosopo
d. Mula sa Diyos
2. Lahat ng tao ay may kakayahang mag-isip at makaunawa sa kabutihan. Ito ang pahayag ni ____.
a. Max Scheler c. Dr. Manuel Dy Jr.
b. Sto. Tomas de Aquino d. Mahatma Gandhi
3. Ano ang kaakibat ng bawat karapatan?
a. Tungkulin c. Respeto
b. Pagsunod d. Paggalang
4. Ayon sa kanya, ang anim na karapatang hindi maiaalis (inalienable) ay ang karapatang mabuhay, magkaroon
ng ari-arian, mag-asawa, maging malaya, sumamba at maghanap buhay.
a. Max Scheler c. Papa Juan XXIII
b. Sto. Tomas de Aquino d. Eleonor Roosevelt
5. Saan nakikita ang tunay na halaga ng paggawa?
a. Sa proseso na pinagdaanan bago malikha ang isang produkto
b. Sa katotohanan na ang gumawa o lumikha ng produkto ay tao
c. Sa haba ng panahon na ginugol upang malikha ang isang produkto
d. Sa kalidad ng produkto na nilikha ng tao
6. Ano ang obheto ng paggawa?
a. Kalipunan ng mga gawain, resources, instrument at teknolohiya na ginagamit ng tao upang makalikha
ng mga produkto
b. Kakayahang kakailanganin ng tao upang makalikha ng isang produkto
c. Mga taong gagamit ng mga produktong nilikha
d. Tunay na layunin ng tao sa kanyang paglikha ng isang produkto
7. Anong katangian ang dapat taglayin ng tao upang makagawa ng pakikilahok?
a. Tungkulin c. Karapatan
b. Dignidad d. Pananagutan
8. Ano ang makakamit ng lipunan kung ang bawat isa ay magsasagawa ng pakikilahok at bolunterismo?
a. Pagkakaisa c. Pag-unlad
b. Kabutihang panlahat d. Pagtataguyod ng pananagutan
9. “Ang isip at puso ang gabay para kilatisin kung ano talaga ang mabuti”,ito ay pahayag ng isang pilosopo.
Kung kaya’t marapat lamang na _________.
a. Gawin ang lahat ng nais
b. Pag-isipan muna ang magiging resulta ng sasabihin at gagawin. Maaaring gawin kung makabubuti at
kalimutan o iwasan kung mali
c. Isangguni sa mga kaibigan ang saloobin.
d. Maging makasarili.
10. Ano ang maitutulong ng pagsunod sa batas sa pagkamit ng ating kaganapan bilang tao?
a. Lalaki tayong may tamang asal
b. Makapag-iingat tayo laban sa mga masasamang elemento
c. mapanagutan at responsable tayo sa ating pamumuhay
d. Maisasabuhay natin ang Likas na Batas Moral
11. Alin sa mga sumusunod na karapatan ang kaakibat na tungkuling patuloy na pag-aaral upang umangat ang
karera at maitaas ang antas ng pamumuhay?
a. Karapatan sa buhay c. Karapatang maghanapbuhay
b. Karapatan sa ari-arian d. Karapatang pumunta sa iba’t ibang lugar
12. Ang tungkulin ay obligasyong moral ng tao na gawin o hindi gawin (o iwasan) ang isang gawain. Alin sa mga
sumusunod ang salungat sa pahayag na ito?
a. Nakasalalay ang tungkulin sa isip.
b. Nakasalalay ang tungkulin sa likas na batas moral.
c. Ang moral ang nagpapanatili ng buhay-pamayanan.
d. May malaking epekto sa sarili at mga uganayan ang hindi pagtupad ng mga tungkulin.
