You are on page 1of 7

Gingoog Christian College

Formerly: Gingoog Institute/Central Mindanao Christian College


(Affiliated with United Church of Christ in the Philippines)
Gingoog City
E-mail Add:gicmccgicc_gingoogcity@yahoo.com.ph.
Member, Association of Christian Schools, Colleges, and Universities (ACSCU)

A Course Module
Fil 202: Introduksyon sa Pananaliksik: Wika at Panitikan
Prelims

MARNESA BAUTISTA – CANTON


INSTRUCTOR

“2To know wisdom and instruction; to perceive the words of understanding; 3to receive the
instruction of wisdom, justice, and judgment, and equity; 4to give subtlety to the simple, to the
young people knowledge and discretion.” –Proverbs 1:2-4

Fil202 Page 1 of 7
Course Description:
Ang Introduksiyon sa Pananaliksik: Wika at Panitikan ay sumasaklaw sa mga
batayang kaalaman sa mga lawak, uri at metodo ng pananaliksik sa wika at panitikan, na
maglulundo sa paghahanda at paghahanap ng isang sulating pananaliksik.

Course Outcomes:

1. Napag-alaman ang mga mahahalagang konsepto tungkol sa basic research


2. Nakapaglikom ng mga ibang halimbawa ng pananaliksik bago pa man masimulan ang
kanilang sariling pananaliksik.
3. Nakapagbuo ng bawat bahagi ng bawat kabanata ng sariling pananaliksik.
4. Nakapagsumiti ng sariling pananaliksik.

Course Outline:

1. Kahulugan, Katangian, Layunin, Uri at Etika sa Pananaliksik (Prelim)


 Kahulugan, Katangian at Layunin ng Pananaliksik
 Tungkulin at Responsibilidad ng Mananaliksik
 Uri ng Pananaliksik
 Batay sa Pakay: Pag-usisa vs Pakinabang
 Batay sa Proseso
 Batay sa Saklaw na mga Larangan
 Etikal na Pamantayan sa Pananaliksik

2. Ang Paksa, Suliranin, at mga Bahagi ng Pananaliksik (Midterm)


1. Hakbang sa Pagpili at Pagbuo ng Paksa ng Pananaliksik
2. Introduksyon at Paglalahad ng Tesis
3. Paglalahad ng Suliranin
4. Rebyu ng Kaugnay na Literatura
5. Saklaw at Limitasyon
6. Metodolohiya

3. Mga Kasunod Pang Bahagi ng Pananaliksik (Semi-finals)


7. Dalumat
8. Daloy ng Pag-aaral
9. Pagtalakay sa Resulta ng Pag-aaral
10. Kongklusyon (Buod at Rekomendasyon)

4. Tseklist sa Pagsasagawa at Pagsulat ng Pananaliksik at Mga Uri ng


Dokumentasyon (Finals)
1. Tseklist sa Pagsasagawa at Pagsulat ng Pananaliksik
2. Iba’t-ibang Uri ng Dokumentasyon

Fil202 Page 2 of 7
Course Materials
 Any gadgets for the group chat
 Reference Books
 Internet

Session Schedule
 Saturdays 8:00-11:00 AM (Values Education 3)
 Saturdays 4:00 -7:00 PM (Science 3)

Course Requirements
To pass the course, the student must:
 Pass all written quizzes, recitations, and periodical examinations.
 Be regular in attendance and participate in group reporting and activities.
 Accomplish outputs required by the course.

Mode of Delivery
 Group Chat via Messenger & Facebook
 Face-to- Face

Grading System

Quizzes 25%

Participation 15%

Outputs 30%

Periodic Exam 30%

Total 100%

Midterm Grade 30%

Final Grade 70%

Total Final Rating 100%

Instructor’s Contact Details:

MARNESA BAUTISTA CANTON FB Name: www.facebook.com/MarnesaBC


Block 3, Lot 23, Purok 3, San Juan, Gingoog City
Mobile No. 09508541701

Fil202 Page 3 of 7
Kahulugan, Katangian, Layunin, Uri at Etika sa Pananaliksik

 Kahulugan ng Pananaliksik (Week 1)

1. Ang pananaliksik ay isang lohikal na proseso ng paghahanap ng sagot sa mga


tanong ng mananaliksik na nakabatay sa problema at metodo ng pag-aaral
tungo sa produksyon ng maraming kaalaman at kasanayan upang makatugon
sa pangangailangan ng tao at lipunan.

