You are on page 1of 24

8

Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan – Modyul 6
Pag-usbong ng Nasyonalismo sa
Europa at Iba’t ibang
Bahagi ng Daigdig
Araling Panlipunan – Ikawalong Baitang
Alternative Delivery Module
Ikatlong Markahan – Modyul 6: Pag-usbong ng Nasyonalismo sa Europa at
Iba’t Ibang Bahagi ng Daigdig.
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Mga Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Jerisse J. Parajes, Geoffrey A. Retita

Editor: Filipina F. Meehlieb, Lileth F. Oliverio, Lilifreda P. Almazan,


Benny T. Abala, Analiza G. Doloricon, John M. Anino, Renato L. Latorre, Dan
Ralph M. Subla, Lalaine S. Gomera

Tagasuri: Fatima D. Notarte, Leowenmar A. Corvera, Juan Jr. Espina


Edwin C. Salazar, Marina B. Sangeunza, Edwin G. Capon,
Marino L. Pamogas, Honorato Mendoza, Joel P. Plaza,
Larry G. Morandante, Marnio L. Pamogas
Tagaguhit: Vlademer P. Baldomero, Lady Faith D. Reroma, Brenda F. Duyan
Tagalapat: Paul Andrew A. Tremedal

Tagapamahala: Francis Cesar B. Bringas, Isidro M. Biol, Jr., Maripaz F. Magno


Josephine Chonie M. Obseñares, Karen L. Galanida,
Florence E. Almaden, Carlo P. Tantoy, Noemi D. Lim, Laarni C. Micayas

Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon ng Caraga


Office Address: Teacher Development Center
J.P. Rosales Avenue, Butuan City, Philippines 8600
Telefax: (086) 342-8207: (085) 342-5969
E-mail Address: caraga@deped.gov.ph
8

Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan – Modyul 6
Pag-usbong ng Nasyonalismo sa
Europa at Iba’t ibang
Bahagi ng Daigdig
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating
mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na
gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga
kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na


naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang
o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang
tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng


mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan
niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa
bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng
pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at
pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang
magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang
anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa
mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro


kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng
SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy,


umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
Alamin

Ang modyul na ito ay sadyang inihanda upang matulungan ka na maunawaan


ang mga mahahalagang datos tungkol sa pag-usbong ng nasyonalismo sa Europa at
Iba’t ibang bahagi ng daigdig. Ang kaalaman mo sa nasyonalismo ay mabisang
hakbang upang iyong makilala at mapahalagahan ang pag-usbong nito sa Europa at
iba’t ibang bahagi ng daigdig.
Ang mga paksa na nakapaloob sa modyul na ito ay sistematikong inayos upang
maging mas maganda ang daloy ng iyong pag-aaral.
May mga gawaing inihanda para sa iyo upang maging makabuluhan ang iyong
pag-aaral. Kailangan mong gawin o sagutan ang lahat ng mga gawain sa modyul.
Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot.
Ang modyul na ito ay nakatuon sa pagtalakay tungkol sa Pag-usbong ng
Nasyonalismo sa Europa at Iba’t ibang Bahagi ng Daigdig na nahahati sa
sumusunod na paksa:
Paksa 1- Pagsibol ng Nasyonalismo sa Europa
Paksa 2- Pag-unlad ng Nasyonalismo sa Russia
Paksa 3- Pag-unlad ng Nasyonalismo sa Latin America
Paksa 4- Pag-unlad ng Nasyonalismo sa Africa

Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto:

Naipapahayag ang pagpapahalaga sa pag-usbong ng nasyonalismo sa Europa


at iba’t ibang bahagi ng daigdig. MELC AP8 Quarter 3 Week 8 / AP8PMD-IIIi-10

Pagkatapos mong mapag-aralan ang modyul, inaasahang iyong:


1. Natatalakay ang iba’t ibang ideolohiya sa pag-usbong ng nasyonalismo sa
Europra;
2. Natutukoy ang mga mahahalagang kaganapan sa pag-unlad ng
nasyonalismo;
3. Nailalarawan ang pag-unlad ng nasyonalismo Russia, Latin America at
Africa; at
4. Nakakalikha ng liham pasasalamat at tula bilang repleksiyon sa
pagpapahalaga sa nasyonalismo.

1
Subukin

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang tanong sa bawat bilang at piliin ang letra
ng tamang sagot.
Isulat sa sagutang papel ang inyong mga sagot.

1. Sino ang tagapagligtas ng Russia na tumalo at nagpabagsak sa mga


Tartar o Tatar sa labanan ng Oka?
A. Ivan the Great C. Josef Stalin
B. Leon Trotsky D. Vladimir the Saint

2. Anong pangyayari sa Russia ang nagbigay-daan na magkaisa ang mga Ruso


upang labanan ang kapangyarihan ng czar at wakasan ang aristokraya?
A. Boxer Rebellion C. Sepoy Revolution
B. October Revolution D. People Power Revolution

3. Ano ang tawag sa mga taong ipinanganak sa bagong daigdig na may lahing
Europeo?
A. Creole C. Mulatto
B. Mestizo D. Zambo

4. Sino ang tinaguriang “Tagapagpalaya ng South America”?


A. Che Guevarra C. Jose de San Martin
B. Francisco de Miranda D. Simon Bolivar

5. Alin sa sumusunod ang kabilang sa mga malayang bansa ng Africa bago pa


nagsimula ang 1914?
A. Congo, Zaire, Malawi
B. Liberia, Congo, Zaire
B. Zaire, Malawi, Zimbabwe
D. Ethiopia, Liberia, Republic of South Africa

