You are on page 1of 7

DETALYADONG BANGHAY-ARALIN SA APAN

I. Mga Layunin
Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

A. Tukuyin ang uri ng kalamidad ayon sa pagsasalarawan,


B. Maisapuso ang pagmamahal at importansya ng Inang Kalikasan,
C. Gumawa ng maikling pagsasadula na nagpapakita ng mga dapat gawin habang my
kalamidad; at
D. Gumuhit o gumupit ng larawan ng kalamidad na iyong naranasan sa iyong komunidad.

II. Paksang Aralin

Paksa: Mga Uri ng Kalamidad sa ating Komunidad


Kagamitan: Powerpoint at Cartolina
Sanggunian: Araling Panlipunan 4, pahina 39-41
Pagpapahalaga: Pakikinig at kooperasyon

III. Pamamaraan

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral

A. Panimulang Gawain
 Pagbati

“Magandang Araw, Grade 4, kamusta kayo?” “Magandang Araw ma’am!”


“Mabuti naman po!”

 Panalangin

“Magsitayo tayong lahat upang manalangin”. “Shaina, maari ka bang pumunta dito sa
harapan upang pangunahan ang ating
panalangin”

 Pagsusuri ng Pagdalo

“Ating sekretarya merun bang lumiban sa “Wala pong lumiban sa ating klase ngayon
ating klase ngayon”. Ma”am”
B. Pagbalik Aral (review)
"Bago tayo magsimula, tuturuan ko muna
kayo kung paano gawin ang Ang Mahusay (Gagawin ng mga studyante ang mahusay na
na palakpak, handa na ba kayo?" palakpak)

“Ngayon, tayo’y magbalik aral , ano na nga


ulit ang ating pinag aralan kahapon?”

“Ano ang leksyong pinag aralan naten


kahapon?” “Mga Uri ng Klima sa Pilipinas

“Ano-ano ang mga Uri ng Klima sa


Pilipinas?” “Tag-ulan at Tag-init maam”
“Ano ang gusto ninyong klima, tag init o tag
araw?” “Tag-ulan maam”

C. Pag-ganyak

“Bago naten simulan ang ating tatalayaking


leksyon tayo muna ay kakanta
(Kakanta ang mga mag-aaral at guro)
“Bagyo, lindol, pagputok ng bulkan,

Mga ito ay madalas,

Kapag tayo ay nagpabaya,

Buhay ay pwedeng malagas,

Kaya naman ang payo ko,

Maghanda ka ng wagas”.

(Uulitin ng isa pang beses ang kanta).

D. Paglalahad
(Ilalahad ng guro ang mga layunin)
(Ang mga mag-aaral ay makikinig at
magbibigay ng kanilang mga sagot sa tanung

”KALAMIDAD- Ito ay isang di inaasahang


pangyayari na sanhi ng mga proseso sa ng guro.)
kalikasan. Ito ay nagdudulot ng pagkawasak
at panganib sa mga tinamaan nito.”

“MGA URI NG KALAMIDAD”

“BAGYO- Ang ibig sabihin ng bagyo ay


isang malaking unos na mayroong isang
pabilog o spiral sistema ng marahas at
malakas na hangin at may dalang mabigat na
ulan, karaniwang daan-daang kilometro o
milya sa diameter ang laki.”

“Sino sainyo ang nakaranas na ng bagyo?


Ano ang pangalan ng bagyong iyong
naranasan?”

“BAHA- Ang baha ay labis na pag-apaw ng


“Ako po maam, ang pangalan ng bagyo na
tubig o isang paglawak ng tubig na
aking naranasan ay bagyong Lando.”
natatakpan ang lupa, at isang delubyo. Sanhi
nito ang

ulang rumaragasa o bumubugso.”

“Ang lungsod ng Cabanatuan po maam”

“Saang lugar sa Nueva Ecija ang madalas


magkaroon ng baha?”

“LINDOL- Sanhi ng isang mabilis na


paglabas ng enerhiya nan ang-gagaling sa
ilalim ng lupa. Madalas, ang lindol ay sanhi
ng pag galaw ng fault sa ibabaw na bahagi ng
mundo.”
“Nasa bahay po maam, lumabas po ako ng
bahay at pumunta sa bakanteng lugar na
walang babagsak o matutumba nap uno.”

“Noong mayroong naganap na lindol nasaan


kayo at ano ang iyong ginawa?”

“LANDSLIDE- Isang pagguho ng lupa ay


tumutukoy sa ilang anyo ng paggalaw ng “Sa mga bundok po maam”
dalusdos kabilang ang ilang mga paggalaw ng
lupa tulad ng pagguho ng mga bato, pagbaha ng
putik at pagdaloy ng mga tiring bagay.”

”Saan madalas magkaroon ng landslide”


“PAGPITOK NG BULKAN- Ito ang paglabas
ng lava sa bukana ng bulkan a kung saan ay
makakadulot ng pinsala sa kalusugan ng mga
tao at hayop, pinsala sa pananim at mga ari-
arian.” “Ang bulkan taal po, matatagpuan po ito sa
lalawigan ng Batangas.”

“Ano
ang
pinaka

aktibong bulkan sa Pilipinas saan ito


matatagpuan?”

“Tsunami- Ang mga sunod-sunod na alon na


nabuo kapag ang isang bahagi ng tubig, tulad ng
karagatan, ay mabilis nabago ng malakihan.”
“Hindi po maam”

“Bagyo, baha, lindol, landslide, pagputok ng


“Kapag may sunod-sunod at malalakas na alon bulkan at tsunami”
sa dagat, dapat pa bang maligo sa dagat?”

“Ano ulit ang mga Kalamidad sa ating


Komunidad?”

E. Paglalapat (Ang mga studyante ay gagawa ng


pangkatang gawain at susubaybayan ng guro.)
“Para sa inyong pangkatang Gawain kayo ay

mahahati sa dalawanng grupo, ang kanang


bahagi ay ang unang groupo at ang kaliwang
bahagi ay ang pangalawang grupo. Gagawa
kayo ng maikling pagsasadula kung ano ang
dapat gawin kapag magkaroon ng kalamidad.
Pumili kayo ng isa sa mga kalamidad na gusto “Kailangan po nating mahalin at ingatan ang
ninyong isadula. Bibigyan ko kayo ng isang ating Inang Kalikasan dahil ito ay nagbibigay
minuto para sa preparasyon at dalawang minute ng ating pangangailangan at ito ay tirahan ng
para maisagawa ang pagsasadula. Ang may mga hayop”
maayos at magandang pagsasadula ang
mananalo.”

F. Paglalahat

“Bakit kailangan nating mahalin at bigyang


importansya ang ating Inang Kalikasan?”

IV. Pagtataya

Isulat ang wastong sagot.

Pagpupuno: Tukuyin ang uri ng kalamidad ayon sa paglalarawan. Buuin ang salita sa pamamagitan
ng pagsusulat sa patlang ng mga nawawalang titik.

1. May dalang malakas na hangin at ulan. __ A __ __O


2. Pagguho ng lupa. L A __ __ S __ __ D

3. Bunga ng walang tigil n amalakas na ulan. __ A H __


4. Pagyanig ng lupa. L I __ __ __ L
5. Pagsabog at pagbuga ng lava. P __ G P __ __ __ K N __ B__ __ K A __

V. Takdang Aralin

Gumuhit o gumupit ng larawan ng kalamidad na iyong naranasan sa iyong komunidad. Idilit


ito sa isang maikling bond paper.

You might also like