You are on page 1of 34

Republic of the Philippines

Department of Education
Region I
SCHOOLS DIVISION OF ILOCOS NORTE

FILIPINO 1
Ikatlong Markahan – Modyul 2:
Pagbibigay ng Susunod na
Mangyayari sa Napakinggang
Kuwento at Pagsasalaysay ng
Orihinal na Kuwento na kaugnay
ng napakinggang kuwento

MELC: Naibibigay ang susunod na mangyayari sa napakinggang


kuwento (F1KM -IVe – 9)
Nakapagsasalaysay ng orihinal na kuwento na kaugnay ng
napakinggang kuwento (F1PS -IIVg – 7)

Inihanda nina:
ANNIE ROSE REYES RAQUEL MARICEL V. LINGA
Guro III Guro III
MABUTI ELEMENTARY SCHOOL MARCOS CENTRAL ES
Marcos District Marcos District
FILIPINO – Unang Baitang
Ikatlong Markahan – Modyul 2: Pagbibigay ng Susunod na Mangyayari sa
Napakinggang Kuwento at Pagsasalaysay ng Orihinal na Kuwento na kaugnay
ng napakinggang kuwento
Unang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto
o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit
sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales.
Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring
iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot
mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o


ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Annie Rose Reyes Raquel at Maricel V. Linga


Tagasuri: Caroline P. Calili
Tagapamahala: Joann A. Corpuz
Joye D. Madalipay
Santiago L. Baoec
Jenetrix T. Tumaneng
Editha R. Mabanag
Caroline P. Calili
Division Design &
Layout Artist: Chester Allan M. Eduria

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________


Schools Division of Ilocos Norte
Office Address: Brgy. 7B, Giron Street, Laoag City, Ilocos Norte
Telefax: (077) 771-0960
Telephone No.: (077) 770-5963, (077) 600-2605
E-mail Address: ilocosnorte@deped.gov.ph
1

FILIPINO
Ikatlong Markahan – Modyul 2:
Pagbibigay ng Susunod na
Mangyayari sa Napakinggang
Kuwento at Pagsasalaysay ng
orihinal na kuwento
na kaugnay ng napakinggang
kuwento

3
Paunang Salita
Ang Contextualized Learning Module o CLM na ito ay
maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-
aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay
sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang
mga kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa


Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong
o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang
gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-
kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat


ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang
aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong
mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa
bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang
natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o
mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan
namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang


CLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan.
Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng
modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa
mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad


sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-
unawa sa mga aralin at paggamit ng CLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga


tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral
kahit wala sila sa paaralan.

4
Alamin

Ang modyul na ito ay nagawa at dinisenyo para


mabigyan ka ng sapat at masayang pag-aaral sa iyong
sariling oras.
Ang nilalaman ng modyul na ito ay tungkol sa
pagbibigay ng susunod na mangyayari sa napakinggang
kuwento. Pagkatapos mong mapag-aralan ang modyul
na ito, ikaw ay inaasahang:
◼ Naibibigay/Nasasabi ang susunod na
mangyayari sa nabasa/napakinggang
kuwento.
◼ Nakikilala ang susunod na mangyayari sa
nabasa/napakinggang kuwento sa
pamamagitan ng larawan.
◼ Naisusulat ang susunod na mangyayari sa
nabasa/napakinggang kuwento.
◼ Naiguguhit ang susunod na mangyayari sa
nabasa/napakinggang kuwento.
◼ Naisasalaysay ng orihinal na kuwento na
kaugnay ng napakinggang kuwento.

1
Aralin Pagbibigay sa Susunod na
Mangyayari sa Napakinggang
1 Kuwento

Subukin

A. Ano ang susunod na mangyayari sa bawat larawan?


Piliin ang titik ng wastong sagot sa Hanay B. Isulat ito sa
patlang.
Hanay A Hanay B

_____1. A.

_____2. B.

_____3. C.

_____4. D.

2
_____5. E.
B. Basahin ang kuwento.

