You are on page 1of 4

44444

Republic of the Philippines


Department of Education
MIMAROPA REGION
SCHOOLS DIVISION OF ORIENTAL MINDORO
BULALACAO DISTRICT
CABUGAO NATIONAL HIGH SCHOOL
SAN ISIDRO EXTENSION
SAN ISIDRO, BULALACAO
_____________________________________________________________________________________________
IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 9
PANGALAN: ___________________ PETSA: ____________

Panuto: Basahin at unawain ang mga tanong. Piliin at bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. “Huwag mong kalilimutang ikaw ay isang bangang gawa sa lupa,” ang tagubilin ng Inang Banga sa kaniyang anak.”
Tandaan mo ito sa buong buhay mo”. Ito ay hinango sa parabula ng:

A. Alibughang anak B. Parabula ng Isang Lapis

C. Parabula ng Banga D. Talinghaga ng Butil ng Mustasa

2. Ano ang kahulugan ng pahayag na “Ang nahuhuli ay nauuna at ang nauuna ay nahuhuli”?

A. Mahalaga ang oras sa paggawa.

B. Ang nahuhuli kadalasan ang unang umaalis.

C. Kung sino ang naunang dumating, ay siya ring unang aalis.

D. Lahat ay may pantay-patay na karapatan ayon sa napag-usapan.

3. Isang akdang hinango sa Bibliya na kapupulutan ng aral na maaaring magsilbing gabay sa marangal na pamumuhay
ng mga tao. Gumagamit ng matatalinghagang pahayag na lumilinang sa mabuting asal na dapat taglayin ng tao.

A. Dula B. Pabula C. Nobela D. Parabula

4. Kaugnay ng akdang “Ang Talinghaga tungkol sa may-ari ng ubasan”, alin sa mga sumusunod ang pinaka angkop na
kahulugan ng pagkakapantay- pantay?

A. pagbibigay ng tulong sa lahat B. pare-parehong bilang ng salapi


C. pare-parehong bilang ng oras ng pagtatrabaho D. pagbibigay ng tulong ayon sa pangangailangan
5. Habang siya’y nabibitak at unti-unting lumulubog ay naalaala ng batang banga ang pangaral ng kanyang ina. Anong
aral ang nais ipahiwatig ng pangungusap?

A. Habang may buhay, magpakasaya ka. B. Umiwas sa kamay ng tukso sa paligid.

C. Alam ng magulang kung anong makabubuti sa anak. D. Walang mabuting naidudulot ang pagsuway sa magulang.

6. Nagkasundo sila sa upa na isang salaping pilak sa maghapon. Ano ang ibig ipahiwatig ng nakasalungguhit na salita?

A. pera B. salapi C. renta D. kaukulang bayad

7. Saan maiuugnay ang bangang gawa sa lupa at porselanang banga?

A. babae at lalake B. mabuti at masama


C. maputi at maitim D. mahirap at mayaman
8. “Huwag mong kalilimutang ikaw ay isang banga na gawa sa lupa.” Ano ang layunin ng pahayag na ito?

A. nagpapaalala B. nag-aaliw C. nagpupugay D. nagpapasaya

9.Ano ang mangyayari kung laging sumusunod sa magandang payo ng magulang?

A. mapabubuti ang buhay mo B. magiging sikat ka sa pamayanan


C. mabibigyan ka ng medalya ng pagkilala D. masasangkot ka sa anomang kapahamakan
10. Alin sa sumusunod ang pagkakaiba ng parabula sa iba pang akdang pampanitikan?

A. Ang parabula ay nag-iiwan ng aral sa mambabasa.


B. Ang mga mensahe nito ay hango sa mga aral mula sa Bibliya.
C. Nakatutulong ito upang magabayan ang mga tao sa kanilang buhay.
D. Nakapagbibigay ito ng impormasyon upang guminhawa ang buhay ng tao.
11. Ano ang espirituwal na kahulugan ng salapi?

