You are on page 1of 15

Heograpiya at

Kasaysayan ng Pilipinas
Araling Panlipunan – Ika-Limang Baitang
Ika-apat na Markahan – Modyul 5: Nakatatalakay ang paghina at tuluyang paglipas ng
merkantilismo, ang epekto nito sa pakikibaka ng bayan at ang pagwawakas ng
kalakalang galyon noong 1815.

Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman,
kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda
kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o
tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang malikom ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala
at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito
ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda.

Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Rejovita C. Julian
Editor: Rose Impuesto
Tagasuri: Pangalan
Tagaguhit: Pangalan
Tagalapat: Pangalan
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Aurelio G. Alfonso EdD
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division and
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division

Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)
Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon
Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
Araling
Panlipunan 5
Ikaapat na Markahan
Modyul para sa Sariling Pagkatuto 5

Nakatatalakay ng paghina at tuluyang paglipas ng


merkantilismo, ang epekto nito sa pakikibaka ng
bayan at ang pagwawakas ng kalakalang galyon noong
1815.
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang (Araling Panlipunan 5) ng Modyul 5 para
sa araling nakatatalakay ng paghina at tuluyang paglipas ng merkantilismo at ang
epekto nito sa pakikibaka ng bayan at ang pagwawakas ng kalakalang galyon
noong 1815!
Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga
edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa Lokal
na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg. Victor
Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa (Asignatura at Baitang)Modyul ukol sa (Pamagat
ng Aralin)!
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin
nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat
mo pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa
mga naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa
kasanayang pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang
pagsasanay na dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na
dapat bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.
MGA INAASAHAN

Pagkatapos ng mga gawain sa bawat modyul na ito, ikaw ay inaasahang


nakatatalakay ng paghina at tuluyang paglipas ng merkantilismo, ang epekto nito
sa pakikibaka ng bayan at ang pagwawakas ng kalakalang galyon noong 1815.

PAUNANG PAGSUBOK

Panuto: Lagyan ng (/) tsek kung ito ay may kaugnayan sa salik ng pag-
usbong ng pakikibaka para sa kamalayang pambansa, at lagyan ng (X) ekis
kung hindi.

__________1. Naipapakita ang yaman ng bansa batay sa dami ng yaman nito.


__________2. Ang mga mangangalakal sa Pilipinas ay nakikipagpalitan ng
produkto sa ibang bansa.
__________3. Ang malayang kalakalan ay nagpapakita ng paglahok/pagsali
ng piling mangangalakal ng isang bansa.
__________4. Ang mga katutubo ay ang siyang nakinabang sa pagsibol ng
kalakalang galyon.
__________5. Ang pagtutumbasan ng produkto ay isang epekto ng
merkantilismo.

BALIK-ARAL

Ano- ano ang iba’t-ibang salik na nakatulong sa pagsibol ng


kamalayang pambansa?
1. _________________________________________________________
2. _________________________________________________________
3. _________________________________________________________
4. __________________________________________________________

ARALIN
Ang Paghina at Tuluyang Pagkalipas ng Merkantilismo

Ano ang Merkantilismo?

• Ang merkantlismo ay isang sistemang pangkabuhayan sa Europa


noong ika - 16 at ika-17 ng siglo na nakatuon sa maraming ginto at
pilak.

• Mula ika 16 hanggang ika 18 siglo, naging batayan ng kanluran ang


kapangyarihan ng mga bansa sa Europang prinsipyong merkantilismo

• Naipapakita ang yaman ng bansa batay sa dami ng yaman nito.

• Pinaniniwalaan na kapag ang isang bansa ay mayaman sa ginto at pilak


ito ay maituturing na mayaman na bansa. Dahil kulang ang mga likas
na yaman sa Europa, sila ay naghanap ng mga lugar na maaaring
pagkunan ng mga ito, kung kayat dito na nagsimula ang tinatawag na
kolonyalismo.

• Sa panahon ng pagtuklas at paggalugad, naglakbay ang mga bansa na


mahuhusay sa larangan ng paglalayag upang makakita ng mga ginto
at pilak na kailangan nila upang maituring na ang kanilang bansa ay
mayaman at makapangyarihan.

• Ayon sa merkantilismo, ang tunay na sukatan ng kayamanan ng


isang bansa ay ang dami ng mahahalagang metal- lalo na ng ginto at
pilak na pagmamay-ari nito.