6. Anong damdamin ang ipinakita ng pagiging matapat at mapagmahal sa bansa?


A. Demokrasya C. Nasyonalismo
B. Liberalismo D. Sosyalismo

7. Sinong pinuno ng Argentina ang nagsulong ng edukasyon, nagsikap na


matamo ang karapatang bumoto at gumawa ng paraan na magkaroon ng
sistemang legal?
A. Bernadino Rivadavia C. Jose de San Martin
B. Francisco de Miranda D. Simon Bolivar

2
8. Ilang taon tumagal ang pananakop ng mga Tartar o Mongol sa mga mamamayan ng
Russia?
A. 100 C. 200
B. 150 D. 250

9. Ano ang pangunahing wika na ginagamit ng mga mamamayan ng bansang Brazil?


A. Espanyol C. Pranses
B. Portuges D. Ingles

10. Sino ang nagsagawa ng kilusan upang ipaabot ang hangarin ng nasyonalismo sa
Germany?
A. estudyante C. manggagawa
B. guro D. pamahalaan

11 Aling pahayag ang hindi nagpapakita ang damdaming nasyonalismo?


A. Pagmamahal sa sariling wika.
B. Pagbubuwis ng buhay para sa bayan.
C. Pagtangkilik sa sariling produkto ng bansa.
D. Pagpapayaman upang mapaunlad ang sarili.

12.Ano ang kahalagahan ng Carlsbad Decrees sa Germany?


A. nagpatupad ng batas sa pamahalaan
B. nagsensura sa kalayaan ng pamamahayag
C. nagtulungan ang estudyante at mamamahayag
D. nagbabawal sa mga demonstrasyon sa Germany

13. Sa anong bansa napasailalim ang mga estado ng Germany?


A. Austria C. Hungary
B. France D. Prussia

14. Sa panahon bago umusbong ang nasyonalismo sa Russia, sino ang itinuturing na
pinakamakapangyarihang tao sa bansa?
A. Maharlika at pulisya C. Maharlika at mga alipin
B. Pulisya at magsasaka D. Pulisya, alipin at magsasaka

15. Sa anong bansa sa Europa nag-alsa ang ilan sa mga kolonya sa Latin America?
A. Alemanya C. Espanya
B. Britanya D. Pransya

3
Balikan

Gawain 1: Tama o Mali


Panuto: Isulat ang tsek (✓) kung ang mga sumusunod na pahayag ay tama at ekis
() naman kung mali.
Gawin ito sa iyong sagutang papel.
1. Isa-isang nanakop ng lupain sa Asya ang Portugal at Spain.
2. Binibigyang-katuwiran ang pananakop sa paggamit ng manifest destiny.
3. Ang protectorate ay pagbibigay sa kolonya ng proteksiyon laban sa paglusob
ng ibang bansa.
4. Walang pagbabagong pulitikal, sosyal at kultural ang naganap sa mga
bansang sinakop.
5. Maliit lamang ang nakuha na mga hilaw na sangkap ng mananakop.

Tuklasin

Gawain 2: Kilalanin Mo!


Panuto: Pumili batay sa sumusunod na situwasiyon o pangyayari kung sino ang
inilarawan sa loob ng kahon.
Isulat ang iyong mga sagot sa sagutang papel.

Czar Mongol Vladimir I


Creole Josef Stalin James Monroe
Simon Bolivar Haring Solomon Jose de San Martin
Napoleon War

1. Ang tinaguriang “Tagapagpalaya ng Timog Amerika”.


2. Ang tawag sa mga taong Kanluranin na ipinanganak sa kolonya.
3. Ang digmaang ipinangalan sa isang heneral na Pranses na naglalayong
magpakilala ng kaisipang rebolusyunaryo sa kabuuan ng Europa.
4. Ang nagpalaganap ng Kristiyanismong Griyego sa Russia.
5. Ang mga sumakop sa Russia sa loob ng dalawang daang taon.

4
6. Ang humalili kay Vladimir Lenin bilang pinuno ng Russia.
7. Sinasabing isa siya na nagsimula sa pamamahala sa Ethiopia.
8. Ipinangalan sa kanya ang kabisera na Monrovia.
9. Ang tawag sa mga namamahala ng burukrasya sa Russia.
10. Ang namuno sa pagpapataboy sa mga Espanyol sa Argentina

Gawain 3: Tuklas-Kahulugan
Panuto: Magbigay ng mga konsepto na naglalarawan ng damdaming nasyonalism.
Gumuhit at gayahin ang ilustrasyon sa ibaba sa sagutang papel.
Punan ng mga hinihinging konsepto sa parehong naguhit na ilustrasyon.

Nasyonalismo

5
Suriin

Unawain ang teksto at sagutan ang mga kasunod na gawain.

Pagpapahalaga Sa Nasyonalismo Sa Iba’t Ibang Bahagi Ng Daigdig


Ang nasyonalismo ay nangangahulugang pagmamahal sa bayan na nakabase
sa kamalayan ng isang lahi na sila ay nabubuklod ng isang wika, kasaysayan, kultura,
pagpapahalaga, at relihiyon. Hindi madali ang pagpapakita ng damdaming
makabayan dahil dadaan ito sa iba’t ibang proseso at paraan. Mayroong iba’t ibang
manipestasyon ng nasyonalismo at ang pinakamataas na pagpapakita ng damdaming
ito ay ang kahandaan ng isang tao na mamatay para sa kanyang bayan.