A. kapalit B. kahalagahan C. pambayad D. biyaya galing sa Diyos

12. Ang mga manggagawa ay nagsilbi ng buong araw sa ubasan. Batay sa pahayag, ano ang ipinapakitang simbolikong
kahulugan ng salitang nakasalungguhit?
A. anghel sa langit B. trabahador C. pagtitiyaga D. tauhan
13. Alin sa sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng kaugnayan sa akdang Parabula ng Banga?
A. pakikipagkaibigan ng anak sa kapuwa nito kabataan
B. pagpapaalala ng ina sa pagkakaiba ng mahihirap at mayayaman
C. pagpapaalala ng ina sa anak tungkol sa masamang dulot ng droga
D. pagtatalo ng ina at anak tungkol sa kursong nais nito sa pagpasok sa kolehiyo
14. Ang tulang lirikong ito ay naglalarawan ng malungkot na damdaming nagpapaalala ng isang mahal sa buhay.
A. Alamat B. Elehiya C. Korido D. Patula
.p
Sa gitna ng nagaganap na usok sa umaga
Maniwala’t dili panghihina at pagbagsak!
15. Batay sa mga pahayag na nasa itaas, ano ang damdaming ipinapahiwatig nito?
A. pag-aalala B. paghihinagpis C. pagkagalit D. kawalan ng pag-asa
16. Alin sa sumusunod na elemento ng elehiya ang tumutukoy sa pag-alaala sa isang mahal sa buhay?
A. Kaugalian B. Tauhan C. Tema D. Wika
17. Bakit mahalagang gumamit ng simbolo sa pagsulat ng isang elehiya?
A. Ang simbolo ay maaaring magpalawak ng ating isipan.
B. Inihahambing nito ang iba’t ibang diwang ipinapakita ng elehiya.
C. Nakatutulong ito upang maging makulay ang isinusulat na elehiya.
D. Saklaw nito ang mensahe ng buong tula.
18. Ang sumusunod ay kabilang sa mga katangian ng elehiya, MALIBAN sa _____.
A. pag-aalala B. paghihinagpis C. pagpapakasakit D. pagpaparangal

I. Hagulgol II. Iyak III. Hikbi IV. Nguyngoy


19. Unang bilang ang pinakamatindi at huling bilang ang karaniwang antas o tindi ng salita. Alin sa mga pagpipilian ang
tamang ayos ng mga salita ayon sa tindi ng kahulugan?
A. I,II,IV,III B. I,II,III,IV C. IV,III,II,I D. II,I,IV,III
20. Epiko: Tulang Pasalaysay – Elehiya: _________
A. Tulang Liriko B. Tulang Patnigan C. Tulang Dula D. Tulang Paglalarawan
Malungkot na lumisan ang tag-araw Kasama ang pagmamahal na inialay Ang isang anak ng aking ina ay hindi na
makikita Ang masayang panahon ng pangarap.
21. Batay sa tekstong iyong binasa, ano ang nais ipahiwatig nito?
A.Hindi na maibabalik pa ang buhay na nawala.
B. Kulang na ang pagmamahal matapos mawalan ng mahal sa buhay.
C. Lubos ang kalungkutang nadarama matapos mawalan ng mahal sa buhay.
D. Sa paglisan ng minamahal kasabay nito ang pagbabagong magaganap.

I. Namayani II. Naghari III. Nangibabaw IV. Namayagpag


22. Unang bilang ang karaniwang antas at huling bilang ang pinakamatinding antas o tindi ng salita. Alin sa mga
pagpipilian ang tamang ayos ng mga salita ayon sa tindi ng kahulugan?
A. I,II,III,IV B. II,I,III,IV C. III,I,II,IV D. IV,III,II,I
23. Ang lawak ng aking (sinta) sa iyo ay mula sa lupa hanggang sa langit. Alin sa mga pagpipilian ang wastong salita na
aangkop sa pangungusap?
A. pagsinta B. sinisinta C. sintahin D. pagsisinta
24. Ang katangian ng elehiya ay _________.
A. Tulang panangis, pag-aalala, pagpaparangal B. Tulang kasiyahan, kaligayahan, kagalakan
C. Tulang umiibig, umiirog, nagmamahal D.Tulang masalimuot, nagpupuri, pagdakila
25. Ano ang tema ng Elehiya sa Kamatayan ni Kuya?
A. Pag-iwan ng magulang sa kaniyang anak B.Pagkamatay ng minamahal sa buhay
C. Paglisan ng minamahal D. Pangungulila ng anak sa magulang
26. Ang salitang kumusta ay nagmula sa salitang como esta. Anong wika ang pinagmulan nito?
A. Bisaya B. Chavacano C. Espanyol D. Ingles
27. Alin sa sumusunod na salitang Ingles ang maaring pinagmulan ng salitang nakasalungguhit?
Naks, isputing tayo ah! Saan lakad natin, p’re?
A. Sport B. sporting C. spotting D. shooting
28.Anong salita ang nabuo mula sa salitang flauta ng wikang Espanyol?
A. plato B. pluto C. plawta D. puto

