You are on page 1of 9

SINTAHANG ROMEO AT JULIETA

GRADE 10 – EINSTEIN

Nagsimula ang kwento sa Italya sa Verona, na may dalawang magkatunggaling pamilya.


Ang Pamilya Montague at Pamilya Capulet

PANG-UNA
(Ang mga montagues at capulets ay nagsisigawan sa isa’t-isa)
Montague : Kami ang mga Montague ang pinakamalakas at mga makapangyarihan
Mga Montagues : Oo nga!!!!
Capulet : hindi nagkakamali kayo! Kami ang pinakamalakas at makapangyarihan at wala nang iba ang mas
makahihigit pa sa amin
Mga Capulets :oo nga!!!!
*backdrop*
Tagapagsalaysay: lumipas ang mga taon na walang mabuting ugnayan ang pamilyang montague at
capulet. Ang pamilyang montague ay nagkaroon ng anak na lalaki na si Romeo, samantalang
sa pamilyang capulet ay si Juliet. Lumaki silang dalawa na puno ng pagmamahal at pag-aaruga mula
sa kanilang mga magulang.
*scenario of Romeo and Juliet being minamahal ng kanilang magulang*
*backdrop*
Si Romeo ay labis na naantig sa munting kagandahan ng isang magandang dalaga sa Verona na nagngangalang
Rosaline. At dahil doon ay may nabuong pag-iibigan sa kanilang dalawa na nagresulta sa matagal nilang
pagsasama. Ngunit sa kasamaang palad, maraming pagsubok ang dumating sa kanilang dalawa na humantong
sa hindi nila pagkakaintindihan at sa huli ay nagging rason upang mawasak ang kanilang matatag na pag-
iibigan.
Romeo: Rosaline, sinta, pakinggan mo naman ang aking paliwanag.
Rosaline: Huwag ka nang magpaliwanag pa, Romeo. Buo na ang aking desisyon.
Romeo: Hayaan mo akong magpaliwanag, sinta. Makinig ka naman sa akin, huwag kang magpadalos-
dalos ng desisyon sapagkat labis akong nasasaktan.
Rosaline: Hindi mo ba naisip ang aking kapakanan? Anong akala mo sakin, hindi ako nasasaktan?
Romeo: Rosaline, labis kitang minahal. Ano pa ba ang kulang roon?
Rosaline: Marami! Marami kang naging pagkukulang, Romeo. Kung gayon ay ayoko na. Itigil na natin ito
sapagkat ako ay pagod na pagod na. Hindi ko na kaya ang lahat ng paghihirap na aking ginagawa para lamang
maipatuloy ang ating pagmamahalan.
Romeo: Isang pagkakataon pa, sinta. Gagawin ko ang lahat ng aking makakaya, manatili ka lamang
sakin.
Rosaline: Patawad, Romeo. Ayoko na, itigil na natin ‘to!

Labis na nasaktan si Romeo dahil sa paghihiwalay nila ng kaniyang kasintahan. Tuluyang nalugmok ang
mundo ni Romeo at nawalan ng interes sa pag-ibig. Sa pagnanais ng kanyang pinsang si Benvolio at kaibigang
Mercutio na maaliw ito, inaya nila si Romeo upang dumalo sa sayawan sa bahay ng mga Capulet. Mabilis
namang pumayag si Romeo nang malaman niyang dadalo ang dalagang si Rosaline.

UNANG TAGPO
Tagapagsalaysay: ngunit bago dumalo si Romeo sa kasiyahan sa pamamahay ng mga Capulet ay sya ay
natagpuang nag-iisa at kinakausap niya ang kaniyang sarili.
*backdrop*
Romeo: ano itong lungkot na aking nadarama? bakit ganito? nawa’y pakitaan ako ng babaeng labis na
marikit at mabuti sa panloob at panlabas na anyo, at hindi gandang pantawag lamang ng isip. Yung
aking mamahalin at makakasama ko sa panghabangbuhay.
Tagapagsalaysay: Habang nagmumuni muni rin si Juliet ay hindi nya mapigilang kausapin ang kaniyang sarili
*kabilang side*

Juliet: nako, ano ba ito! pag-aasawa’y isang karangalang hinding-hindi ko pinapangarap. Napakabata pa sa
gulang kong labing apat, banggit pa ni ina’y, mga dalaga dito ay nagiging ina na. Sino naman ‘yang si Paris?
maiibig ko kaya ang ginoo?

