You are on page 1of 22

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO

GRADO 8
IKAAPAT NA MARKAHAN
ARALIN 4.1
Panitikan : Kaligirang Pangkasaysayan ng Florante at Laura
: Talambuhay ni Fransisco Baltazar
Wika : Antas ng Wika: Di-Pormal (Balbal, Kolokyal,
Banyaga)
Bilang ng Araw :4
Sesyon

MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO SA BAWAT DOMAIN


PAG-UNAWA SA NAPAKINGGAN (PN) (F8PN-IVa-b-33)
 Nahihinuha ang kahalagahan ng pag-aaral ng Florante at Laura
batay sa napakinggang mga pahiwatig sa akda.

PAG-UNAWA SA BINASA (PB) (F8PB-IVa-b-33)


 Natitiyak ang kaligirang pangkasaysayan ng akda sa
pamamagitan ng: - pagtukoy sa kalagayan ng lipunan sa
panahong
nasulat ito - pagtukoy sa layunin ng pagsulat ng akda
: pagsusuri sa epekto ng akda pagkatapos itong isulat

PAGLINANG NG TALASALITAAN (PT) (F8PT-IVa-b-33)


 Nabibigyang-kahulugan ang matatalinhagang pahayag sa binasa.

PANONOOD (PD) (F8PD-IVa-b-33)


 Napaghahambing ang mga pangyayari sa napanood na teleserye
at ang kaugnay na mga pangyayari sa binasang bahagi ng akda.

PAGSASALITA (PS) (F8PS-IVa-b-35)


 Naipahahayag ang sariling pananaw at damdamin sa ilang
pangyayari sa binasa.

PAGSULAT (PU) (F8PU-IVa-b-35)


Naibibigay ang sariling puna sa kahusayan ng may-akda sa
paggamit ng mga salita at pagpapakahulugan sa akda.

WIKA AT GRAMATIKA (WG) (F8WG-IVa-b-35)


 Nailalahad ang damdamin o saloobin ng may- akda, gamit ang
wika ng kabataan.

Ikaapat na Markahan | 1
TUKLASIN
I. LAYUNIN

PAG-UNAWA SA NAPAKINGGAN (PN) (F8PN-IVa-b-33)


 Nahihinuha ang kahalagahan ng pag-aaral ng Florante at Laura batay
sa napakinggang mga pahiwatig sa akda.

PAG-UNAWA SA BINASA (PB) (F8PB-IVa-b-33)


 Natitiyak ang kaligirang pangkasaysayan ng akda sa pamamagitan ng:
- pagtukoy sa kalagayan ng lipunan sa panahong nasulat ito -
pagtukoy sa layunin ng pagsulat ng akda : pagsusuri sa epekto
ng akda pagkatapos itong isulat

II. PAKSA

Panitikan : Kaligirang Pangkasaysayan ng Florante at Laura


: Talambuhay ni Francisco Baltazar
Kagamitan : Laptop, projector, makukulay na pantulong na
Biswal, aklat ng Florante at Laura
Sanggunian : Pinagyamang Pluma 8, Florante at
Laura Bilang ng Araw : 1 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO

1. Gawaing Rutinari
 Panalangin at Pagbati
 Pagtatala ng Liban
 Pagtse-tsek ng takdang Aralin
 Balik-aral

2. Presentasyon ng Aralin

Panitikan : Kaligirang Pangkasaysayan ng Florante at Laura


: Talambuhay ni Francisco

Baltazar Wika : Di Pormal na Antas ng Wika

Ikaapat na Markahan | 2
3. Pokus na Tanong
Mungkahing Estratehiya : Kanta-nong!
Isulat sa loob ng musical notes ang mga katanungang nais
mabigyang kasagutan tungkol sa mga ibinigay na mga araling
tatalakayin.

Pokus na Tanong ng Aralin 3.1


 Bakit isinulat ni Fransisco Baltazar ang Florante at Laura?
 Paano nakatutulong ang di-pormaltanongna antas ng wika sa pag-unawa
sa isang akda? tanong

tanong
tanong

AKTIBITI
4. Motibasyon
Mungkahing Estratehiya : AUTHOR CRASH
Hanapin ang mga magkatugmang pangalan ng sikat na mga
manunulat sa Pilipinas.

FRANCISCO LUALHATI AMADO

BAUTISTA BALTAZAR SEVERINO

REYES INIGO HERNNNDEZ

REGALADO DE JESUS JOSE CORAZON

SAGOT: Francisco Baltazar, Lualhati Bautista, Amado Hernandez,


Severino Reyes, Jose Corazon De Jesus, Inigo Regalado

Ikaapat na Markahan | 3
 Pag-uugnay ng gawain sa bagong aralin.
 Pagkilala sa May- Akda (Fransisco Baltazar).
ALAM MO BA NA…

Talambuhay ni Francisco “Balagtas” Baltazar


Isinilang si Francisco Baltazar noong ika 2 ng Abril, 1788 sa nayon
ng Panginay (Balagtas) Bigaa, Bulakan. Ang kanyang mga magulang ay
sina Juan Baltazar at Juana Dela Cruz. Ang pagmamahalan ng dalawang
ito ay nagbunga ng apat na supling, sina Felipe, Concha, Nicolasa, at
Kiko.

