You are on page 1of 13

Heograpiya at

Kasaysayan ng Pilipinas
Araling Panlipunan – Ika-Limang Baitang
Ikaapat na Markahan – Modyul 3: Mga dahilan ng pagkabigo ng mga pag-
aalsa ng mga sinaunang Pilipino.

Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na
naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang malikom
ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin
ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit
maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-
akda.

Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Jovelyn A. Mangulab
Editor: Rose B. Impuesto
Tagasuri: Pangalan
Tagaguhit: Pangalan
Tagalapat: Pangalan
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Aurelio G. Alfonso EdD
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division and
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division

Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)
Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon
Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig

Araling
Panlipunan 5
Ikaapat na Markahan
Modyul para sa Sariling Pagkatuto 3
Mga Dahilan ng mga Pagkabigo ng Pag-
aalsa ng mga Sinaunang Pilipino
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 5 ng Modyul
para sa araling Mga Dahilan ng Pagkabigo ng Pag-aalsa ng mga Sinaunang
Pilipino!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa Lokal
na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg. Victor
Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 5 Modyul ukol sa


Mga Dahilan ng Pagkabigo ng Pag-aalsa ng mga Sinaunang Pilipino!

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.
MGA INAASAHAN

Kumusta ka!
Halika galugarin mo ang modyul na ito at inaasahang kong malaman
mo ang mga dahilan ng pagkabigo ng pag-aalsa ng mga sinaunang Pilipino.
Makuha mo rin sana at matutunan ang mga dahilang ito kung bakit nabigo
ang mga pag aalsa ng ating mga ninuno. Alamin at pag-aralan natin ang
modyul na ito.

PAUNANG PAGSUBOK

Iguhit sa patlang ang masayang mukha kung tama ang pahayag at malungkot
na mukha naman kung hindi.

____1. Isa sa dahilan ng pagkabigo ng mga rebolusyong inilunsad ng mga Pilipino


ay ang kanilang hindi pagkakaisa.

____2. Ang mga heneral ng mga kilusan ng rebolusyon ay pawang bihasa at


magagaling sa paghawak ng armas.

____3. Nabigo sa pag-aalsa ang mga Pilipino sapagkat hindi sila magkaintindihan
sa dahilang iba iba ang kanilang wika at diyalekto .

____4. Ang mga ibang Pilipino ay nakikipagtulungan sa mga Espanyol dahil


sila ay takot sa mga ito.

____5. Handa at may kaalaman ang mga Pilipino sa pakikidigma.

BALIK-ARAL

Batay sa napag-aralan natin sa nakaraang aralin, ano-anong pag-aalsa ang


naganap sa panahon ng kolonyalismo? Balikan nga natin ang mga ito.
ARALIN

MGA DAHILAN NG PAGKABIGO NG PAG-AALSA

Sa kabuoan, nabigo ang mga isinagawang pag-aalsa ng mga Pilipino


bunsod ng iba’t ibang dahilan:

A. Pagiging watak-watak ng Pilipinas


Ang Pilipinas ay binubuo ng mga maliliit at malalaking isla kaya’t
magkakalayo. Dahil dito, mas mabilis at madaling nasugpo ng
mga Espanyol ang mga pag-aalsa. Ang mga lumalabang mga
Pilipino ay hindi bilang Filipino kundi bilang isang mamamayan
ng kanilang bayan o lalawigan. Samakatuwid, kapwa ang mga
lugar at mamamayang nakilahok ay walang pagkakaisa,
samantalang ang kanilang kalaban ay iisa- ang mga Espanyol.
Maging ang mayayamang angkan ng mga Filipino ay hindi
sumuporta sa mga pagkilos dahil sa pangambang mawala ang
tinatamasang mga pribilehiyo mula sa mga Espanyol.

B. Kakulangan sa kahandaan at kaalaman sa pakikidigma


Totoong malayo ang pagkakaiba ng mga kagamitang pandigma
ng mamayang Pilipino sa mga Espanyol. Kalimitan ang
sandatang gamit ng mga Pilipino ay yari sa katutubong
materyales gaya ng bolo, tabak at sibat, samantalang ang mga
armas ng mga Espanyol ay sopistikado at makabago gaya ng baril
at kanton na mula pa sa Spain. Kapos din sa kaalaman sa
pakikidigma ang mga Pilipino na higit na mas sapat at
makabagong kaalaman ang kasanayan sa pakikidigma ng mga
sundalong Espanyol.

