You are on page 1of 38

ANG SOSYOLIN

AH GGU
AY IS
K TIK
KA

Sittee De Guzman, Edison Calunod, and Neil Salazar


GROUP2
Kakayahang Sosyolingguwistik
Nag-iiba ang paggamit ng wika ng isang indibidwal depende sa taong
kanyang kausap. Minsan iniaayon din niya ito sa lugar kung saan siya naroon
at kaniya ring kinokonsidera and paksa ng usapin na tinatalakay.

Canale at Swain (1983) - ipinakilala nila ang konseptong kakayahang


sosyolingguwistiko. At ipinaliwanag din ni Savignon sa Communicate Competence
Theory and Classroom Practice: Text and Context in Second Language Learning
(1997) sa kanyang mas malalimang pagtingin dito sa konteksto ng pagtuturo ng wika.
Ano nga ba ang kakayahang Sosyolingguwistik?

Sa pagpapaliwanag ni Savignon (1997), sinabi niyang ang kakayahang


sosyolingguwiastik ay isang kakayahan ng gumagamit ng wika na nangangailangan
ng pag-unawa sa konsepto ng lipunan kung saan niya ito ginagamit.
Sinabi rin niyang sa sapat lamang na kaalaman ang mga bagay na ito masasabing
angkop ang isang pahayag.
Mga Konsiderasyon sa Mabisang Komunikasyon
Ayon sa mga pag-aaral, ang isang katutubong mananalita ay maalam sa mga
pamantayang hinihingi ng kanyang komunidad sa paggamit ng sariling wika,
subalit ang isang banyaga o di-taal na mananalita nito ay maaaring
mahirapan sa kahingian ng kaangkupan sa paggamit ng naturang wika. Dahil
dito, mahalaga ang pag-alam sa mga sosyokultural na pamantayan ng
kaangkupan na ididikta ng lipunang nagsasalita ng wikang ito. Upang
mabigyang-pagkakataon ang isang indibiduwal na mapataas ang antas ng
kanyang kakayahang sosyolingguwistik, lalo na sa paggamit ng ikalawa o
banyagang wika, mahalagang malinaw sa kanya ang mga mahahalagang
Paktor ng linggwistikong interaksyon na ipinakilala ng sosyolingguwistang si
Dell Hymes noong 1974. Ginamit niya ang akronim na SPEAKING upang
ilarawan ang mga komunikasyong ito.
SPEAKING
Setting - Saan ang pook ng pag-uusap o ugnayan ng mga tao?
Participants - Sino-sino ang mga kalahok sa pag-uusap pakikipagtalastasan?
Ends - Ano ang pakay o layunin ng pag-uusap na ito?
Act Sequence - Paano ang takbo ng usapan?
Keys - Ano ang tono ng pag-uusap? Pormal ba o di pormal?
Instrumentalities - Anong tsanel ang ginagamit? Pasalita ba o pasulat?
Norms - Ano ang paksa ng usapan? Ano ang umiiral na panuntunan sa pagtalakay sa
nasabing paksa?
Genre - Ano ang diskursong ginagamit? Nagsasalaysay ba, nangangatuwiran, o
nakikipagtalo? Ano ang espesipikong sitwasyong ginamit?
Mahalaga, na pag-ibayuhin ang kakayahang unawain ang mga ekspektasyon
sa lipunan at kung kailan ang akmang panahon ng pagpapahayag.Umaayon
ito sa pahayag nina Jocson, et al. (2014) na upang mas maging epektibo
sa pakikipag-ugnayan sa lipunang ginagalawan, dapat na:

1. Pahalagahan ang lugar ng usapan, igalang ang kausap, maging konsistent


sa paksang pinag-uusapan, isaalang-alang ang genre ng usapan gayon din
ang layunin ng pag-uusap, at higit sa lahat, pasalita man o pasulat ang
komunikasyon, linawing mabuti ang mga mensaheng pinag-uusapan; at

