You are on page 1of 6

Republika ng Pilipinas

Lalawigan ng Bulacan
Bayan ng Bocaue
BOCAUE TOURISM COUNCIL

KATITIKAN NG PAGPUPULONG NG BOCAUE CULTURE AND ARTS COUNCIL NA


GINANAP NOONG IKA-17 NG PEBRERO, 2023 SA SA SILID PAGPUPULONG NG
TANGGAPAN NG PUNONG BAYAN, BOCAUE MUNICIPAL HALL, IGULOT,
BOCAUE, BULACAN.

MGA NAGSIDALO:
1. Igg. Norielito E. German - Vice Chairperson
2. Igg. Jamela Charisse Mendoza - Sangguniang Bayan Co-Chairperson on History,
Arts, Culture, and Tourism Office
3. Renan T. Eusebio - Focal Person
4. Ryan Legazpi - Visual Arts Group Representatives
5. Mario Santiago - Visual Arts Group Representatives
6. Jimmy Azucena - Visual Arts Group Representatives
7. Enrico Concepcion - Musical Arts Representatives
8. Nelson Dela Cruz - Musical Arts Representatives
9. Criselda C. Trinidad - Theater Arts Representatives
10. Neil Oliver Dela Cruz - Heritage Sites and Structure Representatives
11. Deo Concepcion - Heritage Sites and Structure Representatives

IBA PANG NAGSIDALO:


1. G. William De Guzman - Sangguniang Bayan Staff
2. G. Cyruss Malana - Sangguniang Bayan Staff
3. Bb. Danica A. Canonigo - Municipal History, Arts, Culture, and Tourism
Office Staff
4. G. Anthony Rockefeller Olmos - Municipal History, Arts, Culture, and Tourism
Office Staff
5. G. Jhonrey Logdat - Municipal History, Arts, Culture, and Tourism
Office Staff
6. G. Henry Lloyd Valeriano - Municipal History, Arts, Culture, and Tourism
Office Staff
7. G. Ronald Capalad - Municipal History, Arts, Culture, and Tourism
Office Staff
8. G. Mark Angelo C. Mendoza - Municipal History, Arts, Culture, and Tourism
Office Staff
9. Bb. Carissa Danise Veroy - Municipal History, Arts, Culture, and Tourism
Office Staff
10. Bb. Kaye Gian Acabado - Municipal History, Arts, Culture, and Tourism
Office Staff
11. Bb. Jenny M. Goyla - Municipal History, Arts, Culture, and Tourism
Office Staff
12. G. Randy Dela Cruz - Municipal History, Arts, Culture, and Tourism
Office Staff

SECRETARIAT:
1. G. Renan T. Eusebio - Municipal Tourism Officer
2. Bb. Gerlie San Pedro - Tourism Operations Officer I
3. G. Jose Eduardo Hipolito - Sangguniang Bayan Staff
Sinimulan ang pagpupulong sa ganap na ika-3:15 ng hapon sa pamamagitan ng isang
panalangin sa pamumuno ni G. Enrico Concepcion. Nagbigay ng mainit na pambungad na
pananalita ang tigapangulo ng Kasaysayan, Sining, Kultura at Turismo ng Sangguniang Bayan
na si Igg. Norielito E. German. Sinundan ito ng pagbasa ni G. Renan T. Eusebio ng talaan ng
mga nagsidalo at ito na ang naging hudyat ng paninimula ng pagpupulong.
Republika ng Pilipinas
Lalawigan ng Bulacan
Bayan ng Bocaue
BOCAUE TOURISM COUNCIL

Ipinahayag ni G. Renan T. Eusebio ang pagsuporta ng Pamahalaang Bayan ng Bocaue


bilang bahagi ng 10 Point Agenda ni Punong Bayan Eduardo J. Villanueva, Jr. sa adhikaing
pangturismo, pangkultura, at maging pagpapahalaga sa mga yamang pangkalinangan bilang
pagtalima at pagsunod sa Republic Act 10066 o ang National Cultural Heritage Act ng 2009.
Sa pagpapatuloy ay kaniyang inihayag ang talaan ng nakatakdang agenda:
 Short Term Plans of Action for Tourism Development
 Long Term Plans of Action for Tourism Development
 Other Matters

