You are on page 1of 1

Iha Anong pangalan mo?

Magandang araw po Ako nga po pala si Richin love P. Garcia labing-siyam na taong gulang po

Anong estado mo sa buhay?

Ahh estudyante lang bilang estudyante. Sa tingin mo saan ba dapat umanib ang sambayanang Pilipino
patungo sa kaunlaran?

Estudyante ako pero hindi ako basta estudyante lang, kabataan ang pag-asa ng bayan, yan ang paulit ulit
niyong binabanggit, sinasambit pero bakit niyo kami minamaliit, naturingan kayong mas nakakatanda
pero bakit mas mulat pa ang aking mga mata.

Iba iba ang kulay na inyong ipinaglalaban laban, Puti, dilaw, asul, pula, Kulay rosas Luzon bisayas
mindanao sampung pangalan ang nagsabing kaya niyang pamunuan ang aking bansang sinilangan, iisa
lang ang kulay na aking ipaglalaban ito ay ang ikaw, ako, tayo ay kayumanggi hindi kanditato ang
ipinapanalo natin kundi ang sambayanang Pilipino.

Ako ay estudyante hindi basta estudyante lang, mulat na sa realidad at katotohanan kung saan ang aking
bansang kinatatayuan ay pinamumunuan ng opisyal na puno ang bulsa, naghaharing masaya, kumpleto
ang nakahain sa mesa ngunit gutom pa rin sa pera ng bansa.

Siyam ng mayo dalawang libo dalawampu't dalawa, sumapit na ang araw ng pangangampanya, mga
larawang nagkalat, pader na puno ng numero sa balota, nagliliparang ingay ng mga nangangampanya
kasama ang mga mabubulaklak nilang salita na puno ng kasinungalingan at mga pangakong naipako
noon pa, na kesyo sila daw ang pag-asa ng ating madla, hindi na tayo natuto kasi ayaw nating matuto,
gusto natin ng pagbabago pero ang problema ay tayo mismo.

At sa kanilang pagharap mga maamong mukha, ngiting nagsasalita iboto mo ko gagaan ang buhay mo at
sa iyong pagkamay bakit may perang laman, bumitaw ka agad wag kang pumayag na tapatan ng halaga
ang dignidad at boto mo, dahil nakasalalay dito ang kinabukasan ng mamayang Pilipino kaya bilog ay
bago mo markahan isipin mabuti kung maganda ba ang kahahantungan.

Ngayon tatanungin kita bumoto ka na ba? Kung oo Iyo bang pinili ang karapat dapat, ang kandidato na
may sulido at konkretong plataporma hindi puro porma, dada at salita wala naman sa gawa. Ang aking
apela ay manindigan tayo dahil nasa kamay niyo ang pagbabago, tayo ay maging matalino sapagkat tayo
ang hurado ng bawat kandidato, nakasalalay sa ating mga kamay kung sino ang pinuno gamitin natin ang
ating karapatan ng tama at wasto. Isa lang naman ang punto ko, kung gusto natin ng matagumpay na
pinuno maging responsable muna tayong sambayanang pilipino dahil tandaan ang mga kandidato ay isa
lamang instrumento, nasa atin pa rin mag uumpisa ang tunay na pagbabago.

You might also like