IKALAWANG TAGPO [Ikaw Lang by Nobita]


Tagapagsalaysay: at nagsimula na nga ang kasiyahan, sa nagaganapan na sayawan sa bahay ng mga capulet, at
doon ay nakita ni Romeo si Juliet, isang napakagandang dalaga na sa hindi niya pagkakaalam ay anak pala ng
kaaway ng kanilang angkan.
*sayaw-sayaw kuno ang mga Capulets*
Romeo: oh kay ganda ng binibini at ako’y labis na nabighani. Ako ay may nararamdaman ngunit hindi
ko ito maipaliwanag. Puso ko na ata’y mayroon ng minamahal?
*makikita ni Tybalt si Romeo at sisitahin niya ito*
Tybalt: aba’t bakit ka naparito? Ikaw na isang montague ay alipin ng aking angkan kung kaya ika’y nararapat
lamang na aking patayin!
Capulet: Oh, bakit aking pamangkin? anong nangyayari dito?
Tybalt: Tiyo, siya ay isang montague, ang lahing dapat lamang mamatay!!!
Capulet: Siya ba ang batang nag-ngangalang Romeo?
Tybalt: Siya nga ang aliping si Romeo!!
Capulet: Siya ay isang matapat na ginoo kaya ay pabayaan mo siya!
Tybalt: ano? Ngunit dapat lang siyang mamatay!!
Capulet: (sisigaw) Siya ay iyong pababayaan sino ba ang panginoon dito?
Tybalt: (titingin kay romeo) tskk!!!
Tagapagsalaysay: (lalabas si Tybalt at magtatagpo ang paningin nina romeo at Juliet)
Juliet: Ginoo, bakit mo ako tinititigan? may dumi ba ang aking mukha?
Romeo : ikaw ay nararapat lamang titigan dahil ang aking puso’y puno ng kasiyahan
Juliet : hah?
Romeo: maaari ko bang hawakan at hagkan ang iyong kamay, binibini?
(Akmang hahawakan ang kamay ni Juliet )
(Ngingiti si Juliet, pagkatapos ay tatawagin siya ng kanyang nars)

Juliet: kung gayon ay nasa aking kamay ang salang sa iyo ay nakuha

Romeo: salang buhat sa labi ko salang malambing ng iyong binanggit, ang sala ko’y muling ibalik

Tagapagsalaysay: akmang hahalikan ulit ni romeo si Juliet, pero sakanyang noo na.
(dumating na ang nars)
Juliet: parang pinag-aralan mo ang paghalik
Nars: senyorita, ikaw ay ipinapatawag ng iyong ina
Romeo: sino ang kaniyang ina? siya ba’y isang capulet?
Nars: aba iho! ang ina niya ang ginang nitong tahanan, at oo siya ay isang capulet
IKATLONG TAGPO
J uliet : Romeo huwag mong isipin ang ating pangalan sapagkat ikaw ang aking minamahal.
Romeo : Kung gayo’y simula ngayon hindi na ako si Romeo ng mga montague sapagkat ang pangalan
ko na ay santang mahal
Juliet: nga pala, paano ka naparito? at saan ka ba dumaan sapagkat mahaba ang mga pader dito?
Romeo :Nilundag ko ang pader sapagkat ako ay nagkaroon ng pakpak ng pagmamahal
Juliet :Kapag nalaman nila na nandito ka ika’y papatayin nila!
Romeo : Tamisan mo lang ang titig, ay ligtas na ako sa galit
Juliet :sino ang nagturo sa lugar na ito sa iyo?
Romeo :Ang pag-ibig natin ang nagturo sa akin papunta sa iyong puso
Juliet :Nais kung ipaalam sa iyo na hindi ako madaling mahuli
Romeo : alam ko pero ,sinusumpa ko sa buong mundo na malimit lamang akong magmahal ng totoo
ngunit ito ay buo.
Juliet : Paalam na aking mahal!
Romeo : iiwan mo ba akong di nasisiyahan?
Juliet : Anong kasiyahan ang nais mong makamtan ?
Romeo : Tayo ay maghabilin ng tapat na sumpang pag-ibig
Juliet: Ibinigay ko na sa iyo ang akin bago mo hiningi.

Romeo: Babawiin mo ba? Anong dahilan sa iyo’y muling ibigay?