2. Kapag ang mabisang konsiderasyong ito na ipinahayag ay masusunod at


magagawa ng isang indbiduwal, hindi magiging mahirap ang ganap na pag-
unawa. Buong-layang magkakaroon ng palitan ng mga kaalaman,
komprehensibong impormasyon tungkol sa mga kaganapan sa paligid, at
paggalang sa damdamin ng kausap.
KAKAYAHANG PRAGMATIK
KAKAYAHANG PRAGMATIK
Isa pang mahalagang kakayahang dapat taglayin ng isang indibiduwal para sa
mabisang komunikasyon ay ang kakayahang pragmatiko. Tumutukoy ang
kakayahang ito sa abilidad niyang ipabatid mensahe nang may sensibilidad sa
kontekstong sosyo-kultural din sa abilidad niyang mabigyang-kahulugan ang
mga mensaheng nagmumula sa iba pang kasangkot sa komunikatibong
sitwasyon (Fraser, 2010).
Speech Act Theory
Hindi lamang nakatuon sa kontekstong gramatikal ang pragmatika kundi sa mga
mas malalalim at tagong kahulugan ng mga salita at mga pagganap sa
sitwasyong komunikatibo, maiuugnay kung gayon dito ang teorya ng speech act.
Ang naturang konsepto ay pinasimulan ng pilosopong si John Austin (1962) at
ipinagpatuloy nina Searle (1969) at Grice (1975). Pinaniniwalaan ng teoryang
ito na nagagamit ang wika sa pagganap sa mga kilos at kung paanong ang
kahulugan at kilos ay maiuugnay sa wika (Clark, 2007), Sa pagpapaliwanag ni
Yule (1996 & 2003) ang mga speech act na ito ay mga kilos na ginanap sa
pamamagitan ng mga pagpapahayag. Kabilang sa mga ito ang paghingi ng
paumanhin, pagrereklamo, papuri, paanyaya, pangako, o pakiusap.
Speech Act Theory

Halimbawa:
Sa pahayag ng isang amo sa kanyang empleyado na “Magpaalam ka
na sa iyong mga kasama”.
Speech Act Theory

Samantala, tinawag ni Austin (sa Clark 2007) ang berbal na


komunikasyon bilang speech act at tinukoy niyang sa bawat speech
act, may tatlong magkakaibang akto na nagaganap nang sabay-
sabay. Ang mga ito ay tinawag niyang locutionary act,
perlocutionary act, at illocutionary act.
Speech Act Theory
Sa pagpapaliwanag ni Yule (1996) sa kanyang aklat na Pragmatics,
inilahad niya na:

1. Ang locutionary act ay ang batayang akto ng pahayag o ang


paggawa ng isang makabuluhan na linggwistikong pahayag.

2. Ang illocutionary act ay tumutukoy sa intensyon at gamit ng


pahayag. Ang paggawa ng mga lingguwistikong pahayag ay hindi
lamang ginawa nang walang dahilan. May nasasaisip na tiyak na
paggagamitan sa mga ito.

3. Ang perlocutionary act naman ay tumutukoy sa epekto ng


mismong pahayag.
Cooperative Principle
Upang mapagtagumpayan ang mga ganitong hamon sa komunikasyon,
isa pang paraan ang makatutulong para sa ikalulutas ng mga hamong
ito- ang pagsasanay sa prinsipyo ng kooperasyon o mas kilala bilang
cooperative principle (Grice, 1975). Ayon sa prinsipyong ito, ang mga
kasangkot sa komunikasyon ay inaasahang makikiisa para sa isang
makabuluhang pag-uugnayan. Naglahad si Grice (1975; nasa Clark,
2007) ng apat na prinsipyo na magagamit bilang gabay sa
pakikisangkot sa mga interaksyong interpersonal. Tinawag niyang
maxims of conversation ang mga ito.
Cooperative Principle
1.) Ang prinsipyo ng kantidad ay naiuugnay sa dami ing impormasyong
kailangang ibigay.
a. Ibigay ang inaasahang dami ng impormasyong mula sa iyo.
b. Huwag lalampas sa impormasyong inaasahan mula sa iyo.
2.) Ang prinsipyo ng kalidad ay naiuugnay sa katotohanan ng
ibinibigay na impormasyon.
a. Huwag sabihin ang pinaniniwalaan mong hindi totoo.
b. Huwag mong banggitin ang mga bagay na wala kang sapat na
katibayan.
Cooperative Principle
3. Ang prinsipyo ng relasyon ay naiuugnay sa halaga ng ibinibigay na
impormasyon.

a. Panatilihing mahalaga ang mga ibinibigay na impormasyon.

