You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Department of Education
Region VIII
Schools Division of Samar

IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT SA ARALING PANLIPUNAN 9 (EKONOMIKS)


Panuto: Suriin ang mga sumusunod na pahayag nagpapakita ng konsepto ng implasyon. Isulat
ang TITIK ng tamang sagot sa sagutang papel.

1. Alin sa mga sumusunod ang tamang konsepto ng implasyon?


a.Pagtaas ng presyo ng bawat produkto at pagbaba ng halaga ng peso
b. Pagtaas at pagbaba ng mga pangangailangan
c. Pagtaas ng sahod ng mga manggagawa
d. Pagtaas ng bilang ng bilang ng mga produktong galing sa ibang bansa
2. Alin sa mga sumusunod na mga produkto ang palaging pangunahing naaapektuhan ng
implasyon?
a.Papel b. Lapis c. Pagkain d. Damit
3. Ano ang tinatawag na Hyper-inflation?
a.patuloy na pagtaas ng presyo araw- araw, lingo- lingo
b. patuloy na pagbaba ng presyo araw-araw, lingo- lingo
c. parehong tumataas/bumababa ang presyo araw- araw/lingo-linggo
d. patuloy na tumataas ang presyo taon-taon.
4. Ang implasyon ay sinusukat taon taon, Ano ang kadalasang ginagamit sa pagsukat ng pagtaas
ng presyo?
a.CPI- Consumer Price Index c. GNP- Gross National Product
b. GNI- Gross National Income d. PPI- Producer Price Index
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang binigay na sitwasyon. Pagkatapos sagutan ang mga
sumusunod na katanungan.
Bilang isang mamimili, sinisiguro natin na pagkasyahin ang lahat ng ating pangangailangan.
Pero dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin, halos hindi natin nabibili lahat. Kaya
gumagawa tayo ng ibat-ibang paraan para matugunan ang ating panganagailanan sa kabila ng
ating nararanasan, kagaya lamang ng pagtatanim sa ating mga bakuran, pag-aalaga ng hayop at
pagbibili ng kailangan natin.

5. Base sa sitwasyon, anong pagpapahalaga ang nagpapakita ng paraan sa paglutas ng


implasyon?
a.paggawa ng paraan para matustusan ang pangangailangan
b. pamamalengke araw-araw
c. pagbili ng mga hindi pa masyadong kailangan
d. pagbebenta ng matataas na presyo
6. Bilang isang mamimili, paano ka makakatulong sa paglutas ng suliranin sa implasyon?
a. bumili lamang kung bagsak ang presyo ng mga bilihin sa pamilihan
b. bumili lamang kung kakilala at suki ang magtitinda sa pamilihan
c. bumili lamang sa mga supermarket o grocery upang matiyak ang presyo
d. bumili lamang ng sapat sa pangangailangan upang hindi magkaroon ng kakulangan
7. Bilang isang mag-aaral, alin sa mga sumusunod ang nararapat na gawin kung maliit lamang
ang baon na ibinigay ng iyong magulang? a. bilhin ang nararapat bilhin at humingi na
lamang kung kulang na ang salapi
b. bilhin ang nararapat bilhin at tipirin ang mga bagay na hindi mahalaga
c. bilhin ang nararapat bilhin at tipirin ang sarili sa lahat ng pagkakataon
d. bilhin ang nararapat bilhin at hayaan na lamang ang mangyayari kinabukasan
8. Paano mo maipapakita na ikaw ay may pagpapahalaga sa paglutas ng implasyon?
a. pagtatanim sa bakuran b. pagbili sa palengke c. d. walang
pagsasawalang bahala 9. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng gagawin
taong may pagpapahalaga sa implasyon?
a. Masipag b. Matiyaga c. Matipid d. Mabait
10. Ang mga sumusunod ay mga paraan ng pagsukat sa GNI o Gross National Income, piliin ang
hindi kabilang sa kanila.
a. Paraan Batay sa Paggasta c. Paraan Batay sa Kita
b. Paraan Batay sa Pagprodyus d. Paraan Batay sa Pinagmulang Industriya
11. Ano ang pangunahing gampanin ng Sambahayan sa daloy ng ating ekonomiya?
a. Mag-iimpok sa pamilihang pinansyal
b. Mamimili ng mga salik ng produksiyon
c. Makikita ang mga hilaw na materyales
d. Magpapautang para makabuo ng produkto
12. Paano nakakatulong ang bahay-kalakal na mapalago ang ating ekonomiya?
a. Mag-iimpok sa pamilihang pinansyal c. Mamimili ng mga salik ng produksiyon
b. Makikita ang mga hilaw na materyales d. Magpapautang para makabuo ng produkto
13. Ano ang gampanin ng Panlabas na Sektor sa paikot na daloy ng ating ekonomiya?
a. Mag-iimpok sa pamilihang pinansyal
b. Mamimili ng mga salik ng produksiyon
c. Magaganap ang pag-aangkat at pagluluwas
d. Magpapautang para makabuo ng produkto
14. Paano nakakatulong ang pamilihang pinansyal sa mga bahay kalakal?
a. Mag-iimpok sa pamilihang pinansyal
b. Mamimili ng mga salik ng produksiyon
c. Magaganap ang pag-aangkat at pagluluwas
d. Magpapautang ng puhunan para makabuo ng produkto
15. Ano ang gampanin ng ating Pamahalaan sa daloy ng ating ekonomiya?
a. Mangongolekta ng buwis sa mga bahay-kalakat
b. Mamimili ng mga salik ng produksiyon

You might also like