• Ito ang nagtulak sa mga Kanluraning bansa na magpalawak at mag-


unahan sa paghahanap ng mga bagong teritoryo sa labas ng Europa
na maaaring magbigay sa kanila ng dagdag na yaman.

• Isa rin ito sa dahilan ng mga Espanyol kung bakit nila sinakop ang
Pilipinas dahil sa mga ginto at pilak, at ang mga palamuti na
isinusuot ng ating mga ninuno. Nahumaling ang Europa sa ating
bansa at tuluyan nga itong ginawang kolonya.

• Sa loob ng 200 daang taon, ang merkantilismo ang nagdikta sa mga


ekspedisyon ng mga European sa daigdig.

• Pagkatapos ng merkantilismo ay ipinakilala ng ng Britanya ang


malayang kalakalan.

• Sa pagtuntong ng ika -19 na siglo unti- unting humina hanggang sa


tuluyang nagwakas ang merkantilismo. Ito ay napalitan ng higit na
liberal na prinsipyong pang-ekonomiko- ang malayang kalakalan.
• Sa pamamagitan ng malayang kalakalan, tinitiyak na kapwa mga
bansang kalahok sa kalakalan (Kolonya man o Hindi) ay
makikinabang sa kayamanan.

• Ang pagbabagong ito ay pinaniniwalaang isa sa pangmatagalang


impluwensiya ng paglaganap ng kaisipang La Ilustracion.

Mga Epekto ng Merkantilismo:


1. Ang pagtatatag ng malalakas na hukbong military na magtatanggol
sa mga kolonyang bansa ng mga Europa;

2. Higit ding naging mahalaga ang ginto at pilak bilang pambayad sa


barter trade o transaksiyon sa pagpapalitan;

3. Pagtutumbasan ng produkto.

PAGWAWAKAS NG KALAKALANG GALYON NOONG 1815

Ano ang Kalakalang Galyon?

Ang Kalakalang Galeon o Kalakalang Galyon ay isang uri ng


kalakalan na nagmumula sa Mehiko papunta at pabalik sa Pilipinas.
Isinagawa ito noong Panahon ng Kastila sa Pilipinas. Tumagal ito nang
dalawa at kalahating daang taon na nakapag-ugnay sa dalawang pook.
Ang mga produkto ay isinasakay sa mga galyon ng Maynila o kaya
sa galyon ng Acapulco.

* Ang mga nakalakal sa Pilipinas ay ipinagpapalit sa Mehiko at ang


nakalakal naman sa Mehiko ay ipinapalit sa Pilipinas.

• Bagama’t hindi naipatupad sa Pilipinas, nagbigay daan ang Cadiz


Constitution upang matigil ang kalakalang galyon noong 1815.

• Gayunpaman, hindi nakinabang ang mga katutubo sa kalakalan,


bagkus ang mga Tsino, Espanyol, at ilang manganaglakal na Pilipino
lamang.

• Nagdulot din ito ng pag-aabuso sa mga katutubo dulot ng polo y


servicio na nakasentro sa mga gawaing may kinalaman sa galyon.
tulad ng paggawa ng barko.

• Hindi lahat ng Espanyol ay pabor sa kalakalang gayon. May ilang


Espanyol na tutol dito dahil naaapektuhan nito ang kanilang sariling
Negosyo at hindi sila naniniwala sa pangakong kaunlaran ng
nasabing kalakalan.

• Sa katunayan, ayon sa mangangalakal ng Seville, hindi pinauunlad


ng kalakalang galyon ang ekonomiya ng Pilipinas at sa halip, ang
Maynila ay daungan lamang ng mga kalakal buhat China na dinadala
naman sa Mexico.

• Sila ang maigting na nangampanya upang ipatigil na ang kalakalang


galyon at binalaan ang hari ng Spain na malulugi ang kaban ng
bayan ng spain kung itutuloy ang kalakalang galyon.

• Nakumbinsi nila si Haring Philip kung kaya’t noong 1585 ay ipinag-


utos niyang ipatigil ang nasabing kalakalan. Subalit hindi ito sinunod
ng mga Espanyol sa Maynila at ipinagpatuloy ang kalakalan,
hanggang sa wala ng nagawa ang Hari kung hindi ipagpatuloy na
lamang ito.