4. Ang prinsipyong pamaraan ay naiuugnay sa paraan ng pagbibigay


sa impormasyon.

a. Iwasan ang pagbibigay ng mga pahayag na mahirap maunawaan


b. Iwasan ang pagbibigay ng malalabong ideya.
c. Gawing maiksi at huwag magpaligoy.
d. Ayusin ang pagpapahayag
Komunikasyong Di-Berbal
Komunikasyong Di-Berbal
Ito ang mga senyas na hindi gumagamit ng salita subalit mas
nakapagpapalinaw sa kahulugan ng mga pahayag. Tinatayang 70% ng
mga pakikipagtalastasang interpersonal ay binubuo ng mg di-berbal
na simbolo. Ang mga di-berbal na senyas ay kinabibilangan ng mga
sumusunod:

1. Chronemics - Mahalaga ang oras. Ang pagaaral na kinalaman ang


oras sa komunikasyon.
2. Proxemics - Maaaring may kahulugan din ang espasyong inilalagay
natin sa pagitan ng ating sarili at ng ibang tao.
Klasipikasyon ng Distansyang Interhuman..

a. Public Distance (12ft or more)


b. Social Distance (4 - 12ft)
c. Personal Distance (1 1/2 - 4ft)
d. Intimate Distance ( up to 1 - 1/2ft)
Klasipikasyon ng Distansyang Interhuman..

Nakapaloob din sa kategoryang ito ang pisikal na kaayusan ng mga


bagay - bagay sa isang lugar. Maaring maging pormal o impormal ang
isang okasyon bunga ng pagkakasaayos ng mga kagamitan tulad ng
silya at mesa.
3. Kinesics - ang tawag sa makaagham na pag-aaral ng galaw o kilos at
ekspresyon ng katawan. Tinatawag ito sa Ingles na Body Language.

Tatlong Kumpas ng Kamay ( di- berbal)


1.Regulative - pagpapahinto ng mga sasakyan sa daan o kumpas ng isang
guro sa pagpapatahimik ng mga bata.

2. Descriptive - Kumpas na maaring maglarawan ng laki, haba, layo, taas


at hugis ng isang bagay.

3. Emphatic - Nagpapahiwatig ng damdamin tulad ng paghampas ng


kamay sa mesa, sabay na pagtaas ng dalawang kamay, pagkuyom ng mga
palad at pakikipagkamay ay tinatawag na mga kumpas na emphatic.
4. Haptics - Ito ay tumutukoy sa paggamit ng sense of touch sa
pagpapahatid ng mensahe. Ang mga sumusunod at tukuyin ang
posibleng kahulugan ng bawat isa: hawak, pindot, hablot, pisil, tapik,
batok, haplos at hipo.
5. Iconics - Ito ay kinabibilangan ng mga bagay, simbolo at larawan
na may kahulugan sa sinumang tumitingin at umuunawa.
6. Colorics - Ang kulay ay maari ring pampahiwatig ng damdamin o
oryentasyon.
7. Paralanguage - Tumutukoy sa paraan ng pagbigkas sa isang salita.
Pagbibigay-diin sa mga salita,bilis ng pagbigkas,paghinto ng
pangungusap.
8. Oculesics - Tukutukoy sa paggamit ng mata sa paghahatid ng
mensahe.
9. Objectics - Paggamit ng mga bagay sa paghahatid ng mensahe.
Halimbawa : bulaklak, chocolate, sinturon at iba pa.

10. Olfactorics - Naka tuon ito sa pang-amoy.


Halimbawa : Paglagay ng pabango pagdating ng asawa galing sa
trabaho.

11. Pictics - Galaw ng mukha / Facial expressions


Halimbawa : Pagtaas ng kilay, pagkindat sa mata.