Ang paghangad na maipakita ang damdaming ito ay may kasamang pighati,


pagsubok, kawalan ng kasiyahan at minsan pagsasakripisyo ng buhay. Datapuwa’t
ang isang bansa na nagkaisa ay handang gagawin ang lahat maipadama lamang ang
tunay na pagiging makabayan.

Sa iba’t ibang panig ng daigdig dumaan ang lahat ng bansa ng pamamaraan


kung paano ipadama ang damdaming nasyonalismo. Minsan hahantong sa digmaan
ang isang bansa upang maipakita ang marubdob at masidhing damdamin ng
pagmamahal sa sariling bayan.

Pagsibol ng Nasyonalismo sa Europa

Ang mga pangyayaring kagaya ng Rebolusyong Amerikano at Rebolusyong


Pranses sa ika-19 na siglo ay nakapagdulot ng maraming pagbabago sa daigdig, isa
na rito ay ang pag-usbong ng damdaming nasyonalismo. Sa pamamagitan ng
kaisipang ito, ito'y nagsilbing isang pwersa na ginamit ng ilang mga estado at kolonya
sa mundo upang itaguyod ang kanilang pagkakaisa at pagkakakilanlan laban sa mga
bansang sumakop sa kanila.

Bago pa natatag ang bansang Germany, ito ay binubuo ng iba't ibang estado
na napasailalim sa pamumuno ng Austria. Dahil sa hindi sila nabigyan ng malaking
partisipasyon sa pamahalaan, bumuo ang mga estudyante ng isang radikal na kilusan
na Burschenschaften, na naghahangad na magkaroon ng pagkakaisa na siyang
simula ng nasyonalismong German. Ang kilusang ito ay binuwag noong 1819 sa
pamamagitan ng pagpatupad ng Carlsbad Decrees na nagsensura sa kalayaan ng
pamamahayag ng mga German at pagtalaga ng mga espiya sa mga unibersidad. Ito
ay nagdulot ng demonstrasyon at pag-aalsa sa Berlin noong 1848 sa kabisera mismo
ng Prussia.

6
Ang tagumpay ng nasabing pag-aalsa ay ang pagpayag ng hari ng Prussia na
si Frederick William IV sa isang konsesyon kung saan binuwag and sensura at
paghahanda ng isang konstitusyon at assembly. Sa tulong ni Otto Von Bismarck sa
Frankfurt Assembly na dinaluhan ng 800 German naitatag nila ang Imperyong
German na naging isa sa pinakamakapangyarihang bansa daigdig.

Pagsibol ng Nasyonalismo sa Russia


Ang bansang Russia ay napabilang sa dalawang kontinente: ang Europe at
Asia (Eurasia). Halos doble ang laki nito sa Estados Unidos. Isa sa pinakatanyag na
pinuno ng Russia ay si Vladimir I na binansagang “Vladimir the Saint.” Sa ilalim ng
kanyang pamumuno noong 988 CE, ipinalaganap niya ang Kristiyanismong Griyego
na nananatili pa rin hanggang sa kasalukuyan.
Noong ika-13 na siglo, napasailalim ang Russia sa pamamahala ng mga Tartar
o Mongol na nagmula sa Gitnang Asya. Umabot ng mahigit na 200 na taon ng kanilang
pamamahala na nagdulot ng mga pagbabago sa lipunan. Ang mga bakas ng
pananakop ay may impluwensiya sa pananalita, pananamit at kaugalian ng mga
Ruso. Sa paglipas ng panahon, natamo ng mga Ruso ang kanilang kalayaan nang
talunin ni Ivan the Great ang mga Tartar sa labanan sa Oka.

Himagsikang Ruso

Noong unang bahagi ng ika-20 siglo, nagpagimbal sa daigdig ang rebolusyon


ng mga Ruso. Ngunit bago naganap ang himagsikang ito ang Russia ay ang
pinakamalaking burukrasya sa mundo na kontrolado ng mga maharlika at pulisya.
Nasa ilalim ng pamamahala ng czar ang mga magsasakang nakatali sa lupa, walang
karapatan at laging nakabaon sa utang at maging sa industriya.
Ang pagtatayo ng mga manggagawa sa mga pagawaan ang naghikayat sa mga
Ruso na magpunta sa mga bayan at lungsod. Nagkaroon sila ng pagkakataon para
makapag-aral sa bayan. Sa sobrang higpit ng pulisya, lumikas patungo sa kanlurang
Europe ang mga intelektwal na Ruso. Sa Europe, nagkatagpo ang mga disipulo ni Karl
Marx at Friedrich Engels at nagtatag ng dalawang partido.

Sa mga alituntunin na dapat sundin sa Russia nagkaroon ng di-


pagkakaunawaan. May alitan ang pinakamasugid na tauhan na sina Josef Stalin at
Leon Trotsky-tungkol sa kahalili ni Lenin. Paniniwala ni Trotsky dapat ikalat agad ang
komunismo sa pamamagitan ng rebolusyong pandaigdig.

Mungkahi naman ni Stalin, hindi napapanahon ang ikalat ang komunismo dahil
mahina pa ang Russia. Naging matagumpay si Stalin sa kanyang suhestiyon.
Napilitang tumakas si Trotsky na nanirahan sa Mexico at namatay noong 1940.

