You are on page 1of 3

Piliin ang angkop na kahulugan ng kilos na ipinapakita ng mga tauhan sa bawat sitwasyon .

Ano ang tamang pagkakasunud-sunod ng pangyayari sa kuwento ni Tambelina?


Lagyan A hanggang F ang wastong pagkasunud-sunod nito.

___ 1. Nakita ni Tambelina ang may sakit na ibon na si Layang-Layang at ito’y kaniyang ginamot at
inalagaan.

___ 2. Lumabas ang maliit at magandang dalaga na si Tambelina mula sa ubod ng bulaklak ng
halamang itinanim ng mag-asawa.

___ 3. Tinulungan ng mga isda si Tambelina upang makaalis sa pinaglagyan sa kaniya ng palaka.

___ 4. May mag-asawa na humingi ng tulong mula sa bruha upang magkaanak.

___5. Naging maligaya si Tambelina sa piling ng mga anghel ng mga bulaklak.

___6. Namuhay nang mag-isa si Tambelina hanggang sa dumating ang taglamig at siya ay humingi
ng tulong kay Dagang-bukid.

7. Doon na namuhay si Tambelina.


Gumagawa siya ng duyan mula sa dahon ng damo at ang kanyang tulugan ay sa loob ng ubod
ng bulaklak.
A. Siya ay Masaya
B. Siya ay malungkot
C. Siya ay naiinis
D. Siya ay nanghihinayang

8. “Naku, ayaw namin sa kaniya. Kay pangit naman niya. Dadalawa ang paa at walang sungay-
sungayan,” sabi ng mga salagubang.
A. Naaasar o naiinis C. Nagagalit
B. Natutuwa D. Naiiyak

9. “ Salamat sa iyo, maliit at magandang bata!” sbi ng ibon.


A. Nagagalak C. Nalulungkot
B. Nayayamot D. Naaasar

10. “Naku, ikaw pala, maliit na bata,” sabi ng butihing si Dagang –bukid. “Tuloy ka. Dito sa loob ng
bahay ko ay maaalis ang iyong ginaw.”
A. Nanghihinayang C. Nagagalit
B. Naaawa D. Natutuwa

Ibigay ang kahulugan ng pamilyar at di-pamilyar na salita.

11. Nanunudyo ang kompyuter sa aking pag-aaral.


A. nanonood C. temtasyon
B. baluktot D. nananakot

12. Parating nakaupo si Lolo Minyong sa salumpuwit na ito.


A. upuan C. katoto
B. eroplano D. papeles

13. Humahangos naman siyang kumilos ngayon nang malamang tanghali na.
A. naipon C. nagpatumpik-tumpik
B. nagmamadali D. naglalambing
14. Marami ang napahamak dahil sa walang patumanggang paglalaban kung kaya't napilitan silang
umalis.
A. kulang C. katapusan
B. payapa D. maibigay

15. Umiyak ang bata dahil sa pang-iinis ng kapatid kaya walang nagawa ang pang-aalo ng ina upang
mapatahan ito.
A.payapa C. pagtatahan
B. paglalambing D. Pangaral

Piliin ang angkop na pang-uri at pandiwa sa mga sumusunod na pangungusap.


16. Ang kanilang mga anak ang itinuturing na _____ sa mga naninirahan doon.
A. masisipag C. higit na masisipag
B. masipag-sipag D. pinakamasipag

17. Sa kasalukuyan, tinatayang nasa 30 porsyento ang ibinaba ng antas ng reserbang tubig sa bansa.
Bunga nito, _____ ding bumaba ang suplay ng tubig sa mga kabahayan.
A. malaki C. marami
B. mataas D. mabilis

18. Ayon sa panitikan, si Maria Clara ang tinaguriang _______ na dalaga dahil simbolo siya ng
kababaihang Pilipina.
A. Pinakamahinhin C. Mas mahinhin
B. Mahinhin-hinhin D. Higit na mahinhin

19. Ang Tulay ng SanJuanico na nagdurugtong sa Samar at Leyte ay ______ sa buong Asya.
A. Mahaba C. mahaba-haba
B. higit na mahaba D. pinakamahaba

20. Marami nang kababayang dumating at umalis sa bansang Dubai kung saan nagtatrabaho si Mang
Jose. Siya ang _______ sa kanila na nagtrabaho doon.
A. Matagal C. matagal-tagal
B. Pinakamatagal D. higit na matagal

21. May ilang naniniwala rin na _______ sa street-dancing ang mga taga-Iloilo sa buong Kabisayaan.
A. ubod ng husay C. sobrang maindayog
B. mas kahali-halina D. totoong malikhain

22. Kung noong dekada ’90 ang halaga ng langis ay kaya pang tapatan ang halaga ng ating piso,
ngayon ay hindi na dahil sa _______ taas nito.
A. lalo na C. sadyang
B. higit na D. sobrang

23. Masaya silang namamasyal nang may _______ umagaw sa kanyang shoulder bag.
A. Agad C. nag-aapurang
B. Biglang D. nagmamadaling

24. Sila ay ____________ na sana ay laging nasa mabuting kalagayan ang kani-kanilang pamilya.
A. mataimtim na nananalangin C. madalas na magdasal
B. tiklop-tuhod na umaasa D. laging naiisip
25. Nagkaroon siya ng sariling bahay at napagtapos ng pag-aaral ang mga anak, kaya naman kaagad
______ ang mga ito.
A. Nagtrabaho C. magsitrabaho
B. Nagsitrabaho D. nakapagtrabaho

26. Ang mga mangga ay ______ nang malakas ng hangin.


A. Ilaglag C. mailaglag
B. Ilalaglag D. nailaglag
27. Sayang, _______ pa naman ako ng kalahati ng halaga kung naibenta ang mga manga.
A. Bigyan C. binigyan
B. Bibigyan D. binibigyan

28. Isa pang pangunahing dahilang _________ ng mga eksperto ay ang unti-unting pagkasira ng
inspirasyon sa maraming kababaihan noon.
A. Ibinigay C. binibigyan
B. Ibinibigay D. binigyan

29. Maagang ______ si Gng. Asis nang araw na iyon upang maghanda para sa kaarawan ng
dalawang anak.
A. gigising C. gumising
B. gigisingin D. Gumigising

Tukuyin ang mga sangkap ng liham-pangangalakal. Piliin ang sagot sa loob ng kahon.

Pamuhatan Patunguhan Bating panimula

Katawan ng liham Bating pangwakas Lagda

30. Ito ang naglalaman ng mensahe. Nasa pagitan ng bating pambungad at bating pangwakas.

31. Ito ang bahaging katatagpuan ng tirahan o tanggapan ng sumulat at petsa kung kailan isinulat.

32. Isinusulat sa kaliwang gilid sa ibaba ng patunguhan. Gumagamit ng pormal na magagalang na


salita tulad ng G., Gng., at iba pa.

33. Ito ang pamamaalam ng sumulat. Gumagamit ng pormal na pananalita tulad ng Lubos na
gumagalang, Lubos na gumagalang, Lubos na nagpapasalamat, Sumasainyo.

34. Pagpapakilala kung sino o kanino nanggaling o nagsimula ang liham. Minsan inilalagay ang
katungkulan ng sumulat.

35. Naglalarawan ito ng tirahan o lugar ng sinusulatan, ang pangalan ng bahay- kalakal, ang kalye,
lungsod at bilang ng zipcode.

You might also like