You are on page 1of 12

Republic of the Philippines

Department of Education
MIMAROPA REGION
Division of Occidental Mindoro
Occidental Mindoro State College – Basic Education Laboratory
Quirino Street Barangay 7, San Jose, Occidental Mindoro

Paaralan Occidental Mindoro State College Baitang 3


– Basic Education Laboratory
Masusing Banghay- Guro Ronna Mae D. Mojana Asignatura Inang
Aralin Wika
Petsa at Marso , 2024 Markahan Ika-apat
Oras

I. LAYUNIN
A. Pamantayang
Pangnilalaman
B. Pamantayan sa
Pagganap
C. Mga Kasanayang Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
Pampagkatuto 1. naiisa-isa at nabibigyang kahulugan ang mga babalang nakikita sa ating
paligid; at,
2. Nakakabuo ng isang patalastas o paunawa.
II. NILALAMAN Mga Babala

III. MGA KAGAMITAN


SA PAGTUTURO
A. Sanggunian (CG)
1. Mga Pahina sa Gabay Pahina 109-121
ng Guro
2. Mga Pahina sa Inang Wika 3: Mother Tongue-Based Multilingual Education Series in
Kagamitang Pang Mag- Tagalog, pp. 100-101
aaral
3. Mga Pahina sa Teksbuk Pahina 230-246

4. Karagdagang
Kagamitan mula sa
Portal ng Learning
Resources
B. Iba pang Kagamitang
Panturo
IV. PAMAMARAAN GAWAING GURO GAWAING MAG-AARAL
A. Panimula a. Panalangin
Cassandra, pangunahan mo
ALAMIN ang ating panalangin.
(Mananalangin ang mga
mag-aaral)
b. Pagbati
Magandang araw, mga bata!
Magandang araw po!
Bago kayo umupo, pakipulot
muna ang mga basura sa ilalim ng
inyong mga upuan at pakiayos ang
linya nito.
(Susundin ng mga mag-
aaral ang sinabi ng guro)
Maaari na kayong umupo.
c. Pagtatala ng Liban
Ngayon naman bilang kalihim
ng klase, iyong iulat ang liban sa
inyong klase para sa araw na ito,
Charles. Ngayong araw po ay
walang liban sa ating klase.

Mabuti! Natutuwa ako dahil


lahat kayo ay naririto at handang
matuto.

d. Balik-aral
Bago tayo dumako sa ating
panibagong aralin, balikan muna natin
kung ano ang tinalakay ninyo noong
nakaraang linggo na itinuloy ninyo
kahapon.
Natatandaan niyo pa ba kung
ano ang ating pinag-aralan noon gating
nakaraang pagkikita?
Opo.
Kung talagang natatandaan
niyo pa, ano nga ang ating tinalakay?
Ma’am, ang mga ilang
paalala po sa pagsulat ng
Tama! At matapos nga ito ay elehiya.
pinagawa ko kayo ng isang elehiya na
kung saan ay nilapatan ninyo ng himig
pagkatapos.
Nakatutuwa at talaga namang
napakaganda ng inyong mga ipinasang
gawain. Dahil dyan, bigyan ninyo ng
limang palakpak ang inyong mga
sarili.

e. Paglalahad sa Kompetensi
Sa pagtatapos ng aralin, ang
mga mag-aaral ay inaasahang:
 Napatutunayang ang mga
pangyayari at/o transpormasyong
nagaganap sa tauhan ay maaaring
mangyari sa tunay na buhay.

B. Paghahabi sa Layunin ng Bilang pagsisimula ng ating


Aralin panibagong aralin, ngayon ay may
inihanda akong laro. Ito ay ang
kilalang-kilala na “Crossword Puzzle.”
Ang magiging kategorya natin ay mga
pasilidad sa loob ng ating paaralan.
Huhulaan ninyo ang wastong salita
batay sa bilang ng kahon at larawang
nakapaskil.

2
Mga inaasahang sagot:
1. flagpole
2. klinik
3. kantina
4. silid-aralan
5. gymnasium
6. palikuran

3
Mahusay! Tama ang inyong
mga sagot.

At dahil diyan, ito ang ating layunin sa


ating panibagong aralin.