13. Ang tao ay gumagawa upang kitain ang salapi na kanyang kailangan upang matugunan ang kanyang
pangunahing pangangailangan. Alin sa mga pahayag na ito ang tama?
a. Hindi mabibili ng tao ang kanyang pangangailanagan kung wala siyang pera.
b. Hindi marapat na pera ang maging layunin ng tao sa paggawa.
c. Likas sa tao na unahing tugunan ang kanyang pangunahing pangangailangan.
d. Mas mahalagang isipin na matugunan ang pangangailangan ng kapwa bago ang sarili.
14. Ang paggawa ay para sa tao at hindi ang tao para sa paggawa. Ito ay nangangahulugang:
a. Hindi kasangkapan ang tao na kinakailangan para mapagyaman ang paggawa bagkus kailangan ang
paggawa upang makamit niya ang kanyang kaganapan.
b. Hindi kailangan ang tao para mapagyaman ang paggawa bagkus kailangan siya upang mapagyaman
ang mga kasangkapan na kinakailangan sa paggawa.
c. Kapwa niya ang gagamit ng lahat ng mga nilikha bunga ng paggawa kaya ibinubuhos niya ang lahat
ng kanyang pagod upang makalikha ng isang produkto.
d. Ang tao ang gagamit ng produktong nilikha bunga ng paggawa ngunit hindi dapat na iasa na lamang
niya ang kanyang pag-iral sa mga produktong nilikha para sa kanya na kanyang kapwa.
15. Bakit mahalaga na may kamalayan at pananagutan sa pakikilahok?
a. Upang matugunan ang pangangailangan ng lipunan
b. Upang maibahagi ang sariling kakayahan na makatutulong sa pagkamit na kabutihang panlahat
c. Upang maipakita ang diwa ng pagkakaisa at pagmamahalan
d. Upang magampanan ang mga gawain o isang proyekto na mayroong pagtutulungan
16. Alin sa mga sumusunod ang tagalay ng tao kaya siya karapat-dapat sa pagpapahalaga at paggalang na
kanyang kapwa?
a. Dignidad c. Pananagutan
b. Bolunterismo d. Pakikilahok
17. Ang mga sumusunod ay mga layunin ng tao sa paggawa, maliban sa:
a. Upang tulungan ang mga nangangailangan
b. Upang magkaroon ng kabuluhan ang pag-iral ng tao
c. Upang makibahagi sa pagtuloy na pag-angat at pagbabago ng Agham at Teknolohiya
d. Upang palipasin ang araw at mawala ang pagkabagot
18. Likas sa tao ang hangarin ang mabuti, ang pangungusap ay ;
a. Tama, dahil likas sa tao ang maging makatao (panig sa tao)
b. Tama, dahil tayo ay tao at di naiiwasang magkamali
c. Mali, dahil ang tao’y isinilang na makasalanan
d. Mali, dahil madaling naiimpluwensyahan ang tao sa kanyang kapaligiran
19. Ano ang ibig sabihin ng pahayag?
Ang panawagan ng karamihan tungkol sa mga karapatang pantao tulad ng karapatan sa kalusugan, sa
bahay, sa trabaho, sa pamilya, sa kultura ay labag sa katotohanan at isang panloloko lamang kung ang
karapatan sa buhay, ang pinakabatayan at pangunahing karapatan at kailangan para sa lahat ng iba pang
karapatang personal, ay hindi maipagtanggol nang may mataas na antas na determinasyon.
a. Kailangang ipagtanggol ang panawagan sa mga karapatang pantao.
b. Isang panloloko at paglabag sa likas na batas moral ang pagsuporta sa Aborsyon.
c. Kailangang gamitin ang lahat ng paraan upang ipagtanggol ang mga batas at plano na nagtataguyod
ng paglabag sa karapatan sa buhay.
d. Pangunahing karapatan ang karapatan sa buhay.