Nabibilang lamang sa maralitang angkan ang mag – anak na


Baltazar. Ang kanyang ama ay isang panday at ang kanyang ina ay isang
karaniwang maybahay. Si Kiko ay pumasok sa kumbento ng kanilang
kabayanan sa ilalim ng pamamatnubay ng kura – paroko at ditto ay
natutuhan niya ang Caton, misterio, kartilya at Catecismo.

Ang pandayan ng kanyang ama ay ginagawang tagpuan ng mga


kanayon at dito ay naririnig ni Kiko ang mga usapan at pagtatalo tungkol
sa sakit ng lipunang umiiral noon. Malaki ang nagawa nito sa kanyang
murang isipan. Palibhasa’y may ambisyon sa buhay, inakalang hindi sapat
ang natutuhan sa kanilang bayan kayat umisip ng paraan kung paano siya
makaluluwas ng Maynila upang makapagpatuloy ng pag – aaral. Ayon sa
kanyang ama mayroon silang malayong kamag – anak na mayaman, na
naninirahan sa Tundo at maaari siyang pumasok dito bilang utusan.

Nagustuhan naman ang paglilingkod ni Kiko sa kanyang amo kaya


pinayagan siyang makapag – aral. Nagpatala siya sa Colegio de San Jose
na noon ay pinamamahalaan ng mga Hesuwitas. Dito’y natutuhan niya
ang Gramatika, Latin at Kastila, Fiska, Geografia at Doctrina Cristiana.
Noong 1812 ay ipinagpatuloy niya ang kanyang pag – aaral sa Colegio de
San Juan de Letran at dito’y natapos niya ang mga karunungang
Teolohiya, Filosofia at Humanidades. Naging guro niya si Padre Mariano
Pilapil, ang may – akda ng Pasyong Mahal.

Naging tanyag si Kiko sa purok ng Tundo, Maynila sapagkat


sumusulat siya ng tula at itinuturing na mahusay na makata. Sa
Gagalangin, Tundo ay nakilala niya ang isang dalagang nagngangalang
Magdalena Ana Ramos at ito’y napagukulan niya ng paghanga. Noong
panahong iyon ay may isang tagaayos ng tula, si Jose dela Cruz na lalong
kilala sa tawag na Huseng Sisiw sapagkat kung walang dalang sisiw ay
hindi niya inaayos at pinag – uukulan ng pansin ang tulang ipinaaayos ng
sinuman. Isang araw ay may dala – dalang tula si Kiko upang ipaayos kay
Huseng Sisiw at sa dahilang walang dalang sisiw ay hindi ito inayos ni
Jose. Umuwi si Kikong masamang – masama ang loob kayat simula noon
ay hindi na siya humingi ng tulong sa makata ng Tundo.

Ikaapat na Markahan | 4
Noong taong 1853, lumipat siya sa Pandacan at doon niya nakilala
si Maria Asuncion Rivera. Sa kabila ng mga paalaala at payo ng mga
kakilala at kaibigan na magiging mahirap para sa kanya ang pamimintuho
sa dalaga sapagkat magiging karibal niya si Mariano Kapule, isang
mayaman at makapangyarihan sa pook na iyon, subalit winalang – bahala
ang mga paalalang ito, Hindi siya tumugot hanggang hindi nakadaupang –
palad si Maria at hindi nga nagtagal at naging magkasintahan ang dalawa.

Palibhasa’y mayaman ginamit ni Nano ang taginting ng salapi


upang mapabilanggo si Kiko. Nagtagumpay naman ito. Sa loob ng
bilangguan ay nagdadalamhati si Kiko at lalo itong nalubos ng mabalitaan
niyang ikinasal na ang pinag – uukulan niya ng wagas na pag – ibig at si
Nano. Maraming nagsasabing sa loob ng bilangguan niya isinulat ang
walang kamatayang Florante at Laura at buong puso niya itong inihandog
kay Selya.

Pagkalabas niya sa bilangguan noong 1838 ay minabuti niyang


lumipat sa ibang tirahan upang di na magunita ang alaala ni Selya kaya
ang alok na puwesto sa Udyong, Bataan ay buong puso niyang tinanggap.
Muling tumibok ang kanyang puso ng makilala niya si Juana Tiambeng,
isang anak na mayaman na naging kabiyak niya. Nagkaroon sila ng labing
– isang supling, limang lalaki at anim na babae sa loob ng labing – siyam
na taong pagsasama nila. Pito ang namatay noong mga bata pa at sa apat
na nabuhay isa lamang ang nagmana kay Balagtas.