Sa pagtatapos ng aralin, ang mga


mag-aaral ay inaasahang:
1. naiisa-isa at nabibigyang kahulugan
ang mga babalang nakikita sa ating
paligid; at,
2. Nakakabuo ng isang patalastas o
paunawa.
C. Pag-uugnay ng Ang lawarang inyong hinulaan ay may
Halimbawa sa Bagong Aralin kaugnayan sa paksang ating
tatalakayin sa araw na ito, ngunit bago
iyan tayo muna ay tumungo sa ating
kuwentong.

Ang ating kuwento ay pinamagatang


“Babala sa Paaralan” na isinulat ni
Daisy V. Mendiola.

Gagamit tayo ng ating shadow


puppets.

Bagong mag-aaral si Manuel sa


Paaralang Elementarya ng Maisan.
Hindi pa niya kabisado ang buong
paaralan. Minsan, nagpunta siya sa
palikuran ng paaralan. Pagdating niya
roon nakita niya na walang nakasulat
sa kung ano mang pinto na palikuran
ang kaniyang papasukan. Hinintay
niyang may dumating na ibang mag-
aaral para malaman niya kung saan

4
siya papasok. Sinundan niya ang mag-
aaral. Tinanong niya kung paano nito
nalaman kung anong pinto ang para sa
lalaki. Itinuro ng mag-aaral ang
nakaguhit na larawan sa pinto ng
bawat palikuran. Ang larawan ng
lalaking nakatayo ay nagpapahayag na
palikuran para sa lalaki. Babaeng
nakapalda naman ang larawang nasa
pinto ng mga babae. Simula noon,
nalaman na ni Manuel ang kahulugan
ng ganoong palatandaan.

At diyan nagtatapos ang ating kuwento


na pinamagatang “Ang Babala”
D. Pagtalakay sa Konsepto at Wheel of numbers, at palabunutan ng
Paglalahad sa Bagong pangalan sa class record.
Kasanayan #1

Naintindihan ba ang ating kwento?


Opo!
Sino ang bagong lipat ng paaralan?
Si Manuel po.
Saang bahagi ng paaralan pumunta si
Manuel? Paaralang Elemtarya ng Maisan
Bakit hindi siya nakapasok sa
palikuran? Sapagkat, hindi pa niya kabisado
Paano niya nalamn kung saang pinto ang buong paaralan at walang
ng palikuran siya papasok? nakasulat sa kung ano mang
pinto na palikuran ang kaniyang
papasukan, hindi niya rin alam
ang ibig sabihin ng ibig sabihin
Maari bang ilarawan ang babalang ng larawang nakapaskil.
nakita niya sa palikuran.
Ang larawan ng lalaking
nakatayo ay nagpapahayag na
palikuran para sa lalaki.
Babaeng nakapalda naman ang
larawang nasa pinto ng mga
Kanina ay mayroon akong ipinakita na babae.
mga larawan mula sa ating paaralan,
pamilyar naman kayo. Ngunit may
napansin ba kayong mga babala sa
ating mga larawan?
Opo, Ma’am Mae!
Mahusay na pagmamasid.
Mahalagang tandaan ang lahat ng
5
iyon, upang sa maging maalam sa
kung ano ang ibig-sabihin ng mga
salita bilang gabay sa pang-araw-araw
na buhay.

Ayos ba?
Opo!
Ayos, Ayos?
Ayos, ayos!
Ano nga ulit ang pamagat ng ating
kuwento? Babala sa Paaralan po.
Tumpak.
At dahil diyan, tayo na ay tutungo sa
ating panibagong aralin.

Aralin 4: Mga Babala

Ano nga po ulit ang ating aralin?


Aralin 4: Mga Babala
Sige po, tumayo po muna nag lahat at
tayo ay kakanta.
Tatayo ang mga bata.
I am ready to learn, ready to learn.
I am ready to learn, ready to learn. I am ready to learn, ready to
That’s exciting. learn.
I am ready to learn, ready to
learn.
That’s exciting.
E. Pagtalakay sa Konsepto Tandaan, Grade 3.
at Paglalahad sa Bagong Ang babala o palatandaan ay isang
Kasanayan #2 abiso, paunawa, o patalastas na
makikita sa iba’t ibang lugar gaya ng
paaralan, kalsada, simabahan, at
maraming iba pa.

