You are on page 1of 4

School North Davao Colleges Grade Level 2

Teacher KYLE KENNETH D. PACANJI Learning Araling


Area Panlipunan
Teaching Dates and March 11,2024 Quarter
Time

I. Layunin
Sa pagtatapos ng aralin ang mga mag-aaral ay inaasahang:
 Naibibigay ang kahulugan ng salitang pinuno o lider
 Nailalarawan ang mga katangian ng isang mabuting lider o karapat-dapat na
pinuno
 Nasasabi ang kahalagahan o bakit kailangan ng isang pinuno ang komunidad
II. Paksang Aralin
A. Paksa: Ang mga Namumuno sa Komunidad
B. Sanggunian: Araling Panlipunan
C. Kagamitan: Mga larawan, ng iba’t-ibang namumuno sa komunidad

III. Pamamaraan sa Pagtuturo


Gawain ng Guro Gawain ng Mag aarl

A. Panimulang Gawain

1. PANALANGIN
(Tatayo ang lahat para sa panalangin.) Manalangin ang mga bata

2. PAGBATI
Isang Magandang umaga sa inyong lahat. “ Magandang umaga, Teacher
Kyle, Teacher Marielle at Miss
Kyla”
3. PAGTALA NG MGA LUMIBAN
Mayroon bang lumiban sa klase ngayong
araw?

4. PAMAMAHALA SA SILID
ARALAN
Bago tayo mag umpisa ayusin ninyo ang
inyong mga upuan upang making kayo ng
maayos at kung gusto kayo sumagot kay titser
itaas lamang ang inyong mga kamay.
Naintindihan ba?

5. PAGGANYAK

Pinuno at Pamumuno sa Komunidad

Ang punong barangay ang namumuno sa


isang komunidad. Siya ang pinakamataas na
halal na opisyal ng barangay.

Katulad ng punong barangay, ang pitong mga


kagawad ay inihahalal din ng mga tao sa
komunidad.
Ang Sangguniang Barangay ang gumagawa
ng mga ordinansa at alituntunin ng komunidad.
Tungkulin din nitong bumalangkas ng mga
programa hinggil sa kapayapaan at kaayusan
ng komunidad.

Ang Sangguniang Kabataan (SK) ay binubuo


ng tagapangulo ng SK at pitong kagawad.

Ang mga barangay tanod ay katuwang ng


punong barangay at mga kagawad sa
pagpapanatili ng katahimikan at kaayusan ng
komunidad.
PAGLALAHAT

Paano kung walang kakayahang namumuno


sa komunidad ang pinunong inihalal ng mga
tao?

A. Gawain 1

Panuto: Punan ng tamang salita ang mga


patlang upang mabuo ang mga
pangungusap.

Ang ______________________ ay
pinakamaliit nay yunit ng pamahalaan. Ito ay
pinamumunuan ng _____________ at mga
______________. Sila ang gumagawa at
nagpapatupad ng mga ___________ sa
komunidad.
Ang mga namumuno sa barangay ay
_______________ ng mga kasapi ng
komunidad.

B Gawain 2:

1. Gumuhit ng mga clippings sa mga magasin


at pahayagan ukol sa bahaging ginagampanan
ng mga tao sa pamahalaan.

2. Iayos ang mga ito sa isang album. Lagyan


ng label ang mga idinikit na clippings. Hingin
ang tulong ng mga magulang upang
maisagawa nang maayos ang gawaing ito.

You might also like