Dahil sa may mataas na pinag – aralan si Kiko kaya humawak siya


ng mataas na tungkulin sa Bataan – naging tagapagsalin, tinyente mayor
at huwes mayor de Semantera.
Mainam –inam na sana ang buhay ng mag – anak ngunit
nagkaroon na naman ng isang usapan tungkol sa pagkakaputol niya ng
buhok sa isang utusan ng isang mayamang si Alfarez Lucas. Sa
pagkakataong ito, namayani na naman ang lakas ng salapi laban sa lakas
ng katwiran kaya napiit siya sa Bataan at pagkatapos ay inilipat sa piitan
ng Maynila. Nang siyay makalaya, bumalik siya sa Udyong at dito nagsulat
ng awit, komedya at namatnugot sa pagtatanghal ng dulang Moro – moro
na siya niyang ibinuhay sa kanyang pamilya.

Noong ika – 20 ng Pebrero, 1862 si Kiko ay namatay sa Udyong


Bataan sa gulang na 74 na taon.

Sanggunian: http://sulyapsayaman.blogspot.com/2007/10/talambuhay-ni-francisco-
baltazar.html

 Pagbasa sa teksto “Kaligirang Pangkasaysayan


ng Florante at Laura.”

Ikaapat na Markahan | 5
Ang Kaligirang Pangkasaysayan ng Florante at Laura
Ang Florante at Laura ay isinulat ni Francisco “Balagtas” Baltazar
noong 1838, panahon ng pananakop ng mga Espanyol sa bansa. Sa
panahong ito, mahigpit na ipinatupad na sensura kaya’t ipinagbawal ang
mga babasahin at palabras na tumutuligsa sa pagmamalabis at kalupitan
ng mga Espanyol. Dahil sa pagkontrol ng mga Espanyol, ang mga aklat na
nalimbag sa panahong ito ay karaniwang patungkol sa relihiyon o di kayaý
sa paglalaban ng mga Moro at Kristiyano na tinatawag ding komedya o
moro-moro, gayundin ng mga diksyunaryo at aklat-panggramatika.
Ang relihiyon at ang paglalaban ng mga Moro at Kristiyano ay siya
ring temang ginamit ni balagtas sa kanyang awit bagama’t naiugnay niya
ito sa pag-iibigan nina Florante at Laura. Ito ang dahilan kaya
nagtagumpay siyang mailusot ang awit sa mahigpit na sensura ng mga
Espanyol. Gumamit siya ng alegorya kung saan masasalamin ang mga
nakatagong mensahe at simbolong kakikitaan ng pagtuligsa sa
pagmamalabis at kalupitan ng mga Espanyol gayundin ng pailalim na diwa
ng nasyonalismo. Ang mga tauhan at mga pangyayaring nagdulot ng
kaawa-awang kalagayan sa kaharian ng Albanya ay kasasalaminan ng
mga naganap na kaliluan, kalupitan, at kawalang katarungan sa Pilipinas
sa ilalim ng pamamahala ng mga Espanyol. Masasalamin din sa akda ang
tinutukoy ni Lope K. Santos na “apat na himagsik” na naghari sa puso at
isipan ni Balagtas. (1) ang himagsik laban sa malupit na pamahalaan; (2)
ang himagsik laban sa hidwaang pananampalataya; (3) ang himagsik
laban sa mga maling kaugalian; (4) ang himagsik sa mababang uri ng
panitikan. Ang Florante at Laura ay itinuturing na isang obra-maestra ng
panitikang Pilipino at sinasabing nagbukas ng landas para sa panulaang
Tagalog noong ika-19 na dantaon. Isinulat niya kasi ang kaniyang akda sa
wikang Tagalog sa panahong ang karamihan sa mga Pilipinong manunulat
ay nagsisulat sa wikang Espanyol. Ang awit ay inalay ni Balagtas kay
“Selya” o Maria Asuncion Rivera, ang babaeng minahal niya nang labis at
pinagmulan ng kanyang pinakamalaking kabiguan.sinasabing isinulat niya
ito sa loob ng selda kung saan siya nakulong dahil sa maling paratang na
pakana ng mayamang karibal na si Nano Kapule. Ang malabis na sakit,
kabiguan, kaapihan, himagsik, at kawalang katarungang naranasan ni Kiko
sa lipunang kanyang ginagalawan ay siyang nagtulak sa kanya upang
likhain ang walang kamatayang Florante at Laura. Ang awit ang nagsilbing
gabay at nagturo sa mga Pilipino ng maraming bagay. Ito ay naglalaman
ng mahahalagang aral sa buhay tulad ng wastong pagpapalaki sa anak,
pagiging mabuting magulang, pagmamahal at pagmamalasakit sa bayan,
pag-iingat laban sa mga taong mapagpanggap o mapagkunwari at
makasarili, gayundin ang pagpapaalaala sa madla na maging maingat sa
pagpili ng pinuno sapagkat napakalaki ng panganib na dulot sa bayan ng
pinunong sakim at mapaghangad sa yaman. Ipinakita rin sa akda ang
kahalagahan ng pagtulong sa kapwa maging doon ay sa may
magkakaibang relihiyon tulad ng mga Muslim at Kristiyano.