Samantala, ang mga komunistang Soviet ay nagpasimuno ng October Revolution


na may magandang naidulot sa Russia. Nagresulta ito na nagkaisa ang mga Ruso,
nagapi ang mga czar at nagwakas ang aristokrasya sa bansa. Kaya napalitan ng
diktadurya ng Partido Komunista ang pamamahala. Sa Unang Digmaang Pandaigdig,
sumanib ang Russia sa Alyado. Noong 1923, tinawag na Soviet Union ang pangalan ng
bansa. Humalili si Stalin nang namatay si Lenin sa edad na 53 dahil sa sakit.

7
Mga Pamprosesong Tanong
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na mga tanong.
Isulat ang iyong mga sagot sa sagutang papel.
1. Bakit pinabagsak ng mga Ruso ang pamamahala ng czar?
2. Paano ipinakita ng mga Ruso ang damdaming nasyonalismo?

Pag-unlad ng Nasyonalismo sa Latin America

Ang heograpiya ng Latin America


ay nakatulong upang umunlad bilang
hiwa-hiwalay na bansa. Ilan sa mga
bansa ay Chile, Paraguay, Bolivia,
Colombia, Venezuela, Ecuador,
Argentina, Uruguay, Brazil, Iba-iba ang
topograpiya ng mga bansa na
nagbigay ng kasaganaan sa kanilang
likas na yaman. Sagana sa metal,
asukal, rubber, kape, copper at iba
pang yamang lupa at mineral.

Ang potensyal sa likas na yaman


ng Latin America ang nag-udyok sa
mga Espanyol na manatili at manakop.
Umabot sa ilang dantaon ang
pamamahala ng mga Espanyol na
nagdulot ng paghihirap ng mga
mamamayan nito. Ang mga suliraning
panlipunan na kinaharap ng mga tao
ang siyang dahilan kung bakit sumibol
ang damdaming nasyonalismo.
Mapa ng Latin America

Pagkatapos makamit ng Estados Unidos ang kanilang kalayaan mula sa Great


Britain, nag-alsa ang mga lalawigan sa Latin America laban sa Spain. Ilan sa mga
pamamalakad na kinamumuhian ay ang sumusunod: awtokratikong Espanyol,
katiwalian sa pamahalaan, walang kalayaang magpahayag ng mga batas at
paghihigpit sa pangangalakal.

Sa Latin America maraming pinuno ang gumawa ng mga hakbang sa


pagpapaunlad ng demokrasya nguit sinalungat ng mga diktador. Mula noong 1820
hanggang 1827, sa pamumuno ni Nivadavia, sa Argentina ay may maraming
itinaguyod na pagbabago sa edukasyon, nagsikap na matamo ang karapatang
bumoto para sa lahat at gumawa ng paraan upang magkaroon ng makatarungang
sistemang legal.

8
Sa kabila ng lahat nawalan ng saysay dahil sa isinagawa ni Juan Manuel de
Rosas na pananakot, pagpapahirap, katiwalian at mga pagpatay na namahala sa
Argentina hanggang 1852.

Ang diskriminasyon na naranasan ng mga creole sa kamay ng mga peninsulares


ay isa sa mga dahilan kung bakit umusbong ang nasyonalismo sa Latin America.

Mga Pamprosesong Tanong


Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na mga tanong.
Isulat ang iyong mga sagot sa sagutang papel.

1. Ano-anong mga bansa ang binanggit na bahagi ng Latin America?


2. Ano ang bahaging ginampanan ng heograpiya ng ilang lugar sa Latin America sa
usapin ng pananakop ng Espanyol?
3. Bakit umusbong ang nasyonalismo sa Latin America?

Sino ang mga Creole?


Creole ay katawagan sa mga ipinanganak sa Bagong Daigdig na may lahing
Europeo. Sa Latin America minamaliit ang mga bansa na creole ang populasyon, tulad
ng Argentina na may Indian at iba’t ibang lahi. Ang iba pang magkahalong populasyon:
mestizo (Espanyol at Indian)’ zambo (Indian at ibang lahi); at mulatto (puti at ibang lahi)
magkasamang naninirahan sa mga bansa sa Latin America.

Ang pagkakaiba sa wika ang nagbigay ng kakaibang katangian sa mga bansang


Latin America. Ang mga taga-Brazil ay nagsasalita ng Portuges. Ang mga taga-Haiti ay
nagsasalita ng Pranses at karamihan sa mga Indian ay nagsasalita ng kanilang
katutubong wika. Ngunit halos lahat sa Latin America ay nagsasalita ng wikang
Espanyol.

Mga Pamprosesong Tanong


Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na mga tanong.
Isulat ang iyong mga sagot sa sagutang papel.
1. Paano nakaapekto ang pagkakaiba sa lahi at pinagmulan sa pag-usbong ng
damdaming nasyonalismo sa Latin America?
2. Ano ang mahalagang papel ng mga creole sa pag-usbong ng damdaming
nasyonalismo sa Latin America?

Si Bolivar- ang Tagapagpalaya


Si Simon Bolivar, isang creole ang nagnanais na palayain ang Timog Amerika
laban sa mga mananakop. Ipinagpatuloy lamang ni Bolivar ang nasimulan ni
Francisco de Miranda, isang Venezuelan. Noong 1811 nag-alsa ang pinuno ng
Venezuelan laban sa mga Espanyol ngunit hindi siya nagtagumpay na matamo ang
kalayaan mula sa Spain. Noong 1816, namatay si Miranda sa isang bartolina ng mga
Espanyol na puno sa sama ng loob. Matapos nito’y pinamunuan ni Bolivar ang kilusan
para sa kalayaan sa hilagang bahagi ng Timog Amerika.