20. Anong karapatan na batay sa encyclical na “Kapayapaan sa Katotohanan” ang ipinapakita ng tauhan?
Itinakas ni Joshue ang pamilya niya mula sa Mogul, Syria, patungong Greece upang takasan ang
kalupitan ng mga sunadol ng Islamic State.
a. Karapatang mabuhay
b. Karapatan sa malayang paglipat sa ibang lugar upang manirahan (migration)
c. Karapatan sa mga batayang pangangailangan upang magkaroon ng maayos na pamumuhay
d. Karapatan sa maayos na proteksyon sa batas
21. Sa pag-unlad ng agham at teknolohiya, ano ang nagiging epekto ng pagiging produktibo ng tao sa paggawa?
a. Mas nababawasan ang halaga ng isang produkto dahil hindi na ito nahawakan ng tao.
b. Hindi nagkakaroon ng pagkakataon ng tao na magamit ang kanyang pagkamalikhain.
c. Nagkakaroon ng katuwang ang tao sa mabilis na paglikha ng maraming produkto.
d. Nababago na ang kahulugan ng tunay na paggawa.
22. Ang paggawa ay isang moral na obligasyon para sa kapwa, sa kanyang pamilya, sa lipunan na kanyang
kinabibilangan at sa bansa. Ano ang iyong pagkaunawa hinggil dito?
a. Hindi nararapat isipin ng tao ang kanyang sarili sa kanyang paggawa.
b. Kailangang maghanapbuhay ng tao para makatulong sa pamilya.
c. Gumagawa ang tao upang magsilbi sa kanyang kapwa.
d. Kasama sa layunin ng tao sa paggawa ang makatulong sa kapwa lalo na sa mga nangangailanagan.
23. Hindi nakalahok si Fernando sa Oplan Linis ng kanilang baranggay dahil inalagaan niya ang kanyang bunsong
kapatid na maysakit ngunit nagbigay siya ng mga gamit sa paglilinis tulad ng walis tingting at sako. Ano
kayang antas ng pakikilahok ang ipinakita ni Fernando?
a. Impormasyon c. Sama-samang pagpapasya
b. Konsultasyon d. Pagsuporta
24. Sa isang taong magsasagawa ng pakikilahok at bolunterismo, ano sa palagay mo ang dapat makita sa kanya?
a. Pagmamahal, Malasakit, at Talento c. Talento, Panahon, at Pagkakaisa
b. Panahon, Talento, at Kayamanan d. Kayamanan, Talento at Bayanihan
25. Anong karapatan ang tinutukoy ng mga sumusunod na tungkulin?
*Obligasyon ng bawat isa ang pagpapagamot kung may sakit
* Pangalagaan ang kalusugan at ang sarili sa mga panganib ng katawan
* Iwasan ang mga isports na mapanganib na maaring maging dahilan ng kamatayan
* Tungkuling paunlarin ang mga talento at kakayahan
a. Magpakasal c. Pumunta sa ibang lugar
b. Pribadong ari-arian d. Buhay
26. Paano sinikap ng ating estado na iangkop ang kultura bilang pagkilala sa karapatang pantao ng bawat
mamamayan?
a. Sa pamamagitan ng pagbuo ng konstitusyon kalakip ang mga karapatan at proteksiyon ng mga
mamamayan
b. Sa pamamagitan ng paglikha ng maraming mga batas
c. Sa pamamagitan ng pagtatayo ng maraming imprastraktura senyales ng pag-unlad ng ekonomiya ng
bansa
d. Sa pamamagitan ng pagtatatag ng iba’t ibang samahan nasasagot sa pangangailangan ng bawat
mamamayan.
27. Ang ating lipunan ay binubuo ng mga batas na nilikha para sa kabutihang panlahat. Ang mga sumusunod ay
ang mga tunay na diwa nito, maliban sa isa.
a. Protektahan ang mamamayan at may kapangyarihan
b. Ingatan ang interes ng nakararami
c. Itaguyod ang karapatang pantao
d. Kondenahin ang mapagsamantala sa kapangyarihan
28. Alin ang hindi nagpapakita ng tungkulin na kaakibat ng karapatan sa buhay?
a. Iniiwasang kumain ng karne at matamis na pagkain.