Ikaapat na Markahan | 6
Binigyang-halaga rin sa akda ang taglay na lakas ng kababaihan
sa katauhan ni Flerida, isang babaeng Muslim na sa halip na sumunod
lang sa makapangyarihang kalalakihan ay piniling tumakas mula sa
mapaniil sa Sultan upang hanapin ang kaniyang kasintahan at siya pang
pumutol sa kasamaan ng buhong na si Adolfo. Ang akda ay gumabay
hindi lamang sa mga pangkaraniwang tao kundi gayundin sa mga
bayaning nagmulat sa diwang makabayan ng mga Pilipino. Sinasabing si
Jose Rizal ay nagdala ng kopya ng Florante at Laura habang siya’y
naglalakbay sa Europa at naging inspirasyon niya sa pagsulat ng Noli Me
Tangere. Sinasabi ring maging si Apolinario Mabini ay sumipi sa
pamamagitan ng sarili niyang sulat-kamay ng kopya ng awit habang siya
ay nasa Guam noong 1901. Bagama’t napakatagal nang panahon mula
nang isulat ni Balagtas ang awit ay hindi mapapasubaliang ang mga aral
na taglay nitong gumabay sa ating mga ninuno at mga bayani ay
nananatiling makabuluhan, angkop, at makagagabay pa rin sa mga
Pilipino hanggang sa kasalukuyang panahon
.

ANALISIS

1. Batay sa binasang teksto, magbigay ng inyong hinuha kung


bakit mahalagang pag-aralan ang Florante at Laura?

2. Ilahad ang kalagayahan ng bansa sa panahong isinulat


ang Florante at Laura?

3. Nagkaroon nga kaya ng impluwensya ang Florante at Laura sa


mga nangyaring pag-alsa ng mga Filipino laban sa mga Espanyol?
Patunayan sa pamamagitan ng mga naging aksyon ng mga
Filipino noong panahong iyon.

4. Ano ang naging layunin ni Francisco Baltazar kung bakit


niya isinulat ang awit na Florante at Laura?

 Pagbibigay ng Input ng Guro

ALAM MO BA NA…

ANG FLORANTE AT
LAURA
Ang Florante at Laura ay isang obra maestra ni Francisco
Baltazar, na kilala rin bilang Balagtas. Itinuturing ito bilang isa sa mga
pinaka-maimpluwensiyang tulang naisulat sa Pilipinas.

Ikaapat na Markahan | 7
Ang pamagat ng "Florante at Laura" ay isang pagdadaglat ng aktuwal
na pamagat ng tula. Ito ay may titulong Pinagdaanang búhay ni Florante
at ni Laura sa kahariáng Albanya: Kinuhà sa madláng cuadro histórico o
pinturang nagsasabi sa mg̃á nangyari nang unang panahón sa imperyo
ng̃ Gresya, at tinulâ ng̃ isáng matuwaín sa bersong Tagálog.
Ang Florante at Laura ay sinasabing resulta ng pagkabigo ni Baltazar
sa pag-ibig matapos mawala sa kaniya ang babaeng kaniyang iniibig
nang lubos, si Maria Asuncion Rivera sa isang mayaman at
makapangyarihang lalake na si Mariano Capule. Si Rivera ay umano ang
babaeng tinutukoy ni Baltazar bilang “Celia” at MAR sa kaniyang tula.
Ang Florante at Laura ay isinulat din upang isalarawan ang sitwasyon ng
bansa sa ilalim ng pamamahala ng mga Kastila. Ipinakikita ng tula na
hindi dapat gamitin ang pagkakaiba ng relihiyon para diskriminahin ang
isa’t isa. Ang Florante at Laura ay itinuturing na awit ngunit patula ang
anyo. Ito ay mayroong 399 na saknong at nakasulat sa isang makatang
paraan na may mga sumusunod na katangian: (1) Mayroong apat na
linya bawat saknong (2)Mayroong 12 pantig bawat linya (3)Ang tugma
nito ay AAAA (4)Mayroong sandaling pagtigil sa ika-anim na pantig
(5)Bawat saknong ay kumpleto at tama sa gramatikong pangungusap
(6)Ang bawat saknong ay puno ng talinghaga.

ABSTRAKSYON

Mungkahing Estratehiya : Picto-cept


Gamit ang mga larawan sa ibaba, bumuo ng konsepto ng araling
tinalakay.

Pagsagot sa pokus na tanong: Ang Florante at Laura ay isinulat ni


Francisco Baltazar upang isalarawan ang sitwasyon ng bansang
Pilipinas sa ilalim ng malupit na pamamahala ng mga Kastila.