Nagmamadali si Noel sa pag-uwi. Hindi na niya


hinintay ang pag-uwi ng mga sasakyan. Tumakbo siya
sa kabilang daan. May dumating na mabilis na dyip.
Nabundol siya nito. Tumilapon siya sa may bangketa.
May sugat siya sa ulo. Dinala siya ng mga tao sa
ospital.

Ano ang sumunod na nangyari? Piliin ang titik ng wastong


sagot.
1. Tumawid siya kahit may nagdaraang sasakyan.

A. Dinala siya sa ospital ng mga tao.


B. Nabundol siya ng isang dyip.

2. Nasugatan siya sa ulo.

A. Dinala siya sa ospital ng mga tao.


B. Pauwi na si Noel.

3. Pauwi na si Noel.
A. May dumating na mabilis na dyip.
B. Tumakbo siya sa kabilang daan.

4. Nabundol siya ng isang dyip.


A. Pauwi na si Noel.
B. Tumilapon siya sa may bangketa.

3
5. Tumilapon siya sa may bangketa.
A. Nasugatan siya sa ulo.
B. Nagmamadali si Noel sa pag-uwi.

Balikan

Panuto: Piliin ang wastong baybay ng ngalan ng nasa


larawan.

1. upuan opuan opoan

2. regalu rigalo regalo

3. wattawat watawat watwat

4. Calabasa kalabassa kalabasa

5. Tellepono telepono telepuno

4
Tuklasin

Nagkapalit ng Damit

Pakinggan/Basahin

Magkaibigan sina Baka at Kalabaw. Magkasama sila


kahit saan. Isang araw, niyaya ni Kalabaw si Baka na
maligo sa ilog.

May gagawin ka ba,


Kaibigang Baka?
Wala naman.
Bakit?

Maligo tayo sa
ilog.
Mabuti pa nga.
Mainit ang panahon.

5
Masayang naligo ang dalawa sa ilog. Maghapon
silang nagbabad sa tubig.

Sana’y araw-araw Oo nga. Malinis at malinaw


na ang paligo natin ang tubig. Hindi pa tayo
dito. Tahimik dito. binabato ng mga bata.

Maya-maya, narinig nila ang tawag ng amo ni Kalabaw.


Dali-daling umahon sa tubig ang dalawa. Nagmadali
sila sa pagbibihis. Hindi nila napansin na nagkapalitan na
sila ng damit.

Naku, dalian natin! Nariyan na Bakit hindi mo


ang amo ko! Hinahanap na ako. sinabi kaagad?
Hindi kasi ako nagpaalam sa Tayo na.
kaniya.

6
Hanggang ngayon, mapapansin na ang balat ng
kalabaw ay masikip para sa kaniya. Maluwag naman ang
balat ng baka.

Suriin

Balikan ang kuwentong “Nagkapalit ng Damit”.

Maibibigay mo ba ang mga pangyayari sa kuwento?


Pag-aralan ang mga larawan mula sa
nabasa/napakinggang kuwento. Sabihin kung ano ang
sumunod na pangyayari sa bawat isa.

1 2

3
Nakuha mo ba lahat ang tamang sagot?

7
Paano mo nasabi?

Ang gawaing pagsusunod-sunod ng mga pangyayari


sa kuwento ay lumilinang ng kasanayang maalala ang
binasa. Unang antas ito sa pag-unawa ng binasa. Ito rin ay
isang pagsubok kung gaano kahusay ang pag-alaala sa
pag-aayos ng mga pangyayari ayon sa tamang
pagkakasunod-sunod.

Mahalagang matandaan mo ang sunod-sunod na


mga pangyayari sa isang kuwento. Maibibigay o
magagawa mo ito kung uunawain mong mabuti ang mga
pangyayaring napakinggan o nakita sa isang larawan.

Pagyamanin
Panuto: Ano ang susunod na mangyayari sa bawat
larawan? Piliin ang titik ng tamang sagot.

1. A. Magugutom ang bata.


B. Maghuhugas ng
pinagkainan ang bata.

2. A. Masusugatan sila.
B. Walang mangyayari sa
kanila.

3. A. Masusunog ang bahay.


B. Hindi masusunog ang bahay.

4. A. Marami siyang uulaming


isda.

8
B. Marami siyang uulaming
karne ng baboy.

5. A. Hindi mababasag ang


garapon.
B. Mababasag ang garapon.

