You are on page 1of 2

UNANG LAGUMANG PAGSUSULIT SA FILIPINO VI (SSES)

IKATLONG MARKAHAN

Pangalan:_________________________________________________________________ Iskor:__________________
I. Panuto: Basahin ng mabuti ang mga katanungan. Piliin ang titik ng tamang sagot.

Ang Aso at ang Kanyang Anino

Naglalakad ang aso sa kahabaan ng kalsada nang may maaninag siyang nakaumbok sa lupa. Agad niya itong
nilapitan at natuwa siya nang makitang isang malaking buto ang nakatusok sa lupa. Dali-dali niya itong hinukay at
kinagat. Tuwang-tuwa siyang naglakad pauwi bitbit ang buto sa kanyang bibig. Sa kanyang paglalakad ay napadaan siya
sa isang tulay upang makauwi nang mas mabilis. Sa ilalim ng tulay ay ang ilog. Habang naglalakad ay napagawi ang
tingin niya sa ilog at nagulat siya sa repleksiyong nakita niya. Isang malaking aso na may bitbit na buto ang kanyang
nakita. Sa pag-aakalang ibang aso ito, tinahulan niya ito nang tinahulan upang ito ay matakot at ibigay sa kanya ang buto.
Kakatahol, nabitawan niya ang bitbit na buto at nalaglag pa siya sa ilog. Umuwi siyang basang-basa at gutom na gutom.

_________1. Ano ang naaninag ng aso habang siya ay naglalakad?


A. Isang bagay na nakaumbok sa lupa
B. Isang espada na nakatusok sa lupa
C. Isang asong malaki at malakas
D. Isang mahabang tulay

_________2. Bakit natuwa ang aso sa kanyang nakita?


A. dahil isang malaking buto ang nakatusok sa lupa
B. dahil isang malaking bato ang nakatusok sa lupa
C. dahil may malaking aso sa kanyang daraanan
D. dahil makadadaan na siya sa tulay

_________3. Ano ang nangyari nang tinahulan ng aso ang kanyang anino?
A. Nawalan siya ng pagkain
B. Ibinigay niya ang buto sa ibang aso
C. Nakakuha siya ng mas malaking buto
D. May umagaw ng buto na nasa bibig niya

_________4. Kung hindi tumahol ang aso sa kanyang anino, ano kaya ang mangyayari?
A. Magkakaroon siya ng mas maraming buto
B. Hindi mahuhulog ang butong nasa bibig niya
C. May malaking aso na kukuha ng pagkain niya
D. Makakakita siya ng mas malaking buto sa kanyang paglalakad

_________5. Ito ay pang-abay na nagsasaad kung kailan nangyari ang pandiwa.


A. Pamanahon B. Panlunan C. Pamaraan D. Panggaano

_________6. Ito ay pang-abay na nagpapahayag kung saan naganap ang kilos.


A. Panang-ayon B. Pamitagan C. Pamaraan D. Panlunan

Tukuyin ang uri ng pang-abay na nakasalungguhit sa bawat pangungusap.


_________7. Maagang gumising si Allan upang kumuha ng mga dahoon ng niyog upang gawing walis tingting.
A. pananggi
B. pang-agam
C. pamanahon
D. pamaraan

_________8. Ang mga makabagong kagamitan ay matatagpuan saan mang panig ng Pilipinas.
A. panlunan
B. panggaano
C. pamitagan
D. panang-ayon

_________9. Nilusaw niya nang marahas ang pakikidigma sa mga lalawigan.


A. panlunan
B. pang-agam
C. pamanahon
D. pamaraan
_________10. Isang non-working holiday ngayon sa lalawigan ng Ilocos Sur sab isa ng Proclamation 1927 na inisyu
noong Nobyembre 15, 1979.
A. pananggi
B. panang-ayon
C. pamanahon
D. pamaraan

Para sa bilang 11 at 12, aling pang-abay ang may naiibang uri sa pangkat?
_________11. A. mabilis na nililinis
B. marahang kinukuha
C. noong kamakalawa
D. maingat na inilalagay

_________12. A. sa bayan
B. sa bao ng niyog
C. sa susunod na linggo
D. sa likod ng inyong bahay

_________13. Aling pangkat ng pang-abay ang nagpapahiwatig kung kailan ginawa ang kilos?
A. kahapon, araw-araw, mamaya at bukas
B. oras-oras, sandal, kasi, at daw/raw
C. bakit, ano, tuwing, at mula
D. oo, sige, at puwede

_________14. Ang “gintong panahon” ng isang lugar ay nangangahulugan ng ____________.


A. kahirapan C. kasaganaan
B. kasalatan D. kakulangan

_________15. Kung ang ilog ay nagkulay-pula, maraming ________ ang umagos.


A. dugo B. tubig C. burak D. langis

_________16. Nang ipinangalan kay Handiong ang bigas na kanilang pananim, siya ay ________ ng kanyang
nasasakupan.
A. hinahangaan C. kinatatakutan
B. tinatawanan D. kinasusuklaman

_________17. Kapag nakarinig ka ng matimyas at malambing na tinig, ikaw ay __________.


A. natatakot B. nahahalina C. natataranta D. nagagalit

_________18. Ang taong napaglalangan ay ___________.


A. nagwagi B. nasindak C. natalo D. nasira

_________19. Piliin ang angkop na bunga sa sumusunod na sanhi:


Sanhi: Naligo sa ulan si Roselle.
A. Sinipon at nilagnat siya
B. Lalong naging malakas siya
C. Pinuri ng kanyang nanay si Roselle
D. Sumakit ang kanyang ngipin.

_________20. Sanhi: Nagtanim ng punongkahoy ang mga bata.


A. Maraming bahay ang nasira.
B. Dumami ang mga puno sa kagubatan
C. Nagkaroon ng pabaha sa kanilang lugar
D. Napagalitan ang mga bata ng kanilang mga magulang

--------------------------------------------------------------- W A K A S ---------------------------------------------------------------------

You might also like