Ikaapat na Markahan | 8
APLIKASYON

Suriin ang naging epekto sa iyo ng akda sa pamamagitan ng


pagguhit ng kalagayan ng ating lipunan sa kasalukuyan. Kung ikaw
ay magiging si Balagtas, anong pamagat ng isang akda ang iyong
isusulat?

IV. KASUNDUAN

1. Paghambingin ang kalagayan ng lipunan noon at ngayon.

A B
Pilipinas noong Panahon ng Kastila
A&B Pilipinas
ngayon

2. Basahin ang mga unang kabanata ng Florante at Laura, humanda


sa talakayan sa klase.

Ikaapat na Markahan | 9
LINANGIN
I. LAYUNIN

PANONOOD (PD) (F8PD-IVa-b-33)


 Napaghahambing ang mga pangyayari sa napanood na teleserye at
ang kaugnay na mga pangyayari sa binasang bahagi ng akda.

PAGSASALITA (PS) (F8PS-IVa-b-35)


 Naipahahayag ang sariling pananaw at damdamin sa ilang pangyayari
sa binasa.

II. PAKSA

Panitikan : Kaligirang Pangkasaysayan ng Florante at Laura


: Talambuhay ni Francisco Baltazar
Kagamitan : Laptop, projector, makukulay na pantulong na
Biswal, aklat ng Florante at Laura
Sanggunian : Pinagyamang Pluma 8, Florante at
Laura Bilang ng Araw : 1 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO

1. Gawaing Rutinari
 Panalangin at Pagbati
 Pagtatala ng Liban
 Pagtse-tsek ng takdang Aralin
 Balik-aral

2. Presentasyon ng Aralin
Panitikan : Kaligirang Pangkasaysayan ng Florante at
Laura Wika : Di Pormal na Antas ng Wika

AKTIBITI
3. Motibasyon
Mungkahing Estratehiya : MOVIE MARATHON
Panonood ng teleserye na may kaugnayan ang pangyayari sa mga
naganap bago naisulat ang Florante at Laura.

 Pag-uugnay ng naunang gawain sa aralin.


 Pagpapanood ng isang teleserye/ movie clip – “Tirad Pass”

Ikaapat na Markahan |
 Pangkatang Gawain

1 Mungkahing Estratehiya
Balagtasan 2 Mungkahing Estratehiya
Komentaryong Panradyo
Paghambingin ang mga pangyayari
sa napanood na pelikulang “Tirad Ipahayag ang sariling pananaw
Pass” sa mga pangyayari bago sa ilang pangyayari bago
naisulat ang Florante at Laura. naisulat ni Balagtas ang
Florante at Laura.

3
Mungkahing Estratehiya
Mock Trial
4 Mungkahing Estratehiya
Ibigay ang iyong damdamin sa Ad-Vice Ganda!
ilang pangyayari sa napanood Suriin kung alin sa Florante at
na teleserye/pelikula bago Laura at teleseryeng
naisulat ang Florante at Laura. napanood ang mas angkop sa
kabataan.

RUBRIKS SA PANGKATANG GAWAIN


BATAYAN Napakahusay Mahusay Di-gaanong Nangangailanga
Mahusay n ng
Pagpapabuti
Nilalaman Lubos na Naipahatid Di-gaanong Di naiparating
at Organisasyon ng naipahatid ang nilalaman naiparating ang nilalaman o
mga Kaisipan o ang nilalaman o kaisipan na ang nilalaman kaisipan na nais
Mensahe o kaisipan na nais iparating o kaisipan na iparating sa
(4) nais iparating sa manonood nais iparating manonood (1)
sa manonood (3) sa manonood
(4) (2)
Istilo/Pagkamalikhain Lubos na Kinakitaan ng Di-gaanong Di kinakitaan ng
(3) kinakitaan ng kasiningan kinakitaan ng kasiningan ang
kasiningan ang kasiningan pamamaraang
ang pamamaraang ang ginamit ng
pamamaraang ginamit ng pamamaraang pangkat sa
ginamit ng pangkat sa ginamit ng presentasyon
pangkat sa presentasyon pangkat sa (0)
presentasyon (2) presentasyon
(3) (1)
Kaisahan ng Lubos na Nagpamalas Di-gaanong Di nagpamalas
Pangkat o nagpamalas ng pagkakaisa nagpamalas ng pagkakaisa
Kooperasyon ng pagkakaisa ang bawat ng pagkakaisa ang bawat
(3) ang bawat miyembro sa ang bawat miyembro sa
miyembro sa kanilang miyembro sa kanilang gawain
kanilang gawain (2) kanilang (0)
gawain (3) gawain (1)

 Presentasyon ng bawat pangkat.


 Pagbibigay ng feedback ng guro at mag-aaral.

Ikaapat na Markahan | 11
 Pagbibigay ng iskor at pagkilala sa natatanging pangkat na
nagpakita ng kahusayan sa ginawang pangkatan batay sa
rubriks na ibinigay ng guro.