Unang Agenda
Ipinahayag ni G. Renan T. Eusebio ang mga resolusyon at ordinansa na naipasa sa
pagsusumikap ni Igg. Norielito E. German at Igg. Jamela Charisse Mendoza noong taong 2022
upang pahapyap na mailahad ang kasulukuyang estado ng turismo sa Bayan ng Bocaue.
Mga Naipasang Resolusyon at Ordinansa sa taong 2022:
1. KAPASIYAHAN BLG. 22-10-082 “Kapasiyahan ng Pagbibigay ng Mataas na Pagkilala
ng Ika-11 Sangguniang bayan ng Bocaue sa Simbahan ng Parokya ng San Martin ng
Toursm Naiproklama Bilang Pangdiyosesis na Dambana ng Mahal na Poon ng Krus sa
Wawa, Bilang Mahalagang Yamang Pangkalinangan ng Dakilang Bayan ng Bocaue
2. KAPASIYAHAN BLG. 22-12-138 “Kapasiyahang sa Pagkilala sa Dambana ng San
Andres Kim Taegon sa Barangay Lolomboy Bilang Lugar ng Pang-Relihyon, Pang-
Kultura, at Pang-Turismo
3. KAPASIYAHAN BLG. 22-12-139 “Kapasiyahan ng Pagbibigay ng Pagkilala kay
Francisca Reyes-Aquino Bilang Isang Bocaueñong Alagad ng Sining sa Larangan ng
Sayaw
4. KAPASIYAHAN BLG. 22-12-140 “Kapasiyahan ng Pagbibigay ng Pagkilala sa Pailaw-
Pasasalamat Bilang Taunang Pambayang Okasyon Para Itampok ang Industriya ng
Pailaw at Paputok sa Bayan ng Bocaue
5. KAPASIYAHAN BLG. 22-12-141 “Kapasiyahang Binibigyang Pagkilala at Parangal
ang Batang Bocaueño na si Sajid Bulig na Tubong Barangay Bambang Bilang Bayani sa
Naganap na 1993 Pagoda Tragedy sa Bayan ng Bocaue, Bulacan
6. KAPASIYAHAN BLG. 22-12-142 “Kapasiyahan ng Pagkilala Kay Heneral Eusebio
Roque Bilang Isang Bayani ng Bayan ng Bocaue sa Kaniyang Kontribusyon sa
Kasaysayan’
7. ORDINANCE NO. 22-017 “Isang Kautusang Bayan na Nagpapangalan sa Bypass Road
na Matatagpuan sa Kahabaan ng Bagong Gawang Kalsada sa Barangay Biñang 1st
Papuntang Mayor Joni Villanueva General Hospital Barangay Igulot, Bocaue, Bulacan
Vice Versa na Mayor Joni Villanueva Avenue (Eleanor Villanueva-Tugna)
8. ORDINANCE NO. 22-018 “An Ordinance Naming the Municipal Brass Band of
Bocaue as Maestro Eusebio Roque Municipal Band Bocaue”
9. ORDINANCE NO. 22-019 “An Ordinance Creating an Official Municipal Artist Guild
to be Known as Francisca Reyes-Aquino Bocaue Artist Guild Defining Its Functions,
Appropriating Funds Therefore and for Other Purpose”
10. ORDINANCE NO. 22-20 “An Ordinance Declaring the Pagoda Festival as Bocaue’s
Annual Cultural Festival”
11. ORDINANCE NO. 22-21 “An Ordinance Declaring the Pantyon de Bocaue (Bocaue
Public Cemetery) as a Cultural Heritage Site
Republika ng Pilipinas
Lalawigan ng Bulacan
Bayan ng Bocaue
BOCAUE TOURISM COUNCIL

Sa diskusyong ito, nailahad ang ilang mga suliranin halintulad ng pagpapanatili at


pagpapalawak ng kaalaman at talento ng mga miyembro ng Maestro Eusebio Roque Municipal
Band at ng Francisca Reyes-Aquino Bocaue Artist Guild. Inilahad din ang suliranin sa
pangangalap at paglikha ng database ng lahat ng mga Bocaueño Artists na maaaring gamitin sa
pagdaragdag o muling pagsasabuhay ng Pangkat Kawayan at Rondalla Group na maaaring
lahukan ng mga kabataan.

Itinalakay rin ang kahalagahan ng pagtukoy sa orihinal at naangkop na tugtugin, sayaw,


at pananamit ng sinaunang Bocaueño sapagkat ang mga itinuturing natin bilang sariling atin ay
tila may bahid at impluwensya ng ibang bayan at lalawigan gaya ng Cebu.