Juliet: Tatapatin kita, upang sa iyoy muling ibigay. Ang kagandahang-loob ko ay kasing lawak ng dagat,
pag-ibig koy kasinlalim; habang binibigyan kita lalong marami ang natitira, kapwa sila walang hanggan.
Maging tapat ka Montague kong matamis. Maghintay ka, ako ay muling babalik.

Romeo: O, gabing lubhang pinagpala, ako’y nangangamba pagkat ngayong gabi’y baka ito ay
pangarap lamang,Masyadong mapanlito upang maging katotohanan

Juliet :Tatlong salita ang tandaan mo, mahal kong Romeo ” paalam ng tunay”. Kung marangal ang hangarin
ni’yong iyong pagmamahal, at hangad mo ay pakasal, pasabihan bukas ako. Subali’t kung hindi wagas ang
iyong hangarin, hinihiling ko sa iyo - Na ihinto ang iyong pagsuyo’t sa lungkot ako’y iwanan. Bukas ako’y
magpapasugo sa iyo.
Romeo : (nagtatampo ) Mabuhay nawa ang kaluluwa ko !
Juliet : (nagtatampo ) Adios, matamis na lungkot ng paghihiwalay ! hindi ako titigil sa pamamaalam hanggang
sa kinabukasan.
IKAAPAT NA TAGPO
Tagapagsalaysay: sa isang simbahan si romeo ay pumunta upang makahinging opinyon sa kanyang
pagmamahal kay Juliet. Matagumpay niyang nakuha ang kanyang kailangan, ngunit hindi pagkaka-alam ni
Romeo, na doon din pala pupunta si Juliet.
Padre : pagpalain ng langit itong banal na gawain upang pagkatapos ang pagsisisi’y huwag nating kamtin
Romeo : amen, ngunit padre ano mang lungkot ang darating hindi pa din ito madadaig sa kagalakan na
aking matatamo ng siya’y aking masilayan at balang araw na magiging akin.
Padre : tandaan mo Romeo, may mga bagay na hindi ka dapat magpadalos-dalos at mahirap itong intindihin
sapagkat hindi mo pa ito naranasan. Ang marahas na ligaya ay may marahas din na hangganan
Juliet : magandang gabi po sa mabunting kompesor ko
Padre : para sa aming dalawa, si romeo ang pasasalamat sa iyo.
Juliet: ganon din ako sa kanya. Ang pasasalamat niya ay magiging kalabisan
Romeo: oh Juliet, ibibigay ko sayo lahat ng ikaw ay aking mapaligaya
Juliet: Masaya akong marinig iyan. Nasisiguro akong tapat ang ating pag-iibigan at mas higit pa ito kaysa sa
kayamanan
Padre: Madali nating tatapusin na, pagkat di kayo nararapat bayaang nag-iisa.

IKALIMANG TAGPO
tagapagsalaysay: pagkatapos no’ng araw ng kasalan, kasama ni romeo si mercutio at benvolio, dumaan
si tybalt at nakita si romeo kaya sya bumalik
Tybalt:ikaw na naman buhong romeo ngayon na nagkita tayong muli ay papatayin na kita!!!
Romeo: wala akong masamang intensiyon, dapat tayo’y magkakaunawaan at ayaw ko ng away
Tybalt: kahit kailan ay hindi tayo magkakauunawaan, lumaban ka
Mercutio: aba! kung ayaw lumaban ni Romeo, ako ang lalaban sa iyo
(naglabanan)
(nasaksak ni tybalt si mercutio)
Romeo: mercutio!!!
(kay tybalt tumingin) kahit kailan ay isa kang halimaw, dapat ka ring’ mamatay
(sumugod si romeo at napatay niya si tybalt)
Romeo: paano ko yon nagawa?
(at saka tumakbo)

tagapagsalaysay: matapos ang madugong pangyayari, dumating ang mga capulet, mga montague at ang
prinsipe.

Capulet: isang mamamatay tao ang inyong angkan!


Montague: hindi mamamatay tao ang aming anak at kung nagawa man niya ito ay hindi niya ito sinasadya
Prinsipe: tama na! Ano ba ang puno’t dulo kung bakit si tybalt ay namatay?