12. Vocalics - Pagamit ng tunog o boses upang maghatid ng mensahe.


Paggawa ng mga tunog gamit ang hininga.
Halimbawa : pag tsk-tsk, pag-ehem, at pag buntong-hininga.
Presupposition
Tumutukoy ito sa isang bagay na ipinagpapalagay ng nagsasalita na
totoo at ipinagpapalagay din niyang nalalaman ng nakikinig.
Mahalaga ang pagtukoy ng nakikinig sa mga pagpapalagay na ito
sapagkat may mga pagkakataong kailangang linawin o baguhin ang
mga pagpapalagay lalo na kung hindi naman ito totoo.
Presupposition
Makabubuting sa isang ugnayan kung malilinaw pa rin ang mga
pagpapalagay ng isang panig sa kabila. Maiibsan ito kung
naisasagawa ang mga prinsipyo sa kooperatibong pakikipag-usap.
Pansinin ang mga sumusunod na pahayag:

a. Huli ka na naman.
b. Nagkukunwari siyang may sakit.
c. Walang nakakapansin na siya'y may problema.
d. Kailan ka pa tumigil uminom?
Pagkamagalang o Politness
Iba't iba ang asosasyon sa konsepto ng pagkamagalang. Maaaring iugnay
dito ang pagkamahinahon, pagkamabuti, o hindi pagiging taklesa. Sa
lingguwistika, ito ay iniuugnay sa konsepto ng mukha o face. Sabi ni
George Yule (2003), ang mukha ng tao ay ang kanyang imaheng
pampubliko. Ito raw ang kanyang emosyonal at sosyal na pagtaya sa sarili
na inaasahan din niyang makikita ng iba. Ang pagkamagalang, kung gayon,
ay ang pagpapakita ng pagpapahalaga sa mukha ng ibang tao. Pansinin ang
mga kasunod na mga pahayag:

a. Akin na ang tubig.


b. Pakiabot nga (po) ang tubig.
Ang paraan ng pakikipag-usap o paghahayag sa mga mensahe ay
nagkakaiba-iba depende sa kulturang kinalakhan. May mga kulturang
kung magsalita ay straightforward at mayroon namang indirect. Sa
ganitong pagkakaiba ng kapaligiran, magiging magkaiba rin ang
pagtanaw sa kung ano ang akma at di-akmang paghahayag ng mga
menshe.
Kakayahang Diskorsal
Kakayahang Diskorsal
Tumutuon hindi sa interpretasyon ng mga indibiduwal na pangungusap
kundi sa koneksyon ng magkakasunod na mga pangungusap tungo sa
isang makabuluhang kabuuan (Savignon, 2007). Pumapaloob sa
kakayahang ito ang abilidad na maunawaan at makalikha ng mga anyo
ng wika na mas malawig kaysa sa mga pangungusap.
Kohisyon at Kohirens
-Sa pagdidiskurso, kailangang pagtuunan ng pansin ang kohisyon at
kohirens.

1. Kohisyon. Ang kohisyon, ayon kina Halliday at Hassan (1976), ay


tumutukoy sa ugnayan ng kahulugan sa loob ng teksto. Maituturing na
may kohisyon ang mga pahayag kung ang interpretasyon ng isang
pahayag ay nakadepende sa isa pang pahayag.

Halimbawa: Maraming pagbabago sa pakikisama ni Sarah. Naging


madalas na ang kanya(ng) pagdalo sa mga gawain sa komunidad.
Napapadalas na rin ang pagboboluntaryo niya upang manguna sa mga
gawain.
2. Kohirens - Tumutukoy naman ang kohirens sa kaisahan ng lahat ng
pahayag sa isang sentral na ideya. Dapat malaman ng isang
nagdidiskurso na may mga pahayag na may leksikal at semantikong
kohisyon ngunit walang kaisahan.