ANALISIS

1. Batay sa iyong napanood, nangyayari pa ba sa kasalukuyan


ang ilang pangyayari sa bansa? Magbigay ng mga patunay.

2. Naging mabisa ba ang pagbabasa ng aklat o panonood ng


teleserye sa paghubog ng kamalayan ng mga Filipino noon
at ngayon? Ipaliwanag.

3. Sa mga kaganapan sa kasalukuyan, ano ang iyong nais


mabago sa bansa?

 Pagbibigay ng input ng guro sa popular na panitikan.

ALAM MO BA NA…
ABSTRAKSYON
Malaki ang nagagawa ng panonood ng teleserye sa buhay ng tao sa
paghubog ng katauhan
Mungkahing at pagbabago
Estratehiya ng buhay ng tao. Nagsisilbing
: VENN DIAGRAM
gabay
Sa at pamantayan
tulong upang
ng diagram, matuto
ibigay tayongo gumawa
ang lagom ng mabuti
pangkalahatang at
konsepto
umiwas sa masamang
ng akdang gawain.
tinalakay.

A B
Pangyayari Pangyayari noong kinatha ang Florante at Laura
saA & B
kasalukuyan

APLIKASYON

Mungkahing Estratehiya : SLOGAN


Bumuo ng slogan na nagsasaad ng kahalagahan ng pag-aaral ng
Florante at Laura.

Ikaapat na Markahan |
Sa paghubog ng kamalayan Ng mga Filipino ugaliing Magbasa ng Fl

RUBRIKS SA PAGTATAYA NG SLOGAN


Orihinalidad 2 puntos
Kaangkupan sa Paksa 3 puntos
Binubuo ng 7 salitang may kahulugan 3 puntos
Wastong gamit ng mga salita 2 puntos

EBALWASYON

Panuto : Sagutin ang mga katanungan. Piliin at isulat ang letra


ng tamang sagot.

1. Ang pagbabasa ng Florante at Laura ay ipinagbabawal ng mga


Espanyol sa dahilang malalaman ng mga mamayang Pilipino ang
pagmamalupit ng mga Kastila. Ang damdaming namayani sa
pahayag ay:
a. masaya
b. malungkot
c. galit
d. panunumbat

2. Sa larangan ng pag-ibig malaki pa rin ang agwat ng mayaman at


mahirap at patuloy pa ring nangyayari sa kasalukuyan katulad ng
nangyaring pagpapakulong ni Nanong Kapule sa karibal na si
Balagtas kahit wala siyang kasalanan. Ang pangyayaring ito ay
maihahambing natin sa teleseryeng _ .
a. Till I Met You
b. Magpahanggang Wakas
c. The Greatest of Love
d. Doble Kara

3. Maraming nakukulong na di nabibigyang katarungan dahil sa


kawalan ng salapi sa pambayad ng abogado. Ang aking pananaw
sa pahayag ay _ .
a. Kakulangan sa kaalaman o edukasyon
b. Walang malapitang kakilala sa hustisya
c. Walang kakayahang ipagtanggol ang sarili
d. Lahat ng nabanggit

Ikaapat na Markahan | 13
4. Bilang isang mag-aaral, ang posibleng naramdaman mo sa pag-
aaway-away ng mga Muslim at Kristiyano dahil sa pagkakaiba ng
kanilang paniniwala at relihiyon.
a. Masaya dahil naipaglalaban ang sariling paniniwala
at relihiyon.
b. Malungkot sapagkat hindi na lamang magbigay respeto
ang bawat isa.
c. Walang reaksyon sa kadahilanang hindi ka Muslim
o Kristiyano.
d. Lahat ay katanggap tanggap na dahilan.

5. Si Balagtas ay hindi nabigyang katuparan ang kanyang unang pag-


ibig dahil sa siya ay mahirap lamang. Alin sa mga sumusunod na
pangyayari sa teleserye ang kahalintulad ng pangyayaring ito?
a. Paghuli ni Cardo sa mga salarin sa droga.
b. Pagbabalikan nina Clark at Leah matapos ang
pagtatrabaho sa Amerika.
c. Pagkahulog ng kalooban ni Baste kay Irish.
d. Kailangang lumayo ni Yna kay Angelo sapagkat hindi
siya nababagay sa estado niya sa buhay.

SUSI SA PAGWAWASTO

1.B 2.B 3.C 4.D 5.D


INDEX OF MASTERY
Seksyon Bilang ng Mag-aaral Indeks

IV. KASUNDUAN

1. Mangolekta ng mga larawan o news clippings tungkol sa


pamumuhay ng panahon ng Kastila.
2. Ano-ano ang wikang ginagamit ng mga kabataang tulad mo? Itala
sa kwaderno ang mga salitang ito.