9
Noong 1819, pagkatapos na mapalaya ang Venezuela, ginulat ni Bolivar ang
mga Espanyol nang magdaan sa Andes ang kaniyang hukbo. Sa kanyang tagumpay
humantong sa pagtatatag ng Great Colombia (ang buong hilagang pampang ng South
America). Sa ginawa niyang kaparaanan tinagurian siyang “Ang Tagapagpalaya o
Liberator. Naging pangulo si Bolivar at makalipas ang limang taon tinalo niya ang
kaniyang heneral na si Antonio Jose de Sucre at ang mga Espanyol sa labanan ng
Ayacucho sa Peruvian Andes.

Sa South America naging bayani si Bolivar samantala, si Jose de San Martin


(1778-1850) naman ang sa Argentina. Katulad din ni Bolivar, namuno si San Martin
sa kaniyang grupo sa Andes.Tumulong ito sa liberasyon ng Chile, gayundin sa Peru.
Mayroon din siyang heneral na tulad ni Bernard o’Higgins, isang Chileno.

Sa mga huling taon sa buhay ni Bolivar naging malungkot ito dahil maraming
tao ang naghinala na nais niyang maging diktador at ang iba naman ay nagbalak na
patayin siya. Ang kanyang pangarap ay di naisakatupan na pag-isahin ang South
America dahil nahati sa tatlong republika - ang Venezuela, Colombia at Ecuador.

Mga Pamprosesong Tanong


Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na mga tanong.
Isulat ang iyong mga sagot sa sagutang papel.

1. Bakit isinagawa ni Bolivar ang hakbang tungo sa paglaya?

Pag-unlad ng Nasyonalismo sa Africa


Sa Africa, ang mga kayumangging Bushman ng Kalahari at ang mga Pygmy
ang sinasabing unang naninirahan dito. Naitaboy sila ng mga lahing itim sa kanluran
at mga Bantu sa silangan. Nang lumaon ang mga pangkat na ito ay nakipamuhay sa
isa’t isa. Ang Sahara na malawak na disyerto ang naghihiwalay sa Black at Caucasoid
Africa.

Ang pagkakaiba-iba ng mga kultura ng mananakop ang naging dahilan ng


magkakaibang pag-unlad. Binuo ng mga lahing puti na mangangalakal na Arab,
Asyano at mga Europeo at lumikha ng kulturang masalimuot. Ang puting minorya
(dalawang bahagdan ng populasyon) ay nagtatamasa sa kayamanan ng Africa, ang
nakararaming lahing Itim (98 bahagdan ng populasyon) ay naghihirap.

Sa panahon ng pananakop pinaghati-hatian ang kontinente at binalangkas ang


ekonomiya ayon sa kanilang sariling interes at kapakanan. Nagtayo sila ng mga daang
bakal at industriya upang mapangalagaan ang kanilang yaman at kapangyarihan.

Bago nagsimula ang 1914, tatlo lamang ang malayang bansa sa Africa-
Ethiopia, Liberia at Republika ng South Africa. Ang Ethiopia ay sinasabing nagsimula
sa pamamahala ni Haring Solomon at ng Reyna ng Sheba. Ang Liberia ay itinatag
noong 1810 sa tulong ng America at ipinangalan kay Pangulong James Monroe ng
Estados Unidos ang kabisera na Monrovia. Ang South Africa ay naging kasapi ng
British Commonwealth of Nations noong 1910.

10
Pagkaraan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig lumaganap ang nasyonalismo
sa Africa. Lumaya ang Angola, Mozambique at Guinea Bissau noong 1975. May mga
bansang dumanak ng dugo bago nakamtan ang kalayaan tulad ng Congo (Zaire) at
Algeria. Gayunpaman, maraming bansa ang naging malaya nang walang karahasan
katulad ng Rhodesia at Nyasaland na naging Zimbabwe at Malawi.

Sa kasalukuyang panahon, halos kalahati ng buong kontinenteng Africa ay


nakaranas ng kahirapan. Sa katunayan may mga mahihirap na bansa sa buong
mundo ay matatagpuan sa kontinenteng ito. Ayon sa World Bank karamihan sa Sub-
Saharan Africa ay nasa mababang kategorya batay sa Gross National Income ng
bawat tao sa loob ng isang taon.

Mga Pamprosesong Tanong


Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na mga tanong.
Isulat ang iyong mga sagot sa sagutang papel.
1. Ano-anong mga bansa sa Africa ang sinakop ng mga Kanluranin?
2. Matagumpay ba ang epekto ng pagsibol ng nasyonalismo sa Africa?

Hadlang sa Pagkamit ng Nasyonalismo


Sa Latin America maraming naging sagabal sa pag-unlad ng nasyonalismo.
Ilan dito ay pansariling dahilan, kaya karamihan sa mga mahihirap ang hindi
nakikilahok sa makabayang pag-aalsa noong nagsimula ang ika-19 na siglo.

Kinamkam at pinaghahatian ang malalaking lupain sa mga paborito ng mga


hari ng Espanyol. Ang pagkabaon sa utang ay nagtulak ng pananatili sa pagkatali sa
lupa at pagkaalipin. Nakilalang peones ang uri ng piyudalismong umunlad sa Latin
America.