Halimbawa ng mga babalang makikita


sa ating paligid.
Basahin nating lahat. Bawal lumusot!

Bawal magtapin ng basura sa


ilog!

Bawal magtapon ng basura!

Bawal mag-bisikleta!

Bawal manigarilyo!

Bawal tumawid!

6
Mag-ingat sa aso!

Nakakalason!

Bawal pumarada!

Bawal maingay!

1, 2, 3 Claps
1, 2, 3 Claps
Shesh, Sakay na!

Magagaling! Bilang natutunan niyo na


ang ating aralin, bigyan ang sarili ng
“Sky Ferry Clap.”
1, 2, 3 Claps
1, 2, 3 Claps
Shesh, Sakay na!
F. Paglinang ng Kabihasaan Papangkatin natin ang klase sa apat.
Ang table 4, ay pangkat 1; ang table 3
ay pangkat 2; ang table 2 ay pangkat 1,
at ang table 1 naman ay pangkat 2.
May dalawang bahagi tayo ng gawain.

Una.
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod
na tanong. Bilugan ang titik ng tamang
sagot.
1. Ano ang iyong gagawin kung ikaw
ay makakakita ng babala?

a. Susunod upang malayo sa


kapahamakan
b. Babalewalain ang mga babala.
c. Yayayain ang kaibigan na subukang
pumasok sa lugar na ipinagbabawal.

2. Bakit mahalaga ang mga babala?

a. Upang mapahamak ang mga tao.


b. Upang di mapahamak ang mga tao.
c. Upang makaiwas sa batas.

3. Ano kaya ang mangyayari kung


hindi ka susunod sa mga babala?

a. Ikaw ay mapapahamak.
b. Gaganda ang iyong buhay.
c. Mapapadali ang lahat ng iyong
gagawin.

7
4. Ano ang iyong nararamdaman
kapag nakakakita ka ng babala sa
kalye, sa paaralan, at sa pamayanan?

a. Ako ay nagagalit sapagkat di ko


magawa ang aking ibig.
b. Ako ay naiinis sapagkat maraming
sagabal sa aking dinaraanan.
c. Ako ay natutuwa sapagkat
nakakaiwas ako sa mga kapahamakan.

5. Bilang mag-aaral, paano mo


hihikayatin ang ibang tao upang
maligtas sila sa kapahamakan?

a. Ipapaliwanag ko sa kanila kung ano


ang mabuting maidudulot ng pagsunod
upang mailigtas sa kapahamakan.
b. Sasabihan ko ang mga kalaro ko na
huwag sumunod sa mga babala
sapagkat magagambala ang aming
paglalaro.
c. Hihikayatin ko ang mga kaklase ko
na huwag kaming sumunod sa babala
ng paaralan sapagkat maiistorbo ang
aming ginagawa.

At ang pangalawa ay ang,


Panuto: Iguhit o isulat ang mga
babalang makikita sa mga sumusunod
na mga lugar.
Pangkat 1: Silid-akltan

Pangkat 2: Tawiran

Pangkat 3: Basang sahig

8
Pangkat 4: Gasolinahan

Bibigyan ko kayo ng 15 minuto para


sa gawaing ito. Tapos at hindi tapos,
ipapasa na po ang papel kapag
lumagpas na sa oras na sinabi ko.
G. Paglalapat ng Aralin sa Kaya Mo Ito!
Pang-araw-araw na Buhay Gaya ng sinabi ko kahapon, sino ang
may dala ng mga kagamitang pang-
sining? Ako po, Ma’am!

Mahusay, ilabas na ang inyong mga


materyales.

Sa isang malinis na coupon band ay


gumuhit ng inyong sariling bersyon ng
babala na maaring ipaskil sa bawat
pasilidad, lansangan, at maging sa
inyong sariling tahanan. Pagkatapos
gumuhit ng babala, ipaliwanag kung
bakit mahalagang malaman ang
babalang ito?