Kung kaya’t ipinaliwanag ni G. Renan T. Eusebio na magsasagawa ng Cultural Mapping


at Festival Management sa tulong ni G. Rodel Fronda na isa ring dalubhasa at tigapagsulong ng
sining at kultura.

Ikinagagalak ding ibahagi ni G. Renan T. Eusebio na matagumpay na naisumite ng


tanggapan ng turismo ang Talaan ng Yamang Kultural sa National Commission on Culture and
the Arts noong ika-27 ng Disyembre taong 2022.

Narito ang mga Yamang Kultural na nailathala sa NCCA:


 Ciudad de Victoria
 Karilagan Stevia Farm, Pavilion and Catering Services
 Shrine of St. Andrew Kim Taegon
 St. Martin of Tours Parish Church
 Aguas Potables
 Pantyon de Bocaue (Bocaue Public Cemetery)
 Bocaue Liempo
 Burdang Kadeneta
 Pansit Alanganin
 Sinuso
 The Annual Pagoda Festival

Ibinahagi rin ni G. Renan T. Eusebio ang mga planong aksyon para sa unang bahagi ng
taong 2023 kung saan nakapaloob ang mahahalagang petsa at kaganapan sa Bayan ng Bocaue.

 February 2023 – Buwan ng Sining


 March 09, 2023 – Francisca Reyes-Aquino Day
 April 11, 2023 – 417th Foundation Day of Bocaue
- Paghahawi ng Tabing sa mga Panandang Pangkultura
- Bocauelympics
- Ginoo at Binibining Bocaue
- Paglulunsad ng Francisca Reyes-Aquino Artist Guild
 July 02, 2023 – Pagoda Festival

Sa naging paglalatag na ito, nabanggit na ang gaganaping Bocauelympics ay


pangungunahan ni Igg. Jamela Charisse Mendoza sa pakikipagtulungan sa bawat myembro ng
Sangguniang Kabataan ng 19 na barangay sa Bayan ng Bocaue.
Republika ng Pilipinas
Lalawigan ng Bulacan
Bayan ng Bocaue
BOCAUE TOURISM COUNCIL

Naitalakay na magiging bahagi ang mga kawani ng simbahan sa susunod na pagpupulong


upang pormal na mailatag ang mga plano at aksyon para sa darating na Pagoda Festival sa buwan
ng Hulyo.

Tinalakay din ang kahalagahan ng paghahawi ng tabing sa mga panandang pangkultura


sapagkat ang pagkakaroon ng kumpletong panandang pangkultura ay susi upang maidulog ito sa
nasyonal at magkaroon ng karampatang pondo para sa pagpapanatili at pagpapasaayos ng mga
kultural na pag-aari.

Ikalawang Agenda

Ayon kay G. Renan T. Eusebio, kinakailangan nang baguhin ang mga ipinalalabas na
opisyal na videos sa Pamahaalang Bayan ng Bocaue sapagkat ang mga ito ay hindi na
napapanahon, kung kaya’t nailahad na mayroon nang naihandang storyboards para sa mga
videos na ito.

Ang mga videos na kinakailangang baguhin ay ang mga sumusunod:


 Philippine National Anthem
 Bocaue Hymn
 Tena sa Bocaue

Sunod na tinalakay ang kahalagahan ng pagiging masigasig sa pagkamit ng mga parangal


at pagkilala sa larangan ng Turismo. Dito inilahad na sa darating na Oktubre taong 2023 ay
idaraos ang 24th National Convention ng Association of Tourism Officers of the Philippines kung
saan igagawad ang ATOP Pearl Awards.

Narito ang mga nais lahukan ng tanggapan ng turismo:


 Best Tourism Video
 Best Tourism Gifts and Souvenir (Food)
 Best Tourism Gifts and Souvenir (Non-F ood)
 Best Tourism Brochure
 Best Tourism Event as nature worship/or myths and legends
 Best Tourism Event as a commemorative to historical events
Upang maisaayos ang mga arkibo ng kasaysayan, sining, kultura, at turismo, ay
kinakailangang magsagawa ng Cultural Mapping at Festival Management sa tulong ng
Panlalawigan Tanggapan ng Kasaysayan, Sining, Kultura, at Turismo. Naitalakay na mayroong
kaakibat na pondo na nagkakahalaga sa P10,000,000 para sa pananaliksik ng mga kaalaman na
maitatala sa itatayong Museo de Bocaue sa Barangay Poblacion.