Sa mga bansa na nasa Latin America, napabayaan ang nasyonalismo


sapagkat matagal na panahon bago nagkaroon ng panggitnang uri ng lipunan.
Samantala ang pangangalakal o iba pang gawain ay itinuturing na mababang uri ng
trabaho. Ang pag-aari ng lupa higit na mahalaga sa kanila, kaya marami ang
mahihirap.

Sa pagpunta ng mga Espanyol sa Bagong Daigdig tanging layunin ang


pagkamit ng kayamanan hindi upang magtayo ng tahanan o magparami ng pamilya.
Maraming mga Indian ang sapilitang naghanap ng mga ginto sa mga minahan ng
Mexico at Peru. Habang ang mga katutubong tao sa Peru, Ecuador at Bolivia pinili
ang tumira sa kabundukan upang malayo sa pamamahala ng banyaga.

11
Kaugnayan ng Rebolusyong Intelektuwal sa Paghubog ng
Damdaming Nasyonalismo
Ang nasyonalismo, ang nagpamulat sa katotohanan na ang bawat tao ay
isinilang na may karapatang mabuhay, lumaya at maging maligaya. Nag-ugat sa
pagkamulat sa mga kaisipang pinalalaganap ng mga pilosopo bagaman masalimuot
ang damdaming ito. Ang nararamdamang parang nasisikil at pagnanais na wakasan
ang pang-aapi ng mga mananakop ay nag-udyok para magkaroon ng kamalayang
pambansa.

Iba’t-ibang paraan ang pagkamit ng kalayaan sa pamamagitan ng mapayapang


paraan at marahas na paraan. Subalit maraming nagbuwis ng buhay upang lumaya
tulad ng mga Pilipino, Amerikano, Hindu at iba pa. Nakahanda silang magbuwis ng
buhay upang mapangalagaan ang prinsipyong ipinaglalaban. Ang pagnanais na
makamtan ang kalayaan ang pinakamatibay na taling bumibigkis sa mamamayan
upang magkaisa sa pagkamit ng layunin.

Pagyamanin

Gawain 4: Sino Siya?


Panuto: Upang higit mong makilala ang taong may malaking ginagampanan ng
pagsibol ng nasyonalismo sa iba’t ibang bahagi ng daigdig, pumili ng isang
tao na nakasulat sa ibaba at sumulat ng isang liham pasasalamat o tula
para sa napiling tao.
Isulat ang hinihingi sa sagutang papel.
Ang pagbigay marka sa nagawang liham pasasalamat o tula ay nagagabay
ng rubric sa ibaba.

1. SIMON BOLIVAR
2. VLADIMIR I
Rubric sa Pagmamarka ng Liham Pasasalamat o Tula
Mahusay Katamtaman ang Nangangailangan ng
Pamantayan Husay pagsasanay Puntos
10 8 6
Nilalaman Lubusang naipakita Kaunting ideya ang Hindi sapat ang
ang ideya. inilahad. ideyang inilahad.
Paggamit ng mga Walang mali sa May 1-5 maling May 6 o higit pang
salita paggamit ng salita paggamit ng mga pagkakamali sa
salita paggamit ng mga
salita.
Kalinisan at Wastong-wasto at May 1-2 bura/dumi Hindi malinaw at may
kaayusan napakalinis ng sa pagkakasulat. 3 o higit na bura/dumi
pagkakasulat. sa pagkakasulat.

Kabuuang Puntos

12
Isaisip

Gawain 5: Reflection Paper


Panuto: Sumulat ng isang reflection paper tungkol sa damdaming nasyonalismo
na umusbong sa Europa at iba’t ibang bahagi ng daigdig. Pumili lamang ng
isang paksa batay sa sumusunod.
Isulat ang hinihingi sa sagutang papel.
Ang pagbigay marka sa nagawang liham reflection paper ay nagagabay
ng rubric sa ibaba.

Ang mga Paksa:


a) Pagsibol ng Nasyonalismo sa Europa
b) Pag-unlad ng Nasyonalismo sa Russia
c) Pag-unlad ng Nasyonalismo sa Latin America
d) Pag-unlad ng Nasyonalismo sa Africa

Rubric sa Pagmamarka ng Reflection Paper

Mahusay Katamtaman ang Nangangailangan ng


Pamantayan Husay pagsasanay Puntos
10 8 6
Mensahe Nailalahad nag Hindi gaanong Walang kaugnayan
maayos ang nailalahad ang ang mensahe.
mensahe nag mensahe,
reflection paper.
Angkop at wasto May iilang salitang Walang kaugnayan
Pagkabuo ang mga salitang ginamit na hindi at hindi wasto ang
ginamit sa angkop at wasto. mga salitang ginamit.
pagkabuo.
Mabisang Hindi gaanong Hindi naipahayag
Nilalaman naipahayag ang naipahayag ng nang mabisa ang
nilalaman ng mabisa ang nilalaman ng
reflection paper nilalaman ng reflection paper.
reflection paper.

Kabuuang Puntos

13
Isagawa

Gawain 6: Pagpa-Kilala!
Panuto: Magbigay ng limang situwasiyon na nagpapamalas at naglalarawan ng
pagmamahal sa bayan.
Isulat ang hinihingi sa sagutang papel.

1.
2.
3.
4.
5.

