You are on page 1of 1

Si Manuel Luis Quezon ay kilala bilang “Ama ng Wikang Filipino.

” Tinagurian ding “Ama ng


Republika ng Pilipinas”, siya ang naging unang Pangulo ng Commonwealth ng Pilipinas sa
ilalim ng pamahalaang Amerikano noong simula ng ika-20 siglo. Bagamat hindi kinilala ng ibang
bansa ang naunang Republica Filipina na siyang pamahalaang rebolusyunaryo ni Emilio
Aguinaldo, si Quezon ay itinuturing ng mga Filipino bilang ikalawang Pangulo lamang ng bansa,
sumunod kay Aguinaldo. Si Quezon ay tinatawag ding “Ama ng Republika ng Pilipinas” at “Ama
ng Kasarinlang Pilipino” dahil sa kanyang mga ginawa upang isulong ang kasarinlan ng
Pilipinas mula sa pamahalaang Amerikano.

Ang mestiso Espanyol na si Manuel Luis Quezon ay ipinanganak noong ika-19 ng Agosto, 1877
(bagamat ang kanyang opisyal na kaarawan ay ang ika-19 ng Agosto, 1878) sa Baler, Tayabas
(ngayon ay nasa lalawigan na ng Aurora), kina Lucio Quezon, isang guro mula sa Paco, Manila,
na isa ring retiradong sarhento sa sandatahang kolonyal ng Espanya, at Maria Dolores Molina,
isa ring guro sa kanilang bayan.
Tinuruan siya ng isang pribadong guro mula 1883 hanggang 1887; pagkatapos ay pumasok
siya sa San Juan de Letran kung saan siya nagtapos sa sekondarya noong 1889. Namatay ang
kanyang ina sa sakit na tuberkulosis noong 1893, bago siya nagtapos ng summa cum laude sa
kursong Bachelor of Arts sa Unibersidad ng Sto. Tomas (UST) noong 1894. Noong 1898, ang
kanyang amang si Lucio at kapatid na si Pedro ay tinambangan at pinatay ng mga armadong
kalalakihan noong pauwi sila ng Baler galing ng Nueva Ecija, dahil sa kanilang katapatan sa
pamahalaang Espanyol.

Nag-aral si Quezon ng abogasya sa UST, ngunit pansamantalang natigil ito nang sumiklab ang
Digmaang Pilipino-Amerikano. Sumanib si Quezon sa kilusang rebolusyonaryo at nagsilbi
bilang aide-de-camp ni Emilio Aguinaldo mula 1899 hanggang sa nabihag si Aguinaldo ng mga
Amerikano noong 1901. Pagkatapos ng digmaan, tinapos niya ang kursong abogasya sa UST
at nakakuha siya ng pang-apat na puwesto sa Bar Exams noong 1903. Nagtrabaho muna siya
bilang isang clerk at surveyor bago naglingkod sa gobyerno bilang fiscal ng Mindoro noong ika-
19 ng Setyembre, 1903, at di kalaunan ay naging fiscal siya ng Tayabas noong Marso 1904. Sa
maikling panahong fiscal siya ng Tayabas, naghain siya ng 25 na kasong estafa laban kay
Frank J. Berry, isang impluwensiyal na abogado at manlilimbag na Amerikano, bago siya
nagbitiw sa tungkulin noong Nobyembre 1904 at pumasok sa private practice mula 1904
hanggang 1906.

Noong ika-13 ng Hulyo 1906, ibinaba ng Korte Suprema ang hatol sa kasong U.S. vs. Querijero
(G.R. No. L-2626), na nagsasabing noong pinatay ang ama at kapatid ni Quezon, ang mga
salarin ay mga sundalong rebolusyunaryong lumalaban sa Espanya at ang pagpaslang ay
alinsunod sa utos ng nakatataas na opisyal at ginawa para sa mga layunin ng himagsikan.
Pulitika

You might also like