Isaisip

Panuto: Kompletuhin ang pangungusap. Piliin ang


wastong sagot sa loob ng kahon.

uunawain larawan sunod-sunod

napakinggan kasanayang maalala

Ang gawaing pagsusunod-sunod ng mga


pangyayari sa kuwento ay lumilinang ng ________________
ang binasa. Unang antas ito sa pag-unawa ng binasa.
Mahalagang matandaan mo ang ______________
na mga pangyayari sa isang kuwento. Maibibigay o
magagawa mo ito kung _________________ mong mabuti
ang mga pangyayaring ________________ o nakita sa isang
__________________.

9
Isagawa
Panuto: Kompletuhin ang kuwento sa pamamagitan ng
pagguhit ng kasunod na mangyayari.

10
Tayahin

A. Basahin at unawain

Ginising at binihisan ng nanay ang kanyang anak.


Sumakay ng jeep ang mag-ina papuntang palengke.
Namili ng iba’t-ibang paninda ang nanay at ang bata.
Nakita ng bata ang laruang palayok sa palengke. Nakita
ng bata ang biniling lutu-lutuan ng nanay. Nagpasalamat
ang bata sa nanay.
Ayusin ang mga larawan ayon sa tamang pagkakasunod-
sunod sa kuwento. Isulat ang bilang 1-5 sa patlang.

A.______ B. _______

C._____ D._____

E. _____

11
B. Ano ang susunod na mangyayari? Piliin ang wastong
sagot sa loob ng kahon.

Kukunin ang mga sinampay Makakabingwit ng isda

Mababasa ang aklat Masusugatan ang bata

Kukunin ang mga basura

1.
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________

2.

________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________

12
3.

________________________________________________________
________________________________________________________
______________________________________________________

4.

________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________

5.

________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________

13
Karagdagang Gawain

Panuto: Basahin ang kuwento. Isulat ang susunod na


pangyayari.

1. May alagang aso si Miko. Pinapaliguan niya ito araw-


araw. Pinapakain din niya ito ng tatlong beses sa isang
araw.
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
2. Nagluto si Aling Nita noong Pasko ng bibingka.
Kumpleto ang mga rekado na ginamit niya. Linuto din
niya ito ng tama. Masaya siya habang nagluluto.

________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________

14
Aralin Pagsasalaysay ng orihinal na kuwento
na kaugnay ng napakinggang
2 kuwento

Subukin

Handa ka na bang makinig ng isang kuwento?


Pakinggan ang isang kuwento na pinamagatang “Ang
Dakilang Guro”. Matapos pakinggan ay magsalaysay ka
ng orihinal na kuwento kaugnay nito. Isulat sa nakalaang
espasyo ang iyong sagot.

(Kakailanganin ang tulong ng mga magulang o sino


mang kasama sa bahay para basahin ang kuwento.)

Ang Dakilang Guro

Si Bb. Mendoza ay aking guro sa Filipino sa unang


baitang. Maaga siyang pumasok sa paaralan. Palagi
niyang binabati ang aking mga kamag-aral. Siya ang
nagtuturo sa amin kung paano paghiwalayin ang mga
basurang nabubulok at hindi nabubulok. Tinuruan din niya
kaming magtanim ng mga puno sa paligid.

Isang araw, nagwawalis kami sa paligid ng aming


paaralan. Sabi niya, hindi dapat namin iasa sa mga
dyanitor ang lahat ng gawain sa paaralan kung kaya
naman naming gawin. Ang mga batang kagaya namin ay
may malaking maitutulong sa paglilinis ng paligid at pag-
unlad ng ating bansa.

15
Mahal namin ang aming guro dahil itinuturo niya sa amin
kung paano maging isang pakinabang sa pamayanan.
Dakila siyang guro sa kasalukuyan na dapat pamarisan at
hinahangaan.

Rubrik:
Kraytirya 5 puntos 4 puntos 3 puntos 2 puntos

Nilala- Komprehensibo Kumpleto May ilang Maraming


ang nilalaman. ang kakulang- kaku-
man
Wasto at may nilalaman. an sa langan.
kaugnayan sa Wasto at nilalaman.
nilalaman ng may May ilang
original na kaugnayan hindi wasto
kuwento. sa at ilang
nilalaman walang
ng original kaugnayan
na sa
kuwento. nilalaman
ng original
na
kuwento.