Benvolio: mahal kong prinsipe, hayaan niyo po ako’y magpapaliwanag. Kami nina romeo at mercutio ang
magkakasama, naghahamon ng away si Tybalt ngunit ayaw ni romeo kaya si mercutio ang lumaban
at napaslang ito ni Tybalt. Dahil sa galit ni romeo kinuha niya ang espada at napaslang niya si tybalt at saka
tumakbo si Romeo, yun ang tunay na nangyayari
Prinsipe: At dahil sa kasalanang iyan. Siya’y aking ipatatapong biglaan. Palayasin agad si Romeo, Katapusan
niyang araw pag nahuli rito. Iligpit ang bangkay at ang utos ko ay sundin. Ang awa’y nakamamatay sa
paglingap sa salarin.
Tagapagsalaysay: matapos ang pagpupulong na naganap, pumunta si romeo kay Juliet upang ipagbigay alam
ang kanyang pag-alis.
Romeo: oh aking Juliet, tayo ay hindi muna magkikita at ako’y aalis muna, pero pangako ko sayo’y
ako’y babalik
Juliet: hanggang kailan ka magtatagal doon? hindi ako mabubuhay ng wala ka.
Romeo: napakahirap pero dapat natin itong gawin, lagi mong tatandaan na ikaw lamang ang aking
minamahal
Juliet: oh romeo!
(nagyayakapan)
IKAANIM NA TAGPO

Tagapagsalaysay: ilang araw na ang lumipas, ngunit naghihintay pa rin si Juliet sa pagbabalik ni Romeo.
Lagi niya itong iniisip, ng biglang dumating ang nars at siya’y napahinto

Nars: senyorita, kayo po ay ipinapatawag ng iyong mga magulang


Juliet: susunod ako
(paghaharap ng magulang ni Juliet)

Mr. Capulet: anak, nararamdaman ko ang iyong labis na kalungkutan dahil sa pagkamatay ng iyong pinsan.
Upang ika’y aming mapaligaya at makakalimutan mo ang nakababagot na mga pangyayari ay ika’y aming
ipapakasal
Juliet: Ano?! Ako’y ikakasal sa hindi ko naman mahal!
Mrs. Capulet: pero matutunan mo naman siyang mahalin, sana naman anak maiintindihan mo
Juliet: ayoko - ayokong magpakasal
Mr. Capulet: sa ayaw at sa gusto mo, ika’y magpapakasal! Naiintindihan mo!
Juliet: (umiiyak) hindi niyo ako mahal
( sinampal ni Mr. Capulet saka tumakbo si Juliet papasok sa kanyang silid)

IKAPITONG TAGPO

tagapagsalaysay: matapos ang walang tigil na pag-iyak ni Juliet, napagdesisyonan niyang umalis ng mansion
dulot ng labis na pighating nararamdaman, at siya’y pumunta sa simbahan upang maikumpisal niya ang mga
pangyayaring hindi katanggap – tanggap sa kanyang sarili.

Padre: ah, Juliet, batid ko na ang iyong hinagpis; Ako’y nababahalang labis na abot nitong pag-iisip. Narinig
kong kailangan at hindi mapipigilang, sa huwebes na darating ang Konde ay iyong pakasalan.
Juliet : Padre, gusto ko pong malaman kung dapat po ba niyo akong tulungan na itigil ang kasalang ito

Padre :Pumayag kasa gusto nila, ngunit bukas ng gabi ay mahiga ka at inumin mo itong garapong ito. Ikaw ay
aantukin at makakatulog na walang tibok ng pulso. Mamalagi kang ganyan sa loob ng apat na pu’t dalawang
oras.
Juliet :Gagawin ko po padre. Maraming salamat

IKAWA LON G TAGPO

tagapagsaalaysay: nung gabi ngang iyon ay ginawa ni Juliet ang ipinag-utos sa kanya ng padre. Ininom nya
ang likidong nasa loob ng garapon at siya nga ay nakatulog ng mahimbing. Kinabukasan, pumasok ang nars
sa loob ng silid ni Juliet
Nars: binibini..? nako ika’y nakabihis na ng magara ngunit nakahiga ka parin. Binibini..? Binibini..?
(hinawakan) tulong! tulong! Ang binibini’y wala ng buhay!!

(dumating si mr at mrs capulet)

Mrs Capulet: ang anak ko (umiiyak)


Mr Capulet: (umiiyak)

I KASIYAM NA TAGPO

tagapagsalaysay: ang pagkamatay ni Juliet, ay mabilis na kumalat. Ito’y naging usap-usapan sa buong nayon.
Nalaman ito ni Baltazar at agad-agad umalis. Dumating si Baltazar mula sa verona, dala ang masamang
balita.

