You are on page 1of 2

“PANGARAP AY LABANAN, HUWAG SUSUKUAN”

Sa ating butihing school president, S. Ma. Jocelyn G. Gerarde, RVM, sa aming BSBA
Program Head Ginang Christine Jiji S. Sajol, MBA, sa mga program head ng ibat ibang
departamento, mga guro, faculty at staff, sa mga kapwa ko graduates, sa ating mga magulang,
mga panauhin at sa mga tao na narito ngayun magandang araw sa inyung lahat, Purihin si Jesus
at Maria.

Nandito ako sa harapan niyu ngayun para magbigay ng inspirasyon at pasasalamat sa


mga taong naging tulay para makamit ko ang pinakamataas na karangalan bilang isang
studyante na magtatapos sa paaralang ito. Hindi ko lubos maisip na sa isang katulad ko,
makatanggap ako ng karangalang ito. Sino ba naman ako? Isang anak ng magsasaka na hirap sa
buhay pero kahit ganun hindi yun naging hadlang para sukuan yung mga pangarap ko. Gaya ng
sinabi ni Mahasia Mandigan sa kanyang post na “Sa lahat ng poede mong ipaglaban, Pangarap
mo ang di mo dapat sukuan. Totoo naman at ito ang naging dahilan para magpatuloy ako sa
aking pag-aaral. Nagsumikap ako, nagpursige, nagtiwala sa aking kakayahan at lalong lalong na
nagtiwala ako sa ating Poong Maykapal na siyang nagtuwid sakin sa tamang landas at binigyan
niya ng direksyon ang buhay ko kaya narito ako ngayun sa harapan ninyu may lakas at buong
pusong nagpapasalamat sa mga taong narito ngayun para dumalo at saksihan ang maligayang
araw na ito ng Batch 2027 na magtatapos sa paaralan ng SMCBI.

Nais kong pasalamatan ang paaralan na ito kasi dito nahuhubog yung lakas at
determinasyon ko na makapagtapos ng pag-aaral kahit kapos sa buhay dahil nakikinig sila sa
mga hinaing ng studyante lalong laong na kapag tungkol sa pera at dahil na rin sa sitwasyun ng
pamilya kasi hindi naman lahat ng studyante na nakapag-aral sa paaralang ito ay maykaya
kagaya ko,minsan hindi ako kaagad makabayad ng tuition dahil nga sapat lang yung kinikita ng
magulang ko para sa mga bayarin namin sa bahay. Marahil karamihan sa atin ay nawawalan ng
pag-asa para tapusin kung ano yung nasimulan nila pero para sa akin itong apat na taon,
nagbibigay sakin ng inspirasyon na kahit anong hamon sa buhay ang dumating, dapat lagi nating
tandaan na kahit hindi madali ang tatahakin nating landas dapat mkarating tayu sa tuktok ng
tagumpay. Bilang isang anak ng magsasaka nakita ko sa mga mata nila na nahihirapan at pagod
sa pagtatrabaho buong araw, bagkus hindi nila ito pinadama kasi gustu nila maibigay yung
magandang buhay na para sa atin. Kaya bilang sukli nagsusumikap ako na makapagtapos sa
pag-aaral, rumaraket ako sa palengke bilang tindera kapag wlang pasok at nagtitinda rin ako ng
mani kapag pasokan para kahit papano makatulong ako sa pamilya ko na matustusan ang
aming pang-araw araw na pangangailangan. Kaya sa aking mga magulang, maraming maraming
salamat po kasi hindi niyo ko sinukuan. Naging inspirasyon ko kayo sa lahat ng mga desisyun na
aking tinatahak. At isa rin sa naging inspirasyon ko kung bakit andito ako ngayon sa harapan
ninyo ay ang aking ate, na siyang ngtuturo sakin para lakasan ang loob ko na gawin ang lahat
para maiahon kami sa kahirapan. Dahil sa kanya nabago yung pananaw ko sa buhay at
nagbunga ito ng magandang resulta. Ang karangalan na aking natanggap ngayon ay para rin sa
inyo. Kaya maraming maraming salamat.

Saking mga kaklase, at sa aking mga kaibigan salamat din sa inyo dahil sa loob ng apat
na taon sa paaralang ito hindi niyo ko niiwan at hindi ako nag iisa na labanan ang lahat ng
hamon sa buhay kasi pinadama niyu sakin ang suporta at pagkakaibigan. Kasama ko kayo sa
lahat kahit sa iyakan, tawanan at sa mga gala na ating napuntahan nandyan kayo para ako’y
damayan. Kahit tayoy nahihirapan nandito parin tayo lumalaban para sa mga pangarap natin.
Sa aking mga guro, maraming salamat po sa pagbibigay niyo ng mga karunungan at kaalaman
na tiyak magagamit namin sa pang-araw araw naming buhay. Marami kaming natutunan na
madadala namin kahit sa pagtanda namin. At sa pagtatapos kung ito, mag iiwan ako ng isang
katagag pahalagahan natin ang edukasyun lalong lalo na ang mga magulang na nagpapaaral
satin kaya padayun at labanan ang hamon sa buhay. Huwag mawalan ng pag-asa kasi darating
din yung araw ikaw naman ang magsasalita dito sa harapan. Magandang araw at maraming
maraming salamat sa inyong lahat.

You might also like