You are on page 1of 8

ASIGNATURA: MATEMATIKA 1

PETSA: MARSO 11, 2024 LUNES MT IN-CHARGE: ___________________


ORAS: 1:30- 2:20___________

I. Pangkalahatang Layunin:
constructs equivalent number expression using addition and subtraction.
(e.g. 6 + 5 = 12 – 1) M1AL-IIIh-8
Tiyak na layunin:
Nalalaman ang number equivalent expressions gamit ang pagdaragdag at
pagbabaawas.
II. Paksang -aralin
A . Paksa: Pagbuo ng Number Equivalent Expressions
Integrasyon: math, art
Pagpapahalaga: pagkakapantay pantay
B. Sanggunian ;
Math MELC based pahina 3 week 6 ( 3RD qtr)
C. Mga Kagamitan:
Powerpoint Presentation, tunay na bagay, whiteboard
III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Balik- Aral
Ano ang patterns? Paano nakikilala ang isang disenyo o pattern?
B. Panlinang na gawain
1.Paglalahad
May napitas na 10 pirasong bayabas si Leo. Walo (8) naman pirasong bayabas ang napitas ni
Edwin. Ibinigay ni Leo kay Edwin ang 1 pirasong bayabas.
2. Pagmomodelo ( pagtalakay sa aralin/paksa)
1 . Sino sino ang 2 bata sa kwento?
2. Ano kanilang ginawa? Ilan ang napitas ni Leo? Ilan ang kay Edwin?
3. Ano ang ginawa ni Leo sa isang bayabas? Bakit niya kaya ginawa ito?
4. Tama ba ang ginawa ni Leo? Anong ugali ang dapat tularan sa kanya?
5. ipakita ang 10 bayabas ni Leo at walong bayabas ni Edwin.

6.
7. ilan ang natirang bayabas kay Leo matapos niya ibigay kay Edwin ang 1?
8. Ilan na ngayon ang mga bayabas ni Edwin? Sino sa dalawang bata ang mas
marami na ang bayabas? ( wala po dahil pareho na sila ng bilang)
9. ipaliwanag ang ilustrasyon na nabuo ay tinatawag na equivalent expressions
gamit ang pagdaragdag at pagbabawas.
10. ipakita ang equivalent expressions: 10- 1 = 8 + 1
11. sagutan ang expressions upang ipakita na pantay ang nakuha nilang
bayabas.
10- 1 = 8+ 1=
9 9 ( pareho ang bilang ng bayabas na nakuha nina Leo at Edwin
12. magpakita ng iba pang halimbawa ng pagbuo ng equivalent expressions
gamit ang addition at subtraction.
3.Paglalahat
Ano ang natutuhan mo sa aralin ngayon?
Tandaan:
Ang equivalent expressions ay ang pamilang na pangungusap na magkapareho ang dami
o halaga. Nabubuo ito gamit ang pagdaragdag at pagbabawas.

4.Ginabayang Pagsasanay:
Itsek ang equivalent expressions at x ang hindi.
_____1. 5 + 2 = 9-2 ____4. 8- 1 = 6 + 1
_____2. 10- 5 = 3+2 ____5. 7 + 3 = 8- 4
_____3. 9- 6 = 5 + 3
5.Pangkatang Gawain
Bilugan kung equivalent expressions x ang hindi.

6+ 3= 10-1 12- 8 = 2 + 2 7 + 3 = 15- 1


16- 8 = 8 + 8 5 + 3= 10 - 2

6.Malayang Pagsasanay
Sagutin ng Tama o Mali.
______1. 9 + 2 = 13- 2
______2. 3 + 2 = 9 – 4
______3. 11- 8 = 4 + 1
______4. 10- 8 = 1 + 1
______5. 6 + 4 = 20- 10

IV. Takdang Aralin


Pag aralan pa ang pagbuo ng equivalent expressions.