C. Kawalan ng maayos na komunikasyon


Dahilan ng kalat kalat ang isla ng Pilipinas, hindi naging madali
para sa mga Pilipino ang magpadala ng mensahe tungkol sa mga
pag-aalsang isasagawa mula sa isang bayan patungong karatig
bayan lalo na sa liblib na bundok at kagubatan. May mga
pagkakataon din nadadakip ang mga mensahero at agad na
natutuklasan ng mga Espanyol ang planong pag-aalsa.

D. Pagkakaiba ng wika at diyalekto


Ang pagkakaroon ng iba ibang wika at diyalekto ay isang dahilan
ng hindi maayos na komunikasyon. Halos sa bawat lalawigan at
rehiyon ay may kanya kanya o iba ibang salita o diyalektong
ginagamit na hindi naging madali para sa mga Pilipino para
manghikayat ng dagdag na lalahok sa mga pinaplanong pag
aaklas.
E. Pagbabayad ng mga Espanyol sa mersenaryong katutubo
Marahil dala ng mga pananakot, at mga pangakong kayamanan
at pribilehiyo mula sa mga Espanyol, may mga katutubong
nakipagtulungan sa mga mananakop upang mapigilan at hindi
matuloy ang pag-aalsa. Ipinaparating nila sa pamahalaan ang
napipintong rebelyon at isinusuplong ang kanilang mga kasama.
Isang halimbawa ng pagtataksil na ginawa ay ang kaibigan ni
Diego Silang na isinumbong siya ng sarili niyang kaibigan na
naging dahilan ng pagkabigo ng pag-aalsa sa Ilocos.

MGA PAGSASANAY

Pagsasanay 1

Isulat ang tsek (√) sa patlang kung ang sumusunod ay salik o dahilan
ng pagkabigo ng pag-aalsa ng mga Pilipino. Lagyan ng ekis (X) kung hindi.

_________ 1.Pagkakaroon ng iba ibang wika.


_________ 2. Kahusayan at kaalaman ng mga kaalaman sa pakikidigma.
_________ 3. Makabago at matataas na kalibre ng sandata ang gamit nila.
_________ 4. May mga mersenaryong katutubo ang binabayaran ng mga
Espanyol.
_________ 5. Pagiging watak watak ng Pilipinas.

Pagsasanay 2

Isulat sa patlang ang titik T kung tama ang isinasaad ng


pangungusap at M naman kung mali.

________ 1. Malaking dahilan ng pagkabigo ng mga pag-aalsa ng mga


Pilipino ay ang kawalan ng kasanayan ng mga ito sa
Pakikidigma.
________ 2. Nagkakaisa ang mga Pilipino kahit ang mga ito’y magkakalayo
ng bayan o lalawigan.
________ 3. Nagkakasundo at nagkakaintindihan ang mga Pilipino noong
panahon ng papananakop ng mga Espanyol kaya tagumpay ang
kanilang pag-aaklas.
________ 4. Ang Pilipinas ay isang arkipelago kaya’t naging mahirap sa ating
mga ninuno na mag-ugnayan at magplano ng pag-aalsa.
________ 5. Ang mga Pilipino ay kulang sa mga sopistikado at makabagong
sandata kaya karamihan sa kanilang pag–aaklas ay nabigo.
Pagsasanay 3

Kahunan ang mga salita o parirala na nagsasaad ng dahilan ng


pagkabigo ng pag-aalsa ng mga Pilipino.

W A T A K W A T A K
P A W S E T Y A U U
K A A W P A L L I P
U S L A E T A U P A
L R A L N E N P L I
A T N A A G D P M B
N U G N G K S N G A
G K P G M F A U Y I
S Q A P O I N I D B
A W G L S R D T S A
A E K M D E H P O A
R R A I R D I U I N
M T K H E F N N C G
A A A D A O T M U W
S Y I E M R G O T I
O G S A N L G L O K
T R A Y D O R O P A

PAGLALAHAT

Isulat sa bawat kahon ang mga dahilan ng pagkakabigo ng pag-


aalsa ng mga Pilipino laban sa mananakop na Espanyol.