b. Pagsuporta sa No Smoking Ban ng mga mamamayan
c. Pagsali sa mga isports na mapanganib tulad ng Car Racing
d. Pagbabahagi ng mga mag-aaral ng tulong para sa mga biktima ng giyera sa Marawi
29. Sa iyong palagay, alin sa mga sumusunod ang hindi nagpapakita ng panlipunang dimensyon ng paggawa?
a. Ang paggawa ay paggawa para sa kapwa at kasama ang kapwa.
b. Ang paggawa ay paggawa ng isang bagay para sa iba.
c. Ang bunga ng paggawa ay nagbubukas para sa pagpapalitan, ugnayan at pakikisangkot sa ating
kapwa.
d. Ang paggawa ay para lamang kumita ng salapi.
30. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng tunay na layunin ng tao sa paggawa?
a. Upang higit na magkaroon ng kabuluhan (meaning) ang pag-iral ng tao.
b. Upang kumita ng salapi at magpayaman
c. Para sa pansariling pag-unlad
d. Upang patuloy na mabuhay at guminhawa ang buhay
31. Alin sa palagay mo sa mga sumusunod na pahayag ang hindi maituturing na benepisyo ng bolunterismo?
a. Nagkakaroon ang tao ng pagkakataon na makabuo ng suporta at ugnayan sa ibang tao.
b. Nagkakaraon ang tao ng kontribusyon o bahagi sa pagpapabuti ng lipunan.
c. Mas higit na nakikilala ng tao ang kanyang sarili.
d. Nagkakaroon ang tao ng personal na pag-unlad.
32. Ang pagsuporta sa pamilya, paggabay sa mga anak upang maging mabuting tao at pag-iwas sa eskandalo ay
tungkulin sa ilalim ng karapatan sa
a. Magpakasal c. Buhay
b. Pribadong ari-arian d. Magpamilya
33. Alin ang nagpapakita ng paggalang sa Karapatang Sumamba o Ipahayag ang Pananampalataya?
a. Ang relihiyong kinabibilangan ng magulang ay siyang dapat relihiyon ng anak.

b. Ang pagconvert ng relihiyon dahil sa ibibigay na scholarship upang makatapos ng pag-aaral.


c. Paglipat ng relihiyon upang matanggap sa trabaho nang mapaunlad ang buhay.
d. Pagpili ng relihiyon na mapag-uunlad ng uganayan sa Diyos at kapwa.
34. Sa iyong palagay, alin sa mga sumusunod ang hindi naglalarawan ng kahulugan ng paggawa?
a. Isang gawain ng tao na nangangailangan ng orihinalidad, pagkukusa at pagkamalikhain
b. Isang aktibidad o gawain ng tao
c. Isang pagkilos o paggalaw
d. Anumang gawaing pangkaisipan man o manwal
35. Alin sa mga sumusunod ang hindi halimbawa ng pakikilahok?
a. Sumali si Ana sa paglilinis ng paligid sa kanilang baranggay dahil nais niyang makiisa sa layunin
nitong mapanatili ang kalinisan at kalusugan sa kanilang baranggay.
b. Si Jose ay pumupunta sa bahay ampunan ng mga bata upang alagaan ang mga ito tuwing bakasyon.
c. Tuwing Sabado at Linggo ay tinuturuan ni Karen ang mga batang hindi nakapag-aral sa kanilang
lugar upang matutong bumasa at sumulat.
d. Tuwing eleksyon, sinisuguro ni Loida na bumuto at piliing mabuti ang karapat-dapat na mamuno.