Ikaapat na Markahan |
PAUNLARIN
I. LAYUNIN

WIKA AT GRAMATIKA (WG) (F8WG-IVa-b-35)


 Nailalahad ang damdamin o saloobin gamit ang wika ng kabataan.

II. PAKSA

Wika : Antas ng Wika – Di Pormal (Balbal, Kolokyal,


Banyaga)
Kagamitan : Pantulong na biswal, mga larawan mula sa google
Sanggunian : Pinagyamang Pluma 8 Alma M. Dayag et. al.
Bilang ng Araw: 2 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO

1. Gawaing Rutinari

 Panalangin at Pagbati
 Pagtatala ng Liban
 Pagtse-tsek ng takdang Aralin
 Balik-aral

2. Presentasyon ng Aralin

ANTAS NG WIKA – Di Pormal

AKTIBITI
3. Motibasyon
Mungkahing Estratehiya: G. BALAGTAS 2016
Kung ikaw si G. Balagtas ng makabagong panahon, ano ang
iyong damdamin o saloobin tungkol sa mga kabataan ngayon. Ano
ang sasabihin o magiging payo mo para sa kanila?

 Pag-uugnay ng naunang gawain sa aralin (popular na panitikan)

 Pagbasa ng lunsarang teksto

Ikaapat na Markahan | 15
SA PINAS PA
DIN!

May mga Pinoy na kahit na bigyan ng pagkakataon na manirahan


sa abroad ay pinipili pa ring manirahan sa Pilipinas. Itinuturing niyang
tahanan kung saan ay nabubuhay siya nang maligaya at payapa
sapagkat para sa kaniya ay wala ng hihigit p asa lupang tinubuan.
Gabby: Paula totoo bang sa Amerika ka na mag-aaral sa susunod
na taon?
Paula : Dehins na yun matutuloy besh. Hindi ko kayang gumora
dun para ipagpalit lang ang Pinas sa Amerika.
Gabby: Trulalu? Super windang pa naman ang ating mga mars.
Akala nila ay lilipad ka na sa US.
Paula : Naku, di ko kering iwan ang mga jologs Kong frendz and
family besh. Isa pa, love ko na din ang Pinas, walang
makakapantay s asa ating bansa pati na din sa mga
teachers naten!
Gabby: Idol n talaga kita. Sana ay dumami pa ang mga katulad mo
na di masilaw sa datung at mas win pa din ang Pinas kesa
sa ibang maunlad na bansa. Apir!
ANALISIS

1. Naging mabisa ba ang paggamit ng wika ng manunulat


upang maipahayag ang kanyang damdamin at saloobin?
2. Pansinin ang mga salitang may salungguhit, anong antas ng
wika ang ginamit sa teksto?
3. Mahalaga ba ang paggamit ng pormal na antas ng wika sa
pasalita at pasulat na komunikasyon?

 Pagbibigay ng Input ng Guro

ALAM MO BA NA…

Mga Salitang Ginagamit Sa Impormal Na


Komunikasyon
Ang mga salitang karaniwan at palasak na ginagamit sa mga pang-
araw-araw na pakikipag-usap at pakikipagsulatan sa mga kakilala at
kaibigan ay kabilang sa mga impormal na salita.
1. Balbal (slang)- ang mga salitang ito ay tinatawag sa Ingles na
slang. Ang mga salitang ito noong una ay hindi tinatanggap ng
matatanda at mga may pinag-aralan dahil hindi raw magandang
pakinggan. Ang mga salitang balbal ay tinatawag ding salitang
kanto o salitang kalye.

Ikaapat na Markahan |
Halimbawa:
Erpat Tsikot Sikyo
- Lispu
tatayYosi
kotse
- security guard pulis
- sigarilyo
-
-

2. Kolokyal (colloquial)- ito ay mga salitang ginagamit sa pang- araw-


araw na pakikipagtalastasan ngunit may kagaspangan at pagkabul- gar, bagama't
ang nagsasalita.

Halimbawa: Pormal Kolokyal ewan pista nasan


Aywan Piyesta Nasaan

ABSTRAKSYON

Mungkahing Estratehiya : AKROSTIK


Bumuo ng konsepto ng araling tinalakay sa pamamagitan ng Akrostik ng
salitang Wika.

W _

I _

K _

A _

APLIKASYON
Pagsagot sa Pokus na Tanong Blg. 2. Nakatutulong ang paggamit ng
Ginabayang
WIKANG Pagsasanay
DI PORMAL sa pag-unawa sa IBA’T IBANG genre ng panitikan
sa pamamagitan ng paggamit ng mga salitang napapanahon at mga
salitang walang KATUMBAS sa wikang Filipino at akdang pampanitikan.

Ikaapat na Markahan | 17
Mungkahing Estratehiya : ON MY OWN
Maglahad ng sariling damdamin o saloobin sa kalagayan ng Pilipinas sa
kasalukuyan gamit ang mga sumusunod na wika ng kabataan:
a. Gora b. ewan c. keri
d. Datung e. dutertards/yellowtards

Malayang Pagsasanay
Mungkahing Estratehiya : MIMICRY
Gayahin ang mga pangyayari sa kasaysayan ng Pilipinas na may
kaugnayan sa pagkakasulat ng Florante at Laura gamit ang wika ng
kabataan.

