You are on page 1of 2

PANUKALANG PROYEKTO

PANUKALA SA PAGPAPAHAYAG NG SULIRANIN AT PAGPAPLANO PARA SA KAKULANGAN AT PAGBILI NG MGA FIRST AID KIT SA MCSI.

Mula kay Judel O. Santos

Purok Malipayon

Barangay Rizal Poblacion

Banga South Cotabato

Ika-26 ng Pebrero, 2024

Haba ng Panahong Gugulin: 1 buwan at kalahati

l. Pagpapahayag ng Suliranin

Ang Mindanao Community School inc. ay isang maunlad at magandang paaralan. Ito ay nagpapatupad ng mga ibat-ibang alituntunin upang mapanatili ang kaayusan sa paaralang ito.

Isa sa mga suliraning nararanasan ng Mindanao Community School Inc. Sa kasalukuyan ay ang kakulangan sa kagamitang pang medisina. Ito ay isang malaking panganib sa kaligtasan ng mga mag-aaral, guro, at kawani ng paaralan lalo na sa oras ng mga aksidente at mga emergency. Ang pangunahing sanhi ay ang kakulangan sa first aid kit at financial.

Dahil dito, nangangailangan ang paaralan na mabigyang pansin ito upang masiguro ang kaligtasan ng mga mag-aaral, guro, at kawani ng paaralan. Kung ito ay maisasagawa ay tiyak na magiging kampante na ang bawat isa. Higit sa lahat, maiiwasan ang mga pag aalala. Kailangan maisagawa na ang proyektong ito sa madaling panahon para sa kapakanan at kaligtasan ng mga mag-aaral at guro.

ll.Layunin

Mapalakas ang kaligtasan at kagalingan ng mga mag-aaral, guro, at kawani ng paaralan sa pamamagitan ng pagpapalakas ng suplay ng first aid kit. Matiyak na handa at may sapat na kagamitan ang paaralan sa anumang aksidente o emergency.

lll.Plano

1.Pagsasagawa ng Inventory: Surveiin ang kasalukuyang kagamitan at kung ano ang kakulangan sa bawat first aid kit sa paaralan.

2. Pagbili ng mga Kakailanganin: Pag-allocate ng pondo para sa pagbili ng mga kinakailangang kagamitan tulad ng band-aids, antiseptics, gauze, alcohol, at iba pa.

3. Pag-organisa ng mga First Aid Kit: Itakda ang mga standard na kagamitan na dapat laman ng bawat first aid kit at tiyakin na ito ay maayos at handa sa anumang oras.

4. Pagsasanay sa Paggamit: Isagawa ang pagsasanay sa mga guro, kawani, at mga mag-aaral sa wastong paggamit ng mga kagamitan sa first aid kit at sa pagresponde sa mga aksidente o emergency.

IV.Badget

Mga Gastusin Halaga

l. Pagbili ng kagamitan ₱7000.00

ll. Iba pang gastusin ₱3000.00

Kabuuang halaga ₱10,000.00

V. Benepisyo at Makikinabang:

Magbibigay ang proyekto ng agarang tulong sa mga taong naaksidente sa paaralan.Magbibigay rin ito ng kumpiyansa sa mga mag-aaral, guro, at kawani na may sapat silang kagamitan sa oras ng pangangailangan.
Magbubunga ito ng mas ligtas at maayos na pamayanan sa paaralan, na magiging halimbawa sa mga estudyante sa kahalagahan ng pag-aalaga sa sarili at sa iba.

You might also like