ASIGNATURA: MATEMATIKA 1
PETSA: MARSO 12 , 2024 MARTES MT IN-CHARGE: _____________
ORAS: 1:30- 2:20___________

I. Pangkalahatang Layunin:
constructs equivalent number expression using addition and subtraction.
(e.g. 6 + 5 = 12 – 1) M1AL-IIIh-8
Tiyak na layunin:
Nakasusulat ng equivalent number expression gamit ang pagdaragdag at
pagbabawas.
II. Paksang -aralin
A . Paksa: Pagbuo ng Number Equivalent Expressions
Integrasyon: math, art
Pagpapahalaga: pagkakapantay pantay
B. Sanggunian ; Math MELC based pahina 3 week 7 ( 3RD qtr)
C. Mga Kagamitan: Powerpoint Presentation, tunay na bagay, whiteboard
III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Balik- Aral
Lagyan ng tsek ang bilang na nagpapakita ng equivalent expression at ekis
kung hindi.
______1. 4 + 3 = 8 -1
______2. 5+ 3 = 10- 2
______3. 7 + 2 = 3 – 1
______4. 10+ 3 = 9- 5
______5. 2 + 2 = 3- 1
B. Panlinang na gawain
1.Paglalahad
May 8 lollipop si Jen. May 6 naman si Jam. Nais ibigay ni Jen ang 1 lollipop kay
Jam.
2. Pagmomodelo ( pagtalakay sa aralin/paksa)
1 . Sino sino ang 2 bata sa kwento?
2. Ilan ang lollipop ni Jen? Ilan naman ang kay Jam?
3. Ano ang nais gawin ni Jen sa isang lollipop? Bakit niya ito gagawin?
4. Ilang lollipop ang matitira kay Jen? Ilan ang maging lollipop ni Jam?
5. ipakita ng equivalent expressions na mabubuo upang ipakita na pantay ang
nakuha nilang lollipop.
8- 1 = 6+ 1=
7 7 ( pareho ang bilang ng lollipop nina Jen at Jam)
6. magpakita ng iba pang halimbawa ng pagbuo ng equivalent expressions
gamit ang addition at subtraction.
3.Paglalahat
Ano ang natutuhan mo sa aralin ngayon?
Tandaan:
Ang equivalent expressions ay nabubuo gamit ang pagdaragdag at
pagbabawas.

4.Ginabayang Pagsasanay:
Itsek ang equivalent expressions at x ang hindi.
_____1. 5 + 2 = 9-2 ____4. 4 + 1 = 6 -1
_____2. 5 + 5 = 9- 2 ____5. 2 + 3 = 8- 3
_____3. 6 + 2 = 12- 4

5.Pangkatang Gawain
Isulat ang number sentence na bubuo sa equivalent expressions.

6+ 4 = ____ 4 + 3 = _______ 7 + 3 = _______


2 + 4 = ________ 5 + 3= ________

6.Malayang Pagsasanay
Bilugan ang number sentence na angkop upang mabuo ang equivalent
expressions.
1. 4+ 2 = _______________ 7 – 1 8- 1 9-1
2. 3 + 2 =________________ 9- 3 10- 5 3-2
3. 2 + 8 = ________________ 12- 2 8–3 7- 2
4. 5 + 4 = ________________ 8- 5 6-2 10- 1
5. 1+ 4 = _________________ 4- 1 5- 5 6- 1

IV.Takdang aralin/ Kasunduan


Buuin ang equivalent expressions. ( ang unang bilang ay halimbawa para sa iyo)
1. 9 -2 = 4 + 3___________________
2. 7- 4 = _______________________
3. 10-3= ______________________-
4. 12- 4 = ______________________
5. 8-1 = _______________________

ASIGNATURA: MATEMATIKA 1
PETSA: MARSO 13 , 2024 Miyerkules MT IN-CHARGE: __________________
ORAS: 1:30- 2:20___________

I. Pangkalahatang Layunin:
constructs equivalent number expression using addition and subtraction.
(e.g. 6 + 5 = 12 – 1) M1AL-IIIh-8
Tiyak na layunin:
Nakasusulat ng equivalent number expression gamit ang pagdaragdag at
pagbabawas.
II. Paksang -aralin
A . Paksa: Pagbuo ng Number Equivalent Expressions
Integrasyon: math, art
Pagpapahalaga: pagkakapantay pantay
B. Sanggunian ; Math MELC based pahina 3 week 7 ( 3RD qtr)
C. Mga Kagamitan: Powerpoint Presentation, tunay na bagay, whiteboard
III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Balik- Aral
Buuin ang equivalent expressions.
1. 9 -2 = 4 + 3___________________
2. 7- 4 = _______________________
3. 10-3= ______________________-
4. 12- 4 = ______________________
5. 8-1 = _______________________
B. Panlinang na gawain
1.Paglalahad
Ngayong araw ay pag aaralan muli ang pagbuo ng equivalent expressions.
2. Pagmomodelo ( pagtalakay sa aralin/paksa)
1 . magpakita ng isang subtraction number sentence.
9- 5 = ____________________
2. hayaang magbigay ang mga bata ng isa pang number sentence ( addition)
na angkop para dito upang mabuo ang equivalent expressions.

3. magbigay ng iba pang halimbawa ng equivalent expressions na


pagbabawas .
3.Paglalahat
Ano ang natutuhan mo sa aralin ngayon?
Tandaan:
Ang equivalent expressions ay nabubuo gamit ang pagdaragdag at
pagbabawas.