Dito isulat ang isasalaysay na kuwento:

_____________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
___________________________________________

16
Balikan
Panuto: Ayusin ang mga larawan sa tamang
pagkasunod-sunod. Isulat sa patlang ang bilang 1
hanggang 4.

_______________________ _____________________

_____________________ ______________________

17
Tuklasin

Pakinggang mabuti ang kuwento na may pamagat


“Ang Aking Malapit na Kaibigan”. Matapos pakinggan, ay
magsasalaysay ako ng aking orihinal na kuwento kaugnay
sa kuwentong napakinggan sa paraang pasulat. Pag-
aralang mabuti ang aking isinulat na pagsasalaysay ng
orihinal na kuwento galing sa napakinggan kong kuwento.

(Kakailanganin ang tulong ng mga magulang o


sino mang kasama sa bahay para basahin ang
kuwento.)

Ang Aking Malapit na Kaibigan

Liza ang pangalan ng aking malapit na kaibigan. Siya


ay mabait at masipag. Kapag walang pasok, siya ay
tumutulong maglinis ng bahay, magdilig ng halaman at
maglaba. Tumutulong din siya sa pagtitinda sa palengke
ng mga prutas.
Mahilig siyang magbasa ng aklat kaysa manood ng
telebisyon. Tinuturuan niya ang kanyang mga kapatid at
mga kamag-aral kung paano magbasa ng tama.
Kaya, gustong-gusto siyang maging kaibigan ng
kanyang mga kaklase. Binibigyan siya ng pagkain bilang
pasasalamat sa kanyang ginawang pagtuturo sa kanila.
Nasisiyahan ang kanyang mga guro sa kanyang kabaitan
at pagtulong sa kapwa bata.

(Basahin ang isinalaysay ng guro na nasa loob ng kahon)

18
Kaugnay sa aking napakinggang kuwento na may
pamagat “Ang Aking Malapit na Kaibigan” ay ang
kuwento tungkol sa aking Ate. Ang aking Ate ay para ko
na ring kaibigan. Tinutulungan niya ako sa aking mga
gawain sa paaralan. Tinuturuan din niya ako kung paano
magbasa tulad ng ginagawa ni Lisa sa kuwento.

Suriin

Tandaan mo lagi na sa pagsasalaysay ng orihinal na


kuwento kaugnay sa kuwentong napakinggan ay
nakukuha ito sa tunay na pangyayari sa ating buhay na
may parehong pangyayari mula sa napakinggang
kuwento.

Pagyamanin

Pakinggan ang isa pang kuwento na pinamagatang


“Ang Batang Mahilig Magbasa”. Matapos pakinggan ay
magsalaysay ka ng orihinal na kuwento kaugnay nito sa
paraang pasulat. Isulat sa nakalaang espasyo ang iyong
sagot.

19
(Kakailanganin ang tulong ng mga magulang o
sino mang kasama sa bahay para basahin ang
kuwento.)

Ang Batang Mahilig Magbasa

Si Lyn ay nasa unang baitang. Palagi siyang nag-iisa.


Hindi siya sumasama sa kanyang mga kaklase. Matalino
siyang bata. Palagi siyang nangunguna sa klase.
Siya ay batang mahilig magbasa, siya ang
nagpaliwanag sa klase at sumagot sa tanong ng guro.
Nagbabasa siya palagi. Namangha ang kanyang guro at
mga kaklase sa katalinuhang angkin niya. Pinalakpakan
siya nang malakas.

Rubrik:
Kraytirya 5 puntos 4 puntos 3 puntos 2 puntos

Nilala- Komprehensibo Kumpleto May ilang Maraming


ang nilalaman. ang kakulangan kakulangan.
man
Wasto at may nilalaman. sa nilalaman.
kaugnayan sa Wasto at May ilang
nilalaman ng may hindi wasto
original na kaugnayan at ilang
kuwento. sa walang
nilalaman kaugnayan
ng original sa nilalaman
na kuwento. ng original
na kuwento.

