You are on page 1of 1

Pangalan: _________________________ Petsa:____________

Seksyon: ___________ Iskor:_____________

I. Panuto: Basahing Mabuti ang mga tanong o pangungusap sa bawat bilang. Isulat ang titik ng
pinakaangkop na sagot.

1. Ang ___________ ay bunga ng paulit-ulit na pagsasagawa ng isang kilos.


A. habit o gawi B. birtud C. pagpapahalaga D. pagpapakatao
2. Ang mga sumusunod ay mga paglalarawan sa birtud maliban sa isa.
A. Ang birtud ay laging nakaugnay sa pagiisipat kilosng tao.
B. Ang salitang birtud ay galing sa salitang Latin na virtus o vir
C. Ang birtud ay natural lamang na taglay ng lahat ng nilikha ng Diyos
D. Ang birtud ay nararapat lamang para sa tao
3. Ito ay obheto ng ating intensyonal na damdamin.
A. Pagpapahalaga B. Birtud C. Gawi o Habit D. Pagpapakatao
4. Ang mga sumusunod ay katangian ng pagpapahalaga maliban sa isa:
A. Immutable at objective- hindi nagbabago ang mga pagpapahalaga.
B. Sumasaibayo(transcends) sa isa o maraming indibidwal
C. Nagbibigay ng direksyon sa buhay ng tao
D. Ganap na Pagpapahalagang Moral (Absolute Moral Values)
5. Sa paanong paraan nagkaugnay ang pagpapahalaga at birtud?
A. Ang birtud, ay ang mabuting kilos na ginagawa ng tao upang isakatuparan ang pinahahalagahan
B. Magkauganay ang pagpapahalaga at birtud dahil pareho lamang Mabuti ang ginagawa sa tao
C. Nagiging mahalaga ang bagay depende sa birtud na nagamit
D. Nagiging mahalaga ang buhay dahil sa birtud

II. Panuto: Isulat ang titik T kung ang pahayag ay tama at M kung ang pahayag ay di wasto.

____6. Ang birtud ay taglay na ng tao sa kanyang kapanganakan.


____7. Ang birtud ay hindi lamang kinagawiang kilos kundi kilos na pinagpasyahang gawin ayon sa
tamang katwiran.
____8. Sinasabi ni Scheler na ang pagpapahalaga ang nagbibigay ng kabuluhan o kalidad sa buhay ng
tao.
____9. Kung ang pagpapahalaga ang layunin o tunguhin ng tao, ang kalayaan ang daan upang
makamit ito.
____10. Ang Intelektwal na Birtud ay may kinalaman sa pag-uugali ng tao, mga gawi na nagpapabuti sa
tao.

III. Panuto: Matapos mong mabasa ang texto sa Suriin, hanapin mo at pag-ugnayin ang mga
kaisipan sa kolum A at B, batay sa iyong natutunan. Isulat ang titik sa sagutang papel.

1. Ito ay bunga ng paulit-ulit na pagsasagawa ng isang kilos


2. May kinalaman ito sa pag-uugali ng tao, mga gawi na nagpapabuti sa tao.
3. may kinalaman sa sa isip ng tao na tinatawag ding gawi ng kaalaman
4. Nangangahulugan ng pagiging tao, pagiging matatag at pagiging malakas
5. Ito ang obheto ng ating intensyonal na damdamin
6. Nagbibigay ito ng kabuluhan o kalidad sa buhay ng tao
7. Ito ang pangkalahatang katotohanan (universal truth) na tinatanggap ng tao bilang mabuti at
mahalaga.
8. Ito ay maaring pansariling pananaw ng tao o kolektibong paniniwala ng isang pangkat kultural.
9. immutable o objective
10. nagbibigay direksyon sa buhay ng tao

A. Birtud F. Moral na birtud


B. Pagpapahalaga G. Ganap na Pagpapahalagang Moral (Absolute Moral Values)
C. Katangian ng pagpapahalaga H. Pagpapahalagang Kultural na Panggawi (cultural behaviors)
D. Habit o Gawi I. pagpapasya
E. Intelektwal na birtud

You might also like