You are on page 1of 4

NAME: GROUP 7 COURSE, YR, & SEC: BSED ENGLISH 3-1

SUBJECT: Creative Writing DATE OF SUBMISSION: March 20, 2024

ANO ANG SUSI SA KADENA?

Sa aming maliit na tahanan sa Calbayog, Samar, ang buhay ay tulad ng isang


masalimuot na tanggulan, kung saan ang bawat isa sa amin ay nakikipaglaban sa kani-
kaniyang hamon ng buhay. Ako si Jane, ang pang-apat sa siyam na magkakapatid, at sa
gitna ng aming pamilyang nakabatay sa pagiging matatag at matiyaga, ako ang
nagtataguyod ng pangarap para sa aming pinaka aasam na magandang kinabukasan.
Bawat umaga, ako'y bumabangon nang may determinasyon, handa na sa hamon ng
araw. Ang araw ay simula ng aking pakikibaka—sa isang banda ay ang pag-aaral, sa
kabilang banda ay ang pagsasaka. Sa eskwelahan, ako'y harap sa lapis at papel, bitbit
ang pangarap na baguhin ang aming kahahantungan. Subalit pagdating ng hapon, ako'y
humaharap sa palayan, kung saan ang bawat butil ng pawis ay nagpapakita ng aking
pagpupursigi at pagtitiis. Ang paligid ay mistulang nagiging salamin ng aking kaisipan—
ang gapas ng lupang pinagmulan, ang putik na sumasalubong sa aking mga paa, at ang
mga tagaktak ng pawis na naglalaho sa init ng araw. Sa bawat hampas ng hangin, tila ba
ako ay hinahampas ng mga alon ng hamon ng buhay.

Sa aming tahanan, ang aming ina na si Aling Myrna ay naglalarawan ng


pagmamahal at pagkalinga. Siya ang ilaw ng aming tahanan, ang tanglaw sa gitna ng
dilim ng kahirapan. Sa kabilang dako, ang aking ama na si Mang Berto ay tila isang anino,
isang patung-patong na problema. Ang kanyang pagiging sugarol at lasinggero ay tila
latay na sakit na laging dumadapo sa aming pamilya. Sa aking pagtahak sa kolehiyo, ako
ang nag-iisang tanglaw ng aming pamilya. Ang tatlo sa akong mga kapatid na si Alfredo,
si Maria, at si Mario—ay may kani-kaniyang mga suliranin na kailangang harapin. Ang
aking panganay na kapatid na si Alfredo ay maagang nabuntis ang kaniyang nobya at
nagkasariling pamilya ngunit isa ring gipit sa pera, kung kaya’t kapit sa aking bulsa, si
Maria na araw araw nakikipaglaban sa malalang sakit na tuberculosis, at si Mario alyas
dilim, na naligaw sa landas ng kahirapan. Siya ay huminto sa pag-aaral at naglaon ay
nabalitaan naming nasangkot sa pagbebenta ng ipinagbabawal na gamot na naging
dahilan ng kaniyang pagkakabilanggo.

Dahil sa hirap ng buhay, ako ay napilitang baybayin ang nakakapanibagong


mundo ng maynila, bagaman kulang sa kaalaman kung paano maninirahan doon, ay
naglakas ng loob na lamang ako sapagkat alam kong ang aking pamilya ay umaasa sa
akin at dahil na rin sa paghahangad ko ng maayos na buhay. Hindi madali ang aking
paglalakbay sa lungsod. Ngunit sa tulong ng ilan, naging mas magaan ang aking
paninirahan. Nakapasok ako sa kolehiyo sa Unibersidad ng Medisena dito sa Maynila
sapagkat bata pa lamang nais ko ng maging doctor. Tulad ng aking gawi sa probinsiya
pinagsabay ko ang pag-aaral at ang pag tatrabaho, sa umaga ako ay pumapasok sa
eskwela at ako’y pumapasok sa call center sa gabi. Sa paglipas ng mga araw sa
makulimlim na lungsod ng Maynila, tila ba ako'y isang nawawalang kahoy sa malawak
na kagubatan ng mga gusali at kalsada. Bawat hakbang ay parang pagsulong sa isang
misteryosong pook, kung saan ang mga lihim at kahirapan ay naglalaho't lumilitaw. Ang
sigaw ng mga sasakyan, ang tibok ng pulso ng lungsod, at ang marahang indayog ng
mga tao ay tila musika na sumasalubong sa akin sa aking bagong tahanan.

Gabi-gabi, sa call center, ako'y sumasabak sa laban ng boses sa telepono. Ang


mga salitang "Hello, good evening, how may I assist you?" ay tila mantra na
nagpapalakas sa akin sa bawat oras na sumasagot ako ng tawag. Ang mga gabi sa
Maynila ay hindi katulad ng mga gabi sa aming tahanan sa probinsiya. Dito, ang mga
bituin ay nawawala sa ilalim ng kumikislap na mga ilaw ng siyudad. Ngunit sa kabila ng
dilim na ito, ang aking puso ay nananatiling masigla, sapagkat alam kong bawat sipat ng
araw ay isang hakbang patungo sa tagumpay at magandang buhay para sa aking
pamilya. Ngunit habang nadadagdagan ang aking taon na pamamalagi dito sa maynila,
dito ko nararamdaman na tila walang pagbabago sa aking buhay, kapos pa rin ako sa
pera at ang mga problema sa probinsiya ay araw araw pa ring bumabagabag sa akin. Sa
bawat tinig ng telepono na aking sinasagot mula sa aking ama’t ina pati na rin mula sa
aking mga kapatid ay tila pare pareho na lamang sila ng tinig, "Jane, kailan ka
magpapadala?" "Jane, wala na kaming pera." sa bawat pagkakataong iyon, lungkot at
pagkadismaya ang aking nadarama. Paano nilang nasasabi ang mga iyon ng wala man
lang pangangamusta muna? Nang walang pagsasabi na ako’y sabik na nilang makita?