Para sa aytem 29 -31, punan ng angkop na panandang pandiskurso ang patlang upang mabuo ang diwa ng
bawat pangungusap.
29. Ang sakit na COVID-19 ay _______ isang bagong virus na na kumakalat sa buong mundo.
A. una B. kung C. bukod D. dulot ng
30. Ayon sa mga eksperto, maaring maiwasan ito ______ mapapanatili ang anim na talampakang (2 metro) layo mula sa
ibang tao kapag nasa labas ng bahay.
A. una B. kung C. bukod D. dulot ng
31. _______ sa pisikal na layo, pinapayuhan ding magsuot ng face mask sa tuwing lalabas ng bahay.
A. At B. Kung C. Bukod D. Dulot ng
32. Anong uri ng tunggalian ang nangingibabaw sa sitwasyon na nasa loob ng kahon?
Nagkaroon ng mainit pagtatalo sa pagitan ng magkakapatid kung sino ang dapat na mag-alaga sa kanilang
ubanin. May ilang bagay na hindi napagkasunduan kaya tuluyan nang nagkalamat ang kanilang relasyon at
magpahanggang ngayon ay hindi na nila kinikibo ang isa’t isa.

A. Tao Laban sa Tao B. Tao laban sa Sarili


C. Tao Laban sa Lipunan D. Tao Laban sa Kalikasan
33. Anong uri ng tunggalian ang nangingibabaw sa pahayag na nasa loob ng kahon?

Mabigat sa loob niya ang nabuong desisyon. Ang desisyong iwan ang kaniyang pamilya, subalit pinipilit pa rin
niyang paniwalain ang sarili na iyon ang tamang gawin

A. Tao Laban sa Tao B. Tao laban sa Sarili


C. Tao Laban sa Lipunan D. Tao Laban sa Kalikasan
34. Anong uri ng tunggalian ang lumulutang sa sitwasyon sa ibaba?

“Kaysama ng taong iyan. Nagawa niyang abandonahin ang kaniyang magulang. Walang utang na loob!” Ito ang mga
masasakit na salitang natatanggap ni Boy mula sa mga kakilala. Idagdag pa rito ang mga tinging mapang-usig mula sa
mga kapitbahay. Pakiramdam niya, inayawan na siya ng lahat.

A. Tao Laban sa Tao B. Tao laban sa Sarili


C. Tao Laban sa Lipunan D. Tao Laban sa Kalikasan
35. Hindi lumilipas ang isang taon nang hindi dumaraan ang isang mapaminsalang bagyo sa bansa na nagdudulot ng
pagkawasak ng ariarian ng ilang kababayan. Ang ganitong mga pangyayari ay nagpapakita ng tunggalian sa pagitan ng
_______.
A. Tao Laban sa Tao B. Tao laban sa Sarili
C. Tao Laban sa Lipunan D. Tao Laban sa Kalikasan

36. Ang mga pangyayari sa kuwentong “Nang Minsang Naligaw si Adrian” ay maaaring sumasalamin sa mga pangyayari
sa tunay na buhay. Alin sa sumusunod ang mabigat na mensaheng nakapaloob sa akda?
A. Matutong magpasalamat sa mga biyayang natatanggap.
B. Maaaring bumitaw kung hindi na kaya ang responsibilidad.
C. Maraming responsibilidad na dapat gampanan ang isang anak.
D. Walang kapantay ang halaga ng magulang kaya hindi sila dapat ipagpalit kahit sa anomang bagay.