MGA SALIK SA PAGHINA NG KALAKALANG GALYON

SALIK MGA PANGYAYARI AT EPEKTO

Okupasyong • Pinangunahan ng mga opisyal ng British East


British ng Maynila India Company.
• Nabago ang kolonyal na kaayusan at lalong
sumidhi ang damdamin ng mga Filipino na
makalaya mula sa Spain.
• Pinahina nito ang mataas na paningin at takot
ng mga Filipino sa kapangyarihan ng mga
Espanyol dulot ng pagkatalo nito sa mga
British.

Pagkakatuklas ng • Pagdaong sa Maynila ng kauna-unahang


bagong rutang pagkakataon ng barkong direktang nagmula
pangkalakalan sa Spain.
• Pagtatatag ng Compania de Libre Comercio sa
Madrid noong 1778 na nangasiwa sa
deriktang kalakalan sa pagitan ng Spain at
Maynila.
• Nabigo ang Compania de Libre Comercio at
pinalitan naman ng Real Compania de
Filipinas na humamon din sa katatagan ng
kalakalang galyon.
Paghina ng • Dulot ng paglaki ng mercado sa Mexico para
kalakalan ng tela sa tela at iba pang produktong yari sa bulak
sa Mexico mula sa India noong kalagitnaan ng ika- 18 na
siglo.
• Pagsapit ng ika-19 na siglo, humina at
tuluyang nabuwag ang kalakalan.
Deklarasyon ng • Nagpanukala ng liberal na kaisipan, mga
Cadiz Constitution bagong Karapatan at kalayaang pantao,
reporma sa lupa,at malayang kalakalan.

MGA PAGSASANAY

Pagsasanay A
Panuto: Basahing mabuti ang bawat pangungusap. Isulat ang TAMA
kung ang pangungusap ay nagsasabi ng katotohanan at MALI kung
hindi. Isulat ang sagot sa unahan ng bawat pangungusap.

_________1. Ang tunay na sukatan ng kayaman ng isang bansa ay ang


dami na mahahalagang metal ayon sa merkantilismo.

_________2. Ang barter trade ay isang uri ng transaksiyon sa


pagpapalitan at pagtutumbasan ng produkto.

_________3. Ang paghina ng kalakalan ng tela sa Mexico ay isa sa mga


salik ng paghina ng Kalakalang Galyon.

_________4. Ang lahat ng Espanyol ay pabor sa kalakalang galyon.

_________5. Ang deklarasyon ng Cadiz Constitution ay isa sa mga salik


na nagpahina sa kalakalang galyon.

Pagsasanay B
Panuto: Hanapin ang mga salita sa loob ng kahon na tumutukoy sa
bawat pangungusap. Isulat ang mga ito sa patlang.
1. Ang pagbabagong ito ay pinaniniwalaang isa sa pangmatagalang
impluwensiya ng paglaganap ng kaisipang _____________________.

2. Ang __________________ ay isang uri ng kalakalan na nagmumula


sa Mehiko papunta at pabalik sa Pilipinas. Isinagawa ito
noong Panahon ng Kastila sa Pilipinas.

3. Siya ang nag-utos na ipatigil noong 1815 ang kalakalang galyon sa


Maynila ngunit hindi ito sinunod ng mga Espanyol _______

4. Nagpanukala ng liberal na kaisipan, mga bagong karapatan at


kalayaang pantao, reporma sa lupa, at malayang kalakalan _______

5. Bahagi ng Pilipinas kung saan dumaong ang kauna-unahang


barko na nagmula sa Spain__________

• Deklarasyon ng Cadiz Constitution


• Maynila
• Haring Philip
• Kalakalang Galyon
• La Illustracion
• Merkantilismo

PAGLALAHAT

Panuto: Tapusin ang mga pangungusap sa pamamagitan ng pagsuplay ng


wastong kaisipan upang mabuo ang diwang ipinapahayag.
Ang paghina at tuluyang paglipas ng merkantilismo ay dulot ng
_________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________.
Ang pagwakas ng Kalakalang Galyon ay dulot ng ____________________
__________________________________________________________________________.
PAGPAPAHALAGA

Isa sa pinakatampok ngayong pandemya ay ang pagsolputan ng mga


halaman kung saan usong uso ang Barter o pagpalitan ng mga produktong
halaman. Bilang isang mag-aaral, paano mo mapapanatili ang isang maayos
na kalakalan? Isulat ang iyong sagot sa ibaba.