Dahilan ng
pagkabigo ng
Pag-aalsa
PAGPAPAHALAGA
Karamihan sa mga pag-aaklas ng mga Pilipino laban sa mga Espanyol
ay pawang kabiguan ganun pa man, ipinakita nila na ayaw nilang
magpasakop.
Bilang isang bata, paano mo mapapahalagahan ang mga
pakikipaglaban ng ating mga ninuno para sa kalayaang natatamasa sa
natin ngayon?
Buoin ang pangungusap sa ibaba.

Bilang isang bata, maipapakita ko ang pagpapahalaga sa


natatamasang kalayaan ngayon sa pamamagitan ng
________________________________________
________________________________________________________.

PANAPOS NA PAGSUSULIT

Bilugan ang titik ng mga pangungusap na naging dahilan ng nabigong pag-


aalsa ng mga katutubong Pilipino

1. Ang Pilipinas ay binubuo ng mga maliliit at malalaking isla kayat


magkakalayo. Dahil dito, mas mabilis at madaling nasugpo ng mga
Espanyol ang mga pag-aalsa ng mga katutubo kaya nabigo ang mga
Pilipino sa pakikipaglaban. Anong dahilan ng nabigong pag-aalsa ang
tinutukoy dito?
A. Pagiging watak-watak ng Pilipinas
B. Kakulangan sa kahandaan at kaalaman sa pakikidigma
C. Kawalan ng maayos na komunikasyon
D. Lahat ng nabanggit ay tama
2. Marahil dala ng mga pananakot, at mga pangakong kayamanan at
pribilehiyo mula sa mga Espanyol, may mga katutubong
nakipagtulungan sa mga mananakop upang mapigilan at hindi
matuloy ang pag-aalsa. Anong salik ng pagkabigo sa pag-aalsa ng
mga Pilipino ang tinutukoy?
A. Kakulangan sa kahandaan at kaalaman sa pakikidigma
B. Kawalan ng maayos na komunikasyon
C. Pagkakaiba ng wika at diyalekto
D. Pagbabayad ng mga Espanyol sa mga Mersenaryong katutubo
3. Ang mga sumusunod ay mga dahilan ng pagkabigo sa pag-aalsa ng
mga Pilipino maliban sa ______.
A. Pagiging watak-watak ng Pilipinas
B. Kakulangan sa kahandaan at kaalaman sa pakikidigma
C. Maayos na komunikasyon
D. Pagbabayad ng mga Espanyol sa mga mersenaryong katutubo
4. Dahilan ng kalat kalat ang isla ng Pilipinas, hindi naging madali para
sa mga Pilipino ang magpadala ng ____________tungkol sa mga pag-
aalsang isasagawa mula sa isang bayan patungong karatig bayan lalo
na sa liblib na bundok at kagubatan.
A. Armas C. Kawal
B. Mensahe D. Pagkain
5. Bakit hindi nagtagumpay ang mga Pilipino sa kanilang pag-aalsa
laban sa mga Espanyol? Dahil sa _________________________.
A. Kawalan pagkakaisa ng mga Pilipino
B. Mahal ng mga Pilipino ang bansang Espanya
C. Ang mga Pilipino ay may sapat at makabagong sandata
D. Ang mga Pilipino ay may sapat na kahandaan sa
pakikipaglaban.
SUSI SA PAGWAWASTO

Paunang Pagsubok Pagsasanay 1 Pagsasanay 2

1. 1. √ 1. T
2. 2. X 2. M

3. 3. X 3. M

4. 4. √ 4. T
5. 5. √ 5. T

Pagsasanay 3

W A T A K W A T A K
P A W S E T Y A U U
K A A W P A L L I P
U S L A E T A U P A
L R A L N E N P L I
A T N A A G D P M B
N U G N G K S N G A
G K P G M F A U Y I
S Q A P O I N I D B
A W G L S R D T S A
A E K M D E H P O A
R R A I R D I U I N
M T K H E F N N C G
A A A D A O T M U W
S Y I E M R G O T I
O G S A N L G L O K
T R A Y D O R O P A

Panapos na pagsusulit

1. A
2. D
3. C
4. B
5. A
Sanggunian

https://youtu.be/swQX3I_HdYY

Araling Panlipunan –Pilipinas Bilang Isang Bayan


Maria Annalyn P. Baguat
Michael M. Mercado
Mary Dorothy DL. Jose

https://www.slideshare.net/lhoralight/k-to-12-grade-5-ikalawang-lagumang-pagsusulit

You might also like