4.Ginabayang Pagsasanay:
Itsek ang equivalent expressions at x ang hindi.
_____1. 5 - 2 = 2+1 ____4. 10 - 1 = 7+2
_____2. 9 - 5 = 5+ 1 ____5. 8-2 = 6+ 4
_____3. 6 - 2 = 2 + 2

5.Pangkatang Gawain
Isulat ang number sentence na bubuo sa equivalent expressions.

6- 4 = _________ 4 - 3 = _________ 7 - 3 = _______


8- 4 = ________ 10- 3= ________

6.Malayang Pagsasanay
Sumulat ng number sentence na bubuo sa equivalent expressions.
1. 4- 2 = _______________
2. 7 - 2 =________________
3. 12 - 8 = ________________
4. 10- 4 = ________________
5. 9- 4 = _________________

IV.Takdang aralin/ Kasunduan


Mag-aral nang mabuti para sa susunod na aralin at talakayan.

.
ASIGNATURA: MATEMATIKA 1
PETSA: MARSO 14, 2024 HUWEBES MT IN-CHARGE: _______________________
ORAS: 1:30- 2:20___________

I. Pangkalahatang Layunin:
Identifies and creates patterns to compose and decompose using addition.
M1AL-IIIi-9
Tiyak na layunin:
Nakakalikha ng pattern sa pamamagitan ng pagcompose at decompose ng mga bilang
gamit ang pagdaragdag.
II. Paksang -aralin
A . Paksa: Composing and Decomposing Numbers
Integrasyon: math/ health
Pagpapahalaga: masustansiyang pagkain
B. Sanggunian ; Math MELC based pahina 3 week 9 ( 3RD qtr)
C. Mga Kagamitan: Powerpoint Presentation, tunay na bagay, whiteboard
III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Balik- Aral
Naalala pa ba ninyo ang pagbuo ng number equivalent epressions?
Paano ito isinasagawa?
B. Panlinang na gawain
1.Paglalahad
Bumili si Aling Cora ng 8 nilagang mais para sa dalawa niyang anak. Illan kayang mais ang
matatanggap ng bawat anak ni Aling Cora?
2. Pagmomodelo ( pagtalakay sa aralin/paksa)
1 . Ano ang binili ni Aling Cora?
2. Ilan ang mais na kanyang binili?
3. Ano ang sustansiyang dulot ng pagkain ng mais?
4. Ngayon ating aalamin kung ilang mais ang maaring mapunta sa bawat anak ni Aling Cora sa pamamamgitan
ng pag decompose o paghihiwalay ng bilang na 8.
5. Ipakita ang pamilang na pangungusap na nabuo sa bawat solusyon.
6. Magpakita ng iba pang halimbawa
3.Paglalahat
Ano ang natutuhan mo sa aralin ngayon?
Tandaan:
Ang paghihiwalay ng mga bilang ay tinatawag na decomposing. Composing naman ang
tawag sa pagbuo ng pamilang na pangungusap.
Sa paglikha ng pattern, mahalaga ang pag-compose at pag-decompose ng mga bilang gamit angpagdaragdag
at pagbabawas. Maaring magsimula sa 0 pataas o mula sa bilang na binigay hanggang pababa sa 0. Dagdagan
ng isa ang unang addend at bawasan naman ng isa ang ikalawang addend.

4.Ginabayang Pagsasanay:
Lagyan ng tsek ang kombinasyong mabubuo sa bilang na 9. x ang hindi
_____1. 8 + 1
_____2. 5 + 5
_____3. 7 + 2
_____4. 6+ 3
_____5. 2 + 1

5.Pangkatang Gawain
Bumuo ng kombinasyon para sa mga bilang na ibinigay.
Pangkat 1 - bilang 7 at 6
Pangkat 2 - bilang 10 at 9
Pangkat 3- bilang 4 at 5
Pangkat 4- 8 at 9

6.Malayang Pagsasanay
Bilugan ang number sentence na kasunod ng pattern sa pagcompose ng bilang sa
kaliwa.
1. 7- 7+ 0 , 6 + 1 _______ 5+2 8+1 2+ 6
2. 5- 0 + 5, 1 + 4, ______ 5+2 2+3 5+1
3. 10- 10 + 0, 9 + 1, _______ 5+3 6+3 8+ 2
4. 8- 4+ 4, 5 + 3, _______ 6+2 10+ 0 7+ 3
5. 6- 1 + 5, 2 + 4, ______ 3 +3 4+ 3 5 + 3

IV. Takdang Aralin


Pag aralan pa ang pagcompose AT pagdecompose ng mga bilang.

You might also like