20
Dito isulat ang isasalaysay na kuwento:

_____________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________

Isaisip

Ngayon, malinaw na sa iyo kung paano ang


magsalaysay ng orihinal na kuwento kaugnay sa
napakinggang kuwento. Handa ka na ba sa isa pang
gawain?

Isagawa
Pakinggang mabuti ang kuwentong pinamagatang “Ang
Batang Maingat sa Gamit”. Matapos pakinggan ay
magsalaysay ka ng orihinal na kuwento kaugnay nito sa
paraang pasulat. Isulat sa nakalaang espasyo ang iyong
sagot.

(Kakailanganin ang tulong ng mga magulang


o sino mang kasama sa bahay para basahin ang
kuwento.)

25

21
Ang Batang Maingat sa Gamit

Nasa unang baitang na si Cathy. Siya ay maingat sa


gamit. Palagi niyang itinatago ang mga bagay na
gustong- gusto niya. Iniligpit niya ang mga gamit
pagkatapos gamitin upang hindi magkalat. Inaalagan
niyang mabuti ang mga kagamitan niya sa eskwela at sa
bahay. Masaya ang kanyang nanay sa kaugalian na
ipinakita niya.
Rubrik:
Kraytirya 5 puntos 4 puntos 3 puntos 2 puntos

Nilala- Komprehensi Kumpleto May ilang Maraming


bo ang ang kakulanga kakulangan
man
nilalaman. nilalaman. n sa .
Wasto at may Wasto at nilalaman.
kaugnayan may May ilang
sa nilalaman kaugnaya hindi wasto
ng original na n sa at ilang
kuwento. nilalaman walang
ng original kaugnaya
na n sa
kuwento. nilalaman
ng original
na
kuwento.

Dito isulat ang isasalaysay na kuwento:

_____________________________________________________
________________________________________________________
26

22
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________

Tayahin

Pakingnggang mabuti ang kuwentong may pamagat


“Si Edwin at ang Kanyang Karanasan sa Zoo”. Matapos
ang pakikinig ay magsalaysay ng orihinal na kuwento
kaugnay sa napakinggang kuwento.

(Kakailanganin ang tulong ng mga magulang o sino


mang kasama sa bahay para basahin ang kuwento.)

Si Edwin at ang Kanyang Karanasan sa Zoo

Isang linggo, napagkasunduan ng pamilya na


mamamasyal sa zoo. Masayang masaya si Edwin na
makita niya ang mga hayop na matagal na niyang
gustong makita. Sa zoo nandoon ang mga elepante,
malalaking unggoy, nakakatakot na mga ahas, kaakit-akit
na uri ng mga ibon, iba’t ibang mga kulay ng mga isda, at
iba pang mga kahanga-hangang mga hayop.

Ang karanasan ni Edwin sa kanilang pamamasyal sa


zoo ay hindi malilimutan. Nasisilayan niya ang totoong
mukha at pangangatawan ng mga hayop na
natatalakay sa klase.

23
Rubrik:
Kraytirya 5 puntos 4 puntos 3 puntos 2 puntos

Nilala- Komprehensi Kumpleto May ilang Maraming


bo ang ang kakulanga kakulangan
man
nilalaman. nilalaman. n sa .
Wasto at may Wasto at nilalaman.
kaugnayan may May ilang
sa nilalaman kaugnaya hindi wasto
ng original na n sa at ilang
kuwento. nilalaman walang
ng original kaugnaya
na n sa
kuwento. nilalaman
ng original
na
kuwento.

Dito isulat ang isasalaysay na kuwento:

_____________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________

24
Karagdagang Gawain

Pakinggan ang kuwentong pinamagatang “Ang


Pagtulong sa Pamayanan”. Matapos mapakinggan ay
magsalaysay ka ng orihinal na kuwento kaugnay nito.
Isulat sa nakalaang espasyo ang iyong sagot.

(Kakailanganin ang tulong ng mga magulang


o sino mang kasama sa bahay para basahin ang
kuwento.)

Ang Pagtulong sa Pamayanan

Rema: Kuya gising na. Huli na tayo sa eskwelahan.


