You are on page 1of 5

AP Notes

Karapatang Pantao

tumutukoy sa mga pamantayan na naglalayon na mapangalagaan ang mga


tao mula sa mga politikal, legal, at panlipunang pang-aabuso (Stanford
Encyclopedia of Philosophy)

tumutukoy sa pangkalahatan at legal na garantiya na dapat matamasa ng


lahat na siyang nagbibigay proteksiyon sa mga indibidwal at pangkat
(United Nations High Commissioner for Human RIghts)

ay pangkalahatan at hindi maaaring ipagkait, magkakaugnay, at pantay


(UN)

Mga Katangian
1. Ito ay para sa lahat.

2. Ito ay may pandaigdigang garantiya.

3. Ito ay binibigyang-proteksiyon ng mga batas.

4. Nakatuon sa dignidad ng tao.

5. Hindi ito maaaring ipagkait o alisin, maliban sa ilang karapatan, subalit


nangangailangan ito ng due process.

Kahalagahan
iiral ang mga pagpapahalaga gaya ng pagtanggap, pagkakapantay-pantay,
at respeto sa ibang tao

nakakatulong ito sa paglikha ng isang makatarungan at mapayapang


lipunan

Mga Uri
1. Karapatang Sibil

- nakatuon sa pamumuhay ng mapayapa, malaya, at may wastong

AP Notes 1
pagkakakilanlan
- hal. pagtataglay ng pangalan, pagkakamamamayan, pumili ng
paninirahan

2. Karapatang Politikal
- may kaugnayan sa magprosesong itinatakda sa pamahalaan o
pamayanan
- hal. bumoto, mahalal sa posisyon sa pamahalaan, maging bahagi ng mga
samahan/asosasyon

3. Karapatang Panlipunan
- mga indibidwal o kolektibong karapatan na nagtitiyak sa maayos na
pamumuhay sa pamayanan
- nagtataguyod ng kaayusang panlipunan sa pamamagitan ng mabisang
instrumento upang magkaroon ng maayos na pamayanan

4. Karapatang Pangkabuhayan
- mga pang-ekonomiyang karapatan ng indibidwal upang matugunan ang
kanyang pangangailangan sa buhay
- hal: subsidiya mula sa estado, pagtitiyak sa pagkakaroon ng trabaho o
ikabubuhay

5. Karapatang Kultural
- tumutukoy sa karapatan ng bawat mamamayan na maisabuhay,
maipagmalaki at makapag-ambag sa kultura ng kanyang lahi o pamayanan
- tumutugon sa karapatan ng isang partikular na pangkat etniko na may
kinalaman sa pagsusulong ng kanilang kapakanan, paniniwala at
preserbasyon ng kanilang mga kaugalian o tradisyon

Mga Probisyon na Nagpoprotekta sa Karapatang Pantao (Mula sa 1987


Constitution)

1. Artikulo II, Seksiyon 11


- “Pinahahalagahan ng Estado ang karangalan ng bawat tao at
ginagarantyahan ang lubos na paggalang sa mga karapatang pantao.”
- pagrerespekto ng karapatan ng bawat tao
- hindi pwede lumabag sa mga karapatan ng iba

2. Artikulo III
- Bill of Rights

AP Notes 2
- 22 seksiyon tungkol sa mga karapatang pantao ng mga Pilipino

3. Artikulo XIII
- nagbibigay ng proteksyon sa iba’t ibang sektor ng lipunan
- nagbibigay ng proteksyon mula sa mga abuso

Mga Anyo ng Paglabag sa Karapatang Pantao (Mga Uri ng Abuso)

1. Pisikal
- maituturing na direktang pananakit
- hal: gahasa, salakay, panliligalig

2. Sikolohikal
- bunsod ng verbal abuse
- hal: insulto, bullying, manipulation

3. Estruktural
- indirektang pamamaraan ng pang-aabuso
- hal: kawalan ng oportunidad sa kabuhayan, mababang sweldo

Konsepto ng Kasarian at Sex

Gender
- tumutukoy sa panlipunang sampanin, kilos, at gawain na itinakda sa lipunan
para sa babae at lalaki

Gender Identity
- malalim na damdamin at personal na karanasang pangkasarian ng isang tao
na maaaring nakatugma o hindi sa sex na siya’y ipinanganak
- personal na pagtuturi sa sariling katawan
- “how you present yourself to society”

Sexual Orientation
- tumutukoy sa assigned sex (at birth)
- basis for your romantic/sexual preferences

Heterosexual
- straight
- mga taong nagkakanasang sekswal sa miyembro ng kabilang kasarian
Homosexual
- mga taong mas gusto ang sariling kasarian (same gender)

AP Notes 3
LGBTQIA+
Lesbian - isang babaeng may emotional, sexual, at romantkong atraksyon sa
babae

Gay - lalaking nakaramdam ng atraksyon sa kanyang kapwa lalaki


Bisexual - taong nakaramdam ng atraksyong sexual o emotional sa 2 kasarian
(lalaki at babae)

Transgender - sino man na ang kilos at pag-uugali ay taliwas sa kanyang


natural na kasarian
Queer - ang anumang tao na hindi “straight”; all-encompassing term

Intersex - estado ng pagiging pinanganak na may reproductive anatomy na


hindi akma sa standard na lalaki o babae
Asexual - never attracted to anyone

Pansexual - taong may sexual, romantiko, o emotional na atraksyon sa isang


tao anuman ang kanyang kasarian (gets attracted to someone regardless of
their gender)

Diskriminasyon sa Kasarian at Sekswalidad

Gender Role
- nagtatakda kung paano mag-iisip, magsalita, at makipag-ugnayan sa isang
indibidwal

Gender Schema (Gender Scheme)


- isang teorya na naglalahad na ang isang bata ay naiimpluwensiyahan ng
ideya ng lipunan hinggil sa pagiging babae o lalaki sa kanilang kultura

Mga Uri ng Seksismo

Sekswal na Panliligalig (Sexual Harassment)


- pinaka-karaniwang uri ng diskrimasyon sa kasarian na nagaganap saanmang
lugar
- kadalasang nangingibabaw sa mga lipunang may mataas na pagpapahalaga
sa iisang kasarian

Esteriotipo sa Kasarian (Gender Stereotypes)


- pagkakaroon ng mga kaisipang nadikta sa tao
- nakakasakit kapag ito ay humahantong sa paglaba sa karapatang pantao

AP Notes 4
Bawal Bastos Law - R.A. 11313

bawal ang:
- Catcalling
- Wolf- whistling
- Unwanted invitations
- Mga pagamit ng transphobic, homophobic, misogynistic at sexist na mga
salita at komento
- Hindi nais na puna o komento sa itsura ng isang tao
- Pagsasambit ng mga komento na may sekswal na suhestyon
- Sapilitan na pagkuha ng personal na detalye tulad ng phone number at email
address
- Panghihipo

Mga Salik sa Dahilan ng Diskriminasyon

1. Sosyokultural
- ang mga natutunan sa lipunan at pagsunod sa tradisyonal na gampanin
ng kasarian ay higit na nakakaapekto sa pagtrato sa pagkakaiba ng
kasarian

2. Biyolohikal at Pisikal
- Ang mga kababaihan ay karaniwang nakikitang mas maliliit, mababagal,
at mahinhin kumpara sa mga kalalakihan. Dahil dito, may kaisipan na mas
mahinang kasarian ang babae.

3. Sikolohikal at Personal

AP Notes 5

You might also like