Naiintindihan ko naman ang hirap ng buhay sa aming probinsiya, si Inay ay


labandera at ang aking tatay naman ay walang ibang ginawa kung hindi ay maginom at
magsugal. Itinatak ko sa aking isipan na kailangan kong sipagan ngunit kasabay ng
pagtulong ko ay siyang pagkatalo ko naman. Malaki ang utang na loob ko kay Ina’y kayat
gayon na lamang ako kadali magbigay kapag may kinakailangan, bukal sa aking puso
iyon. Ngunit minsa’y nakakapagtataka kung tila ba’y parang hangin lamang kung dumaan
ang mga pinapadala kong pera para sa kanila at sa mga kapatid ko. Nakakalungkot lang
isipin na kahit ang aking kakuramput na pera galing sa aking scholarship ay naibibigay
ko pa sa kanila. Di nga nagtagal ay dumating na ang aking kinakatakutan. Dahil sa
kasipagan ko’y tila trinaydor ako ng sarili kong katawan. Nanghina at nagkasakit ako na
siyang dahilan kung bakit ako ay hindi nakapasok sa aking trabaho at klase. Sa madilim
na gabi, hanging lamig ang yumayakap sa akin. Walang ina’y ang nag-aalaga, tanging
sarili ang kasangga.
Sa di inakalang panahon, tumunog ang aking telepono na nakahimlay sa gilid ng lamesa.
Nang walang ano-ano’y sinagot ko ito.

“Maupay nga adlaw no’y, mangaro ak unta kuwarta kay may lagnat an akon anak”. Saad
ng aking kuya Alfredo.

“Pasensiya na Kuya Alfredo, wara’y pa ak kwarta na naitabi?”. Aking sagot.

“Puro wala, kadumot!”, mga salitang kaniyang binitawan.

“Mao na iton, waray utang na loob! Hahaha!” Ang boses na aking narinig rin na alam kong
mula kay itay.

Tila naging apoy ang aking tenga sa aking mga narinig. Ramdam ko na nawala ako bigla
sa katinuan at tumulo ang aking luha sa aking kaliwang mata na noon pa’y hindi ko
mailabas. Nasagot ko ang aking kapatid.

“May-ada ako liwat sakit, nangaro ba ak bulig sa iyo? Naman ta’y kun maghtag ako yana
kuwarta, makabulig ba? Diri, kay gastuson mo la sa imo inomo ngan bisyo!” Mga
katagang bumitaw sa aking bibig habang sumisikip ang aking dibdib.

Nagalit ang aking kuya at pinaratangan akong mayabang sapagkat nagbago raw
ang aking ugali magmula ng lumuwas ako ng Maynila. Habang siya’y nagsasalita, tila
ako’y dinudurog ng mga masasakit na salita na kaniyang binitawan. Hindi ba nila inisip
na habang ako ay naghihirap para maabot ang aking pangarap ay iniisip ko rin kung
paano sila maiaahon sa kahirapan? at ito ang kanilang isusukli?

Nang walang ano-ano ay sumigaw ako ng malakas at alam kong rinig ito hanggang
labas ng bahay. Wala na akong pakialam, ibinato ko ang telepono at humagulhol sa sulok,
iniisip na isa na lamang itong masamang panaginip. Sa pagmulat ng aking mga mata,
dama ang hapdi at pagod sa kakaiyak at bigat na dinaramdam dulot ng walang katapusan
na paghihirap. Napapaisip na lamang ako, karapat dapat ba ako para sapitin ang
ganitong klaseng buhay? Hindi ba nila naisip na ako’y isang tao lamang? Napapagod,
nasasaktan, at nangungulila sa pagmamahal ng isang pamilya, gusto ko ring
maramdaman na ako ay sinusuportahan at hindi ginagawang takbuhan lamang kapag
may kinakailangan.

Nakatitig sa kawalan, paulit ulit na tinatanong sa aking sarili kung ako ba ay naging
mabuting anak at kapatid? Sa kagustuhan kong umangat sa buhay at matulungan ang
aking pamilya tila ba’y ako pa ang masama?

Ako’y ubos na ubos na, di mawari kung magpapatuloy pa o magpapalamon na lamang


sa realidad na ako'y alipin ng aking sariling pamilya.
“Bakit lahat ng aking mga sakripisyo ay hindi sapat upang mabigyan ng ginhawa ang
aking pamilya sa probinsya?” Gabi-gabi kong tanong sa aking sarili habang ako ay
naglalakad sa madilim at makitid na kalsada ng Maynila.

“Tama pa ba ‘to?” bulong ko sa aking sarili. Maraming bumabagabag sa aking isipan


ngunit napagtanto ko na ang unahin muna ang aking sarili ay hindi kasalanan. Ang
reyalisasyon ko na kailangan kong makalaya mula sa kadena ng pagiging alipin sa
pangangailangan ng aking pamilya, lalo na kung ito ay nagiging sanhi upang ang aking
sarili ay mapabayaan.

Oo, mahal ko ang pamilya ko, ngunit, kinakailangan ko ring mahalin at mas bigyang
pansin ang aking sarili. Patuloy pa rin akong tumutulong sa aking pamilya sa abot ng
aking makakaya at ang pagmamahal ko sakanila ay kailangan man ay hindi mawawala,
ngunit sa kadenang nagpapasakit sa akin ay kailangan ko ng makawala.

GROUP 7 MEMBERS:

Vergara, Aizelle Mae O.

Pandong, Jayson T.

Omnes, Micah T.

Lucero, Sheila May G.

Saludez, Lhove Joy O.

You might also like