Other Matters:
Sa Other Matters inilahad ni G. Jong Villariba ang mga maaaring maiambag na serbisyo
ng Smart Communications sa munisipalidad ng Bocaue sa pamamagitan ng isang partnership.
Kaniyang ibinahagi ang kanilang serbisyo na kung tawagin ay Smart Infocast na isang web-
based information dissemination system na maaaring makapagpadala ng 1,000 text messages na
maaaring magamit ng munisipyo sa pamamahagi ng impormasyon tulad ng sa pamimigay ng
scholarships, pagbibigay kaaalaman ukol sa mga nakaambang job fairs, maging sa pagbibigay
babala at paalala sa mga oras ng kalamidad tulad ng malakas na bagyo at pagtaas ng tubig baha.
Republika ng Pilipinas
Lalawigan ng Bulacan
Bayan ng Bocaue
BOCAUE TOURISM COUNCIL

Inilahad din ni Inh. Dinia Gomez ang kahalagahan ng pagkakaroon ng opisyal na website
ng munisipalidad kung saan maaaring makita ang mahahalagang impormasyon ukol sa bayan ng
Bocaue, maging ang mga impormasyon ukol sa turismo at maaari rin itong magsilbing tourist
tracker kung saan direkta nang mabibilang ang dami ng turistang dumarayo sa Bayan ng Bocaue
na siyang isinusumite sa Panlalawigang Tanggapan ng Turismo kada buwan.
Upang mapangasiwaan ng maayos ang ninanais na website, ay inirekomenda nina Inh.
Dinia Gomez at Gng. Lani Aguacito na mag-outsource ng mamamahala sa opisyal na website.
Halimbawa nito ang pakikipag-partner sa mga private entities, at pakikipagunayan sa mga
paaralan upang mapanday ang kakayahan ng mga estudyante pagdating sa komposisyon ng mga
datos at impormasyon.
Naitalakay din ang kasalukuyang estado ng Agritourism sa Bayan ng Bocaue partikular
sa Farm Tourism sa Karilagan Stevia Farm, Pavilion and Catering Services. Inilahad ni Gng.
Rosemarie Galingana ang kaniyang sentimyento ukol dito. Ayon sa kanya ay hindi lubusang
bukas sa mga turista ang nasabing Stevia Farm, sapagkat ito ay bukas lamang para sa mga
panauhin ng mga tumatangkilik ng kanilang pavilion at catering services. Kung kaya’t
nairekomenda na magkaroon ng masusing pakikipagtalakayan sa may-ari ng Karilagan Stevia
Farm, Pavilion and Catering Services upang mas maging bukas ito sa publiko.
Napagtuunan din ng pansin ang maaaring maging Ecotourism Site sa Kakulisan sa
Barangay Bambang, Bocaue, Bulacan. Ito ay maaaring maisakatuparan sa pakikipagtulungan sa
Municipal Environment and National Resources (MENRO) sa pangunguna ni Inh. Dinia Gomez.
Ibinahagi rin ni G. Renan T. Eusebio ang pagtalima sa Provincial Order No. 125-T’19
kung saan inaatasan ang sangguniang pambaranggay na magtalaga ng Barangay Tourism
Coordinator upang katuwangin ng Pambayang Tanggapan ng Turismo sa pananaliksik ukol sa
mga yamang kultural. Naatasan si Gng. Ana Karla Anista na lumikha ng isang liham patungkol
sa lahat ng mga kinakailangan upang makamit ang tinatamasang Seal of Good Local
Governance. Si Gng. Ana Karla Anista rin ang siyang makatutuwang ni G. Renan T. Eusebio sa
paggabay at pagpapaliwanag sa mga Tourism Related Establishments o TRE’s upang sila ay
mabigyang liwanag sa mga tamang proseso at kaukulang batas.
Nang wala nang nais pang talakayin ay nagbigay na ng pangwakas na pananalita si Igg.
Jamela Charisse Mendoza na siyang naging hudyat ng pagtatapos ng unang pagtitipon ng Bocaue
Tourism Council sa ganap na ika-2:57 ng hapon.
Pinatutunayan ko ang kawastuhan ng nillaman ng katitikang ito.

G. RENAN T. EUSEBIO
Kalihim

Pinagtitibay:
Republika ng Pilipinas
Lalawigan ng Bulacan
Bayan ng Bocaue
BOCAUE TOURISM COUNCIL

IGG. EDUARDO J. VILLANUEVA, JR.


Tagapangulo – BTC
Punong Bayan

You might also like