36. Alin sa mga sumusunod ang hindi kahulugan ng pakikilahok?
a. Maaaring tawaging bayanihan, damayan o kawanggawa
b. Isang tungkulin na kailngang saikatuparan ng lahat na mayroong kamalayan at pananagutan tungo sa
kabutihang panlahat
c. Tumutulong sa tao upag maging mapanagutan sa kapwa
d. Makakamit lamang kung kinikilala ng tao ang kanyang pananagutan
37. Paano nagbibigay ng proteksyon sa tao ang prinsipyong “First do no harm” sa mga medical na sector?
a. Gawin lagi ang tama
b. Anuman ang kalagayan ng isang tao, huwag tayong mananakit
c. Gamutin ang sariling sakit bago ang iba
d. Ingatan na huwag saktan ang tao
38. Bakit kailangang sumunod tayo sa batas?
a. Upang maging isang responsableng kapwa, na rumerespeto sa karapatan ng ibang tao
b. Upang hindi makadagdag sa lumalalang kriminalidad sa ating bansa
c. Upang magkaroon ng kaayusan, kaligtasan at pag-unlad para sa kabutihang panlahat
d. Upang maging isang huwarang halimbawa ng isang mapanagutang tao sa lipunan
39. Alin sa sumusunod ang naglalarawan na tama ang isang pasiya o desisyon?
a. Ito ay ayon sa mabuti. c. Makapagpapabuti sa tao.
b. Walang nasasaktan. d. Magdudulot ito ng kasiyahan.
40. Ang mga sumusunod ay kahulugan ng salitang bolunterismo maliban sa:
a. Bayanihan
b. Kawanggawa
c. Konsiderasyon
d. Damayan
41. Ano ang buod ng talata?
Ayon kay Scheler, kailangang hubugn nag sarili tungo sa pagpapakatao upang matupad din ng
pamayanan, pamahalaan o lipunang kinabibilangan niya ang tungkulin ng paglinang ng pagpapakato. Ngunit
mahirap isagawa ang paghubog na ito sa sarili kung hindi ginagawa ng mga institusyong panlipunan ang mga
obligasyon nito sa tao na itinakda ng mga batas.
a. Mahalaga ang pananagutan ng indibidwal na maging mabuting mamamayan.
b. Kailangang tuparin ng bawat tao ang kanyang tungkulin upang magampanan ng lipunan amg
tungkulin nito sa tao.
c. Hindi makakamit ang kabutihang panlahat kung may mamamayang hindi tumutupad sa tungkulin.
d. Kailangang magbigay ng serbisyo ang pamahalaan o lipunan bago mahubog ng indibidwal ang sarili.
42. Aling karapatan ang isinasaad sa mga sumusunod na tungkulin?
 Suportahan ang pamilya sa sapat at masustansyang pagkain
 Gabayan ang mga anak para makaiwas sa panganib
 Maging mabutng halimbawa ng pagsasabuhay ng mga birtud
 Pag-iwas sa eskandalo
a. Karapatan sa Buhay c. Karapatang magpakasal
b. Karapatang pumunta sa ibang lugar d. Karapatang maghanapbuhay
43. Ang karapatan ay ang kapangyarihang moral na gawin, hawakan, pakinabangan at angkinin ang mga bagay na
kailangan ng tao. Alin sa mga sumusunod ang hindi sumusuporta sa pahayag?
a. Hindi maaaring pwersahin ng tao ang kanyang kapwa na ibigay sa kanya nang sapilitan ang mga
bagay na kailangan niya.
b. Dahil sa karapatang ito, hindi obligasyon ng tao na akuin at tuparin ang kanyang mga tungkulin.
c. Kaakibat sa karapatan ng isang tao ang obligasyon na kanyang kapwa na igalang ito.
d. Ang karapatan ay pakikinabangan ng tao lamang dahil tao lamang ang makagagawa ng moral na
kilos.