Tayahin
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang tanong sa bawat bilang at piliin ang letra
ng tamang sagot.
Isulat sa sagutang papel ang mga sagot niyo.

1. Paano nakinabang ang United States sa mga bansang napailalim nila sa


paraang protectorate?
A. Napalawak ang itinataguyod na relihiyon.
B. Napahusay ang kanilang kakayahan sa dagat.
C. Napangalagaan nito ang ekonomikong interes.
D. Naging kanlungan nila ang mga ito sa oras ng digmaan.

2. Anu-anong mga bansa ang nakuha ng United States nang magtagumpay ito laban
sa Spain?
A. Bangladesh, Brazil, at Japan
B. Panama, Samoa, at Vietnam
C. Guam, Pilipinas, at Puerto Rico
D. Hawaii, Taiwan, at New Zealand

3. Bakit mahalaga sa mga negosyante ang pagbibigay ng espesyal na karapatan sa


kalakalan?
A. Para madagdagan nila ang ibibigay na buwis a pamahalaan
B. Upang gawing makapangyarihan ang kinabibilangang bansa
C. Upang maimpluwensiyahan nila ang mga naglilingkod sa pamahalaan
D. Dahil malaya nilang mapangasiwaan ang pagpapalago sa kanilang negosyo

14
4. Paano nakatulong ang mga imbensyon sa teknolohiya at agham sa paglalayag?
A. Pinabilis nito ang paglalayag ng mga mananakop.
B. Nadagdagan nito ang mga armas ng mga kolonyalista.
C. Naging mahusay ang mga namumuno sa pamahalaan.
D. Pinaunlad nito ang ekonomiya ng mga bansang Europeo.

5. Paano natulungan ng Dagat Mediterranean ang sistema ng kalakalan upang sa


mapaunlad ang mga bayan na kaharap o malapit dito?
A. Pinalawak nito ang sistemang barter.
B. Dito kinukuha ang maraming ginto at langis.
C. Naging susi ito ng mabilis na transportasyon.
D. Nakapagbigay ito ng hanapbuhay sa mga tao.

6. Ano ang pinakamagandang gawin upang matulungan ang paglago ng ekonomiya


kung natuklasang may mga ginto sa Australia?
A. Gawing sakahan ang lugar
B. Magpatayo ng mga minahan
C. Palakasin ang turismo sa bansa
D. Pangalagaan at huwag sirain ang kalikasan

7. Aling paglalahad ang malaking pakinabang ng mga naval base na itinatag ng


United States sa mga nasasakupan nito?
A. Pinahusay nito ang mga operasyong pandigma.
B. Pinayabong ang kaalaman sa mga yamang dagat.
C. Mabilis nitong napaunlad ang ekonomiya ng bansa.
D. Napangalagaan nito ang kapakanan ng mga mangingisda.

8. Ano ang pinakamahalagang layunin ng mga kanluranin sa mga bansang sinakop


nila?
A. Pinaunlad nila ang mga bansang nasakop.
B. Nagkaroon ng hanapbuhay ang mga maralita.
C. Binigyan nila ng edukasyon ang mga katutubo.
D. Dito sila kumuha ng hilaw na sangkap gaya ng rubber.

9. Alin sa sumusunod ang isa sa mga pangunahing mekanismo sa paglunsad ng


ikalawang yugto ng pananakop?
A. Rebolusyong Pranses
B. Rebolusyong Industriyal
C. Rebolusyong Amerikano
D. Rebolusyong Pangkalikasan

10. Ano ang mahihinuha sa inilabas na Treaty of Paris sa pagitan ng France at Great
Britain?
A. Wala ng sagabal sa pamamahala ng Great Britain sa India.
B. Mabilis ng uunlad ang France dahil binitawan na nito ang India.
C. Pahirapan na ang pakipagkalan ng Great Britain sa mga nasasakupan.
D. Ipinakita nito na mas makapangyarihan ang France laban sa Great Britain.

15
11. Aling pahayag ang nagpapakita ng masamang epekto ng imperyalismo?
A. Tumaas ang bilang ng mga nandarayuhan at napabuti nito ang ugnayan.
B. Nahihirapan ang mga dayuhan sa pagpasok sa ilang pook ng nasasakupan.
C. Sinira nito ang kulturang katutubo dahil sa pananaig ng kulturang Kanluranin.
D. Natutunan ng mga katutubo ang mga ideyang pangkalakalan mula sa banyaga.

12. Ano ang masamang epekto ng hindi makatuwirang pagtatakda ng mga hangganan
sa ilang bahagi ng Asya at Africa na naging pamana ng mga Kanluranin sa mga
nasasakupang bansa?
A. Nahihirapan silang makamit ang mga pagbabago sa lipunan.
B. Pinahina at nilisan ng ibang mamamayan ang kanilang relihiyon.
C. Nagdulot ito ng migrasyon sa lipunan upang makahanap ng trabaho.
D. Patuloy ang hidwaan at kaguluhan lalong-lalo na sa mga hangganan.

13. Anong kontinente ang naging tanyag sa Europe dahil kay David Livingstone?
A. Africa C. Asia
B. Antarctica D. Australia

14. Anong doktrina ang naglalaman na ang United States of America ay puwedeng
magpalawak at angkinin ang buong kontinente ng Hilagang America?
A. Bullionism C. Protectorate
B. Manifest Destiny D. White Man’s Burden

15. Ito ay binansagang pinakamaningning na hiyas ng imperyong Ingles.


A. Australia C. India
B. China D. New Zealand

Karagdagang Gawain

Gawain 7: Kung Ako Kaya?