Halimbawa: Maaring pagbabago sa pakikisama niSarah. Naging


madalaas na ang kanyang pagdalo sa mga gawain sa komunidad.
Napapadalas na rin ang pagboboluntaryo niya upang manguna sa mga
gawain. Si Sarah ay may asawa.
Pagpapalawak ng Pangungusap

1.) Pagpapahaba sa pamamagitan ng kataga


Nagpapahaba ang mga pangungusap gamit ang mga katagang pa,
ba, man, naman, nga, pala, at iba pa. Pang-abay na Ingklitik
ang tawag sa mga salitang ito.

Halimbawa: Mabilis ang pagtakbo ng oras.


Mabilis pala ang pagtakbo ng oras.
Mabilis nga ang pagtakbo ng oras.
Mabilis nga pala ang pagtakbo ng oras.
Pagpapalawak ng Pangungusap

2.) Pagpapahaba sa pamamagitan ng panuring. Nakapagpapahaba


rin ng pangungusap ang mga panuring na at -ng.
Halimbawa:
Si Carlo Miguel ay estudyante.
Si Carlo Miguel ay estudyanteng manlalaro.
Si Carlo Miguel ay estudynateng manlalaro ng basketbol.
Pagpapalawak ng Pangungusap
3.) Pagpapahaba sa pamamagitan ng komplemento. Ang mga komplemento
ng pandiwa ay isang paraan ng pagpapahaba sa mga pangungusap. Ito ang
bahagi ng berbal na panaguri na nagbibigay kahulugan sa pandiwa. Ang mga
uri nito ay aktor, layon, benepaktibo, lokatibo, direksyonal, instrumental, at
kawsatibo.

a.) Komplementong Aktor. Nagsasaad sa gumanap na kilos. Pinangungunahan


ito ng panandang ang at mga panghalip.

Halimbawa:

Iwinagayway ang bandila.


Iwinagayway ni Mark Alvin ang bandila.
Pagpapalawak ng Pangungusap
b.) Komplementong Layon. Tinutukoy rito ang bagay na ipinapahayag ng
pandiwa. Ginagamit dito ang panandang ng.
Halimbawa:
Sumasayaw si Fe.
Sumasayaw ng ballet si Fe.
c.) Komplementong Benepaktibo. Isinasaad kung sino ang makikinabang sa
sinasabi ng pandiwa. Ginagamitan ito ng para sa, para kay, at para kina.
Halimbawa:
Nagpakain ng sopas at pandesal si Susan.
Nagpakain ng sopas at pandesal para sa mga kapuspalad si Susan.
Pagpapalawak ng Pangungusap
d.) Komplementong Lokatibo. Isinasaad dito ang ginanapan ng kilos.
Halimbawa:
Namamasyal sina Gunding at Tinang.
Namamasyal sa Windmill Farm sina Gunding at Tinang.
e.) Komplementong Direksyonal. Isinasaad nito ang patutunghan ng kilos.
Halimbawa:
Dumalaw si Elsa.
Dumalaw si Elsa kay Dario.
Pagpapalawak ng Pangungusap
f.) Komplementong Instrumental. Nagsasaad ito sa instrumentong
ginamit upang isagawa ang kilos. Ginagamit na pananda ang sa pamamagitan ng
at ng.

Halimbawa:

Inikot ni Alex ang buong village.


Inikot ni Alex sa pamamagitan ng bisekleta ang buong village.

g.) Komplementong Kosatibo. Isinasaad ang kadahilanan ng pagkilos.


Ginagamitan ito ng panandang sa o kay at mga panghalili nito.

Halimbawa:

Si Nancy ay nakapag-aral.
Si Nancy ay nakapag-aral dahilan sa iskolarsyip grant.
Pagpapalawak ng Pangungusap
h.) Pagpapahaba sa pamamagitan ng pagtatambal. Napapahaba pa ang
isang payak na pangungusap kung gagawin itong tambalan. Gagamitin ang
mga pangatnig o panimbang na at, ngunit, datapwat, subalit, saka, at iba pa
upang maisagawa ito.

Halimbawa:

Kabahagi ng teatrong pangkultura si Susan.


Myembro si Susan ng isang NGO.
Kabahagi si Susan ng teatrong pangkultura at miyembro din siya ng isang
NGO
Salamat sa pakikinig!
:>

You might also like