44. Sa panahon ng taggutom, kalamidad o giyera, kailangang bigyan ng pagkain ng may ari ng grocery o tindahan
sa palengke ang taong nagugutom. Kapag hindi nakatugon sa pangangailangang ito ang may ari ng grocery,
magkakaroon siya ng bigat ng konsensya. Sa iyong palagay, anong uri ng karapatan ang tinutukoy?
a. Karapatan sa pribadong ari-arian c. Karapatang maging malaya
b. Karapatang magtrabaho o maghanapbuhay d. Karapatan sa buhay
45. Sa Bolunterismo, kung hindi mo ito gagawin, hindi ka apektado, kundi yaong iba na hindi mo tinulungan.
Ang pahyag ay:
a. Tama, sapagkat maraming tao ang nangangailangan ng iyong tulong.
b. Mali, sapagkat ang hindi mo pagtulong ay maaaring makaapekto sayo.
c. Tama, sapagkat maaari kang managot sa iyong konsensya dahil hindi ka tumugon sa pangangailangan
ng iyong kapwa sa mga sandaling iyon.
d. Mali, sapagkat hindi maaaring pilitin ang tao sa kanyang gagawin.
46. Ang mga sumusunod ay halimbawa ng mga taong nakikilahok dahil sa kanilang pansariling interes lamang o
pansarling layunin, maliban sa:
a. Mga tao na kung nakuha na nila ang kanilang nais o pakay ay humihinto na sa kanilang ginagawa.
b. Mga taong nakikibahagi upang maipakita na mayroon siyang kayang gawin para sa ikabubuti ng
lipunan.
c. Mga tao na ginagawa lamang ito bilang pampalipas ng oras.
d. Mga tao na naglilingkod o tumutulong dahil mayroon silang hinihintay na kapalit.
47. Ayon kay Pope Francis, “Ang kabataan ang durungawan kung saan ang hinaharap ay nagdaraan.” Ito’y
nangangahulugang
a. Sa kabataan makikita ang kinabukasan.
b. Sa kabataan magmumla ang pagbabago.
c. Sa kabataan dapat makita ang diwa ng pakikilahok at bolunterismo.
d. Sa kabataan dapat makita ang tatlong T’s.
48. Ang pagbibigay ng iyong lahat na panahon at pagod sa paggawa ay hindi dapat nagwawaglit sa pag-aalay nito
para sa kapurihan ng Diyos. Ang pangungusap ay:
a. Tama, kailangang gumawa ang tao upang tumugon sa ninanais ng Diyos na panatilihin at pagyamanin
ang sangkatauhan.
b. Tama, ang paggawa ay isang moral na obligasyon para sa kapwa at sa lipunang kanyang
kinabibilangan.
c. Mali, kailangang ibigay ng tao ang lahat ng kanyang makakaya sa paggawa upang matamasa ang
kaginhawaan.
d. Mali, kailngang ibigay ng tao ang lahat ng kanyang paahon at pagod sa paggawa upang makamit ang
kanyang sariling tunguhin.
49. Ang buhay na walang patutunguhan ay walang katuturan at ang paggawa ang nagbibigay ng katuturan ditto.
Ito’y nangangahulugang:
a. Sa pamamagitan ng paggawa, nabibigyang dangal ng tao ang kanyang pagkatao.
b. Sa pamamagitan ng paggawa, nasusuportahan niya nag kanyang pangangailangan.
c. Nagkakaroon ng pagkakataon ang tao na makasalamuha ang ibang tao.
d. Nabibigyan siya ng pagkakataon na maipagmalaki ang kanynag kakayahan at talent.
50. Sino sa mga sumusunod ang hindi nakatutulong sa pag-aangat ng antas kultural ng bansa sa pamamagitan ng
kanilang paggawa?
a. Si Sheila na gumagawa ng mga pelikula tungkol sa mga isyung panlipunan ng bansa na inilalahok sa
mga timpalak.
b. Si Renee na tumatahi ng mga damit na yari sa materyal na tanging sa bansa nakikita at inilalapat sa
yari ng mga damit na mga banyaga.
c. Si Romeo na nag-eexport ng mga produktong hibla ng abaka na gawa mula sa Cotabato.
d. Si Antonio na gumagawa ng mga muwebles na yari sa rattan at buli at nilalapatan ng modernong
disenyo.

You might also like