Romeo: sulat ito galing sa verona, wala ka bang dalang sulat buhat sa padre? kamusta ang aking ina’t
ama? Ang muli kong itatanong, kumusta ba ang aking Juliet? Walang magiging masama kung mabuti
ang kalagayan niya
Baltazar: mabuti naman ang iyong mga mga magulang ngunit… patay na si Juliet nakita ko siyang inilibing sa
tumba ni capel
Romeo: Ano?! Teka! ako’y aalis ngayon din, dala-dalang sulat na pinapadala ang padre?
Baltazar: wala po mabuting panginoon
Romeo: ano ang dapat kong gawin?! Teka, pupunta muna ako ng butikaryo

Tagapagsalaysay: si Romeo nga ay umalis, dala ng lungkot siya ay nagmamadali sapagkat malayo-layo rin
ang kanyang lalakbayin patungo sa butikaryo.

Romeo: tao po!


Butikaryo: sino ba yang tumatawag ng kaylakas?!
Romeo: bigyan mo ako ng lason na agad nakakamatay, heto ang apat na pung dukado
Butikaryo: mayroon akong lason ngunit parusa ng batas sa mantua’y kamatayan sa magbili na pangahas
Romeo: ang mundo’t batas ay hindi mo kaibigan, tanggapin mo iyan at huwag mamalagi sa hirap.

Butikaryo: ilahok mo ito sa kahit anong tunaw at inumin. At kung ang lakas mo’y katimbang ng sa
dalawampung katao, ay bigla kang mamamatay.
Romeo: Aalis na po ako, maraming salamat

IKASAMPUNG TAGPO
Tagapagsalaysay: umalis si Romeo na dala-dala ang lasong kanyang binili at agad naghanda upang pumunta
sa kinaroroonan ni Juliet. sa kabilang dako naman dumating si juan na siyang inutusan ng padre na dalhan ng
sulat si Romeo, upang ipagbigay alam na ang pagkamatay ni Juliet ay hiram lamang. Kinausap niya ang
padre sa loob ng simbahan
Juan: Banal na padreng Pransiskano, kapatid ko! Samantalang humahanap ng kasama, Pinakuan ang pintuan
at di kami pinalabas. Kaya’t ang bilis ng pagtungo ko sa Mantua ay napigil agad.
Padre: sino ang nagdala ng sulat ko kay Romeo?
Juan: Wala akong mapagdala – narito nang muli –

Padre: nako! malungkot na kapalaran. Mayroon pa naman itong nilalaman namahahalagang bagay.

IKALABING ISANG TAGPO


tagapagsalaysay: sa hindi inaasahang pangyayari, nabahala ang padre sa kanyang nagawa, siya’y nagamba
at iniisip kung papano malulutas ang paparating na panganib. Habang si Romeo naman ay naghahanda para
sa panganib na kanyang kakaharapin kapag siya ay nakabalik muli sa verona. Matapos ang paglalakbay
nakarating na si romeo sa libingan ng kanyang pinakamamahal na si Juliet.
Romeo : asawa ko ! bakit sa iyo mangyayari ang masamang kapalarang ito ? Kung gayon ako ay
pupunta sa iyong piling at tayo ay magsasama habang buhay, sa pamamagitan ng lasong ito na aking
binili sa isang butikaryo. Hintayin mo ako mahal ko.
(hinalikan ang noo ni Juliet saka uminom ng lason)
Romeo : paalam buhay na malupit! O tapat na butikaryo! Mabisa ang lason. Matapos ang isang halik,
mamamatay ako.

Tagapagsalaysay: Pagkalipas ng itinakdang oras ay muling nagising mula sa hiram na kamatayang sinapit ni
Juliet, at sa kanyangharapan nakita niya ang bangkay ni Romeo
Juliet : Ano ito? Lason, nakita ko, ang sanhi ng kaniyang pagkamatay. O, inubos niya at walang nalabi kahit
kapatak man lamang upang tumulong sa akin? Oh, mabuting balaraw! Ang puso ko ang bayaan mo; tumimo ka
riya’t bayaang ako’y mamatay

(Sasaksakin ni Juliet ang kaniyang sarili.)

You might also like