Ang inyong nagawang babala ay ipo-


post natin dito sa ating
“TSARTalento” upang makita nating
lahat ang inyong gawa. Mamarkahan
ang iyong iginuhit sa pamamagitan ng
pamantayang ito.

9
Opo, Ma’am Mae.
Ang mga bata ay sisimulan na
ang paggawa.

Naunawaan ba ang gagawin?


Simulan na ang pagguhit.
H. Paglalahat ng Aralin Sa pamamagitan ng ating dize, ay
malalaman nating kung sino ang
magbabahagi ng kaniyang natutunan
sa araw na ito. Kapag inihagis ko ang
dize, ito ang magsasabi sa kung saang
table ako bubunot ng names para
sumagot. Handa na po ba ang lahat? Opo, Ma’am Mae.

Ayan, table 3. At ang nabunot ko sa


table 3 ay si…
Ano nga ulit ang babala, mga bata?
Ang babala ay mga nakapaskil o
nakasulat na mga paalala na
kadalasan nating nakikita sa
ating kapaligiran. Ito ay mga
paalalang dapat nating sundin
para sa ating kaligtasan at bilang
pangangalaga sa ating
kapaligiran.
Mahusay!
Sumunod naman na magbabahagi ay
si…
Bakit kailangan nating intindihin o
unawain ang nakasulat sa babala?
Ang mga babala ay nagbibigay
ng impormasyon tungkol sa
tamang paggamit, pag-iingat, at
mga limitasyon ng isang bagay
Napakagaling! upang maging ligtas at epektibo
Sumunod naman na magbabahagi ay ang paggamit nito.
si…
Maaari bang magbigay kayo ng babala
na inyong natutunan? Maaaring magkakaiba ang
sagot ng mga bata.

Palakpakan ang mga sarili gamit ang


“Mang Inasal Clap.”
1, 2, 3 Claps
1, 2, 3 Claps
Hahanap-hanapin mo! 1, 2, 3 Claps
1, 2, 3 Claps
Tunay nga na mayroon kayong Hahanap-hanapin mo!
natutunan sa ating itinalakay ngayong

10
araw.
I. Pagtataya ng Aralin Upang malinang ng husto ang
kasanayan sa pagbabasa, pagsusulat, at
sa panonood ninyo. Mayroon akong
inihandang gawain upang masukat ang
inyong pagkaunawa sa ating aralin.
Maglabas ng malinis na papel at
ihanda ang sarili sa ating Gawain, mga
bata.
Handan na po ba ang lahat? Opo, Ma’am Mae!
Panuto. Isulat sa patlang kung ano ang
ibig sabihin ng bawat babala.

1. ---------------------------

Magsasagot ang mga bata.


2. -------------------------

3. --------------------------

4. -------------------------

5. --------------------------
J. Karagdagang Gawain Ngayon naman, bilang inyong
para sa Takdang-Aralin at takdang-aralin. Gumawa ng limang
Remediation babala. Isulat/Iguhit ito sa loob ng
bawat kahon.

1 2

3 4

11
5

V. MGA TALA
VI. PAGNINILAY
A. Bilang ng mag-
aaral na nakakuha ng 80%
sa pagtataya.
B. Bilang ng mag-aaral
na
nangangailangan ng
iba pang gawain o
pagpapahusay.
C. Nakatulong ba ang
pagpapahusay (remedial)?
Bilang ng mag-aaral na
naunawaan ang aralin.
D. Bilang ng mga
mag-aaral na patuloy na
nangangailagan ng
pagpapahusay
(remediation).
E. Alin sa aking
pagtuturo ang naging
epektibo? Bakit?
F. Ano-ano ang aking
naging suliranin na
maaaring malutas sa tulong
ng aking punong-
guro at superbisor?
G. Anong mga
inobasyon o lokalisasyon
sa mga kagamitan ang
ginamit/natuklasan ko na
nais kong ibahagi sa ibang
guro?

Inihanda ni:

Ronna Mae D. Mojana


Bachelor of Elementary Education

Iwinasto ni:

Ma. Elvira P. Arevalo


MAEd, Cooperating Teache

12

You might also like