You are on page 1of 2

Voiceover: Magandang Gabi, Montessorians!

Ito ang mga nagbabagang balita na


hinding hindi ka lolokohin!
Mga paslit na edad 2 pataas na biktima ng cybersex trafficking, nasagip! Mga
suspek sa nasabing pangbubugaw, arestado!
Maria Ressa at ang dating manunulat ng Rappler na si Rey Santos Jr.,
napatunayang may sala sa kasong cyber libel.

CYBERSEX TRAFFICKING
Anchor: Ang isang computer na inaakalang normal lamang ay naglalaman pala ng
humigit kumulang apat na libong malalaswang bidyo at litrato ng mga batang
ginamit umano sa Cybersex trafficking. Narito at panoorin natin ang ulat ni
*pangalan ng unang reporter*
Reporter: Tama iyan ano, humigit kulang siyam na bata ang ligtas na nasagip mula
sa 3 bahay na kinaroroonan nila, dito umano ginagawa ang mga malisyosong
gawain na pagbebenta ng kanilang mga litrato o di kaya naman pag vivideo
broadcast ng kanilang katawan para sa mga customer mula sa labing siyam na
bansa sa apat na kontinente kabilang na ang United Kingdom, United States at
Canada. Nang kalaunan ay sinimulan na ng mga kapulisan ang paghahanap at pag
iimbestiga sa mga taong sangkot sa nasabing Cybersex trafficking. Isang Pilipinang
suspek umano ang itinuturo ng isang customer niya na mula sa USA na nagsesend
sakanya at sa iba pang customer ng mga malalaswang litrato ng mga bata at
syempre ay pinabayaran niya ito. Ang naturang babae ay nakapagtago tangay ang
isa sa mga batang nasa litrato at nasasabing ang batang kanyang dala ay ang
kanyang sariling kapatid.
Anchor 2: Salamat *pangalan ng repoter 1*. Kakarating lamang po ng balita,
dalawa sa katulong ng babaeng itinuro ng isa sa mga customer ay kinasuhan ng
child abuse at qualified trafficking, paparusahan sila ng pang habang buhay na
pagkakakulong kung saan hindi sila makakapag pyansa.
CYBER LIBEL
Anchor 1: Dumako naman tayo sa pangalawang balita sa gabing ito. Ang
tagapagtatag ng news website na Rappler na si Maria Ressa at ang dating
tagapagsulat ng nasabing website na si Rey Santos Jr. napatunayang nagkasala sa
kasong Cyber Libel.
Anchor 2: Ito ay matapos i-repost ang artikulo ng Rappler na tungkol sa isang
negosyante at ang koneksyon nito kay Renato Corona at sa drugs at human
trafficking. Ito at pakinggan natin ang buong ulat ni *pangalan ng repoter* ukol sa
isyu na ito.
Reporter: Taong 2012 ng maisapubliko ang artikulong nagdawit sa pangalan ng
isang negosyanteng nag ngangalang Wilfredo Keng. Ang nasabing artikulo ay
naisapubliko ilang buwan bago nailathala ang bagong cybercrime law. Ngunit, 2
taon pagkatapos maisapubliko ang nasabing artikulo, inilathala ulit ito ng Rappler
sa kanilang website sa kadahilanang may mga parte ang artikulo na kailangan ng i-
edit. 2014 ng sila’y may binago rito at pasok na ito sa sinasabing cybercrime law
dahil 2 taon ng nananayagtag ang cybercrime law ng mga oras na iyon. Kaya’t
nagsampa ng kaso si Keng laban kay Ressa at Santos at nag bigay din ito ng
ebidensya ukol sa umanong paninirang puri ng kumpanya sakanya. Na kalaunan
ay napatunayang totoo at may sala nga sina Ressa at Santos dahil bago isapubliko
ang artikulo ay hindi hiningan ng permisyon o kinumpirma ng Rappler ang
negosyante ukol sa impormasyong kanilang nakalap. Ayon naman sa Rappler ay
minultahan si Ressa at Santos ng tig dalawang daang libong piso para sa moral
damages at isa pang dalawang daang libong piso para sa exemplary damages.
Napatunayan ding walang legal liability ang website na Rappler. Sina Ressa at
Santos ay maaring makulong ng anim na buwan hanggang anim na taon at ito ay
ayon sa batas ng Anti cybercrime law. Ako po si *pangalan ng repoter*
nagbabalita at hindi manloloko.

You might also like