___________________________________________________________
_________________________________________________________________

PANAPOS NA PAGSUSULIT

Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Ang ____________ ay nagbigay- daan upang matigil ang kalakalang


galyon noong 1815.
a. Manila-Acapulco
b. Barter Trade
c. Cadiz Constitution
d. La Illustracion
2. Alin sa mga sumusunod ang mga salik sa paghina ng Kalakalang
Galyon?
A. Okupasyong British ng Maynila
B. Pagkakatuklas ng bagong rutang pangkalakalan
C. Paghina ng kalakalan ng tela sa Mexico
D. Lahat ng nabanggit ay tama
3. Pinahina nito ang mataas na pagtingin at takot ng mga Pilipino sa
kapangyarihan ng mga Espanyol dulot ng pagkatalo nito sa mga
British.
a. Pagkakatuklas ng bagong rutang pangkalakalan
b. Deklarasyon ng Cadiz constitution
c. Paghina ng kalakalan ng tela sa Mexico
d. Okupasyong British ng Maynila (1762-1764)
4. Ayon sa ______________ang tunay na sukatan ng kayamanan ng isang
bansa ay ang dami ng mahahalagang metal- lalo na ng ginto at pilak
na pagmamay-ari nito.
A. Merkantalismo
B. Kalakalan Galyon
C. Malayang Kalakalan
D. Wala sa nabanggit ay tama

5. Bakit maigting na ipinangampanya ng mga mangangalakal ng Seville


na ihinto ang Kalakalang Galyon?
A. Dahil hindi pinauunlad ng kalakalang galyon ang ekonomiya ng
Pilipinas at sa halip, ang Maynila ay daungan lamang ng mga
kalakal buhat China na dinadala naman sa Mexico.
B. Dahil malulugi ang kaban ng bayan ng Espanya kung itutuloy ang
kalakalang galyon.
C. Dahil nagkakagulo ang mga mangangalakal
D. Titik A at B.
https://tl.wikipedia.org/wiki/Kalakalang_Galeon
Zaide R. et.al 2011” Ang kasaysayan at pamahalaan ng Pilipinas.
Isang Bansa Isang Lahi, Vibal Group Inc.
M Ed.D., Gabuat, Maria annalyn P, Quizol, Mary Christine F., Reig, Chona P. 2014
Kayamanan Batayang Aklat sa Araling Panlipunan,Rx Book store Villoria, Evelina
Banlaygas, Emilia L at Dallo, Evangeline M, 2017
Araling Panlipunan Bilang Isang Bansa 5, Vibal Group Inc, Antonio, eleanor D,
Jose, Mary Dorothy dL 2016,
The Library Publishing House. Gabuat, Maria Annalyn P, Mercado, Michael M at
Sanggunian
PAGLALAHAT PAUNANG PAGSUBOK
1. /
• Ang paghina at tuluyang paglipas 2. /
ng merkantilismo ay dulot ng 3. X
pagsibol ng malayang kalakalan, 4. X
sa pamamagitan nito tinitiyak na 5. /
kapwa mga bansang kalahok sa
kalakalan (Kolonya man o Hindi) PAGSASANAY A
ay makikinabang sa kayamanan.
1. TAMA
• Ang isa sa naidulot ng 2. TAMA
pagwawakas ng kalakalang
galyon ay ang pagkakaroon ng 3. TAMA
mga bagong karapatan at
4. MALI
kalayaang pantao, reporma sa
lupa,at malayang kalakalan. 5. TAMA
PAGSASANAY B
PAGPAPAHALAGA
Mapapanatili ang maayos na kalakalan 1. LA ILLUSTRACION
sa pamamagitan ng tiwala, at respeto sa 2. KALAKALANG GALYON
panig ng bawat isa. At dahil tayo ay may
kinakaharap na pandemya, mahalaga 3. HARING PHILIP
na tayo ay sumunod sa mga alituntunin
upang mapangalagaan natin ang ating 4. DEKLARASYON NG CADIZ
kalusugan. CONSTITUTION
5. MAYNILA
PANAPOS NA PAGSUSULIT
1. C
2. D
3. D
4. A
5. A
SUSI SA PAGWAWASTO

You might also like