You are on page 1of 1

Hampas ng alon,

Tila'y parang kahapon,

Hirap umahon.

Sa malawak na dalampasigan hangad kong kapayapaan muling nakamtan,

Indayog ng alon, sa'kin humahamon.

Lisanin ang malupit na kahapon at patuloy na ibanon.

Maglakbay patungo sa kawalan, ang masalimuot at magulong kahapon ay takasan.

Walang kasiguraduhan, pero ba't di ko raw subukan?

Tila tanong ng mga alon sa aking harapan.

Sa dalampasigan ko naramdaman kung saan mistulang ang mundo'y ako lang ang nilalaman,

Amoy nito tila pumupukaw sa aking kamunduhan na ako'y mahalaga, at espisyal.

Ngunit, tila raw nalimutan ko ang isang pinakamahalagang bagay, at ito ay ang magdasal.

Parang binuhusan ng malamig na tubig ang buo kong katawan, at bigla na lamang na tauhan.

Ang dating puso't isip kong tila binabaha,

Ng mga hindi nasabing salita.

Ngayo'y bawat ihip ng hangin ay simbolo ng aking dalangin,

Sana'y gaya ng bawat alon na humahampas, kahapo'y hayaan ng lumagpas.

You might also like