EBALWASYON

Mungkahing Estratehiya : DEBATE


Ilahad ang damdamin o saloobin gamit ang wika ng kabataan sa
alimanan sa mapipiling isyu sa ibaba:
a. Pagsali ng lahat ng paaralan sa Lungsod ng Batangas sa
Patimpalak sa Sublian Festival.
b. Pagtangkilik sa sariling produktong Kapeng Barako kesa sa
3-in-1 coffee sa merkado.
c. Pagbibigay ng discount sa mga Batangueño sa mga pook
pasyalang sakop ng lalawigan tulad ng La Virginia sa Lipa,
Taal Volcano, at iba pa.

RUBRIKS SA PAGTATAYA NG DEBATE


Orihinalidad 2 puntos
May kaugnayan sa paksa ang mga 3 puntos
inilalahad na katwiran
Nailahad nang maayos ang 2 puntos
damdamin at saloobin
Gumamit ng wika ng kabataan (di- 3 puntos
pormal na antas ng wika)
KABUUAN 10 puntos

INDEX OF MASTERY
Seksyon Bilang ng Mag-aaral Indeks

IV. KASUNDUAN

1. Tumbasan ng impormal na salita ang mga sumusunod na salita:

Ikaapat na Markahan |
a. Tara na!
b. Natataranta
c. Umalis
d. mabagal
e. magarbo

2. Magdala ng puting papel at magsaliksik kung paano sumulat ng


mabisang sanaysay. Humanda sa pagsulat ng awtput.

ILIPAT

Ikaapat na Markahan | 19
I. LAYUNIN

PAGSULAT (PU) (F8PU-IVi-j-40)


 Naibibigay ang sariling puna sa kahusayan ng may-akda sa
paggamit ng mga salita at pagpapakahulugan sa akda.

II. PAKSA

Pagsulat ng Awtput 4.1


Kagamitan : Pantulong na biswals, mga larawan mula sa
google
Sanggunian : Pinagyamang Pluma 8 Elma M. Dayag et. al.,
Florante at
Laura Bilang ng Araw : 1 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO

1. Gawaing Rutinari
 Panalangin at Pagbati
 Pagtatala ng Liban
 Pagpapasa ng Takdang Aralin
 Balik-aral

AKTIBITI
2. Motibasyon
Mungkahing Estratehiya : SAMPLE KO, SHOW KO!
Pagpapanood ng isang halimbawang dulang pantanghalan.
 Pag-uugnay sa aralin.
 Pangkatang gawain

1&2 3&4
Mungkahing Estratehiya: Mungkahing Estratehiya:
TALK SHOW LARAWANG GUHIT
Magbigay
ay ng sariling puna sa kahusayan ng may-akda ng sariling
sa paggamit ng pagpapakahulugan
mga salita sa napanood na akda.

 Pag-uugnay sa susunod na gawain.

 Pagbibigay ng input at halimbawa ng guro sa pagsasagawa ng


isang radio broadcasting.

Ikaapat na Markahan |
 Pagtalakay sa Awtput sa tulong ng GRASPS

G R A SP S

IkawRayOnaatasang
LLE magsuri ng isang
Naibibigay akdang
ang sariling puna sa kahusayan ng
G O A
pampanitikan. (Dulang Pantanghalan)
may akda sa paggamit ng mga salita at
pagpapakahulugan.

A U DMga
I E NPamantayan
CE Mga guro at kapwa kamag-aaral.
5 4 3 2 1
S T
Magkakaugnay ang mga
pangungusap na ginamit sa
Ikaw ay nakuhang hurado sa ginanap na
Ssanaysay.
ITUATIO
pagtatanghal na dula sa himnasyo ng inyong
NNagpapahayag ng sariling
paaralan.
palagay o puna tungkol sa
wika at kahulugan ng akda.
Taglay ang katangian ngSanaysay na nagbibigay puna.
P R O DU C T
isang talatang nagbibigay ng
sariling puna.

LEYENDA
5 – Napakahusay 2 – Di-
4 – Mahusay mahusay 1 –
3 – Katamtamang Husay Sadyang di-
mahusay
A N D AR D

 Pagkuha ng mga awtput na ginawa ng bawat mag-aaral.

Pagtatanghal ng monologo ng ilang mag-aaral na


kinakitaan ng magandang iskrip.
IV. K A S U N D U A N
Ikaapat na Markahan | 21
1. Paano nakatutulong ang radio broadcast sa isang
kabataang katulad mo?

2. Magdala ng mga larawan ng paborito mong artista. Humanda sa


aktibiti tungkol sa kanila.

Ikaapat na Markahan |

You might also like