Alex: Rema, nakalimutan mo na ba na Sabado
ngayon? Wala tayong pasok?
Rema: Oo nga pala, Kuya. Sige, tutulong na lang
ako sa mga gawaing bahay. Magwawalis
din ako sa bakuran upang matuwa si Nanay.
Alex: Ako naman ang magpuputol ng mga
tuyong kahoy.
Lina: Bakit ba natin gagawin ang mga iyan?
Pwede bang maglaro na lang tayo? Ang
mga kaibigan ko palagi raw silang naglalaro
tuwing walang pasok.
Alex: Para hindi na tayo mabahala kapag
dumating ang bagyo. Sa ganitong paraan,
nakakatulong tayo sa pagpapanatili ng
kalinisan sa ating kapaligiran.

25
Rubrik:
Kraytirya 5 puntos 4 puntos 3 puntos 2 puntos

Nilala- Komprehensib Kumpleto May ilang Maraming


o ang ang kakulangan kakulangan
man
nilalaman. nilalaman. sa .
Wasto at may Wasto at nilalaman.
kaugnayan sa may May ilang
nilalaman ng kaugnayan hindi wasto
original na sa nilalaman at ilang
kuwento. ng original walang
na kuwento. kaugnayan
sa nilalaman
ng original
na kuwento.

Dito isulat ang isasalaysay na kuwento:

_____________________________________________________
_____________________________________________________
_____________________________________________________
_____________________________________________________
_____________________________________________________
_____________________________________________________
___________________________________________________

26
Susi sa Pagwawasto

Aralin 1
Subukin
A B.
1. E 1. B
2. D 2. A
3. B 3. B
4. A 4. B
5. C 5. A

Balikan Suriin
1. Upuan 1. Unahon sila sa tubig.
2. Regalo 2. Narinig nila ang tawag ng amo ni Kalabaw.
3. Watawat 3. Naligo sila sa ilog.
4. Kalabasa
5. Telepono Oo. Sa pamamagitan ng pag-unawa ko ng mabuti sa mga
pangyayaring napakinggan o nakita sa isang larawan o
kuwento.
Pagyamanin

1. B
2. A
3. A
4. A
5. B

Isaisip

kasanayang maalala, sunod-sunod, unawain, napakinggan, larawan,

Isagawa

Depende sa sagot ng bata.

Tayahin
A. B.
A. 1 1. Mababasa ang aklat
B. 5 2. Makabibingwit ng isda
C. 2 3. Kukunin ang mga sinampay
D. 4 4. Masusugatan ang bata
E. 3 5. Kukunin ang mga basura

Karagdagang Gawain

1. Depende sa sagot ng bata


2. Depende sa sagot ng bata

27
Aralin 2
Subukin
(Depende sa sagot ng bata)

Balikan Suriin

(Depende sa sagot ng bata)

3 4

1 2

Pagyamanin
Isagawa

(Depende sa sagot ng bata) (Depende sa sagot ng bata)

Tayahin
(Depende sa sagot ng bata)

Karagdagang Gawain
(Depende sa sagot ng bata)

28
Sanggunian

• Bumasa at Sumulat Filipino (Kagamitan ng Mag-


aaral) pp.75-77
• Landas sa Wika at Pagbasa (Batayang Aklat), pp.
170-172, 190-191
• www. google.com
• Curriculum Guide p. 145

• MELC: Naibibigay ang susunod na mangyayari sa


isang kuwento. (F1KM -IIg – 2)
o Nakapagsasalaysay ng orihinal na kuwento na
kaugnay ng napakinggang kuwento. F1PS-IIg-7

• *Ang mga larawan ay kinuha sa Image Bank

29
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Schools Division of Ilocos Norte – Curriculum Implementation Division


Learning Resource Management Section (SDOIN-CID LRMS)

Office Address : Brgy. 7B, Giron Street, Laoag City, Ilocos Norte
Telefax : (077) 771-0960
Telephone No. : (077) 770-5963, (077) 600-2605
E-mail Address : sdoin.lrmds@deped.gov.ph
Feedback link: : https://bit.ly/sdoin-clm-feedbacksystem

30

You might also like