*Paki+kuha= Pakikuha *Ipa+kain=Ipakain

37. Batay sa kahon sa itaas, saan makikita ang salitang-ugat?


A. Hulihan B. Unahan C. Gitna D. Gilid
38. Ang sumusunod ay katangian ng alamat, maliban sa:
A. Kathang-isip B. May aral
C. Base sa kultura D. Malungkot na wakas
39. Nagsasaad ito ng mga pakikipagtunggali o pakikipagsapalaran ng pangunahing tauhan laban sa mga suliraning
kakaharapin na minsan ay sa sarili, sa kapwa, o sa kalikasan.
A. Tagpuan B. Banghay C. Tauhan D. Wakas

*mag-aral, * umibig, * matuwid, *pauwi.


40. Batay sa mga salitang makikita sa loob ng nasa kahon, ang mga panlaping ginamit ay pare-parehong: ___________
A. Unlapi B. Gitlapi C. Hulapi D. Laguhan
41. Nakabibighani ang kagandahang taglay ni Binlew. Alin sa sumusunod ang salitang-ugat ng salitang may
salungguhit?
A. Nabighani B. Bighani C. Nakabighani D. Kabighani
42. Siya ay matuwid na alkaldeng namumuno sa siyudad ng Isabela. Ang salitang matuwid ay ginagamitan ng panlaping
ma-. Ito ay ______.
A. Unlapi B. Gitlapi C. Hulapi D. Unlapi at Hulapi
43. Pinagmulan ito ng isang bagay lugar, pangyayari o katawagan na hubad sa katotohanan. Alin sa sumusunod ang
tinutukoy ng pahayag?
A. Alamat B. Epiko C. Tula D.Maikling kwento 44. Ito ay pagbubuo ng salita
sa pamamagitan ng pagsasama ng panlapi at salitang-ugat. Alin sa sumusunod ang tinutukoy nito?
A. Pagtataya B. Paglalapi C. Pagbubuod D. Pagbabalangkas
45. “Ngunit ang kaligayahan niya ay nasa pangangaso”. Anong uri ang panlaping ginamit sa salitang kaligayahan?
A. unlapi B. gitlapi C. unlapi at hulapi D. hulapi
46. Ang salitang narahuyo ay nangangahulugang _____________.
A. natukso B. nabighani C. naakit D. namangha
47. Nagdasal si Sita na sana ay makita ni Rama ang palatandaan para masundan siya at mailigtas. Anong
pagpapahalagang Pilipino ang maihahambing sa ikinilos ng tauhan?
A. pag-asa sa tadhana B. pagiging matulungin sa iba
C. pagsasaisip sa lahat ng tao D. pagkapit sa Diyos sa oras ng kagipitan
48. Sa epikong binasa, ipinakita ng mga tauhan na hindi matatawaran ang pagmamahal nila sa kani-kanilang pamilya.
Ang ganitong pagpapahalaga ay nasasalamin din sa ilang bansa sa Asya. Ano ang mabubuong kongklusyon mula rito?
A. Masakit ang mawalan ng pamilya.
B. Higit na pinahahalagahan ng mga Asyano ang pamilya.
C. Dapat ipagtanggol ang kapamilya kahit nasa maling panig.
D. Ang matiwasay na relasyon ng pamilya ay magdudulot ng kapangyarihan sa angkan.
49. Alin sa sumusunod ang higit na nagpapakita ng katangian ng isang epiko?
A. Ang paksa ay tumutuligsa sa mga isyung panlipunan.
B. Ang paksa ay tumatalakay sa pinagmulan ng isang bagay.
C. Ang tauhang gumaganap ay mga hayop na nakapagsasalita.
D. Ang tauhan ay madalas na nakikipagdigma para sa mga mahal sa buhay.
50. Sa paanong paraan naiiba ang epiko sa ibang uri ng tula?
A. binibigkas nang paindayog
B. masining na isinasalaysay
C. mayaman sa supernatural na pangyayari
D. isinasayaw ang epiko

You might also like