2. Ang pananaliksik ay isang makaagham na pagsisiyasat ng phenomena, ideya,


konsepto, isyu at mga bagay na kinakailangang bigyang linaw, patunay o
pasubali. Binubuo ito ng proseso ng paglilikom, pagtatanghal, pagsusuri, at
pagpapaliwanagng mga pangyayari o katotohanan na nag-uugnay sa
espekulasyon ng tao sa katotohanan.

 Katangian ng Pananaliksik

1. Obhetibo- batay sa walang kinikilingang batas


2. Lohikal- batay sa angkop at sistematikong pamamaraan at prinsipyo
3. Empirikal- base sa tiyak na karanasan o pagmamasid ng isang mananaliksik
4. Kritikal- nagpapakita nang maingat at tamang paghatol

 Layunin ng Pananaliksik

1. Nagbibigay ng pagkakataong makatuklas ng mga impormasyon o datos


2. Naghahamon sa makatwirang pagpapalagay o pagtanggap ng katotohanan
3. Nagdaragdag ng panibagong interpretasyon sa mga dating ideya o kaisipan
4. Nagpapatunay sa valido o makatotohanang ideya, interpretasyon, palagay,
paniniwala o pahayag
5. Naglilinaw sa maladebate o pinagtatalunang isyu
6. Nagpapakita ng makasaysayang paniniwala para sa isang senaryo

 Tungkulin at Responsibilidad ng Mananaliksik


Ayon kina Constantino at Zafra (2000) sa kanilang nailathalang modyul na
pinamagatang “Kasanayan sa Komunikasyon”, ang isang mananaliksik ay
kinakailangang maging:
1. Matiyaga sa paghahanap ng mga datos mula sa iba’t-ibang mapagkukunan ng
sandigan

2. Mapamaraan sa pagkuha ng mga datos na mahirap kunin

Fil202 Page 4 of 7
3. Maingat sa pagpili ng mga datos batay sa katotohanan at sa kredibilidad ng
pinagkukunan, sa pagsisiguro sa lahat ng panig ng pagsisiyasat at sa
pagbibigay ng mga konklusyon, interpretasyon, koment at rekomendayon

4. Analitikal sa mga datos at interpretasyon ng iba ukol sa paksa at mga kaugnay


nito

5. Kritikal sa pagbibigay ng interpretasyon, konklusyon at rekomendasyon sa


paksa

6. Matapat na pagsasabing may nagawa nang pag-aaral ukol sa paksang pinag-


aralan, sa pagkuha ng mga datos nang walang tinatago, iniiwasan,
ipinagkakaila, nang walang pagkilala at permiso sa kaninuman; at sa
pagtanggap sa limitasyon ng pananaliksik

7. Responsable sa paggamit ng mga nakuhang datos, sa mga tao o institusyong


pinagkunan ng mga ito at sa pagtiyak na maayos at mahusay ang mabubuong
pananaliksik mula sa format hanggang sa nilalaman at sa prosesong
pagdadaanan

 Uri ng Pananaliksik

1. Batay sa Pakay: Pag-usisa vs Pakinabang


1. Pangunahing Pananaliksik (Basic Research) - umiikot ito sa mausisang
pagtatanong ng mga mananaliksik tungkol sa isang posibleng
ideya;phenomenon na mahirap ipaliwang; suliraning nararanasan sa lipunan,
pagkatao at kalikasan; at iba pang maaaring masagot o di kaya’y
mauunawaan lamang kapag natapos na ang pananaliksik
2. Praktikal na pananaliksik (Applied research) – umiikot ito sa hangaring
matugunan at masolusyunan ang isang praktikal na suliranin sa lipunan
- isinasagawa ito dahil sa direkta nitong kapakinabangan

2. Batay sa Proseso
1. Descriptive – pananaliksik na nakatutok sa pagpapakita ng pangyayari o
nangyari; kung paano, kailan at bakit nagsimula
- inilalarawan nito nang buo ang kuwento, diskurso o phenomenon ayon sa
pananaw at karanasan ng impormante o kalahok sa pananaliksik