Panuto: Magtala ng tatlong hakbang upang iyong maipakita ang pagiging bayani sa
sariling bayan.
Isulat ang hinihingi sa sagutang papel.

1.

2.

3.

16
17
Mga Pamprosesong Tanong:
1. Paano nakaapekto ang pagkakaiba sa lahi at pinagmulan sap ag-usbong ng damdaming masyonalismo sa
Latin America?
• Dahil sa mababang pagtingin sa lahi nagging dahilan ng pag-usbong ng nasyonalismo.
2. Ano ang mahalagang papel ng mga creole sa pag-usbong ng damdaming nasyonalismo?
• Ang mga creole ay nagsagawa ng paraan upang ipakita ang damdaming nasyonalismo.
Mga Pamprosesong Tanong:
1. Anu-anong mga bansa ang binanggit na bahago ng Latin America?
• Ang sumusunod na mga bansa ay: CHILE, PARAGUAY, BOLIVIA, COLOMBIA, VENEZUELA,
ECUADOR, ARGENTINA, URUGUAY, at BRAZIL.
2. Ano ang bahaging ginampanan ng heograpiya ng ilang lugar sa Latin America sa usapin ng pananakop ng
Espanyol?
• Ang heograpiya ng Latin America ay nakatulong upang umunlad bilang hiwa-hiwalay na bansa.
3. Bakit umusbong ang nasyonalismo sa Latin American?
• Umusbong ang nasyonalismo dahil sa pananakop ng mga Espanyol.
Mga Pamprosesong Tanong:
1.Bakit pinabagsak ng mga Ruso ang pamamahala ng czar?
• Nasa ilalim ng pamamahala ng czar ang mga magsasakang nakatali sa lupa, walang karapatan at
laging nakabaon sa utang at maging sa industriya kaya pinaalis ang mga czar.
2. Paano ipinakita ng mga Ruso ang damdaming nasyonalismo?
• Nagsagawa ang mga Ruso ng isang himagsikan para ipakita ang damdaming nasyonalismo.
Tuklasin
Kilalanin Mo!
1. Simon Bolivar
2. Creole
3. Napoleon War
4. Vladimir I
5. Mongol
6. Josef Stalin
7. Haring Solomon
8. James Monroe
9. Czar
Balikan
10. Jose de San Martin
Tama o Mali Subukin
1. ✓ 1. A 6. C 11. D
2. ✓ 2. B 7. C 12. B
Gawain 3: Tuklas-Kahulugan
3. ✓ 3. A 8. C 13. A
* Maaring magkakaiba ang sagot ng
4.  4. D 9. B 14. A
bawat mag-aaral.
5.  5. D 10. A 15. C
Susi sa Pagwawasto
18
Karagdagang Gawain
Gawain 7: Kung Ako Kaya?
1. Mahalin ang sariling bayan.
2. Mahalin ang kapwa
3. Handang lumaban kung kinakailangan
Tayahin Isagawa
1. C 6. D 11. A Gawain 6: Pagpa-Kilala!
2. C 7. B 12. B 1. Respeto sa watawat
3. C 8. A 13. A 2. Tangkilikin sariling atin
4. B 9. A 14. D 3. Mahalin ang sariling wika
5. A 10. C 15. D 4. Tumulong sa kapwa
5. Huwag mang-aapi
Isaisip
Gawain 5: Reflection Paper
* Maaring magkakaiba ang sagot ng bawat mag-aaral.
Ang pagbigay marka sa nagawang reflection paper ay nagagabay ng ibinigay na rubric.
Pagyamanin
Gawain 4: Sino Siya?
* Maaring magkakaiba ang sagot ng bawat mag-aaral.
Ang pagbigay marka sa nagawang liham pasasalamat o tula ay nagagabay ng ibinigay na rubric.
Mga Pamprosesong Tanong:
1. Ano-anong mga bansa sa Africa ang sinakop ng mga Kanluranin?
• Ang mga bansang sinakop ay ang mga sumusunod: ETHIOPIA, LIBERIA at REPUBLIKA NG
SOUTH AFRICA, ZIMBABWE, MALAWI, ANGOLA, MOZAMBIQUE, GUINEA BISSAU, CONGO,
ZAIRE, ALGERIA .
2. Matagumpay baa ng epekto ng pagsibol ng nasyonalismo sa Africa?
• Sumubol ang nasyonalismo sa Africa ngunit hanggang sa kasalukuyan may mga bansa parin ditto
na kabilang sa mahirap na bansa sa buong mundo.
Mga Pamprosesong Tanong:
1. Bakit isinagawa ni Bolivar ang hakbang tungo sa paglaya?
• Upang lumaya ang Latin America sa mga mananakop.
Sanggunian
Blando, Rosemarie C., Michael M. Mercado, Mark Alvin M. Cruz, Angelo C. Espiritu,
Edna L. De Jesus, Asher H. Pasco, Rowel S. Padernal, Yorina C. Manalo, Kalenna
Lorene S. Asis. 2014. Kasaysayan ng Daigdig: Araling Panlipunan 8 – Modyul ng
mag-aaral. Pasig City, Philippines: Vibal Group Inc. and Department of
EducationInstructional Materials Council Secretariat (DepEd-IMCS).

19
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

You might also like