2. Exploratory- nagtatangkang usisain ang nangyayaring phenomenon


- kasalukuyan ang lulan at panahon ng pananaliksik na ito

3. Explanatory- layunin ng pananaliksik na ito na ipaliwanag ang sanhi at


bunga o mga varyabol na sangkot sa pagsusuri ng phenomenon

Fil202 Page 5 of 7
4. Experimental- ginagamit ng mga siyentista upang kontrolin o
manipulahin ang isa o maraming varyabol at maipaliwanag ang kahihinatnan,
sanhi-bunga, o phenomenon batay sa mga salik o varyabol na nakalatag sa
disenyo ng pananaliksik

5. Evaluative- ginagawa upang matukoy kung ang isang pananaliksik,


proyekto, programa, o polisiya ay naging epektibo o matagumpay sa
pagsasakatuparan nito
- tinatawag din itong impact study lalo na kung ang pananaliksik ay may
direktang pakinabang sa mamamayan
- nakasalalay sa resulta ng ganitong pananaliksik kung itutuloy pa o hindi ang
isang proyekto o programa

3. Batay sa Saklaw na mga Larangan

1. Disiplinari- nakatuon ito sa isang larangan batay sa espesyalisasyon ng


mananaliksik
2. Multidisiplinari- higit sa isang mananaliksik ang kabilang sa
pananaliksik, at ang mga mananaliksik ay mula sa magkakaibang larangan
at nakatuon para pag-aralan ang isang paksa
3. Interdisiplinari- kayarian ng pananaliksik kung ang isang mananaliksik
ay may background sa dalawa o higit pang larangan
4. Transdisiplinari- ganito ang pananaliksik kapag tatahakin o pag-aaralan
ng mananaliksik ang paksa na kasbilang sa larangang hindi niya gamay o
espesyalisasyon
- sabay niyang tutuklasin ang larangan at ang kanyang paksang pinag-aralan

 Etikal na Pamantayan sa Pananaliksik

1. Kabatiran at Pagsang-ayon – Ang pagsasabi ng matapat at pagsasagawa ng


pananaliksik na bukas ang loob ay tanda ng isang propesyunal at etikal na mananaliksik.
Alamin lagi ang pagsang-ayon ng kalahok o participant sa lahat ng partisipasyon na
kanilang gagawin.

2. Proteksyon ng Partisipant – nararapat na isipin lagi ang kalagayan at kondisyon ng


mga participant

3. Praybasi at Konfidensyaliti- humingi ng permiso at panatilihing konfidensyal ang


mahahalagang impormasyong nakalap

4. Kasanayan at Kaalaman ng Mananaliksik at kanyang Katuwang- Hindi lamang


relasyon ng mga datos ang mahalaga sa pananaliksik. Kasing timbang o mas higit pa ang
relasyon ng mga taong may kinalaman sa pananaliksik. Litaw na litaw ang kahalagahan
ng ugnayan ng mananaliksik at participant subalit mahalaga ring malaman ang ugnayan
ng mananaliksik at ng kanyang katuwang.

5. Pulitikal na Isyu- Ang produksyon ng kaalaman ay isang pulitikal na gawain.

Fil202 Page 6 of 7
6. Panlipunang Pakinabang- nagiging produktibo ang pananaliksik kung may
implikasyon ito sa pagbuo ng polisiya at batas na gagabay sa panlipunang administrasyon

7. Pladyarismo- Ito ay dapat iwasan sapagkat ito ay hindi etikal dahil ito ay tuwirang
pagnanakaw sa intelektwal na pag-aari ng iba na nakalimbag, nilikha, o ginawa.

8. Disemenasyon at Publikasyon- nararapat na mailimbag ang pananaliksik upang


maikalat o mapalaganap ang bagong kaalaman sa akademya at lipunan

Sanggunian

 Nuncio, Elizabeth M., et al. 2013. Makabuluhang Filipino sa Iba’t-Ibang


Pagkakataon: Batayang Aklat sa Pagbasa, Pagsulat at Pananaliksik sa
Antas Pangkolehiyo . Quezon City: C&E Publishing, Inc., pp 251-355

 Galang, Teresita T., et al. 2011. Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik.


Sampaloc, Maynila: Rex Book Store, Inc., pp 155-197

Fil202 Page 7 of 7

You might also like